CHAPTER 24 - Searching
CHAPTER 24 - Searching
MATAAS na ang sikat ng araw pero wala pa rin ni anino ni Lucien. Huminga ng malalim si Virgo para paklamahin ang sarili. Hindi man niya aminin pero nag-aalala siya sa binata. Hindi ito katulad niya na kayang makibaka sa araw.
Nagpalit siya ng leather jeans at halter shirt saka lumabas ng bahay para hanapin si Lucien. Kagabi pa ito umalis at nag-aalala na siya. Damn it!
Virgo runs towards the forest. She sniffs the air as she run but no scent of Lucien. Hanggang sa makarating siya sa dulo ng kagubatan, hindi niya maamoy si Lucien.
Lahat ng kagubatan na puwedeng puntahan ni Lucien, wala roon ang binata. Umabot na siya sa kabilang bayan pero hindi niya maamoy ang pamilyar mabangong amoy nito. She already bitten him, so should be able to smell him from far away, but no, there's no Lucien. Damn it!
Bumalik sa ala-ala niya ang panaginip niya na namatay si Lucien. Her heart pounded in fear. No! Hindi isang pipitsuging bampira si Lucien. He's strong and Virgo knew that he can protect himself. But where could he be now?
"Lucien..." sambit nita sa pangalan nito habang nakatingala kay araw at nakapikit ang mga mata. "Please, be safe."
Virgo sighed and run back towards the Kallean Mansion. Malayo pa siya sa mansiyon ay may nakikita na siyang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa labas ng pinto.
Sa isiping si Lucien iyon ay mabilis siyang tumakbo palapit dito pero ng pumasok sa isip niya na walang tattoo si Lucien na magbibigay dito ng kakayahan para labanan ang araw, bumagal ang takbo niya.
This time, she was just meters away from the man standing outside the door or Kallean mansion. Panay ang tingin ng lalaki sa mga nakasarang bintana ng mansiyon ng mga Kallean na para bang may binabalak itong masama. The kallean's are now sleeping and she is the only one who's awake.
"Sino ka?" Tanong niya sa lalaki na nakatalikod sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"
Nakita ni Virgo na natigilan ang lalaki kapagkuwan ay dahan-dahan itong umikot, paharap sa kanya.
Humakbang siya paatras ng makitang pula ang mga mata ng lalaki. Kasing tangkad ito ni Vixor at pareho ang pangangatawan ng dalawa kaya naman nasisigurado siyang malakas ito. But what made her step back is the devilish smirk on his lips.
Nagsitaasan ang balahibo niya ng maglakad ito palapit sa kaniya. The man has blood and dirt all over his shirt. Walang sapin ang paa bito at madumi. Sumisilip din ang matatalim nitong pangil sa mga labi nito. Nararamdaman niya ang masama nitong aura. At hindi niya mapigilan ang takot na nararamdaman. Somehow, deep down inside her, she knew this man. Pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.
Virgo wanted to move ... she wanted to run away as fast as she could, but an invisible force was holding her in place! Fear ruled her being. And when the man stops in front of her, her hands were shaking.
"Virgo." Her name came out from his mouth like a caress. "Well, well, well... so it's true that you are now under the protection of Kallean Family." His evil smirk widens. "That's good. Akala ko mananatili ka sa Simonides mansion. You do have a brain after all. You did not disappoint me at all."
She gulped. "W-Who are you?"
Virgo wanted to cringe away when the man touched her chin but she couldn't move! Damn it!
"Hmmm," inilapit nito at mukha sa leeg niya at humugot ito ng isang malalim na bunting hininga. "Damn, woman. You still smell good as before."
Still? "K-Kilala mo ako?"
Mahinang tumawa ang lalaki at pinakawalan ang baba niya. "Of course. I am after all the reason why you are now a bloodsucker."
Naguluhan siya sa tinuran nito. "Ano? Hindi kita maintindihan."
"I know." He still has that devilish smirk as he tapped the tip of her nose. "Anyway, nagpunta lang ako rito para kumustahin ka. And of course, to say hi. It's been a long time, Virgo. It's nice to see you again looking pretty as always." The man leaned in and kissed her on the forehead. "See you soon."
And in a blink of an eye, he was gone and she can move again!
Mabilis na pumasok si Virgo sa bahay ng nga Kallean at nagtungo sa silid ni Lucien. Nanginginig pa rin ang kamay niya habang nakahiga sa kama at yakap ang sarili.
That guy... those red eyes... that devious smirk... who is he? Bakit niya ako kilala? Isa na naman ba 'yon sa mananakit sa kaniya?
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "Lucien... please... umuwi ka na." Bulong niya sa hangin habang pinapakalma ang sarili. "Please... i need you..."
Pero kahit pa siguro isigaw niya ang pangalan ni Lucien, ni anino nito ay hindi darating. And Virgo was alone in Lucien's room, trembling in fear as she prayed for Lucien to come home.
"Lucien..." mahigpit na niyakap niya ang sarili. "I'm scared."
SUMILIP si Lucien sa labas ng bintana ng compound na nagsisilbing headquarters ng mga Rogue Hunters. Mahina siyang napamura ng makitang may araw pa rin. He's worried. Nangako siya kay Virgo na uuwi kaagad siya, but here he is, stuck in this fucking compound that serves as their headquarters!
Ayaw niyang magalit na naman sa kanya si Virgo. Nagkakaayos palang sila at gusto na niya ulit itong nakasama. Shit! Bakit naman kasi nagpadala siya sa Prinsipe na 'yon? Wala rin namang pinatunguhan ang lakad nila na naging dahilan kung bakit hindi siya nakauwi.
"Chill, Lucien, she'll be fine. Malakas si Virgo, kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya." Anang boses mula sa likuran niya.
Marahas niyang nilingon ang nagsalita at pinukol ito ng masamang tingin. "Kasalanan mo 'to, e! Why did i even listen to you?"
His highness, Vixor, shrugged. "Because I'm a Prince. It's a royalty thing."
Tumalim ang mga niya. "Hindi na ako pupunta rito bukas."
"At bakit?" Nagsalubong ang kilay nito. "Dahil kay Virgo?" Vixor tsked. "Baka nakakalimutan mo, Lucien, ginagawa mo 'to para sa kanya."
Nag-iwas siya ng tingin. "We've been looking for days, your highness, pero wala pa rin tayong makitang bakas nila."
"Makakakita rin tayo." Umupo ito sa pang-isahang sofa na nasa gilid at inipinikit ang mga mata. "Kailangan nating pigilan ang mga nangyayari ngayon. The government already sent a message to my family. If the rogue didn't stop killing humans, then it will be the government who will kill us. Humans and Vampires have a peace treaty and those idiot rascals are breaking it and we have to do something. Humans are weak but we still need them to survive. It's a give and take process.
"Kailangan natin mahuli kong sino man itong Rogue na nakakayang pumasok sa isang bahay at pinapatay lahat ng nakatira. We vampires cannot enter a home without permission and Rogues has no rational thought or whatsoever. They are dirty and smelly. Ang nasa isip lang nila ay pumatay at uminom ng dugo. Kaya kailangan natin mahuli kung sino ang namumuno sa kanila dahil marami na ang namamatay. At nararamdaman ko na ang pinuno nila ay isang Rogue na katulad nating dalawa. After this shit, ang mga magulang ko naman ang haharapin natin."
Huminga siya ng malalim. "Ilan ba ang pinag-eksperementuhan ng mga magulang mo? Do you know the exact number?"
Umiling ang kausap. "No. Ang alam ko lang marami. And we all have the same strengths and power. That's the scary part. Dalawa lang tayo laban sa kanila."
Bumuga siya ng hangin at naglalad patungo sa teresa sa loob ng compound at tumingin sa ibaba kung saan naroon ang ibang myembro ng Hunters na handang tumulong sa kanila.
All in all, they are ten. Kayang kaya nilang sugpuin ang mga nangyayari ngayon na may kinalaman sa Rogue na kapareha nila ni Vixor.
Lucien remembered the same problem like this two years ago. His father sent him to look for a Rogue who can enter someone's house. Ilang bahay din ang pinasok ng Rogue at marami rin ang namatay. Wala silang nahuli ni Lucan at bigla nalang tumigil ang kaganapan kaya tumigil din sila sa paghahanap.
Lalo na siya na sa mga panahong iyon ay hinahanap din niya si Virgo.
Mariin siyang napapikit ng maalala kung bakit nawala si Virgo.
"I have a question, your highness." Lucien said through his greeted teeth.
"What?"
"Did you two kiss?"
Ilang minutong nawalan ng imik si Vixor. Lucien didn't need to elaborate. Alam niyang naintindihan nito ang tanong niya.
"Kiss? Me and Virgo?" Vixor chuckled. "In cheeks, yeah, but in the lips, no. Kahit naman close kaming dalawa, nararamdaman ko pa rin ang pader na namamagitan samin. Why do you think i didn't make a move on her? 'Cause i know that deep down, kahit hindi niya maamin sa sarili niya, she wants you and not me."
Parang nabunutan ng tinik si Lucien sa narinig. But there's one question that he's dreading to ask but he have to.
"When you turned her..." tumikhim siya. "Did you bite her?"
"No."
Lucien let out a shaky chuckle. "Akala ko—"
"Puwede ba, Kallean, alam ko naman kung saan ako dapat lumugar." Ani Vixor.
Lucien's expression grimed. "She's mine, your highness. Not even your family can take her away from me again."
"I'm not planning to, but my mother is planning something devious for Virgo. You should watch out."
Vixor descended on the stairs towards the first floor of the compound. Lucien followed.
"Your highness." All of the hunters bow their head when Vixor neared them.
Lucien rolled his eyes.
"There are ten of us, tonight, we will divide into five. By pairs." Wika ni Vixor. "Hindi tayo titigil sa paghahanap sa kanila. Nararamdaman kong mamayang gabi, lalabas sila. Kailangan nating mahuli ang pinuno ng mga Rogues."
Tumango so Xandorz, isa mga magagaling na Hunter na hawak ng ama niya. "Paano ang dalawang Rogue na naka kadena sa kulungan?" Tanong nito.
Nagkataninginan sila ni Vixor. Walang alam ang mga kasama nila na isa rin sila ni Vixor sa mga Rogue. Hindi ng mga ito puwedeng malaman kundi hindi na ang mga ito makikinig sa kanila. Instead, they will hunt them down.
"We'll take care of them." Ani Vixor.
Tumango si Lucien bilang pagsang-ayon. "Kami na ang bahala sa kanila."
"Sa ngayon, magpahinga muna kayo." Ani Vixor at naglakad patungo sa silid nito sa compound.
Nagsialisan naman ang mga Rogue Hunters at nagpunta sa kanya-kanyang silid. And Lucien was left alone with nothing to do. Damn it! He should be with Virgo now, cuddling.
Nagsalubong ang kilay ni Lucien ng bumalik si Vixor sa kinatatayuan niya at may iniabot ito sa kaniyang malapad at makapal na coat.
"Wear that. I'm taking you home." Anito.
Napamulagat siya. "I'll burn."
"That's the use of that freaking coat, genius, to not let the sun burn you." Napailing-iling ang Prinsipe na puno ng sarkasmo ang boses. "We need to get you a tattoo so you can freely walk under the sun."
"Para lang iyan sa mga Royalties."
"Fuck the royalties. You're getting a tattoo."
Napailing-iling nalang siya habang sinusundan ang Prinsipe na walang pinakikinggang iba kundi ang sarili lang nito.
Binuksan ni Vixor ang pinto ng compound. Mabilis siyang napaatras dahil nasilaw ang mga mata niya sa sikat ng araw. His eyes couldn't take too much brightness. Pero para kay Vixor, wala lang rito ang sikat ng araw.
"That's my car." May itinuro ito sa labas ng bahay pero hindi niya masyadong makita. "Tumakbo ka patungo ro'n." May iniabot ito sa kaniyang malapad ba payong. "Go."
Lucien glared at Vixor. "No! I don't trust you—"
"So do i."
He greeted his teeth. "I'm not running under the sun—"
"Kahit para kay Virgo?" Sansala nito sa sasabihin niya. "My car is free from the sun so chill and go."
Huminga siya ng malalim saka isinuot ang coat at nagpayong. Then he runs towards the car. Habang tumatakbo siya at nararamdaman niyang naguumpisang humapdi ang balat niya, iniisip niya si Virgo at ginagawa niya ito para nakauwi at makapiling ang dalaga.
It feels like forever when he reach Vixor's car. Mabilis siyang sumakay at habang umaayos siya ng upo, sumakay din ang Prinsipe.
Binuhay nito ang makina ng sasakyan at nakangiti habang pinapaharurot iyon palayo sa compound.
"I'm taking you to the Ancient Wicce."
Kunot ang nuong humarap siya kay Vixor. "Ancient what?"
"Ancient Wicce. Sila ang nag-tattoo sa akin noon at kay Virgo para hindi kami maapektuhan ng araw. They are old hags. Humans called then witches. You'll survive."
Hindi na nagkomento pa si Lucien. Wala rin naman siyang magagawa. At saka, para naman kay Virgo ang gagawin niya. Hangga't para kay Virgo, gagawin at kakayanin niya ang lahat.
A/N: Sorry, mahina signal ng wifi ko. haha. heto na. Hope you like it :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top