III. Symptoms
Sa iisang bahay lamang sila nakatira. Magkatabi ang kwarto ni Dino at Cina katapat ang kwarto ng manager nila.
Si Cina ay mahimbing nang natutulog. Ganun din si Manager Kim. Si Dino naman ay tahimik na iniinda ang kirot ng kaliwa n'yang binti.
Hindi mapakali ang binata dahil sa sakit. Hindi s'ya makatulog dahil rito. Nakaramdam s'ya ng pagkauhaw kaya pinilit n'yang tumayo para kumuha ng tubig. Hindi n'ya namalayan na buong tubig sa pitsel ay nainom na n'ya.
Binalik n'ya ang pitsel sa loob ng ref. at naglakad pabalik sa kwarto niya. Binalot niya ang sarili niya sa kaniyang kumot at pumikit.
Kinabukasan ay agad tinawag ni Cina si Dino para kumain ng agahan na nakagawian na. Pinuntahan n'ya ito sa kwarto.
"Dino, gising na. Kakain na tayo," pagyaya ng dalaga.
"Dino, gumising ka na d'yan! Daliiii!"
"Ano ba Cina? Natutulog pa ako," sagot ng binata.
"Kakain na kasi tayo, ano ka ba?"
"Mauna na kayo. Susunod na lang ako."
Tila nanibago ang dalaga sa binata. Madalas kasi, isang gising lang niya rito ay tatayo na ito at uunahan siya sa pagpunta sa kusina para kumain.
"Okay ka lang ba Dino? May nararamdaman ka ba?"
"Wala---Araaaay!!!" Nagulat si Cina sa pagsigaw ni Dino. Hindi kasi sinasadyang nahawakan nito ang binti ng binata.
"S-sorry p-pero bakit ang init mo? Parang may lagnat ka," nag-aalalang wika ni Cina. Dumating na rin si Manager Kim sa kwarto dahil narinig n'ya ang pagsigaw ni Dino kanina.
"Anong nangyari?" tanong ng manager nila.
Nakita ng dalawa ang pagsuka ng binata.
"D-dino anong nangyayari sa 'yo?" tanong ni Manager Kim.
"Tumawag na po tayo ng doktor, Manager."
Dali-daling tumawag ng doktor ang manager nila. Ilang minuto lang ang lumipas at dumating na ang doktor. Agad nitong tinignan at sinuri si Dino.
"Mas makabubuting dalhin natin ang pasyente sa hospital," wika ng doktor.
"Sa tingin mo ba kaya ko pang maglakad o pumunta sa hospital nang ganito?" sambit ni Dino.
"Hindi ka magagamot ng doktor rito," giit ng doktor.
"Bakit ano bang sakit ko? Malala ba?"
"Hindi pa ako sigurado kaya kailangan ka pang masuri sa hospital."
Hindi na umangal pa ang binata at nagpadala na siya sa hospital. Isinakay s'ya sa isang wheel chair. Naiisip n'ya ang mga posibleng mangyari sa kaniya na nagiging dahilan ng pagkalungkot niya.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top