CHAPTER 27 - My Beloved Rogue
CHAPTER 27 - My Beloved Rogue
THREE days have passed and there is no Lucien. Hind lang si Virgo ang nag-aalala kundi ang pamilya rin ni Lucien na naghahanap na. They had search every corner of the city but Lucien is nowhere to be found.
And then on the fourth day, Vixor came to Kallean's mansion.
"Your highness, welcome to our home." Wika ng ama ni Lucien, habang sila ay nakaupo sa sofa at siya naman ay nasa taas ng hagdan, nakikinig sa usapan.
Vixor manage a small smile. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nang araw na mawala si Lucien, kasama ko siya. Halos buong gabi kaming nakipaglaban sa mga Rogue. Hiningi ko ang tulong niya dahil sa nangyayaring pagpasok ng mga Rogue sa bahay ng walang pahintulot. Naniniwala kami na kung sino man ang pinuno ng mga Rogue ay katulad naming dalawa. The leader could be a Rogue with rational and sane thoughts. Kaya naman tinulungan niya ako. Pero sa araw na nawala siya, nagpaalam siya sa akin na uuwi muna. Hindi ko alam na hindi pala siya nakauwi. Hinanap ko rin si Lucien, but sadly, all i saw was his blood on the dirt, meters away from our headquarters. There's no body—"
"Baka nasunog na dahil sa araw—"
"No." Putol ni Vixor sa ama ni Lucien. "Pinalagyan ko siya ng tatoo sa daliri para proteksiyon niya sa araw kaya imposibling nasunog siya. And if ever man na nasunog siya, there must be a remains of ashes of his body."
Hindi na kaya pang pakinggan ni Virgo ang usapan. Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto nila ni Lucien at huminga siya ng malalim habang pinapakalma ang sarili.
She will not sit here and wait. Kailangan niyang makita si Lucien. This instant.
Narinig niya ang ugong ng papalayong sasakyan, nang tingnan niya kung sino iyon, its Vixor's car. Virgo turned invisible and went after Vixor's car. Kailangan niyang malaman kung saan ang headquarters na sinasabi nito.
She can't lose Lucien! Not now, not ever. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Lucien sa kaniya. Ngayon pa na sigurado na siyang mahal na mahal niya ang binata.
Tumigil ang sasakyan ni Vixor sa harap ng isang napakalaking compound, hindi kalayuan sa isang malaking lawa. At kaharap ng compound na iyon ay isang masukal na kagubatan.
Maybe this is the forest that Vixor was talking about.
Naglakad siya papasok sa kagubatan at inamoy ang kapaligiran. Napatigil siya sa ginagawa ng makita niya si Xon na nakatayo ilang metro ang layo sa kaniya at nakatingin sa lupa. What is that man doing here?
Virgo narrowed her eyes on the ground and gasped when she saw blood. Old remains of blood ... and she can smell Lucien from it.
Napatingin sa gawi niya si Xon, mukhang narinig ang malakas niyang singhap. Oh God no.
"I know you're there. I can smell you, Virgo." Wika ni Xon na ikinagulat niya. "Huwag kang mag-alala, ilalabas din nila si Lucien. Sana nga mangyari 'yon bago pa siya tuluyang mamatay."
Virgo went visible. "Anong ibig mong sabihin?"
May paghangang tumingin sa kaniya si Xon. "Invisibility. Sweet. But that can't help you retrieve Lucien."
"Paano mo nalaman na ibabalik din siya?" Tanong niya na hindi pinapansin ang mga sinabi nito.
"Well," tumikhim ito. "For starters, i saw what happened. Kilala ko kung sino ang pumana sa kaniya. Pangalawa, wala silang balak patayin si Lucien. Sigurado ako riyan—"
"At paano mo nasabi?"
"Kasi kung balak talaga nilang patayin si Lucien, e di sana pinugot nalang nila ang ulo ng pinakamamahal mo sa halip na panain. Lucien will be back in your arms, hindi lang ako sigurado kung buo pa ang babalik sayo."
A lone tear falls from her eyes. "No..." nagmamakaawang tumingin siya sa lalaki. "Alam mo ba kung nasaan siya?"
Ngumisi si Xon. "Oo naman. Pero kung sasabihin ko sayo ... where's the fun in that?"
Sunod-sunod na nahulog ang luha sa mga mata niya, at sa gitna ng frustrasyon at galit na nararamdaman, narinig niya ang boses ni Vixor.
"Virgo? Anong ginagawa mo rito?"
Mabilis siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses. "Kausap ko si—" napatigil siya sa pagsasalita ng ibinalik niya ang tingin kay Xon pero wala na roon ang lalaki.
"Sinong kausap mo?" May pagkabahala ang boses ni Vixor. "Answer me, Virgo."
Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. "Wala." Pagsisinungaling niya. "Wala akong kausap."
Vixor was on her side in a blink of an eye. "Are you sure? O baka naman nagsisinungaling ka sakin."
"I'm sure." Aniya na hindi makatingin kay Vixor.
Alam niyang nararamdaman nitong nagsisinungaling siya. But knowing Vixor, he would respect her decision to lie.
Vixor sighed. "Sinundan mo ba ako?"
Tumango siya at naglakad palapit sa lupa na may dugo. "Kay Lucien ba 'yan?" Nababahalang paninigurado niya kay Vixor.
Vixor gravely nodded. "Yes. Sa kaniya 'yan. I've been searching but nothing."
Nagtagis ang bagang niya ng may maalala. "Baka nasa mga magulang mo siya."
Vixor looked away. "I'm betting my life that it was my parents doing. But where did they hide Lucien's body? That i don't know."
Napahikbi siya. "Bakit nila gagawin 'yon kay Lucien? Why are they doing this to Lucien? To me?"
Vixor sighed and gathered her in his arms. "Hahanapin natin siya, Virgo. Pangako 'yan. Hindi ako titigil hanggat hindi natin siya nahahanap. Malakas ang kutob ko na may kinalaman dito ang mga magulang ko, pero saan nila itinago si Lucien? Halos lahat ng sulok ng bahay namin ginalugad ko na. Lahat-lahat, pati basement."
Humikbi na naman siya. "Please, Vixor, hanapin mo siya. Hindi ko kayang mawala si Lucien. I love him. I love him so much."
Finally. She can admit and shout to the world that she loves Lucien. Walang halong kasinungalingan o kahit na anong panloloko ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Lucien. And Virgo needs to see Lucien so she could tell him she loves him so much.
"Tutulong ako sa paghahanap sa kaniya." Virgo volunteered. "Kailangan ko siyang makita. We need to finish the mating process. Ayoko siyang makalimutan, Vixor."
Mabilis na pinakawalan siya sa pagkakayakap ni Vixor saka kinuha ang kaniyang kamay para siguro tingnan ang mating mark niya sa palad.
"Shit." Vixor cursed as he runs his finger over her mating mark. "Kailangan na natin siyang mahanap. It's slowly fading away."
Nilukob ng takot ang buo niyang pagkatao. "No! Hindi 'to puwedeng mawala!"
Nagpa-panic na tiningnan niyang mabuti ang palad. Truth to Vixor's words, the mark is slowly fading. Malapit nang sumapit ang isang linggo. And a week after that, mawawala na ang marka at iyon ang kinakatakutan niya.
No! Hindi 'yon puwedeng mawala! No!
"We'll find him." Vixor said, with a hint of promise in his voice.
"Sana nga, Vixor, sana nga mahanap natin siya. I need to mate with him." Natatakot siya.
Natatakot siya para kay Lucien. Natatakot siya na baka mawala ang ala-ala niya rito kapag hindi pa nila ito nakita sa madaling panahon. Please. No. God, no. Hindi niya hahayaan ang sarili na makalimutan ang lalaking mahal niya.
MUGTO ang mga mata ni Virgo habang nakatingin sa kalendaryo. Bukas, dalawang linggo na simula ng hindi matapos ang mating nila ni Lucien. Isang araw nalang ... isang araw nalang mawawala na si Lucien at mawawala na rin ang ala-ala niya rito.
And she's scared. Ilang santo na ang dinasalan niya at paulit-ulit siyang nagdarasal sa panginoon na sana makita na nila si Lucien, pero kahit saan sila magpunta, kahit saan nila hanapin. Hindi nila makita ang binata.
The Rogue Hunters already set out a search party for Lucien ... but nothing.
Sila ni Vixor, araw at gabi silang naghahanap, pero ni anino ni Lucien hindi nila makita. Virgo is getting scared in every passing hours. Ilang oras nalang ang bibilangin niya, mawawala na ang bisa ng mating mark. At natatakot siya. Panay ang tingin niya sa marka kung naroon pa ba o tuluyan nang naglaho.
"Virgo! Virgo! Kuya Lucien is here!" Anang boses ni Lashka na nagpagbalik sa kaniya sa kasalukuyan.
What? Lucien is here? Here, here? Lucien! Oh God. Lucien!
Mabilis na lumabas siya ng silid at tumakbo patungo sa labas ng bahay kung saan naroon ang buong pamilya ng Kallean.
"No!" Hindik niyang sigaw ng makitang kinakadena si Lucien ni Lucan at Limar. "No!"
Tumakbo siya palapit kay Lucien pero pinigilan siya sa beywang ni Lashka.
"No. Virgo. He's a Rogue."
Natigilan siya at napamulagat ng makita niya ang kabuonan ni Lucien. Wala itong malay at nakahandusay sa lupa, ang likod nito ay parang tinalupan ng balat. She could only imagine how painful it was. Oh God. What did they do to my Lucien?
Napansin din niya ang tinalop lang na balat ay ang tattoo nito sa likuran na nagsisilbing selyo ng halimaw nito sa loob ng katawan. Now that the tattoo is gone, Lucien is now truly a Rogue.
Magkatulong ang magkapatid na sina Lucan at Limar sa pagdala kay Lucien sa basement at doon ito ikinadena.
Awang-awa si Virgo kay Lucien. Namamalisbis ang luha da pisngi niya habang nakatingin sa walang malay na binata. Hindi niya maisip kung ano ang ginawa ng mga halimaw na iyon sa pinakamamahal niya. Ayaw niyang isipin ang sakit na naranasan ni Lucien sa kamay ng mga halimaw na iyon. Hindi niya kaya.
"You can't mate with him." Anang boses ng ama ni Lucien. "In the state he is in, mapapatay ka niya Virgo. At alam kong hindi iyon magugustuhan ni Lucien. Makabubuti nang huwag nalang para hindi ka masaktan. Kapag gumaling na ang balat niya sa likod, saka na."
Parang pinipilipit sa sakit ang puso niya sa sinabi ng ama ni Lucien. No. Hindi. Hindi niya puwedeng makalimutan si Lucien. Hindi siya makakapayag.
Nagpa-plano ang isip niya habang ginigiya siya ni Lashka paalis sa basement kung saan naka-kadena si Lucien. Malikot ang mga mata niya, hinahanap ang susi ng basement. Naroon 'yon sa bulsa ni Lucan. Kailangan niyang makuha 'yon.
By hook or by crook ... she and Lucien will complete the mating process. Even if it kills her.
A/N: Mating na next chapter. Expect the unexpected. Hehe - C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top