CHAPTER 22 - Unexpected Visitor
CHAPTER 22 – Unexpected Visitor
WALANG imik si Virgo habang nag-aagahan siya kasama ang pamilya ni Vixor. Katabi niya si Vixor na walang imik din na kumakain. After their uneventful breakfast, Vixor drive her to the office.
"Baka hindi ako makauwi mamayang gabi." Anito ng itigil ang sasakyan sa labas ng kompanya ng pamilya nito. "May pupuntahan ako."
Virgo got suspicious. "Saan ka pupunta?"
Napatitig sa kaniya si Vixor. Halatang nagulat ito. Hindi naman kasi siya nagtatanong kung saan ito pumupunta kapag nawawala, e.
"Ahm," tumikhim ito. "I have a personal matter to handle."
Tumango-tango siya. "Okay. Ingat ka."
Vixor smiled and kissed her on the cheeks. "Ingat ka rin."
Nang makalabas siya sa sasakyan ni Vixor, kaagad na humarurot iyon palayo.
Sa halip na pumasok si Virgo sa opisina, ibang daan ang tinahak niya. Kagabi, nakapag-isip na siya. Hindi niya aasahan si Vixor. Kapamilya pa rin nito ang gustong manggamit sa kanya para saktan si Lucien. At ayaw niyang mamili si Vixor kung siya o ang pamilya nito ang po-protektahan. That would be unfair for Vixor.
Virgo already decided. Wala siyang ibang mapupuntahan.
Madali siyang nakarating sa distinasyon. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago kumatok sa pinto ng mansiyon ng mga Kallean.
Minute later, the door opened showing the head of the house.
"Good morning. Nandito ba si Lucien?" Kaagad na tanong niya.
Umiling ang lalaki. "Kahapong takip-silim pa siya umalis. May inaasikaso. Bakit?"
Bumagsak ang balikat niya. "Ganoon ho ba? Sige, babalik nalang ho ako."
"No. You can stay and wait for him." Anang ama ni Lucien. "Doon ka sa kuwarto niya maghintay."
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at lakas-loob na pumasok sa mansiyon ng mga Kallean.
"Wala namang nagbago sa bahay namin." Anang ginoo na nakangiti. "Pumunta ka nalang sa silid ni Lucien. Alam kung naalala mo pa kung nasaan."
Namula ang pisngi niya sa tinuran ng ama ni Lucien.
"Virgo, huwag kang mahiya sakin." Sabi ulit nito. "I can read your mind so there's nothing to hide."
Nanlaki ang mga mata niya. "W-What?"
"Nababasa ko ang laman ng isip mo." Anito. "At tama ka. Kailangan nga iyan malaman ni Lucien. At oo, welcome kang tumira rito sa mansiyon namin."
Umawang ang labi niya. Sinagot nito lahat ang lihim na mga katanungan ng isip niya! Shit! She has to block him from her mind—
"Don't bother." Lucien's father smiled. "You can't block me. Tanging myembro lang ng Royal Family ang kayang itago ang laman ng kanilang mga isipan."
Walang imik na tumungo lang siya.
"Sige na. Go to Lucien's room." Anito. "Pahahatiran nalang kita ng pagkain mamaya."
Mas mabilis pa sa kidlat na sinunod niya ang sinabi ng lalaki. Nang makapasok sa kuwarto ni Lucien, komportabli siyang nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata. She felt like the bed is made for her. Napakasarap kasi niyon higaan. At naamoy din niya ang natural na panlalaking amoy ni Lucien. And somewhat, it made her feel comfortable.
Pinilit ni Virgo ang sarili na makatulog. She need to rest. Hindi kasi siya nakatulog kagabi sa pangambang habang tulog siya ay pag experementohan din siya ng ina ni Vixor.
Matatagalan pa naman daw si Lucien kaya matutulog muna siya.
WALA sa mood na umuwi si Lucien sa bahay nila. Masakit sa ulo ang inasikaso niya sa buong araw at buong magdamag. Hindi lang masakit sa ulo, nakakairita pa ang kausap niya. Gusto niya itong gilitan!
Isang araw din siyang nawala. Umuwi lang siya ngayon kasi sisilip na ang araw sa kalangitan.
"Lucien?"
Napatigil siya sa pag-akyat sa hagdan ng marinig ang boses ng nakakatanda niyang kapatid.
Hinarap niya si Lucan. "Yeah?"
Iniabot nito sa kaniya ang dalang tray na puno ng pagkain.
"Here. Dalhin mo iyan sa kuwarto mo." Ani Lucan.
"What? Why?" Naguguluhan niyang tanong. "Hindi naman ako nagugutom—"
"Just bring that to your room." Anito saka iniwan siyang naguguluhan sa ibaba ng hagdan.
Akmang aakyat na siya sa hagdan ng marinig niya ang boses ni Lashka.
"Kuya!" Pahabol nitong sigaw. "Wait up."
Humarap siya sa kapatid. "What?"
May masayang ngiti ito sa mga labi habang inilalagay sa tray ang isang bote ng dugo at dalawang basong champagne glass na walang laman.
"Enjoy." Nakangiting anito bago siya iniwan.
Naguguluhamg umakyat siya sa hagdan. His siblings are acting different. Ano kaya ang mayroon?
Nang makarating sa pinto ng kuwarto niya, natigilan siya. He can smell Virgo's scent inside his room. Napailing-iling nalang siya. Napakalikot talaga ng imahinasyon niya. Pati ang pang-amoy niya ay dinadaya siya.
Napaka-imposible namang naroon si Virgo sa loob. Nasisiguro niyang kasama ito ngayon ni Vixor at magkasama ang dalawa sa kama at masayang nagku-kuwentuhan.
His heart tightened inside his chest.
Gamit ang isang kamay, binuksan niya ang pinto ng silid at nanigas siya sa kinatatayuan ng makita si Virgo na nakahiga sa kama niya at mahimbing na natutulog.
Nang makabawi sa gulat, marahas na ipinilig niya ang ulo. Imahinasyon niya lang 'to. Ano namang ang ginagawa ni Virgo sa silid niya?
Hindi pa rin siya pumapasok sa loob ng kanyang kuwarto. Nakatulos pa rin siya sa labas ng pinto habang nakatingin kay Virgo.
And then seconds later, Virgo moved in her sleep, and slowly, her eyes opened. Kaagad itong bumangon at humarap sa kaniya habang kinukusot ang mga mata.
She yawned. "Hey."
"H-Hey." Nauutal na tugon niya.
Virgo stretched her arm and yawn again. "Narito ka na pala." Umalis ito sa kama at naglakad palapit sa kaniya saka kinuha ang tray na hawak at inilapag iyon sa bed side table.
"Damn! I'm hungry." Anang dalaga. "Nahiya akong makisalong kumain sa pamilya mo."
Nag-umpisa nang kumain si Virgo. Lucien just stared at the woman in shell shock.
"W-What are you doing here?" Sa wakas ay nakabawi rin siya sa pagkabigla.
Uminom muna si Virgo ng dugo na isinalin nito sa champagne glass bago sumagot at humarap sa kaniya.
"Can i stay here?" Tanong nito na ikinalaki ng mga mata niya. "Hindi ako uuwi sa bahay ko kasi mag-isa lang ako roon, walang kasama. At tama ka, natatakot ako. I don't want to stay in Simonides mansion either. I know why Vixor's parents are nice to me. Gusto nila akong gamitin. Ayoko. They want to hurt you through me, and i don't want that." Kinagat nito ang pang-ibabang labi. "So, can i stay here? Wala na kasi akong pupuntahang iba, e."
Humugot siya ng isang malalim na hininga. "You can stay. Ipapahanda ko lang ang isang silid para doon ka matulog." Tinalikuran niya ito at akmang lalabas na ng kuwarto niya ng magsalita ang dalaga.
"Gusto ko dito sa kuwarto mo." Anito na ikinalakas ng tibok ng puso niya at mabilis siyang humarap dito. "Nightmares always plague my sleep. I can't sleep alone." Tinuro nito ang ilalim ng mga na nangingitim. "See? I can sleep in just short period of time and hello nightmares."
"Magkatabi tayong matutulog?"
She nodded. "Oo. May masama ba ro'n?"
Umiling siya. "W-Wala naman."
Isinara ni Lucien ang pinto at inalis ang espadang naka-strap sa likod niya, pagkatapos ay hinubad niya ang leather jacket na suot at ang itim na t-shirt.
Then he went into the shower.
HALOS mabulunan si Virgo ng lumabas sa banyo si Lucien na walang saplot maliban sa boxer na suot nito. Droplets of water are cascading down his neck and spine, down to his shoulder blade and for some unfathomable reason, biglang lumabas ang mga pangil niya.
Mabilis niyang itinikom ang bibig at nag-iwas ng tingin.
Thankfully, her fangs receded. Oh god...
Walang imik na lumapit sa kama si Lucien at nahiga na tanging boxer lang ang suot! Good heavens! Dapat tinanggap nalang niya ang isa pang silid na inaalok nito kanina. Pero hindi talaga siya nakakatulog kapag wala siyang kasama kasi palagi siyang nananaginip ng masama.
"Mauna na akong matulog." Anang boses ni Lucien. "May lakad pa ako mamayang gabi."
"Okay."
Pagkalipas ng ilang minuto na hindi ito nagsalita, binalingan niya ang binata na nakahiga. His back was on her and she can see his tattoo!
May ganoong tattoo rin si Vixor pero hindi naman niya iyon gustong hawakan katulad ng gusto niyang gawin ngayon.
Virgo didn't stop herself. She touched Lucien's intricate tattoo. Napakagat labi siya ng maramdamang lumabas na naman ang mga pangil niya. It's peeking between her lips.
"You're giving me a hard on, Virgo." Biglang nagsalita si Lucien na ikinagulat niya. "Stop touching my back if you don't want me to pin you in this bed and make love to you all night. I promise you will not be able to walk tomorrow."
Nag-init ang pisngi niya sa narinig, pero ang kamay niya panay pa rin ang haplos sa likod ni Lucien. That intricate tribal tattoo of his really captivated her. Mula noon hanggang ngayon, walang pinagbago.
"Virgo..." Lucien's voice was dark and dangerous. "I'm warning you. Stop touching me."
Virgo pulled away her hand. But seconds later, her fingers went back to touching Lucien's tattoo again!
What happened next stunned her.
Lucien's gripped her hand then pulled her towards his almost naked body. Nang nakakubabaw na siya rito, he rolled her over, pinning her on the bed while he is now on top of her.
"Lucien!" She gasped.
"I warned you, Virgo." Matiim ang mga titig nito. "Hindi ganoon kahaba ang pasensiya ko. I warned you, you didn't listen, so here we are." A small smirked made its way to his sexy lips. "What to do next?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Baka nakakalimutan mo Lucien, I'm not human anymore."
In a blink of an eye, it was her who's pinning Lucien on the bed while she's on top of him.
Akmang aalis na siya sa pagkakakubabaw rito ng dumako ang tingin niya sa leeg nito. Nanubig ang bagang niya. And her fangs lengthen. She wants to bite him.
No! Don't bite him!
I want to taste him. Anang isip niya.
At kahit anong pigil niya sa katawan, hindi iyon nagpapigil. She leaned in to Lucien and licked his neck.
"Virgo..." Lucien groaned.
Her eyes went red as the same time she pierce her fangs on Lucien's neck.
Virgo moaned. Damn. He tastes good!
A/N: Mag bunti ang #TeamLucien. Hehe. #TeamVixor, tara, bigti tayo. Hehe
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top