CHAPTER 4 - Siblings

CHAPTER 4 - Siblings

NAGTATAKA si Virgo habang nakasakay sa elevator patungo sa opisina. Tinanong niya si Romeo na kasintahan ni Nancy kung dumating na ba si Sir Lucien at ang sagot nito ay 'oo, kaninang madaling araw pa'. Sobrang napaka-aga nitong pumasok. Iyon ang rason kung bakit inagahan niyang pumasok ngayon.

Alas-sais palang ng umaga, nasa opisina na siya. Pero naunahan pa rin siya ni Sir Lucien. She'd been working for her weird boss for four days now, at palagi itong madaling-araw pumapasok at umuuwi naman kapag wala na si haring-araw.

Mas weird pa sa weird ang boss niya. Pagkapasok nito sa opisina, hindi na ito lumalabas at doon nalang ito hanggang gabi. She would always ask Sir Lucien if he wants to eat or something and he would just chuckle like she said something funny. Nasanay na siya na ganoon ito kaya naman kahit nawi-weirdo-han na talaga siya, hinahayaan lang niya ito.

Nang makarating siya sa opisina, umupo siya sa lamesa niya at natigilan ng makitang lumabas ng opisina nito si Sir Lucien.

"Good morning, Sir." Gulat na bati niya sa kaniyang boss.

"Morning." Tumingin ito sa glass wall na nasa likod niya. Hindi pa tinatamaan ng sikat ng araw ang mesa niya. "Ang aga mo yata." Komento nito.

"Kailangan e. Ang aga niyo po kasing pumasok."

Umupo sa visitor's chair si Lucien at pinag-krus ang paa. "I have a request, Virgo."

Ito ang unang pagkakataon na lumabas ito sa opisina nito at nakipag-usap sa kanya.

Kumunot ang nuo niya. "Ano po 'yon?"

"Puwede bang," tumingin ito sa mga mata niya na parang nangungusap, "tanggalin mo ang po at ho kapag kausap mo ako?"

"Ahm," naguguluhan siya. "Bakit ho?"

Umaatake na naman ang pagka-weirdo ng boss niya.

"Because i said so." Anito. "Kaya mo bang gawin?"

Tumaas ang kilay niya. "Paano kong ayoko?"

Biglang tumalim ang mga mata nito. "Mahirap ba ang pinapagawa ko? Kung hindi mo gagawin ang gusto ko, I’ll fire you." Pananakot nito at natakot naman siya.

Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho. Kailangan niya ng pera para matustusan ang sarili niya.

"Okay. Gagawin ko."

"Good answer, Virgo." Lucien said with a small smile in his sexy lips.

Her heart flipped when he heard him say her name. Wala namang espesyal sa pangalan niya pero nang banggitin iyon ni Lucien, napaka-ganda niyon sa pandinig niya. Pero pinigilan niya ang sarili niya na mangarap. She's ugly and that saddened her. Manang siya kaya imposibling magkagusto sa kanya si Lucien na nang magsabog yata ang panginoon sa sobrang kaguwapuhan ay nasalo nito lahat.

"Bakit nalulungkot ka?" Kapagkuwan ay tanong nito na ikinagulat niya.

Natigilan siya sa tanong na iyon ni Lucien. Nagsalubong ang kilay niya habang iniisip kong paano nito nalaman na nalukungkot siya. Halata ba sa mukha niya? Mukhang hindi naman e.

Baka magaling lang talaga itong makiramdam.

"Ahm, hindi ako nalulungkot." Pagsisinungaling niya at nagbaba ng tingin sa mga papeles na nasa mesa niya.

Umawang ang labi niya at para siyang pinako sa kinauupuan ng hawakan ni Lucien ang baba niya at ini-angat ang mukha niya para magtama ang mga mata nila.

"Sir Lucien—"

"Cut it." Matiim ang mga abuhin nitong nga mata na nakatitig sa mga mata niya na nagtatago sa likod ng makapal niyang eyeglasses. "Tanggalin mo ang sir at hindi kita tatanggalin sa trabaho."

"P-Pero—"

"Say it." Anito na pabulong. "Say my name without a Sir."

Napalunok siya habang nakatitig dito. "L-Lucien..."

Lucien face broke into smile. "Better. Now, tell me, bakit ka malungkot?"

"Hindi ako malungkot—"

"And now you're lying."

"Hindi naman—"

"Liar."

"No—"

Halos lumuwa ang mga mata niya at umawang ang labi niya ng bigla nitong sinakop ng halik ang mga labi niya. Para siyang napaso at tinulak ang binata palayo sa kanya.

"Anong ginagawa mo?!" She shouted at Lucien. Wala siyang pakialam kung boss niya nito.

Lucien touched his sexy lips. "I kissed you. Gusto mo ulitin ko para malaman mo kung ano ang ginawa ko?"

Namumula ang pisngi na umawang ang labi niya sa sobrang gulat sa narinig na sinabi nito.

"Bakit mo ako hinalikan?!" Nanggagalaiti na tanong niya sa binata. She wanted to slap him but she was holding herself. "Hindi ka ba nandidiri na halikan ako?"

"Bakit naman?" Madilim ang mukha nito. "Sa tingin mo mandidiri ako kasi mukha kang manang? You should really stop wearing that freaking eyeglasses. Kahit pa sampong eye glasses ang isuot mo, hindi niyan maitatago ang tunay na itsura mo."

Bumilis ang tibok ng puso niya sa narinig. Hindi pa ba sapat ang pang manang niyang pananamit para itago ang tunay na siya? Ito ang unang tao na nagsabi sa kanya na hindi sapat ang pananamit niya para itago ang mukha niya.

Sinapo ni Lucien ang baba niya at hinawakan ang gilid ng eyeglasses niya. Inatake ng kaba ang puso niya ng marandamang unti-unti nitong tinatanggal ang glasses niya. No!

"Huwag." Pigil niya sa lalaki.

Nakita siguro ni Lucien ang pangamba at takot sa mga mata niya kaya binitiwan nito ang eye glasses niya. "As you wish." Anito at tumayo ng tuwid.

Nakahinga siya ng maluwang dahil hindi natuloy ang pagtanggal nito sa eyeglasses niya.

Pareho silang napatingin ng binata sa elevator ng tumunog iyon at bumukas. Three men and a woman step out from the elevator. Kilala niya ang isang lalaki. It’s Lucan, Lucien's brother. Pero 'yong iba, wala siyang ideya kung sino ang mga ito.

"Kuya!" Sigaw ng babae at yumakap kay Lucien.

Virgo sat there, awkwardly. Nakakailang tumingin sa mga kalalakihan dahil napaka-intimidating ng mga mga itsura nito. At tulad ni Lucien, sinalo rin ng mga ito lahat ng magpasabog ng kaguwapuhan ang panginoon.

Napaigtad siya ng maramdamang may humawak sa balikat niya. She looked up and saw the woman who hugged Lucien.

"Hi." Nakangiting sabi nito sa kanya. "I'm Lashka." Inilahad nito ang kamay, "kinagagalak kitang nakilala."

Mabilis niyang tinanggap ang pakikipagkamay nito. "Hi. I’m Virgo Guano."

Lashka giggled. "Alam ko."

Her eyebrow rose up. "Alam mo?"

"Yeah." Lashka giggled and look knowingly at Lucien. "Kung ikaw ba naman ang palaging bukang-bibig ni kuya Lucien, talagang maaalala kita."

Nagtataka na tiningnan niya si Lucien at nagtatanong na tumingin sa mga mata nito.

Lucien looked away. "Huwag kang magpapaniwala sa babaeng 'yan."

Lashka laughed. "Hindi ako nagsisinungaling. Swear. I’m telling the truth." Tinuro nito ang lalaki na katabi ni Lucan. "Kuya Lucca can testify what i have just said."

Ang tinurong lalaki na nag ngangalang Lucca ay tumingin sa gawi niya at tumango. "Nice to meet you, Virgo." Then he smiled showing his cute dimples and white teeth. "And yes, i testify."

Lucien groaned. "Guys! In the office. Please." Mariing sabi ni Lucien at naglakad patungo sa opisina nito.

Natigilan si Virgo ng may lalaking humawak sa kamay niya at hinalikan ang likod ng palad niya. "I'm Limar, the handsome. At your service, sweet Virgo."

Virgo heard a woozing sound and gasped when she saw Lucien manhandling Limar.

"Don’t touch her!" Lucien growled and pushed Limar into the floor.

Nakatalikod si Lucien sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Nakaawang lang ang labi niya habang nakatingin sa magkapatid na Limar at Lucien na ngayon ay hawak na ang kwelyo ng isa't-isa.

They were both growling as they manhandled each other.

"Oh god..." sambit niya sa mahinang boses.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang inaasal ni Lucien. Wala namang ginawang masama sa kanya si Limar. Ang kamay lang naman niya ang hinawakan nito at kung makapag-react naman si Lucien parang ewan. Ano ba ang problema ng boss niya?

Virgo can hear Lucien and Limar growling. That sound is familiar. Those sounds make her remember that horrible night. Nanlalamig ang kamay na sinapo niya ang magkabilang tainga at mariing pumikit. Nilukob ng takot ang buong pagkatao niya. Nanginginig ang katawan niya dahil sa tunog na iyon.

Lucan sighed when he saw Virgo's frightened face. Naglakad ito palapit sa magkapatid at puwersahang pinaghiwalay si Lucien at Limar.

"Enough you two." Mariin ang boses na sabi ni Lucan. "In the office. Huwag kayong magkalat dito. Kung mag-aaway kayo, sa loob ng opisina. Huwag sa harapan ni Virgo."

Virgo saw Lucien stilled and stiffly walk towards his office. Ganoon din ang ginawa ng mga kapatid nito.

Naiwan siyang halo-halo ang emosyon ang nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang inaasal ni Lucien at ang mga kapatid nito.

Takot na napaigtad si Virgo ng makarinig siya ng malakas na lagabog sa loob ng opisina ni Lucien. The sound was followed by another and another and another. She was worried. Ano ba ang nangyayari sa loob? Tanong niya sa sarili habang nakikinig na mga lagabog at nababasag na gamit sa loob. Then a loud growl filled the air.

Fear sipped through her. Oh god! Nag-uumpisa nang manginig ang tuhod niya dahil sa naririnig na tunog. She is afraid of violence. Naalala kasi niya ang nangyari sa kanya. No! Calm yourself, Virgo!

Humugot siya ng isang malalim na hininga at bumuga ng hangin. Iyan ang ginagawa niya para pakalamahin ang nani-nerbiyos niyang puso.

Ilang saglit ang lumipas, lumabas na ang mga kapatid ni Lucien. Hawak ni Lucan si Limar sa braso at puwersahang hinihila ito patungong elevator.

Nakangiting lumapit sa kanya si Lashka at hinawakan siya sa kamay pagkatapos deretsong tumingin sa mga mata niya. "You're fine. Walang nakakatakot. Sa isip mo lang iyon. Why don’t you get in to my brother's office and hugged him for a couple of minute? That would be great, right?"

Wala sa sariling tumango siya at nagtungo sa opisina ni Lucien na nakaawang na ang pinto.

LUMALIM ang gatla sa nuo ni Lucien at malutong na nagmura ng makita niya si Virgo na pumasok sa loob ng opisina niya. Mabilis niyang pinakalma ang sarili dahil alam niyang kulay pula ngayon ang kulay ng mga mata niya.

"Virgo, get out—" hindi niya tinapos ang pagsasalita ng makita niya ang walang buhay nitong mga mata. "Shit!" Nilapitan niya ang dalaga at hinawakan sa magkabilang balikat. "Fuck! What the hell did Lashka do to you?"

Pinipigilan niya ang kamay nito na pilit na pinupulupot sa leeg niya. Kahit anong yogyog niya sa dalaga hindi ito nagising at nakawala sa ginawang hipnotismo ni Lashka.

Lucien cursed his little sister. If he can control and influence someone's emotion, Lashka can influence someone to do something. At hindi talaga maibabalik ang buhay sa mga mata nito hanggat hindi nagagawa ang pinapagawa ni Lashka. Kaya naman hinayaan nalang niya si Virgo na gawin ang inutos ni Lashka.

Virgo embraced him. Mariin siyang napapikit ng nanuot sa ilong niya ang mabangong halimuyak ng dugo ni Virgo. He gulped when he felt his fangs coming out. Lucien felt like Virgo is really mold to be his, but he can’t claim her. Not now. And he only has three freaking months.

Napatitig si Lucien sa maputing leeg ni Vienna. Ilang dangkal lang ang layo ng pangil niya sa leeg nito. He wanted to lean in and take a small bite but he reins himself. No!

Ilang minuto ang lumipas bago bumitaw sa pagkakayakap sa kanya si Virgo at naguguluhang nag-angat ng tingin sa kanya. Bumalik na ang buhay sa mga mata nito.

When Virgo saw him, para itong napaso na lumayo sa kanya at gulat na gulat na ipinalibot ang tingin sa kabuonan ng opisina niya na sira-sira dahil sa pagsusuntukan nila ni Limar kanina. Mabuti na nga lang at hindi nabasag ang glass wall kundi baka nasunog sila pareho.

"A-Anong nangyari?" Tanong ni Virgo, halata sa kislap ng mga mata nito naguguluhan ito.

Lucien sighed. "Call a repair man and an interior designer."

"Anong—"

"Go."

Malakas ang tahip ng dibdib ni Virgo at naririnig iyon ni Lucien. Nang lumabas ito ng opisina, nararamdaman niyang nababalot ito ng kaguluhan at pagtataka. Sino nga ba ang hindi magtataka?

Nang makarating ang repair man, binigyan niya ang lalaki ng instruction kung ano ang gagawin sa nasira niyang opisina. And then he went out from his office and saw Vienna looking lost while sitting in her swivel chair.

Nilapitan niya ang dalaga at tinapik ang balikat nito. Napakurap-kurap ang babae at tumingin sa kanya.

"Ha?"

Lucien sighed. "Okay ka lang?"

He is ashamed to admit that he used his ability to influence Virgo's emotion so she would talk to him.

"I was afraid when i heard that growl coming from your office earlier." Nanginginig ang mga labi nito. "That growl sounds familiar. Natatakot ako. Naalala ko ulit ang nangyari nuong namatay sila mommy at daddy. That growl." Virgo was now trembling. "I’m scared, Lucien. Baka bumalik ‘yong l-laking ‘y-yon tapos s-saktan niya ang natitirang k-kong p-pamilya." Nanubig ang mga mata nito.

Lucien sighed and forced himself not to care. Hindi niya puwedeng yakapin ang babae. Mas mato-torture lang siya masayado kapag napalapit siya rito dahil sa mabangong aroma ng dugo nito. Baka hindi siya makapag-pigil.

"I’m sorry."

Virgo looked up at him. "Bakit ka nag so-sorry?"

It’s my fault that your parent’s died. Kasalanan ko ang lahat. "Dahil kasalanan ko 'yon." Pag-amin niya. He can still remember what happened that night three years ago.

Nagugulumihang tumitig sa kanya si Virgo. "What?"

"Nothing." Nag-iwas siya ng tingin.

Hindi pa ito ang tamang oras para malaman nito iyon. He needs to earn her trust first. Dahil kapag lumipas ang tatlong buwan na hindi niya magawa ang kasunduan nila ng kaniyang ama, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa pinag-uutos nito. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top