CHAPTER 23 - Vampire Tears
CHAPTER 23 - Vampire Tears
VIRGO'S breathing ragged. She was contented ... satisfied and she wants more. Pero alam niyang hindi tama ang ginawa niya, she shouldn't have bitten Lucien. Oh god! Ano nalang ang iisipin nito?
Nararamdaman niya ang pagtaas-baba ng dibdib ni Lucien habang ang katawan nila ay magkadikit pa rin at ang mga labi niya ay malapit pa rin sa leeg nito.
"Get off, Virgo." Parang hinihingal na sabi no Lucien. "Before i ripped off your clothes and take you here and now."
Napalunok siya. What Lucien said turned her on.
Dahan-dahan niyang binalingan ang binata. "Kinokontrol mo ba ang emosyon ko, Lucien?"
His face saddened. "Kapag sinabi ko bang hindi, maniniwala ka?"
Itinikom niya ang bibig at tinitigan ang binata. Two years had passed since their bodies get close like this. She missed those cuddles and kisses and if she's just being honest to herself, aaminin niyang gusto niyang maramdaman ulit iyon. But she's afraid. Palaging pumapasok sa isip niya ang pagkontrol ni Lucien sa emosyon niya. She's afraid that it will happen again.
Virgo rested her head on Lucien's shoulder. "Kapag lumalapit ako sayo, natatakot ako na baka kinokontrol mo na naman ang emosyon ko. Alam kong malalaman ko kapag ginawa mo 'yon pero natatakot pa rin ako."
"Virgo, I'm sorry for what i did. Ayoko lang na mapahamak ka. Masyado kitang mahal e." Dumapo ang kamay nito sa kaniyang ulo at hinaplos ang buhok niya. "Mahal na mahal kita, Virgo. At sa nakalipas na dalawang taon, ikaw lang ang laman nitong puso ko. Ikaw lang ang inibig ko ng ganito. Kaya kahit na masakit at nahihirapan ako, kung masaya ka sa piling ni Vixor, hahayaan kita sa kanya kasi gusto ko maging masaya ka. Gusto ko na ngumingiti ka kahit pa nga hindi ako ang dahilan ng mga ngiti mo."
Nararamdaman niya ang sakit sa likod ng pagpaparaya ni Lucien. She wanted to hug him and kissed him but her fear is stopping her, killing any soft emotion she have for Lucien.
"Niloko mo ako e." Sabi niya. "Pinagkatiwalaan kita noon, Lucien, pero niloloko mo lang pala ako. I thought i love you—"
"I love you, Virgo." Putol nito sa sasabihin niya. "At alam kong niloko kita at isa iyong pagkakamali at pinagsisisihan ko na iyon ng sobra-sobra. I suffered for two years. My heart has been ripped off every day for two years. Sa tuwing umaalis ako at hinahanap ka, at sa pagbalik ko na wala ka, dinudurog no'n ang puso ko. I have loved you from the very first time i saw you. I thought you'll feel the same way too, pero niloloko ko lang ang sarili ko kasi hindi mo naman talaga ako kayang mahalin."
She shook her head. "No, Lucien. Kaya kitang mahalin. Ang punto ko, niloko mo ako. Pinaniwala sa mga kasinungalingan. Pati ang emosyon ko pinakialaman mo."
"Wala akong ibang masasabi kundi patawad dahil nagawa ko 'yon. Mahal na mahal lang talaga kita at nasabik akong mahalin mo rin ako."
Virgo pulled away and looked at Lucien. Nanalaki ang mga mata niya sa gulat ng makita ang likido na dumadaloy mula sa mga mata nito.
"Lucien..." he touched the tear that was falling from his eyes. "Don't..."
Mariin nitong ipinikit ang mga mata. "I'm sorry. I'm so sorry Virgo. I'm sorry."
Lucien keeps on chanting 'I'm sorry' like it's a prayer that can salvage his vampire soul.
"I'm sorry, Virgo. I'm so sorry. Please forgive me. I'm so sorry." Kinagat nito ang pang-ibabang labi at tinakpan ng braso nito ang mga mata. "Patawarin mo ako, Virgo. Hindi ko na ulit gagawin 'yon. Please, parang awa mo na, mahalin mo naman ako kahit kunti lang. Kahit katiting na pagmamahal lang okay na sakin 'yon."
Virgo's eyes watered and a tear fell down to her cheek. She can feel Lucien's pain in every word that he said. And she felt suffocated. Pakiramdam niya ay napakakitid ng utak niya. Sarili lang niya palagi ang inisiip niya. Seeing Lucien cry as he begged for her to love him even just a little, her heart contracted in pain.
Ayaw niyang makitang ganito si Lucien.
Gusto niya itong yakapin at aluin at sabihing maayos na ang lahat pero alam niya sa sarili na may takot pa rin sa puso niya. Natatakot pa rin siya na kontrolin ni Lucien. Natatakot siyang masaktan. Natatakot siya. Kahit isa na siyang bampira ngayon, duwag pa rin siya. Duwag pa rin siya kapag alam niyang masasaktan siya.
"Lucien..." hinaplos niya ang pisngi nito. "I'm sorry."
Tinanggal niya ang pagkakatakip ng braso nito sa sariling mga mata at siya na ang tumuyo sa mga luha nito gamit ang laylayan ng damit niya.
"Don't cry... shhh..." nginitian niya ito. "I'm not worth your tears, Lucien. So don't cry."
Hinawakan nito ang pisngi niya at hinaplos ang mga labi niya. "Alam kong natatakot ka at naiintindihan ko kung bakit. Pero sana huwag mong kalilimutan na mahal na mahal kita at sana hayaan mo akong mahalin ka, kahit sa malayo lang. Ayos na sakin 'yon. Sana maging masaya ka kay Vixor—"
"Baliw." She cut him off. "Wala kaming relasyon ni Vixor. That's eww. He's like a brother, a very trusted friend and an ally."
Napatitig sa kaniya si Lucien na para bang gulat na gulat ito at hindi mapakapaniwala sa sinabi niya.
"What?" Lucien asked in confusion. "H-Hindi kayo?"
"Hindi."
Lucien gave out sighed and then he rolled her over unto the bed. Ito naman ngayon ang nakakubabaw sa kanya.
"Lucien! Get off!"
"No."
"Anong no? Sipain kita gusto mo?"
"E di sipain mo." Lumapat ang labi nito sa leeg niya at napakapit siya sa balikat ng binata ng bumaon ang matatalim nitong mga pangil.
"Lucien!" She gasped. "Ohhhh..."
Ilang minutong nakabaon ang mga pangil ng binata sa leeg niya bago nito pinakawalan ang leeg niya at niyakap siya ng mahigpit.
"I miss you."
Habang nakayakap sa kaniya si Lucien, napakasarap sa pakiramdam. She felt okay and complete. She felt calm and contented. Nararamdaman niya ang pagmamahal nito sa kaniya na pilit niyang ikinakaila.
Slowly, her hand enveloped Lucien in a hug. Naramdaman niyang natigilan ang binata sa pagtugon niya ng yakap dito.
"You're controlling me again." Aniya na nakangiti.
Kumawala ito sa pagkakayakap niya. "What? Of course not! Nararamdaman mo ba na kinokontrol kita?"
"Oo kaya." Nakangiting tugon niya. "I miss you too. See! You're controlling me."
Kinunotan siya ng nuo ni Lucien. "Hindi ko gagawin 'yon."
Mahina siyang natawa. "Na miss din kita."
"Hindi kita kinokontrol."
Niyakap niya ng binata ng mahigpit. "Alam ko, Lucien. Alam ko."
MAHIMBING ang tulog ni Virgo sa umagang iyon habang katabi niya si Lucien. Nakaunan siya sa braso ng binata at nakayakap naman ito sa beywang niya.
What happened in the morning was like an eye opener for her. 'Yong takot naroon pa rin sa puso niya pero ngayon, napagdesisyonan niyang bigyan ng pagkakataon ang sarili na patawarin si Lucien. Siguro nakatulong sa pagpapatawad niya ang pag-iyak nito kaninang umaga. Vampires are not humans who cry over smallest things. When a vampire cry, he or she is really in pain.
Virgo was drag out from her reverie when she felt Lucien getting up.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
Lucien stilled then spoke. "I have a mission."
"Iiwan mo ako?" Tanong niya habang masamang nakatingin sa likod nito.
Nakangiting bumaling paharap sa kanya si Lucien. "Virgo, hindi kita kayang iwan. Isiksik mo iyan diyan sa utak mo. May pupuntahan lang akong importante."
Nakasimangot na bumangon siya at ihinilig ang ulo sa likod nito. Nakahubad-baro pa rin ang binata kaya naman malaya niyang nahahawakan ang tattoo nito sa likod.
"Hmmm." Lucien body arched as he groan when he felt her fingers trailing on his tribal tattoo. "Virgo, you're making me horny."
Mabilis niyang itinigil ang ginagawa at bumalik sa pagkakahiga sa kama.
Dumapa naman si Lucien sa kama, nakaharap ang mukha nito sa kaniya. "I have to go somewhere to make sure that nothing bad will happen to you."
Kumunot ang nuo niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"May nakarating na balita sakin na gagamitin ka ng mga Simonides. At hindi ako papayag na gawin nila 'yon sayo."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. "'Yon ang dahilan kung bakit umalis ako sa bahay nila. Narinig ko silang nag-uusap ni Vixor at ang ina niya. She wanted to use me to hurt you, si Vixor ang panay hindi sa mga plano ng ina niya. Natakot akong manatili roon baka pag experementuhan din nila ako at ayokong mag-isa kaya tumakbo ako patungo rito. Ikaw lang ang matatakbuhan ko."
Lucien gave her a soft smile. "And I'll keep you safe. Always. I promise."
She smiled back. "Salamat."
Mas lumapad pa ang ngiti ni Lucien dahil sa salamat niya. Then he quickly leaned in to her and captured her lips in one hot fiery kiss then he pulled away.
"Good evening, by the way." Ani Lucien at umalis sa kama.
Naiwan naman siyang nakatigalgal dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya sa mga labi. It feels like everything that happened to them in the past that she tried to forget came back. Those kisses and cuddles and their hot moments... and she welcomed those memories and she like the kiss that they shared seconds ago... napatitig siya kay Lucien na nagbibihis na. Am i falling for this man? For real this time? No controlling? No lies?
Virgo sighed. Malalaman niya ang kasagutan sa araw na lilipas na kasama niya ito.
"Mag-ingat ka." Sabi niya.
Lucien stilled and faced her. "Nag-aalala ka sakin?" May nanunundyong ngiti ito sa mga labi. "Don't worry. I'm a Rogue Hunter. This is what i do best."
Inirapan niya ito. "Ewan ko sayo. Basta umuwi ka kaagad. Matutulog kang ako buong maghapon, kapag nagising ako mamayang takip-silim na wala ka pa, iyang espadang dala mo, iyan ikakatay ko sayo."
Mahinang tumawa si Lucien at lumapit sa kanya saka ito dumukwang at hinalikan ang nuo niya.
"Mag-iingat ako." Anito at hinalikan siya sa tungki ng ilong.
"No wounds." Seryusong sabi niya. "Not even scratch."
"Yes, my lady." Ang pisngi naman niya ang hinalikan nito.
"Good. And don't forget, mamaya pag-uwi mo, bilhan mo ako ng donut." She grinned. "Okay?"
Lucien chuckled and dropped three sweet kisses on her lips. "I will, my Lady."
Sa hindi malamang kadahilanan, kinikilig siya kapag tinatawag siya nitong my lady.
"Sige na. Umalis ka na." Pagtataboy niya sa binata. "Umuwi ka kaagad ha?"
Tumango ito at pinisil ang tungki ng ilong niya. "I'll be back."
Nang makaalis si Lucien, umayos ng higa si Virgo sa kama at natulog ulit. And because she's alone, no Vixor or Lucien to calm her, her sleep was plague with nightmares.
A dream full of war... blood... death... war against Simonides, Vixor's blood and Lucien's death.
A/N: Last update of Lucien. Hope you enjoy reading. - C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top