CHAPTER 17 - A Rogue's Kiss

CHAPTER 17 - A Rogue's Kiss

NASA rooftop si Vixor ng Castello Simonides habang kausap sa telepono si Vixen. She's updating him on what's happening in Kallean Household. Hindi naman niya yata kailangang malaman. He could guess.

"Lucien went on rampage. He was looking for Virgo. Mukhang nalaman na nila na nawawala siya." Ani Vixen sa kabilang linya. "The last time i heard, Lucien is killing every Rogue in sight. He is mad, Vixor. At alam mo kung anong kayang gawin ng galit na Bampira."

He sighed. "Bahala siya sa buhay niya. Magwala siya kung gusto niya pero hindi ko sa kaniya ibabalik si Virgo."

Bumuntong-hininga si Vixen. "Kuya, anong gagawin mo kung pumunta rito si Lucien sa bahay tapos sabihin ni Daddy ang totoo sa kanila?"

"Dad won't do that." Nakatiim-bagang na tugon niya. "Malaki pa ang utang na loob niya sa akin."

Vixen blew a breath. "Kuya, ibalik mo na si Virgo rito."

"Ayoko. May pangako pa akong dapat na tuparin."

"Kuya naman e. Please, ibalik mo na rito si Virgo. Kawawa naman siya. Wala naman siyang alam satin e." Ani Vixen na nagmamakaawa. "Kuya, alam ko ang kasunduan ng ama ni Virgo at ni Daddy pero patay na si Kuya Vixon. Tama na. Itigil na natin 'to."

Vixor sighed as he stands on the edge of the Castello Simonides roof top. "Ayoko." He looked down and saw Virgo on the garden. Kasama nito si Arietta.

Mag-iisang buwan na rin sa Castello ang dalaga at natutuwa siya na mukhang hindi na ito umiiyak masyado kapag gabi. Medyo kalmado na rin ito kapag kasama siya. Pero hindi naman yata mawawala agad-agad ang takot sa puso nito. She gets scared when he is drinking blood, kaya naman hindi na siya umiinom ng kahit na anong kulay pula na likido sa harapan nito. Alam niyang ayaw siya nitong makatabi sa kama kaya sa sahig siya natutulog. At ang pinaka-ayaw nito sa lahat ay ang banggitin niya ang pangalan ni Lucien.

Ayaw niyang matakot ito sa kanya. She wanted her to trust him. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para hindi ito matakot.

"Kailan mo ba siya balak iuwi?" Tanong ni Vixen sa kabilang linya.

Sa halip sa sagutin, pinatay niya ang tawag at napangiti ng makitang nakikipag-agawan si Virgo kay Arietta sa pagdidilig ng halaman sa harden.

Tumalon siya mula sa rooftop pababa sa harden. When his foot touches the ground, it made a booming sound. Mabilis na napalingon si Virgo sa gawi ni Vixor.

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka nga." Pagtataboy nito sa kanya.

He just chuckled and walk towards her. Tumigil siya sa tabi ni Virgo at inagaw ang pandilig sa halaman na hawak nito at ibinalik iyon kay Arietta.

"Hindi ba sinabi ko sayo kanina na ayaw kong pakalat-kalat ka sa Castello?" Pinatalim niya ang mga mata. "Dapat kasama mo ngayon si Thomas at nag-aaral kang mag piano."

Inungusan siya nito. "I already know how to play the Piano, dimwit. Kaya nga pinaalis kaagad ako ni Thomas e."

"And your Tango, Rumba and Salsa lesson? Kumusta na?"

Inirapan siya nito at pumitas ng isang isang tangkay ng pulang rosas. "Ano ba ang problema mo? Nasa labas ako at ang ibig sabihin no'n ay tapos ko na 'yang pinagpapagawa mo. I already know how to Tango, Rumba and Salsa. Alam ko kung paano tumugtog ng Piano at Gitara. Ano pa?"

"How about your lesson before bed time?"

"Oh. That? Nagkaroon ako ng test kagabi. I aced it." May pagmamalaki sa boses nito. "Ano pa ang ipapagawa mo, kamahalan?" Puno ng sarkasmo ang boses nito.

Ever since she learned that he is a Prince, she keeps on calling him 'kamahalan'. Nakakatuwa nuong una pero ngayon ay nakakairita na.

"Stop calling me that." Naiinis na sabi niya. "Or i will-"

"What? Sasaktan mo ako? Papatayin mo ako? Babalatan mo ako ng buhay o sasakmalin mo ang leeg ko?" Humalikipkip ito. "Mamimili ka na kung anong panakot ang itatakot mo sakin. O kaya mag-isip ka ng bago para naman matakot ako."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinakalma ang sarili.

Sa isang buwan na nagdaan, napag-alaman nito na panay lang siya panakot, hindi naman niya gagawin. Kaya mula noon, kahit anong panakot ang sabihin niya, walang epekto 'yon sa dalaga.

He was just bluffing and she knows it.

Pagmulat niya ng mga mata, tamang-tama na ang mapupula nitong mga labi ang natitigan ng mga mata niya.

"Ano na?"

He smirked. "I'll kiss you." Hinawakan niya ito sa baba at itinaas ang mukha. "How's that, honey?"

Napamulagat ito at bumadha ang pangamba sa mga mata nito.

Vixor chuckled. "Chill, Virgo. I'm just kidding."

Tinabig nito ang kamay niya at nagmamartsang naglakad papasok sa Castello.

"Hey, Virgo!" Pahabol niyang sigaw sa dalaga. "Your Royal Etiquette Lesson is about start."

"Curse you, idiot vampire!" Sigaw nito bago makapasok sa loob.

Mabilis na hinabol niya ang babae at naabutan naman niya sa hagdanan.

"I'm serious, Virgo." Aniya. "You agree to do this, remember?"

Naiinis na bumaba ito ng hagdan at naglakad patungo sa grand hall kung saan naghihintay si Charlotta. Ang magtuturo rito ng tamang asal.

Naiiling na napapangiti siya. Para namang may magbabago sa asal ng dalaga.

PAGOD na pagod si Virgo ng matapos ang pag-aaral niya sa araw na iyon. Who knew learning to become a vampire is hard? O talagang torturer lang si Vixor kaya siya pinahihirapan?

Lahat na yata ng sayaw ay itinuro sa kaniya. Lahat ng klase ng instrumento ay alam na niya kung paano gamitin. At ngayon, sa pag-uugali at tamang paggalaw naman ang itinuturo sa kaniya. Can this get any harder? Urgh!

Nahiga siya sa kama ay bumuga ng hangin. Nakatitig siya sa mataas na kisame ng bigla niyang naalala ang mga magulang. And then Lucien's handsome face flashed through her mind. Marahas siyang napailing. No!

Isinara na niya kung ano man ang namagitan sa kanila ni Lucien. Kung matatawag ngang ganoon ang pagkontrol nito sa emosyon niya. She could still remember the kisses that they shared and she felt nothing. Isang huwad na emosyon ang naramdaman niya at iyon ang ikinagagalit niya.

Malaki ang utang na loob niya kay Lucien pero wala itong karapatan na pakialaman ang emosyon niya at kontrolin!

He has no right ... at all.

Virgo was dragged out from her reverie when a hand touched her cheek. Nang tingnan niya kung sino ang may-ari ng kamay na iyon, nakita niya si Vixor na nakaupo sa may uluhan niya at pinapahid ang luha na hindi niya namalayang namamalisbis pala mula sa gilid ng kaniyang mga mata.

"Bakit ka na naman umiiyak?" Tanong nito habang tinutuyo ang luha niya.

"Masakit pa rin." Aniya na ngayon ay humihikbi na. "Ang sakit-sakit. Akala ko mahal ko siya. Akala ko si Lucien na ang lalaki na magpaparanas sa akin ng sobrang kaligayahan. Akala ko hindi niya ako lolokohin. Ang dami kong akala..." mapait siyang napangiti. "Mga akala na huwad pala. Ang sakit-sakit nung malaman ko na niloloko niya ako. Na kasinungalingan lang pala ang lahat. Matatanggap ko naman kung ano at sino siya, kaya kong tanggapin na isang siyang bampira. Pero ang hindi kayang tanggapin ng puso ko, iyon ay ang panlililinlang niya. 'Yon ang sobrang masakit, parang pinipipit ang puso ko sa sakit."

Nasa uluhan pa rin niya si Vixor at nakayuko sa kaniya habang tinutuyo ang luha niya.

"Pain can be cured by a kiss, you know." Anito.

Napatitig siya sa binata at dumako ang mga mata niya sa mga labi niyo. "Kiss me then and make me forget, Vixor. Because my heart cannot take another heart ache anymore."

Virgo saw Vixor's face leaned closer to hers. Ipinikit niya ang mga mata at iniwang nakawang ang kaniyang mga labi.

She waited...

And then his lips pressed against her. Kasabay niyon ang medyo malapot na likido na pumasok sa bibig niya. When she gulped the liquid, her throat burned!

Napamulagat siya at sinapo ang leeg niya na parang sinusunog. Ang pakiramdam na iyon ay bumiyahe patungo sa may tiyan niya at biglang nawala.

Virgo looked at Vixor. "A-Ano 'yon?"

Vixor gathered her in his arms and whispered on her ear. "Hold on. Your about to turn."

"T-Turn?"

"Yeah." Vixor smiled. "Just hold on. I'm here."

And then it began. Pain ripped through every muscle and every vein in her body. Her head feels like its exploding in so much pain. Her hands and legs were shaking violently. And she feels like Satan's minion is torturing every corner of her stomach. 'Yong pakiramdam na parang sinusunog ang laman niya at hindi nalang sa leeg at sa tiyan. Every part of her body is burning. Sumisigaw siya sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi niya alam kung saan siya kakapit at kung may isisigaw pa siya sa sobrang sakit na kumakain sa buo niyang pagkatao.

Vixor was still holding her in his arms as her spasm and convulse in pain.

She was shouting and shouting as excruciating pain sipped through her nerves. Parang sinusunog ang katawan niya at hindi niya kaya ang sakit na nararamdaman.

Virgo felt her body weakening and then she lost her consciousness.

NAPATITIG si Vixor sa magandang mukha ni Virgo. Nakikita na niya ang pagbabago sa bawat segundo na lumilipas. Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng maramdamang lumalabas ang mga pangil niya.

Virgo's blood just becomes sweeter and sweeter. Mas pabango ng pabango ang dugo na taglay nito kaya naman binitiwan niya ang dalaga at tumakbo patungo sa teresa para doon pakalmahin ang sarili.

Vixor froze when he saw Rogues trying to enter the Simonides Castello.

"Crap!" Mukhang hindi lang siya ang nakaamoy sa mabangong dugo ni Virgo.

They have humans on the Castello. Alam niyang hindi makakapasok ang mga Rogue na pilit na pumapasok pero kailangan niyang makasigurado.

Virgo is in danger.

Mabilis siyang lumabas ng silid. "Arietta!"

In a blink of an eye, Arietta is on his side. "Yes, your highness?"

"Ready the plane." Aniya.

"The plane is ready your highness." Sabi nito. "Should i pack your things?"

"No. You're coming with us." Bumalik siya sa silid at pinangko si Virgo. "Virgo needs you when she fully turned."

Mabilis ang sunod nilang naging kilos. Kasama si Arietta, nakalabas sila ng Castello patungo sa kinalalagyan ng pribadong eroplano ng pamilya niya.

Habang papaalis ang eroplano, isa lang ang nasa isip ni Vixor. And that is Virgo's safety.


A/N: Last update for Lucien<3Virgo<3Vixor


Wala pa rin po akong alam. Haha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top