CHAPTER 18 - Familiar Scent
CHAPTER 18 - Familiar Scent
After two years...
VIRGO looked at the beautiful country of Russia as the Plane ascended. Dalawang taon din ang ginugol niya sa lugar na ito. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na maasahan at naging matiwasay ang buhay niya. No heartache, no pain and just acceptance and happiness.
And now, she's going back to her country. Hindi niya alam kung anong mangyayari roon sa kanya pero nasisiguro niyang hindi na mauulit ang nakaraan. Hindi na siya mahina ngayon. She's now strong and can save herself when trouble comes.
Virgo doesn't need anyone else to be her knight because she's no longer a damsel in distress.
"You okay?" Anang boses mula sa katabi niyang upuan.
Binalingan niya si Vixor na nakatingin sa kanya. "Yeah." She smiled. "As long as you're by my side, okay lang ako."
That made Vixor smile. "Even if you deny it a million times, human Virgo is still in you."
Inirapan nuya ito. "Tigilan mo ako, Vixor. Alalahanin mo, kaya kitang itulak palabas ng eroplanong ito. At mabait lang ako kasi ikaw naman ang kausap ko."
Mahina itong tumawa. "You're cute."
"And you're starting to annoy me."
Vixor just chuckled. "Yeah. Yeah. Anyway, you ready to live in the Philippines again?"
Tumango siya. "Oo naman. Taga doon ako e. Kahit naman dalawang taon akong nawala, isa pa rin akong Pilipino."
Hinawakan ni Vixor ang kamay niya at pinagsiklop iyon. "So, sa bahay ka titira o sa dati mong bahay?"
She squeezed his hand. "Bahala na pagdating natin. Saka ko na iisipin 'yon kapag lumapag na ang eroplanong 'to."
"Okay."
Humilig si Virgo sa balikat ni Vixor at ipinikit ang nga mata.
"Inaantok ako." Ani Virgo.
Hinaplos ni Vixor ang buhok niya gamit ang isang kamay na hindi niya hawak. "Sleep then, Virgo."
Napangiti siya. "Yeah. You too."
"Mamaya na." Ani Vixor. "Ikaw muna ang natulog. Babantayan muna kita baka mapano ka."
She grinned playfully. "Sinabihan na kitang bawal ka magkagusto sakin e."
"Para namang kaya kong pigilan 'to."
"Kaya mo 'yan." She tilted her head up and gives him a kiss in the corner of his lips. "Good night, Vixor."
"Good night, babe."
She closed her eyes again and this time, she slept.
Medyo matagal ang biyahe.
Nang makarating ang eroplanong sinasakyan sa Pilipinas, parang may kakaibang emosyon na naramdaman si Virgo pero pinagsawalang bahala niya iyon. Hindi niya dapat maramdaman iyon.
Virgo steps out from the Airplane and inhale the air. Napapikit siya ng maramdamang nanubig ang bagang niya ng makaamoy ng mabangong halimuyak ng dugo.
Hmmm...
"That tastes good." Komento si Vixor na nasa likuran niya.
Her fangs started to retract. "Yeah."
Tuluyan na siyang bumaba ng eroplano at sabay silang naglakad palabas ng exit ni Vixor.
May naghihintay ng sasakyan sa kanila na naghatid sa kanila sa mansiyon ng mga Simonides.
"So, saan ka muna titira?" Tanong sa kaniya ni Vixor nang nasa loob na sila ng sasakyan.
She looked outside the car window. "Sa bahay niyo muna." She decided. "Doon muna ako."
Pinagsiklop ni Vixor ang kamay nila. "You're more than welcome in our house."
She smiled. "Thanks."
Nang makarating sa mansiyon ng mga Simonides, kaagad siyang ngumiti ng makita si Vixen. Sa dalawang taon niyang pamamalagi sa Russia, panay ang bisita sa kaniya si Vixen.
Vixen helps her transition. When she changed, Vixor ang Vixen were there for her. Inasikaso siya ng dalawa at inaruga na para bang isa siyang kapamilya.
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at niyakap si Vixen.
"Hey." Nakangiting aniya.
Vixen giggled and hugged her. "You're here! I can't believe it!"
"Better believe it." Ani Vixor na nasa likuran niya at inakbayan siya.
Vixor guided her towards the entrance of the mansion. Naroon ang mag-asawang Simonides sa pintuan at mukhang hinihintay ang pagdating nila. She met Vixor parents a year ago when they visited her in Russia. Just like Vixen, Vixor's parents were good to her. Hindi niya alam kung bakit pero napakabait ng mga ito sa kaniya. Maybe because they were the one who's responsible for her parents' death. Pero wala na 'yon sa kanya. Okay na siya. Hindi na siya nasasaktan sa mga nangyari sa nakaraan.
Wala na. She already moved on and now, she's happy. Happy to be with Simonides Family.
"Hello po." Magalang niyang pagbati sa mag-asawang Simonides.
"Hello rin sayo, hija." Nakangiting bati ni Tito Vently.
Tita Alleyah hugged her. "Welcome to our simple abode, Virgo. We're happy to have you."
"Thank you po." Nakangiting tugon niya.
She smiled as Vixor guided her inside the mansion. Nasa beywang niya ang braso ni Vixor.
"Magpapahinga muna kami, mommy." Ani Vixor.
Dumako ang tingin ng ginang sa kanya. "Same room?"
Nakangiting tumango siya. "Opo."
Tumaas ang kilay ng ginang. "Sharing a room? Hmm. May dapat ba kaming malaman?"
Virgo chuckled. "Hindi kasi ako nakakatulog kapag wala si Vixor." Pag-amin niya.
"Yeah, mom. So back off." Naiiritang sabi naman ni Vixor.
She always has nightmares and all those morbid and scary stuff. They won't go away. Pero kapag katabi niya si Vixor ang himbing palagi ng tulog niya kaya naman palagi silang magkatabi sa kama.
"O, sige." Ani ng ginang. "Go. Magpahinga na kayo."
Pareho silang ngumiti si Vixor bago nagtungo sa silid ng binata. Pero hindi pa sila nakakahiga ng pumasok si Vixen sa silid.
"Hey." Vixen said. "May welcome party pala mamayang gabi. Ako ang nag organize, so, you are both welcome." Pagkasabi niyon ay lumabas ito ng silid nila.
Nagkatinginan sila ni Vixor.
"Welcome—"
"—party?" Pagtatapos niya sa sasabihin ni Vixor.
He shrugged then lay on the bed. "Maya mo na iyan isipin. Halika rito. I want to cuddle."
Mabilis siyang nahiga at yumakap kay Vixor. Ginawa niyang unan ang braso nito at tumatama ang hininga niya sa leeg nito. 'Yon palagi ang posisyon nilang dalawa sa kama.
"Magpahinga ka na, Virgo. You need your strength for the party tonight." Ani Vixor.
Ipinikit niya ang mga mata at nagpahinga na. Mamaya na niya iisipin kung ano ang gagawin niya para hindi siya masala sa welcome party.
LUCIEN steps out from the car and stared at the Simonides Mansion. Huminga siya ng malalim at naglakad patungo sa pinto, kasabay ng mga kapatid at mga magulang niya.
Ayaw niyang um-attend sa Welcome Party ni Vixor Mikhael Simonides. Hindi naman niya ito personal na kilala at bakit naman niya iwi-welcome ito? But he and his family don't have a choice. They were invited by the Royal Family and they can't say no.
Nang makapasok sila sa loob ng mansiyon, kaagad silang sinalubong ng isang babae at iginiya sila patungo sa napakalaking grand hall ng mansiyon.
"Lucien." Boses ng kaniyang ama. "Smile. Will you?"
He groaned at the same time his eyes turned red. "Bakit naman ako ngingiti? I don't have a freaking reason to do that."
His father sighed. "Please, Lucien... cooperate."
Hindi siya umimik at nagbaba ng tingin. Ayaw niyang makipagdiskusyon sa kaniyang ama. Ayaw niyang maungkat na naman ang nangyari kay Virgo. It has been two years since she disappeared without a trace and up until now, hindi pa rin ito nakikita. Naniniwala siyang buhay pa ito. Pero ang ama niya, naniniwalang wala na si Virgo at dapat na niyang kalimutan ang dalaga.
Pero kahit anong gawin niya, his heart only beats for Virgo and Virgo alone. He's hopelessly in love and obsessed with her. And that scare his father. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin niya si Virgo. Hindi naman siya tumigil sa paghahanap dito.
Hanggang sa magsimula ang party, nakatungo lang siya at umiinom ng alak. Vixor was welcome by the visitors and they looked happy that the freaking Prince is back. Annoying!
Vixor's face reminds him of the rogue vampire he killed to save Virgo. Magkamukhang-magkamukha ang dalawa. He feels nauseous. Mas lalo pa niyang nami-miss si Virgo.
Naiinis na lumabas siya ng grand hall at nagtungo sa mahabang teresa na nakakonekta sa hall. He inhaled the air and stilled when a very familiar scent invaded his nostrils. Mabilis niyang hinanap ang pinanggalingan ng mabangong amoy at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang babaeng nakatayo sa gilid nang railing ng teresa
"Virgo..."
Hindi siya puwedeng magkamali! It's her! The scent of the blood! It's her!
Hahakbang sana siya palapit sa kinaruruonan ng babae ng bigla itong nawala na parang bula.
Nanlaki ang mga niya at patakbong nilapitan ang kinaruruonan ng babae kanina. The scent still lingers in the air. It's her. Hindi siya puwedeng nagkamali! Si Virgo 'yon! Hinding-hindi niya makakalimutan ang amoy ng dugo nito na gustong-gusto niyang tikman noon. He couldn't forget the blood that made him obsessed with her.
But Virgo is not there ... no one is. Baka nag iilusyon lang siya na nakita at naamoy niya ang dalaga. It's just a figment of his fucking imagination.
Mapakla siyang tumawa. "Kahit talaga anong gawin ko, mahal ko pa rin siya."
Hinilamos niya ang dalawang kamay sa mukha naiinis na umalis ng balkonahe. Bumalik siya sa grand hall na nasa isip ang maglasing. Nababaliw na naman siya.
SAPO ni Virgo ang bibig para hindi gumawa ng kahit na anong ingay ng lumapit sa kinaruruonan niya si Lucien.
When she saw him, she panicked. Two years. Two years had passed since she last saw him and he can't control her now. But there's something inside her that she couldn't explain. Iba ang pakiramdam na makita ang binatang akala niya ay minahal niya.
Lucien was just inch away from her. Naaamoy niya ang hininga nito at ang kakaibang amoy ng dugo nito. He smells like Vixor, but more delicious and more salivating. Its making her fangs came out from its hiding.
Mapaklang tumawa si Lucien habang may malungkot na kislap ang mga mata. "Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya."
Hindi niya alam kung sino ang tinutukoy nito pero napakalungkot ng mukha nito pero naiinis namang pumasok sa grand hall. Nakahinga siya ng maluwang dahil hindi siya nito nakita kahit na halos ilang dangkal nalang ang pagitan nilang dalawa.
She went invisible so he wouldn't see her. It's one of the skills she has when she turned. And it came in handy sometimes. Like now.
Nang masigurong wala na si Lucien, she went visible and hurriedly left the balcony. Kasama sana siya sa iwi-welcome pero ayaw niya. Si Vixor naman ang kilala e, hindi siya. At ayaw niyang mapunta sa kaniya ang atensiyon ng mga bampira sa loob.
Mabilis ang mga galaw ni Virgo habang papasok siya sa kabahayan. She was about to stealthy enters the kitchen to grab a bottle of blood when she heard a familiar voice.
"Virgo?"
Kinuha muna niya ang bote ng dugo na nasa refrigerator bago humarap sa taong tumawag sa pangalan niya.
Virgo smiled at the vampire in front of her. "Hi Lashka."
Halata ang gulat sa mukha nito. "W-What are you doing here?"
She shrugged and opens the bottle and drank the blood. Kitang-kita niya kung paano nanlaki ang nga mata nito ng makita ang ginawa niya.
"It couldn't be..."
Virgo just smiled and walk passed Lashka. Habang naglalakad, panay ang inom niya sa dugo na nasa bote. It doesn't taste good. It's like a meat but its taste like a tofu. Awful and distasteful!
Nang nakapasok siya sa silid nila ni Vixor, hinubad niya ang suot na kulay pulang low back dress at nagpalit ng simple denim jeans at black tee-shirt. Pagkatapos ay binuksan niya ang teresa ng silid ni Vixor at tumalon mula roon.
Virgo landed in the ground gracefully. Habang naglalakad palabas ng gate, tibawagan niya si Vixor.
"Hey. What's up?" Ani Vixor. "Bored ka na ba riyan sa kuearto? Bumaba ka kaya rito."
"I'm off to my house. Babalik din ako kaagad."
Ilang segundong nawalan ng imik ang nasa kabilang linya. "Do you need me right now, Virgo? I could ditch the party."
That made her smile. "Nah. Mag enjoy ka nalang diyan, babalik din naman ako kaagad. May kukunin lang ako sa bahay ko."
"Sure about that, Virgo?"
She nodded. "Yes. See yah later."
"Okay. See yah, Virgo. Take care."
"I will. Enjoy."
Vixor chuckled. "I will."
Pinatay niya ang tawag at sa halip na pumara ng taxi, tinakbo lang niya ang distansiya mula sa bahay nila Vixor patungo sa bahay niya. Mas mabilis naman siya kesa sa taxi o sa kahit anong sasakyan.
LUCIEN went back on the terrace. Wala na roon ang amoy ni Virgo. He felt like laughing at his heartache. Two years had passed and she can still hurt him like this.
Love is like a vampire... it sucks!
Natigilan siya habang nakadungaw sa ibaba ng teresa ng makakita ng babaeng naglalakad palabas ng Simonides mansion. He narrowed his eyes on the woman, pero nawala ang focus niya sa babae ng marinig na may nagsalita sa tabi niya.
"Hey. What's up?" Ani ng katabi niya na napagalaman niyang si Vixor. "Bored ka na ba riyan sa kuwarto? Bumaba ka kaya rito."
He looked at the man who held the same face of the man he killed for Virgo.
Ilang segundong nawalan ng imik ng lalaki. "Do you need me right now, Virgo? I could ditch the party."
His heart pounded. Virgo? It couldn't be... baka kapangalan lang.
"Sure about that, Virgo?"
No. Kapangalan lang siguro.
"Okay. See yah, Virgo. Take care."
Nagbaba siya ng tingin at nakakunot ang nuo. Imposible! Kapangalan lang iyon ni Virgo. Suguradong hindi lalapit si Virgo sa lalaking kamukha ng pumatay sa mga magulang nito.
Mas lalong kumunot ang nuo niya ng humahangos na lumapit sa kaniya si Lashka.
"Kuya Lucien!" She stops in front of him, her breathing ragged. "Nakita ko si Virgo! She's here! In this mansion!"
Mabilis siyang napatingin kay Vixor na nahuli niyang nakatingin sa kaniya habang may munting ngiti sa nga labi.
"Hope you're enjoying the party, Lucien." Ani Vixor at naiwan siyang nag-iisip.
Information's from two years ago are now bombarding his mind. Shit! May kinalaman ba si Vixor sa pagkawala bigla ni Virgo?
A/N: Hope you enjoy reading :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top