CHAPTER 16 - Acceptance and Friendship
CHAPTER 16 - Acceptance and Friendship
VIRGO'S heart was pounding inside her chest as she steps out from the Castello. Nang masiguro niyang walang nakakita sa paglabas niya, mabilis siyang tumatakbo palayo sa Castello Simonides. Habol niya ang hininga habang paulit-ulit na nagdarasal na sana hindi malaman ni Vixor na nakatakas siya.
Oh god! Please! Please! Please! Let me escape!
Hindi niya alam kung nasaan siya basta ang alam niya malayo na siya sa Castello. Panay ang lingon niya habang naka-paa lang na tumatakbo. Pakiramdam kasi niya ay may sumusunod sa kaniya pero wala naman.
Tumigil lang siya sa pagtakbo ng makarating siya sa bahagi ng Ragusa na maraming tao. Kabi-kabila ang Club at mga Restaurant and Café's. Hindi katulad sa pinanggalingan niya na madilim at nakasara ang mga bahay at gusali.
Virgo was catching her breath as she walk with her head on the ground. Ayaw niyang magkaroon ng eye contact sa mga nakakasalubong niyang tao. Nang makakita ng payphone booth, kaagad siyang pumasok doon.
Mapakla siyang tumawa ng maalalang wala naman siyang pera para makatawag. At sino ang tatawagan niya, ni hindi nga niya maalala ang numero ni Tito Leo at Lea. Kahit ang numero ni Lucien, hindi niya maalala.
Awang-awa siya sa sarili na napahagulhol. "God! Why are you punishing me? Wala naman akong ginawang masama. Bakit ba hinahayaan mo akong magkaganito. Please! Answer me!"
Palakas ng palakas ang hikbi niya habang nakasiksik ang katawan sa loob ng payphone booth. She was crying as she hugged herself. Bakit ba nangyayari ito sa kaniya? Bakit ba nararanasan niya ito ngayon?
Napaigtad siya sa gulat ng makarinig ng katok mula sa labas ng payphone booth. Nagtaas siya ng tingin at napasinghap siya ng makakita ng pulang mga mata!
It wasn't Lucien... and not Vixor either! Oh god! Please! Not another vampire! Please, no!
Mas isiniksik niya lalo ang katawan sa gilid ng payphone. "Please... no... please..." she was sobbing as she begged.
A knock came from her behind. Mabilis siyang lumingon at malakas na napasinghap. She saw another pair of red eyes making her shiver in fear. Umusog siya sa gitna ng payphone at mariing ipinikit ang nga mata.
Her body is shaking in fear. Nanlalamig ang katawan niya at pinagpapawisan siya ng malapot. Ayaw niyang tumingin sa labas sa takot na baka nakalapit na sa kanya ang mga.
Virgo squirmed when she heard someone punching the payphone booth. Naririnig niya ang pagkabasag ng salamin na pumapalibot sa booth. She felt it shook and she shivered.
Nanginginig ang katawan niya habang hinihintay na saktan siya ng mga lalaking nasa labas ng payphone. Wala siyang laban. She's just human.
Umiiyak na napakagat-labi siya at tumingin sa labas ng payphone. Hope swelled inside her when she saw Vixor standing meters away from her. Matiim itong nakatingin sa kaniya at halata ang galit sa mga mata nito.
"Help me..." nangmamakaawang sabi niya kay Vixor. "Please?" Hilam ng luha ang pisngi niya habang nagmamakaawa na tulungan siya nito. "Please... parang awa mo na. Please. Maawa ka..."
Vixor face softened and walked towards her.
At sa harapan niya mismo, she saw how Vixor ripped the heart out of two vampires that was trying to harm her. She saw how they turn to ashes and in that instant, she felt safe.
Umiiyak na tumayo siya. She was still hugging herself.
Duguan ang kamay sa lumapit sa kaniya sa Vixor. "I told you not to escape, didn't i? Ang tigas kasi ng ulo mo! Sa tingin mo nagbibiro lang ako ng sabihin ko sayong maraming nagkalat na bampira sa mundo? Hindi ka kasi nakikinig, e!"
Hinawakan siya nito sa braso gamit ang duguan nitong kamay at walang sabi-sabing pinangko siya. Everything becomes blurry as Vixor moved fast towards Castello Simonides. Nakapikit lang siya habang tumatakbo ito.
And when he stopped, they were already outside the door of Simonides castle. He kicked the door opened and then he run so fast again. The next thing she knew, nasa silid na siya nila at inilalapag siya nito sa malambot na kama.
Vixor sighed and looked down at her. "Diba sinabi ko na sayong huwag kang tatakas? Wala ka namang pupuntahan e. Tingnan mo ang nangyari sayo."
Pinahid niya ang luha na nasa mga mata niya at nang makita ang dugo sa braso niya, mabilis niyang inilayo ang braso sa mukha niya at mariin siyang napapikit sa takot.
Virgo heard Vixor sighed and the he left. Iminulat niya ang mga mata at nakita niyang naglalakad pabalik sa kaniya si Vixor, may dala itong maliit na plangganita na may lamang tubig at pamunas.
Vixor sat on the space beside her and then he started cleaning her arm that is covered with blood. Walang imik na panay ang punas nito sa braso niya. Siya naman ay napatitig sa guwapong mukha nito. Akala niya noon na masama ito, pero sa mga araw na lumipas na nakasama niya ito, napatunayan niyang hindi naman pala ito ganoon kasama. Medyo lang.
Yes, he attacked her neck and hurt her. Pero ito rin ang nagmulat sa mga mata niya tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa mga kauri nito. Vixor has a soft side that often comes out.
Vixor let her felt pain and every emotion that Lucien tried to hide inside of her.
"Thank you." Aniya habang nakatingin dito.
Bumadha ang gulat sa mukha nito dahil sa sinabi niya. He looks so cute with his shock face as he looked at her.
"Nasapian ka yata ng masamang espirito." Komento ni Vixor ng makabawi sa pagkagulat. "Bakit ka nagpapasalamat sa'kin? I kidnapped you. I attacked you. I held you prisoner here. You have nothing to thank me for."
Nag-iwas siya ng tingin. "You save me. Sapat na iyon para pasalamatan kita."
Nang ibalik niya ang tingin kay Vixor, nakangiti ito habang pinupunasan ang braso niya.
"Bakit ka nangingiti riyan?" Matay niyang tanong.
Vixor looked at her. "Okay pala ang ganito, no? Yung mabait ka at medyo mabait din ako."
Napangiti siya sa tinuran nito. "Medyo okay nga."
Mahinang napatawa si Vixor at hinawakan ang kamay niya na para bang nakikipagkamay ito. "Friends?"
Matiim niyang tinitigan ang mukha ni Vixor. This man is a monster. Makikipagkaibigan ba siya rito?
"Friends." Aniya.
Ano pa ba ang magagawa niya kundi ang makipag-kaibigan dito? Wala siyang ibang malalapitan kundi ito. And now, as she thought about what happened to her in the payphone booth, na realize niyang wala talaga siyang kalaban-laban sa mga gustong manakit sa kaniya.
And she's tired of being scared of those who tried to kill her. Pagod na siyang matakot. Pagod na siyang palaging maging sunod-sunoran. Pagod na pagod na siyang umiyak dahil naaawa siya sa sarili niya. Pagod na pagod na siyang maging tao na hindi kayang ipagtanggol ang sarili niya.
Pagod na pagod na siya. Ayaw na niya.
"Vixor?"
"Yeah?"
"Can you turn me into a vampire now?"
Vixor stilled and looked at her, frowning. "What? Akala ko ba ayaw mo?"
Her face saddened. "Nakakapagod nang maging mahina. Nakakapagod nang umasa sa iba para sa kaligtasan ko. Nakakapagod na. Ayoko na."
Vixor's hand reached out to dry her tears. "Huwag ka nang umiyak. Hindi bagay sayo."
"Okay." She forced himself to smile. "Can i sleep now?"
Vixor nodded and let of her now clean arm. "Sure. I'll sleep in the floor."
Natigilan siya. "Bakit?"
"Because i know you don't want to sleep in the same bed with me." Anito at umalis sa kama.
Nakatingin lang si Virgo sa lalaki habang naglalatag ito ng comforter sa sahig. And then he lay there and sleeps. Siya naman ay nagkumot hanggang leeg at pinilit ang sarili na makatulog. And before she lost her consciousness, she heard Vixor's voice.
"Good night, Virgo."
"LUCIEN! Where the hell are you going?!" Malakas ang boses na sabi ng kaniyang ama habang naglalakad siya pababa ng hagdan at naka-sabit sa likod niya ang mahabang espada.
Tumigil siya sa pagbaba ng hagdan at nilingon ang ama niya na nasa puno ng hagdan. "Hahanapin ko si Virgo."
His father sighed. "You're so obsessed in finding that woman. Lucien, may sariling buhay ka naman na dapat asikasuhin."
Nagbaba siya ng tingin. "Anong buhay pa ang aasikasuhin ko kung si Virgo nga hindi ko mahanap?" Ikinuyom niya ang kamao. "Dad, si Virgo ang buhay ko! Hindi ko kaya na mawala siya sa'kin. Dalawang linggo pa nga lang siyang nawawala pero para na akong mababaliw sa kakaisip sa kanya. I can't concentrate on anything! I just can't!"
Bumaba ang ama niya sa hagdan at inakbayan siya. "Son, hindi natin alam kung nasaan si Virgo. Halos gabi-gabi hinahanap mo siya pero kahit ang pamilya niya walang nakakaalam kung nasaan siya."
Bumagsak ang mga balikat niya. "I need to see her, Dad. I can feel the monster inside of me trying to come out. Kapag hindi ko pa siya mahanap at makita sa loob ng isang buwan, I'll lose myself and i will become the monster you hunt."
"No... hindi ako papayag."
He shrugged. "Then let me find her. Please?"
Bumuntong hininga ang ama niya. "Fine. Isama mo si Lucan."
Tumango siya at nagpatuloy na naglakad palabas ng pinto. Palabas sa bahay nila.
And when he was finally out, his eyes turns red and then runs fast towards the dark forest. He really needs to see Virgo. He missed her! He needs to talk to her. At kung kailangan niyang magmakaawa para lang tanggapin siya nito ulit, gagawin niya iyon.
Mahal na mahal niya ang dalaga. At gagawin niya ang lahat mahalin lang din siya nito.
NAGISING si Vixor dahil para bang may mga matang nakatingin sa kaniya. When he opened his eyes, he saw Virgo looming over him.
Kinunotan niya ito ng nuo. "Yeah? Need anything?"
Virgo smiled making his already dead heart slightly thumped. "Nakahanda na raw ang breakfast."
"Oh." Mabilis siyang bumangon at mabilis na tinupi ang comforter na inilatag niya sa sahig at itinabi iyon. "Let's go. Kumain na tayo."
Umalis si Virgo sa kama at sabay silang naglakad palabas ng silid. As they walked on the hallway towards the dining table, they were silent until Virgo spoke.
"Can you turn me now?"
He froze. That again. Ano ba ang nasa isip nito at pumayag ito sa gusto niya? Is she playing with him? Is she bluffing? Ayaw niyang basahin ang laman ng isip nito. He could but he wouldn't dare. He would not pry on her brain. Wala siyang karapatan na panghimasukan ang personal nitong pag-iisip.
He is a monster but its crossing the respect line.
"Yes, i will turn you." Aniya. "Pero hindi pa ngayon. You need to know everything about my kind before i turn you."
"Like what?"
"Everything."
"Anong everything?" Naguguluhang tanong nito.
Nararamdaman niya desidido talaga itong maging katulad niya.
"I'll tell you in the dining table."
Wala pasabing niyakap niya ang dalaga at mabilis na naglakad patungo sa kumedor. He like the feeling of Virgo's body pressed against his.
God. It's making him horny! For fuck sake! Hindi maari! Hindi niya puwede maramdaman 'yon para rito. Ayaw niyang maramdaman 'yon. Hindi siya papayag.
HABANG nag-aagahan sila ni Vixor, ipinaliwanag nito ang mga dapat niyang malaman. Panay lang ang tango niya rito.
Wala siyang pakialam sa ibang bagay. Ang kailangan maging Bampira siya at sisiguraduhin niyang wala nang makakapanakit sa kaniya. Wala nang puwedeng kumontrol sa emosyon niya!
She needs to be a vampire in order to save herself from being a prey on this dark and dangerous world.
"So, payag ka?" Tanong ni Vixor sa kaniya.
Tumango siya. "Oo, payag ako.
"Great." He smiled. "Mag-uumpisa ka bukas nang umaga hanggang sa gabi."
Tumango siya ulit. "Okay."
"Good."
Natapos ang agahan na ang mga gagawin lang niya ang pinaguusapan nila ni Vixor. Kaya naman laking gulat niya ng bigla itong nag-aya na mamasyal.
"Bakit no naman ako inaayang mamasyal?" Nagtatakang tanong niya sa lalaki.
He shrugged "I want you to familiarize the place. Alam kong ang nasa isip mo ay ang makatakas ka sa poder ko. Ayos lang 'yon. Kaya nga kailangan alam mo ang pasikot-sikot sa buong Ragusa. Para makatakas ka ng mabilis. That would be my challenge to you."
Tumango siya. "Okay."
Inilahad ni Vixor ang kamay sa kanya. "Take my hand."
"Bakit?" Naguguluhang tanong niya.
Biglang nagdilim ang mukha nito. "Just take it."
"O-Okay." Tinanggap niya ang kamay nito.
He intertwined their hands and then pulled her out of the Castello.
Magkahawak kamay sila habang namamasyal sa buong Ragusa. And Virgo actually felt good while holding Vixor hand. She felt comfortable. She felt safe.
"Vixor?"
"Yeah?"
"Kinokontrol mo ba ang emosyon ko ngayon?" Tanong niya.
He frowned. "Nope. When i told you that I grant your request not to control your emotion, i was serious, Virgo. Bakit? Ano ba ang nararamdaman mo?"
Nag-iwas siya ng tingin at lihim na napangiti. "Nothing. I'm just asking."
A/N: So, yeah. Haha. Wala talaga akong alam.
#TeamVixor #TeamLucien
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top