IV. His Disease
Lumipas ang mga araw at nalaman na ang sakit nya.
"He has poliomyelitis; its an infectious disease caused by the poliovirus. There is muscle weakness resulting in an inability to move," wika ng doktor kay Manager Kim at Cina. Hindi makapaniwala ang dalawa sa mga narinig nila mula sa doktor. "Namamaga ang kaliwang binti nya at ang buto nito ay unti unting nasisira," dugtong pa nito na mas lalong nagpatahimik sa dalawa.
"Poliomyelitis?" pagkaklaro ni Cina.
"May gamot ba? Sabihin mo sa 'kin. Magagamot pa ba siya?" tanong ni Manager Kim.
"There is no cure for polio. The focus of modern treatment has been on providing relief of symptoms, speeding recovery and preventing complications. I'm very sorry,"
****
"Wala ba kayong balak sabihin sa akin ang sakit ko? Hihintayin niyo pa ba munang mamatay ako?" wika ni Dino.
"D-dino naman,"
"Polio.." sambit ni Manager Kim. Ngumiti ang binata, ngiting hindi makapaniwala.
"P-polio? Mapuputol ba ang paa ko? Ha?"
"Imposible na akong gumaling? Ganun ba?" tanong pa nito.
Hindi sumasagot ang dalawa.
Ayaw nilang ipamukha sa binata ang sakit niya.
"Hindi na ako makakasayaw diba? Wala na 'di ba? Wala na akong pag asa! Sira na ang pangarap ko! Paano na 'to?"
Gusto man nyang itadyak ang paa n'ya dahil sa inis ay hindi n'ya magawa. Nananakit pa rin ang binti n'ya.
"Ang sabi ng doktor---"
"Hindi na ako magagamot? Huh. Nakakatawa naman."
Ilang araw ang lumipas ay nailabas na s'ya sa hospital. Nakasaklay s'ya habang naglalakad. Bakas ang lungkot sa mukha ng binata. Hindi nya maatim ang nangyari sa kan'yang paa. Hindi pa ito pinuputol dahil hindi n'ya matanggap at hindi n'ya kaya.
Bumungad sa kan'ya ang studio kung saan madalas silang nag eensayo ng kanilang sayaw.
"Paano na ang kumpetisyon sa isang taon? Paano ko maipepresinta ang bansa kung ganito ako?" sabi n'ya sa kan'yang sarili.
Nilampasan na lamang n'ya ang kwartong iyon at demeretso sa sala.
Nakita nya si Cina na may dalang maleta. Tila ba aalis ito.
"Saan ka pupunta?" tanong nito sa dalaga.
"Hindi pa ba halata? Aalis na ako."
"Bakit ka aalis?"
"Hindi ka na pwedeng sumayaw dahil sa nangyari sa 'yo. Nakahanap na ng bagong ipapartner sa akin ang bago kong manager. Alam mo namang gustong gusto at pangarap kong ipresinta ang bansa diba? Kaya gagawin ko ito kahit wala ka," Tila ba lumalabas ang tunay na kulay ng dalaga. Ang dating mabait ay naging makasarili.
Ngumiti lang ang binata.
"Alam ko, wala na naman akong silbi kaya mabuti pa ngang iwan mo na ako. Iwan mo na ang taong nag turo sayo kung paano sumayaw," sambit ng lalaki.
"Aalis na ako," sambit ng dalaga at nagsimula ng maglakad.
"Sa oras na umalis ka, wala ka ng babalikan pa," bulong ng binata na tama lang para marinig ng dalaga.
"Wag kang mag alala. Hinding hindi na ako babalik," Tuluyan nang nilisan ng dalaga ang lugar na iyon. Naiwan ang lalaki sa sopa habang nakaupo. Pilit nyang iniisip kung ano bang nagawa niya at naging kasalanan niya para bigyan siya ng ganoong karamdaman.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top