CHAPTER 2 - Visit

CHAPTER 2 - VISIT

NASA teresa si Virgo at nakatingin sa bilog na buwan nang bigla na naman niyang maramdaman na parang may nakamasid sa kanya. 'Yon ang naramdaman niya nuong gabi ng kaarawan ni Lea bago namatay ang mga magulang niya. When she gets that feeling, she would automatically lock the doors and windows, at magkukulong sa silid niya.

Pero sa gabing iyon, wala siyang maramdamang takot tulad nang palagi niyang nararamdaman.

For the first time in her life, she felt at ease, secured. Wala siyang maramdamang takot o kaya pagkabahala. Hindi siya natatakot kahit gabi na. This feeling is new to her. Kailan pa siya hindi natakot sa gabi? Oh, well, this is nice.

Ilang minuto pa siyang nanatili sa teresa at nakatingin sa kabilugan nang buwan bago pumasok sa silid niya at nahiga sa kama.

Usually, she had nightmares and the death of her parents plague her sleep, pero sa gabing iyon, nang mahiga siya sa kamay, madali siyang nakatulog at walang ni isang masamang panaginip na dumalaw sa kaniya.

HINDI niya alam kung bakit naroon siya sa labas ng bahay ni Virgo. Nang makita niya itong nasa teresa at nakatingin sa buwan, naramdaman kaagad niya ang mararamdaman nito. Pangamba, takot, kalungkutan at pagdurusa na nag-iisa ito.

So he filled her heart with safety and comfort. She needed it. Kahit pansamantala lang.

Nang pumasok ito sa loob ng silid, mabilis siyang umakyat patungo sa teresa para makita ito at maipagpatuloy ang ginagawa. She needed a good night sleep for tomorrow. Baka hindi ito makatulog nang mahimbing kapag iniwan niya itong ganoon ang nararamdaman.

Umupo siya sa rehas nang balkonahe na nasa tagong bahagi pero nakikita niya ang dalaga na natutulog sa kama nito.

Ganoon lang ang posisyon niya hanggang sa maramdaman niya ang mainit na sikat nang araw sa balat niya. Senyales para siya ay umuwi na.

Mabilis siyang tumalon mula sa balkonahe patungo sa semento sa ibaba at kasing bilis nang hangin na tumakbo patungo sa nakaparada niyang sasakyan ilang metro ang layo sa bahay ng dalaga.

Nang makapasok siya sa sasakyan. Nakahinga siya nang maluwang. Medyo masakit pa rin ang tama nang araw sa balikat niya pero ngayong nasa loob na siya nang sasakyan niya, medyo nabawasan na.

"Bakit naman kasi naka tee-shirt ka?" Anang boses nang babae sa passenger seat nang sasakyan niya.

Nilingon niya ang isa pang nakababatang kapatid. "Hindi ba sinabi ko na sayo kagabi na umuwi ka na?" Naiinis na sabi niya.

Ngumiti lang ang kapatid niyang matigas ang ulo. "Tumawag si Daddy, pinapabantayan ka. Nagalit dahil nilalabag mo raw ang kasunduan niyo."

"Wala akong nilalabag na kahit na ano." Binuhay niya ang makina nang sasakyan. "Binibisita ko lang siya."

"Still." Humalukipkip ito. "Ang bawal ay bawal, ang batas ay batas. Minsan ka nang pinagsabihan ni ama. Last warning mo na 'yong nangyari three years ago. Kapag may ginawa ka pang hindi maganda, baka sunugin ka na niya nang buhay."

Ngiting aso lang ang tinugon niya rito at walang imik na nagmaneho pauwi sa bahay nila.

NAGISING si Virgo na magaan ang pakiramdam at sa unang pagkakataon, nakangiti siyang bumangon sa kama at naligo pagkatapos ay naghanda papunta sa opisina.

Maagang nakarating si Virgo sa Kallean Financial Firm. Pero naunahan pa rin siya nang Tito Leo niya na inaayos ang mesa na uukupahin niya.

“This will be your table.” Anito na nakangiti. “Good luck in your first day, hija.”

“Thank you po.” Nakangiting wika niya at umupo sa sarili niyang swivel chair.

Lumipas ang oras at ginugol iyon ni Virgo sa pagta-trabaho. She accept calls, set appointments, go to a business meeting with her Tito Leo and of course accompanying him to the conference room for a board meeting. Napakarami niyang ginawa sa araw na iyon kaya naman nang sumapit ang alas-singko nang hapon, lowbat na lowbat na siya. Ang gusto lang niyang gawin ay umuwi at humilata sa kama niya.

“Napagod ka ba, hija?” Tanong sa kaniya ni Tito Leo habang pinagmamaneho siya sa pauwi.

He offered to drive her home and she accepted the offer. Na-flat-an kasi siya, mabuti nalang at hindi pa siya nakakalayo sa opisina kaya nakita siya nang kaniyang Tito Leo.

“Medyo po. Nanibago yata ang katawan ko na halos walang ginagawa buong araw sa bahay sa loob ng tatlong taon.”

Napatango-tango ito. “Mukha nga. Siya nga pala hija, may dadaluhan tayong pagtitipon bukas nang gabi. Kailangan kitang isama kasi hindi lang iyon simpling Charity ball. May magaganap ding business meetings doon kaya kasama ka.”

Napalunok siya ng makaramdam ng takot. “Gabi po ba?”

“Oo, hija.”

Kinabahan siya. “N-Naku Tito, h-hindi po ako puwede. Alam niyo naman po na takot ako sa gabi ‘di’ba? Puwede po bang pass muna po ako? Hindi ko talaga kaya e.”

Mukhang nakita nang tuyihin niya ang panginginig nang kaniyang kamay kaya naman hindi na iyo nagpilit pa.

“O sige, sa susunod nalang.” Anito.

Napatungo siya at hindi umimik hanggang sa makarating sa bahay niya.

“Salamat po sa paghatid.” Wika niya nang itigil nito ang sasakyan sa labas ng bahay niya.

“You’re welcome, hija. Sige na, pasok ka na.” Sabi nito. “Hindi ako aalis hangga’t hindi ka pa nakakapasok sa bahay mo.”

Tumango siya at isinukbit ang shoulder bag sa balikat at lumabas nang sasakyan. Malalaki ang hakbang niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay. Abo’t-abo’t pa rin ang kaba niya hanggang sa makarating siya sa silid niya.

Wala siyang ganang kumain kaya ini-lock niya ang mga pinto at bintana pagkatapos ay natulog na kahit hindi pa naghahapunan.

AS USUAL, natagpuan na naman niya ang sarili sa balkonahe ng silid ni Virgo. Umupo siya sa kaparehong puwesto niya kagabi at pinakatitigan ang mukha ni Virgo. Tulad nang ginawa niya kagabi, he enveloped her with warmth, comfort and safety. Gusto niyang maging mahimbing ang tulog nito.

“Ilaw araw ka nang pumupunta rito?” Anang boses na ikinaigtad niya.

Nilingon niya ang nakakatandang kapatid. “Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya sa halip sa sumagot.

His brother sighed and sat on the terrace railing next to him. “Sinundan kita. Nag-aalala ako sa’yo. Alam mo kung anong gagawin sa’yo ni ama kapag nagkamali ka na naman?”

“Wala naman akong gagawin—”

“Sa ngayon, wala pa. Pero paano kung dumating ang panahon na napalapit ka sa kanya? Paano kong matukso ka na tikman siya katulad nang ginawa mo noon? Anong gagawin mo kapag nangyari ‘yon? Binalaan ka na ni ama. Mag-ingat ka naman.”

“Wala naming masama sa ginagawa ko.” Depensa niya sa sarili.

“Mayroon. You’re stalking this poor girl.” Umiling-iling ang nakakatanda niyang kapatid. “We have an oath, little brother. Ang pangakong iyong lang ang dahilan kung bakit hindi nila tayo tinutugis, kung bakit matiwasay tayong nabubuhay kasama ang mga tao nang walang pino-problema. Is she worth the risk?”

Tinitigan niya si Virgo na mahimbing na natutulog pagkatapos ay tumalon mula sa teresa pababa sa semento. “Huwag mo siyang hahawakan ni dulo nang buhok niya.” Sabi niya sa kapatid niya.

“I won’t.”

“Good.”

Mabilis siyang naglakad patungo sa kotse niya at pinaharurot iyon patungo sa DarkNight Club. Ang club kung saan mga kauri lang niya ang tanging puwedeng makapasok.

Nang makarating siya sa nasabing Club, the bouncer bow down to him when he entered. “Magandang gabi ho, kamahalan.”

Hindi siya tumugon at naglakad palapit sa bar. Liquor is the answer to all his frustration in life. Take that from a man who has been drinking tons of liquors for hundreds of years.

***

NAGING normal na para kay Virgo ang routine niya araw-araw. Wake up, take a bath, eat breakfast and go to work. Iyon na ang nakasanayan niya sa loob nang dalawang lingo na nagta-trabaho siya sa Kallean Financial Firm.

Paminsan-minsan nalang umatake ang anxiety niya dahil wala na siyang oras para mag-isip pa pagsapit nang gabi. Dahil sa kapaguran, nakakatulog kaagad siya at gustong-gusto niya iyon.

Pero hindi sa gabing iyon. Sapilitan siyang isinama ni Lea sa Bachelorette’s Bar. Isang bar para sa mga babaeng single raw. Syempre puno iyon ng mga lalaking naghahanap ng masisilo at mauutong babae.

At dahil napilitan lang naman siyang sumama, nakapantalon lang siya at naka-sweatshirt. Naka-flat shoes lang siya at walang kolorete ang mukha. Syempre, hindi mawawala ang malapad at makapal niyang salamin.

“Come on, Virgo. Drink up!” Sigaw ni Lea dahil hindi niya ito maririnig kung hindi sisigaw dahil sa malakas na tunok ng musika.

Umiling-iling siya. “Ayoko!” Balik sigaw niya.

Pinaikot ni Lea ang mata at umorder pa rin ng Mojito para sa kanya. Nagpakawala nalang siya ng isang malalim na buntong-hininga at nanahimik.

Nang dumating ang Mojito na order nito, ibinigay nito iyon sa kanya. “Drink up!” Sigaw nito. “Pagkatapos niyan hindi na kita kukulitin pang uminom!” Anito at iniwan siya sa mesa nila.

Virgo sighed and pick up the glass of mojito. Akmang iinumin na niya iyon ng biglang may umagaw ng mojito niya sa kanyang mga kamay at nang lingunin niya kung sino iyon, halos malaglag ang panga niya.

Standing in front of her is the perfect epitome of gorgeous, hot and handsome. May abuhin itong mga mata na tulad ng sa kanya. Manipis ang mga labi nito na parang nang-aakit na halikan ito. Matangos ang ilong nito na bumabagay sa guwapo nitong mukha, and of course, his midnight black hair that looks like he had been brushing it with his fingers for a million of time because it looks freaking messy ... but it suits him.

“Hey.” Napaka-baritono nang boses nito at pamilyar sa pandinig niya.

“Hi.” Aniya at nag-iwas ng tingin. “’Yong Mojito ko, please, akin na ‘yan. That’s my order.”

Nasaan ka na ba Lea? Patay ito sa kanya mamaya! Argh!

Tumigil ang pagtibok ng puso niya at tumambling iyon kapagkuwan ng umupo ang guwapong lalaki sa stool na katabi niya.

“Hindi mo naman ito order.” Sabi nito. “Order ito ng kaibigan mo, tama ba ako?”

Napamulagat siya at ibinalik ang tingin sa lalaki. “P-Paano mo nalaman?”

The man smiled and she nearly fell off the chair that she’s sitting on. “Naka-upo ako sa likuran mo kaya narinig ko.”

“Ah. Okay.”

Umayos siya nang upo at tumungo. “Sa akin na ang Mojito ko, please?” Hindi niya alam kung narinig siya nito dahil mahina ang boses niya at malakas ang tonog ng musika.

Nanigas siya sa kinauupuan at nagsitaasan ang mga balahibo niya sa katawan nang maramdamang may tumamang hininga sa tainga niya.

“Masama ang mojito sa katawan.” Bulong nang lalaki sa tainga niya at halos hindi niya iyon marinig sa sobrang lakas ng tibok ng puso niya. “Itapon nalang na’tin. Makakasama pa ito sa’yo.”

Wala sa sarilng tumango siya.

Nakahinga siya nang maluwang nang lumayo ang lalaki sa kanya. Habol niya ang hininga at pilit niyang pinapakalma ang puso niya na parang nagwawala sa loob ng dibdib niya.

This is not normal! Kastigo niya sa sarili. I should pull myself together!

Sa kakaiwas niyang tumingin sa gawi nang lalaki, napatingin siya sa kanan niya at nakita niya ang sarili niya sa salamin. Para siyang binuhusan nang tubig nang makita ang itsura niya sa salamin. Bahagyan siyang natawa. Napaka-lusyang niyang tingnan sa outfit niya kompara sa mga babaeng narito ngayon sa club na halos labas na ang mga kaluluwan. Kung puwede yata mag-panty at bra nalang, ‘yon ang isusuot nang mga ito.  At mas lalong nadagdagan ang panlulumo niya ng makita niya ang guwapong lalaki na katabi ng repleksiyon niya sa salamin.

Inirapan niya ang sariling repleksiyon at inagawa ang Mojito na hawak pa rin ng lalaki at ininom iyon hanggang sa maubos ang laman ng baso.

“Waiter! Isa pang Mojito!” Sigaw niya sa waiter na malapit sa kaniya.

Bumuga siya ng hangin at napatingin sa guwapong lalaki na nahuli niyang nakatitig sa kanya.

“Anong problema mo?” Nagtatakang tanong niya.

“Balak mo bang maglasing?”

Umiling siya. “Mga dalawang shot lang tapos uuwi na ako.”

“Paano ka uuwi? Taxi?”

Bigla siyang kinilabutan nang maalala niya ang huling taxi driver na sinakyan niya bago namatay ang mga magulang niya.

“M-Magpapahatid ako kay Lea.”

“At nasaan naman si Lea?” Tanong na naman nito.

“Nandiyan lang ‘yan sa tabi-tabi.” Aniya at nginitian ang waiter na nag hatid sa kanya nang order niya. “Salamat.” Malambing ang boses niya. Lasing na ba ako?

Virgo snapped out from her reverie when she heard a growl beside her. Napatitig siya sa guwapong lalaki na nasa tabi niya. Madilim ang mukha nito habang nakatingin sa waiter na naglalakad palayo sa mesa nila.

Anong problema ng isang ‘to?

Para siyang nabunutan nang tinik ng makita si Lea na naglalakad palapit sa mesa niya. Tinunga niya ang alak na inorder at mabilis na naglakad palapit kay Lea at hinawakan ito sa pulsohan.

“Iuwi mo na ako.” Pagkasabi niyon at hinila niya ito palabas ng bar ng walang lingon-likod.

Saka lang niya naalala ang guwapong lalaki sa bar nang makauwi na siya. Hindi niya natanong ang pangalan nito. Oh well… sigurado naman siyang walang interes ito sa kanya. Mukha siyang manang at alam niyang walang magkakagusto sa kanya.

Wala.

A/N: As promised. 2 chapters per week. Enjoy :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top