CHAPTER 6 - Lie

CHAPTER 6 — Lie

HE LIED. That necklace wasn't a dream catcher. Ang kuwentas na iyon ay isa sa mga vampire heirloom na pag-aari ng pamilya niya. It can tamper the sweet smell of Virgo's blood from spreading into the air. Ibinigay iyon ng ama sa kanya dahil ayaw nitong humalagpos ang pagtitimpi niya na hindi sakmalin bigla ang leeg ni Virgo.

His family is one of the most feared and respected in the vampire community. His father would do anything to keep it that way. Naiintindihan naman niya ang ama. He was once feared and respected, hanggang sa mangyari ang gabing 'yon. Ang gabi na bumago sa kanya.

"Lucien, kakain ka ba ng lunch?" Narinig niyang tanong ni Virgo ng pumasok ito sa opisina niya habang siya ay abala sa harap ng laptop niya.

Nasisiyahan siya dahil wala nang 'Sir' na nakakabit sa pangalan niya. At wala na ring 'ho' at 'po'. I think our relationship is improving.

"Hindi ako nagugutom." Aniya. I'm thirsty though.

Kumakain lang siya kapag gabi at kasalo ang pamilya niya. It is not a must for them to eat, hangga't nakakainom sila ng dugo, ayos na sila. Eating human food is like a luxury. Not really a need.

"Ganoon ba," may paghihinayang sa boses nito. "Sige. Ako nalang ang kakain no'n."

Nag-angat siya ng tingin at nakita niyang bagsak ang balikat ni Virgo habang naglalakad patungo sa pinto.

"Bakit nanghihinayang ka?" Hindi niya mapigilang tanong sa dalaga na kaagad na humarap sa kanya.

"Ano?" Malalaki ang mga mata nito. She looks shock that he knew what she is feeling.

He does that to people. Minsan kasi napaka-normal na sa kaniya na pakiramdaman ang mga tao na nasa paligid niya at itanong sa mga ito kung bakit nito nararamdaman ang emosyon na 'yon.

"Sabi ko 'bakit ka nanghihinayang'?" Ulit niya.

"Ahm," kinagat nito ang pang-ibabang labi na parang nahihiya. "Kasi, ano e, ahm, i cooked a caldereta for you. Pasasalamat ko sa binigay mong kuwentas nuong isang araw.

That made him smile. Kaya pala ito nanghihinayang nang sabihin niyang busog siya dahil pinagluto siya nito. He feels like an asshole.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at naglakad palapit dito.

Napapangiti si Lucien dahil hindi na ito nakakaramdam ng pagkailang sa kanya. At natutuwa siya na nakakausap na niya ito na hindi niya kailangan pang pigilan ang paghinga niya.

Virgo looked up at him and her eyes captivated him. Again. Gustong-gusto niyang tanggalin ang eyeglass na suot nito para makita ang kagandahang taglay nito na pilit nitong tinatago.

"Lucien..." sambit nito sa pangalan niya habang nakatingin sa mga mata niya.

Lucien can feel it. The desire in her eyes. Nararamdaman niya ang atraksiyon na nararamdaman nito para sa kanya. But that's not what he wants. He wants more than attraction from Virgo. Iba ang gusto niyang makuha mula rito.

"Hindi naman ako ganoon kagutom. Medyo lang." Aniya habang unti-unting bumababa ang bibig niya sa leeg nito. "Puwede naman sigurong tikman ko," one inch and his fangs would be touching Virgo's neck.

Nagwawala na ang lahat ng parte ng katawan niya. Gusto niyang ibaon ang mga pangil sa leeg nito, pero hindi niya ginawa.

Tumayo siya ng tuwid at ngumiti sa dalaga na pigil ang hininga. "Sabay tayong kumain. Dalhin mo rito ang niluto mo. I want to taste it."

Umaliwalas ang mukha ni Virgo at parang nawala lahat ng suliranin niya dahil sa kasayahan nakapinta sa mukha nito dahil lang sa pumayag siyang kainin ang luto nito.

"Sige. Kukunin ko." Masayang sabi nito at mabilis na lumabas ng opisina niya.

Huminga siya ng malalim at napatingin sa glass wall na tinakpan niya ng makapal na kurtinan. Kung hindi lang siya masusunog kapag tinanggal niya ang kurtina, ginawa na niya. He will not instantly turn into crispy vampire but he will not risk it. It will take five to ten minutes to kill a vampire using the sunlight but it still fucking hurts every time the sun touched their skin.

Nang pumasok si Virgo sa opisina dala ang dalawang lunch box, iginiya niya ito sa mahabang sofa. Inilapag nito ang pagkain sa round table at kumuha ito ng kutsara at baso na may lamang tubig.

"There." Nginitian siya nito. "Kain na."

Napatitig siya sa leeg nito. How i wish.

Pinulot niya ang kutsara at kumuha ng pagkain. The delicious taste of the food exploded inside his mouth. Nginuya niya ang pagkain at masasabi niyang masarap magluto si Virgo.

"Masarap." Komento siya habang tumango-tango at binalingan si Virgo na nakaupo sa tabi niya. "Masarap ka palang magluto."

Tipid na ngumiti si Virgo. "Talaga? Nasarapan ka?"

Tumango siya habang kumukuha na naman ng pagkain. "Salamat at pinagluto mo ako ng lunch."

Bumaba ang tingin nito sa kuwentas na binigay niya. "You gave me a necklace, Lucien. Hindi pa nga sapat ang niluto ko."

Nakonsensiya siya sa pagsisinungaling dito tungkol sa kuwentas. "Nanaginip ka pa ba ng masama?"

Nakahinga siya ng maluwang ng umiling ito.

"Hindi na." Mahina itong natawa. "Gumagana pala ang necklace na 'to."

Lucien looked at the necklace, and then his eyes darted to the side of her neck.  Parang may sariling isip ang katawan niya na dumakwang palapit kay Virgo. His lips touched her neck eliciting a moan from her sexy lips.

"L-Lucien..." tumikhim si Virgo pero hindi naman siya pinatigil sa ginagawa. "A-Anong ginagawa mo?"

Naririnig niya ang mabilis na pagtibok ng puso nito. He can hear her blood rushing through her veins and he is tempted to sink his fangs on her neck. Mabuti nalang at humarap sa kanya si Virgo dahilan para maglapat ang mga labi nilang dalawa.

They both stilled at the contact. Magkalapat lang ang nga labi nila pero walang gumalaw sa kanila. Pero nang makita niyang pumikit ang mga mata ni Virgo, he assumed that she wanted the kiss too.

Banayad niyang hinalikan ang dalaga. He is trying to read what she's feeling at the moment but her emotion was in chaos. Magulo ang nararamdaman nito at halo-halo. Hindi niya maintindihan kung nasisiyahan ito sa halik na pinagsasaluhan nila o nagsisisi ito na humarap ito sa kanya at nagtama ang mga labi nila.

Lucien snaked his tongue inside Virgo's mouth and he deepened the kiss. Sinapo niya ang pisngi nito at mas pinalalim pa ang halik. Napaungol siya ng lumaban ito ng halik at yumakap sa leeg niya.

"Ohhh, Lucien..." ungol ni Virgo sa pangalan niya ng gumapang ang mga halik niya pababa sa leeg nito. "Uhhmm..."

His hands were now moving to her breast which he dreamed of touching every freaking night. Nang dumako ang kamay niya sa mayayaman nitong dibdib, napakapit sa balikat niya si Virgo at napa-ungol.

"Lucien... ohhhh..." daing nito ng gumapang ang mga labi niya pabalik sa mga labi nito.

They kissed. They suck each other's lips. Para silang mga uhaw at tanging ang mga labi ng isa't-isa ang makakapawi sa uhaw na nararamdaman.

Nang maghiwalay ang mga labi nila, nagkatitigan sila ng dalaga. Mapupungay ang mga mata nito habang nakatitig sa mga mata niya.

"Lucien."

Lucien breathed out. "Virgo."

Namula ang mga pisngi nito at nagbaba ito ng tingin. Kinagat nito ang pang-ibabang labi at bumalik sa dati nitong posisyon na nakaharap sa center table kung saan naroon ang pagkain nila.

"Sorry." Anito at puno ng pagsisisi ang boses nito.

Natigilan siya at napakunot ang nuo. "Bakit ka nagso-sorry."

"Hindi dapat ako nakipag-halikan sa'yo." Wika nito at mabilis na tumayo at lumabas ng opisina niya.

Napatitig nalang siya sa pintong nilabasan nito at napahawak sa labi niya. A smile crept into his lips when he remembered the kiss they shared. Kaunti nalang. Makakapasok din ako. And he only has two months and three weeks to do it.

GUSTONG kutosan ni Virgo ang sarili nang makalabas na siya sa opisina ni Lucien. What is wrong with her?! Bakit ba niya hinayaang halikan siya ni Lucien at bakit niya tinugon ang halik ng binata?

She's attracted to Lucien, she admit that. Pero isang kahihiyan ang ginawa niya ngayon! How could she kiss her boss?! Baka nagsisisi ito ngayon dahil isang manang ang hinalikan nito. Nakakahiya!

Virgo was scolding herself when the door to Lucien office opened. Dahan-dahan siyang lumingon sa pinto at nakita niya roon ang lalaking kanina pa umuokupa sa isip niya.

"Lucien..." sambit niya sa pangalan nito.

He looked at her intently. "I enjoyed the kiss, Virgo."

Umawang ang mga labi niya. "A-Ano?"

Lumabas ito ng opisina at mariing ipinikit ang mga mata ng mapatingin ito sa sikat ng araw na tumatama sa glass wall.

"Damn you, sun." Lucien hissed angrily at the sunlight and went back to his office after staring at her for a couple of minute.

Napapantastikuhang dumako ang tingin ni Virgo sa glass wall na natatamaan ng sikat ng araw. Kailangan ba niyang pasalamatan ang araw? Parang lumalabas kasi na dahil sa araw, hindi lumapit sa kanya si Lucien.

Her boss just got weirder and weirder every freaking day.

Umupo siya sa kaniyang lamesa at nag-umpisang magtrabaho. Mamaya na niya kukunin ang lunchbox niya na nasa loob pa rin ng opisina ni Lucien.

NANG sumapit ang uwian, marahang kumatok si Virgo sa opisina ni Lucien at binuksan iyon. Kukunin niya ang lunchbox.

Nang hindi niya nakita si Lucien at ang lunchbox sa loob ng opisina, pumasok siya at hinanap ang binata. Baka umuwi na. Pero imposible! Malalaman niya kung umuwi na ito dahil dadaan naman ito sa mesa niya bago makarating sa elevator na maghahatid dito sa ibaba.

Napaigtad siya at napasinghap ng makarinig siya ng ingay mula sa loob ng banyo. Sa isiping baka naroon si Lucien, mabilis siyang pumasok sa banyo.

Virgo was welcomed by darkness. Hindi niya alam kung nasaan ang switch ng ilaw at takot siya sa dilim kaya naman lalabas na sana siya ng banyo ng biglang sumara ang pinto niyon.

Virgo gasped in horror. "Oh, no!"

Kahit anong gawin niyang pihit sa doorknob, hindi niya iyon mabuksan.

"Oh god..." nanginginig at nanlalamig na ang buong katawan niya habang pilit na binubuksan ang pinto.

She was crying as fear of the darkness spread through her. Nanghihina ang tuhod niya at takot na takot siya.

"Please... open up..." umiiyak na pagmamakaawa niya. "Please?" Napahagulhol siya at binitiwan ang doorknob.

Napadaosdos siya at umupo sa sahig habang yakap ang dalawa niyang binti.

Walang ingay siyang lumuluha at pilit na nilalabanan ang takot na kumakain sa buong pagkatao niya. Pakiramdam niya may hahawak sa kanya at lalabas ang lalaking 'yon na pumatay sa mga magulang niya.

Virgo was shaking in so much fear and she was silently sobbing.

"Lucien..." tawag niya sa pangalan ng binata. "Help me. P-Please..."

Virgo stomach twisted when she heard footsteps inside the bathroom.

"W-Who's t-there?" Nanginginig ang boses na tanong niya.

Walang sumagot pero patuloy lang ang yabag na naririnig niya. At ang yabag na 'yon ay palapit sa kanya!

Pigil ni Virgo ang paghinga ng tumigil ang yabag na naririnig sa mismong harapan niya. And then she felt a hand caressed her cheek. Parang nakakakita ang may-ari ng kamay na 'yon sa dilim dahil walang pag-aalinlangan ang paghaplos ng kamay nito sa pisngi niya.

And then the hand started drying her tears.

Virgo was frozen in place. She couldn't move. She couldn't even breathe!

"Breath, Virgo." Anang baritonong boses na pamilyar na pamilyar sa kanya.

Not because it's the voice of her boss but because it's the voice of the stranger in the bathroom on Lea's house. Medyo iba ang tunog ng boses ni Lucien kapag nasa loob ng banyo.

Hindi niya makakalimutan ang boses na iyon dahil iyong boses na iyon ang palagi niyang naririnig sa panaginip niya at sa tatlong taon na na nagdaan, palaging siyang binibigyan ng lakas ng loob nang boses na iyon na labanan ang halimaw sa kaniyang panaginip. In her dreams, she wanted to see the owner of that voice but she couldn't. And now, she heard it again. For real this time.

"Lucien?" Her voice was trembling.

"Yes?"

Virgo sobbed in relief. Itinaas niya ang kamay at nangapa siya sa dilim. Nang makapa niya ang kuwelyo sa suot ni Lucien na suit, ipinalibot niya ang mga braso sa leeg nito at mahigpit na niyakap ang lalaki.

"Pasensiya na." Ani Lucien at niyakap din siya. "Natakot yata kita."

Virgo sighed. "Anong ginagawa mo rito sa banyo?"

"Hinugasan ko ang lunchbox."

"Nang wala man lang ilaw?" Napapantastikuhang usisa niya.

Lucien chuckled. "It's okay. I can manage in the dark." Hinagod nito ang likod niya. "How about you? You're quivering in fear. You okay?"

Tumango siya. "Oo. Puwede bang lumabas na tayo sa banyo na 'to?"

Lucien chuckled. "Hindi ka pa rin pala nagbabago. Takot ka pa rin pala sa dilim."

Natigilan siya sa narinig na sinabi nito. "Anong ibig mong sabihin—"

"I told you that you'll see me again, Virgo." Dagdag ni Lucien na mas lalong dumadagdag sa hinala niya na baka ito ang lalaki na kasama niyang na-stuck sa bathroom ng bahay nila Lea nuong nakaarawan nito. "Do you remember me now?"

Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap sa binata at pinagapang ang kamay niya mula sa leeg patungo sa pisngi nito.

"Ikaw 'yon? Paano mo nalaman na ako 'yon? Kung kilala mo naman pala ako, bakit hindi ka nagsabi kaagad? Bakit—"

Lucien pinned her on the wall and his lips were on her neck in an instant. Napasinghap siya ng maramdamang niyang kinagat ni Lucien ang leeg niya at may bumaon doon na matalim na bagay. Inihanda ni Virgo ang sarili na masaktan pero kakaibang sensasyong ang naramdaman niya.

Napaungol siya kapagkuwan ng mag-umpisang gumalaw ang labi nito at dila na parang may sinisipsip.

"Ohhhhh." Daing niya.

Kakaiba ang sarap na dulot ng ginagawa ni Lucien sa leeg niya.

Nararamdaman niyang mabilis na nababasa ang pagkababae niya. It's soaking her panty and she's really turned on.

Lucien pulled away after a couple of minute and licked something off her neck.

"God. I miss that." Lucien groaned in appreciation and hugged her so tight. "Please accept me, Virgo."

Wala nang lakas si Virgo na magtanong kay Lucien kung ano ang pinagsasasabi nito. Namimigat na ang talukap ng mga mata niya at nanghihina ang tuhod niya.

"Lucien." Sambit niya sa pangalan ng binata bago nawalan ng malay.


A/N: Uumpisahan ko na ang update. Lets start with Lucien and Virgo, next is Lady Masquerade then Calyx! Hehe. - Enjoy reading.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top