CHAPTER 15 - It Couldn't Be Her
CHAPTER 15 - It Couldn't Be Her
NAKATINGIN sa kawalan si Virgo nang bumalik si Vixor sa Castello. Nalaman niya mula sa tagapag-silbi na ihinatid si Virgo si Arietta patungo sa silid na inuukupa nila.
Si Arietta ay ang pinaka-matagal na nilang tagapag-silbi sa Castello at mapagkakatiwalaan niya ito.
Umalis siya kanina sa Castello, dahil hindi niya kinaya ang emosyon sa mukha ni Virgo. She looks so sad, alone and in pain. Something tugged in his heart. Sa halip na pagbigyan pansin kong ano 'yon, tumakbo siya.
His emotions have been long gone. Thanks to his parents. Pero kanina, habang sumisigaw ito sa sakit dahil sa walang habas niyang pag-atake sa leeg nito, sa unang pagkakataon mula ng maging Rogue siya, he felt something. Something ... like ... pity.
He pitied the woman. And that's new to him. He's been a Rogue for a hundred year now. But unlike the rascals rogue, he can control his thirst for blood and death. Thanks to the tattoo in his back. The Tattoo that only few has. Alam niyang marami ang ini-experementuhan ng mga magulang niya. Hindi lang silang magkambal. He knew there are others like him, but he haven't meet one, except Lucien who turned because of his brother's blood in his veins.
Speaking of Lucien...
He and Lucien is the same yet different. Matagal na siyang Rogue, samantalang ito ay baguhan palang. Lucien has emotions, he hasn't. Lucien turned Rogue after drinking the blood of his brother, after he killed him. While he turned Rogue because his parents experimented on him and his twin, Vixon.
Rogue's blood can turn a normal vampire into Rogue. Kapag ang isang Bampira ay nakainom ng dugo ng isang Rogue, kahit isang patak lang. He or she will turn. But not automatic. The turning takes days, week even. But Lucien's case is different. Because it was his brother's blood that spread through his veins, he turned rogue in an instant.
Sabi ng ama niya noon, babalik ang emosyon niya kapag nakilala niya ang magiging katuwang niya sa habang-buhay. It never happened. After a hundred of year, his emotion didn't come back.
Until earlier in the ball room.
Ito ba ang tinutukoy ng ama niya? Is Virgo the one for him? Yeah, right! What a piece of shit! Heto na naman siya sa mga haka-haka niya na hindi naman totoo. Paano magiging sa kanya si Virgo samantalang ang namatay niyang kakambal ang nakalaan dito?
Nilapitan niya ang dalaga na nakaupo sa gilid ng kama at nakatulala sa hangin. Tumabi siya ng upo rito. Hindi siya nagsalita. He waited for her to speak. And she did. After a couple of minutes.
"Bakit nila ginawa 'yon sa'kin?" Tanong nito habang namamalisbis ang luha sa mga mata. "Bakit?"
Huminga siya ng malalim bago sumagot. "That deal was made before you were born. Natakot lang siguro ang ama mo noon na maghirap kayo at hindi maibigay ang mga pangangailangan mo. That's why he did it. Well, that's just a wild guess."
Bumaling ito sa kaniya. "Bakit sila pinatay ng kakambal mo?" Humikbi ito. "Kahit anong gawin nila mga magulang ko pa rin sila at hindi ako magagalit. Sana sinabi nila sa'kin."
"My brother was pissed off." He sighed. "Ang usapan, kapag nag-debut ka na, ibibigay ka na nila sa'min. Pero hanggang sa mag-twenty ka, wala pa rin." He gazed down on the floor. "Binigyan ng palugit ng ama ko ang ama mo. But your father didn't listen. Nag-plano siyang itakas ka o ilayo sa amin. So, yeah."
Mapait na ngumiti ang babae. "Kaya ba dinala mo ako rito? Dahil sa deal na 'yon? Because honestly speaking, i don't give a shit anymore. Kill me, bite me, rape me, and mutilate me. Do it. Wala na akong paki. Ayoko na."
Nahiga siya sa kama at tumingin sa kisame. "Hindi kita papatayin. May pangako pa akong dapat tuparin."
Dahan-dahang humarap sa kanya si Virgo. Tears were still streaming down her face.
"Vixor?"
"Yeah?"
"Make me forget. Please?" Nagmamakaawa ang boses nito. "Hindi ko na kaya. Please? Tama na. Ang sakit-sakit na. Tama na please. Hindi ko na kaya."
He shook his head. Hindi niya gagawin yun dito. "Virgo, memories are made to be remembered, not to be forgotten."
"But some memories are not worth remembering."
"No. Ayoko pa rin na tanggalin ang memorya mo. Kaya ko, pero ayoko. Keep it. Memorize it. Get used to it. The pain will fade away, Virgo. Mawawala din yun."
"Masakit na masakit na masakit na." Hindi pa rin maampat ang luha sa mga pisngi nito. "Kahit ngayon lang. Ayoko nang masaktan. Nakakapagod. Bukas naman 'yung iba. I'm just human, Vixor, we can die in so much emotional pain."
He heaved a deep and open his arms wide. Matagal na niyang hindi ito nagagawa pero siguro naman, hindi pa niya nakakalimutan kung paano magpatahan ng babaeng umiiyak.
"Come here." Sabi niya. "I'll make you forget just for tonight. Bukas, ibabalik ko rin ulit ang sakit para masanay ka."
Humihikbing lumapit sa kanya si Virgo at yumakap. Nararamdaman niya ang emosyon nito. She feels so alone and hurt and in desperate need of someone to hold. She's so fragile. Hinagod niya ang likod nito at niyakap ng mahigpit.
He thought wrong. Mukhang nakalimutan na niya kung paano magpatahan ng babaeng umiiyak. So he did the easiest thing.
"Sleep, Virgo." He whispered. "Sleep tight."
Kaagad na nawalan nang malay ang dalaga. Nakayakap pa rin ito sa kanya habang nakahilig ang ulo sa dibdib niya. Inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumotan.
Nang masiguro niyang maayos na ang lagay nito, tinawagan niya si Vixen para alamin kung ano na ang nangyayari sa mga Kallean.
PAGKAGISING ni Virgo, wala na sa kama si Vixor. Napatitig siya sa damit na nasa couch. It's a color beige sun dress, with undies and bra beside it.
Namula ang pisngi niya. Is the dress for her?
Nilapitan niya ang damit at binasa ang maliit na note na naroon.
Wear it. Arietta bought these for you. - Vixor
Hindi niya kilala si Arietta, pero kung sino man ito, gusto niyang pasalamatan ito sa pagbili sa kanya ng damit. Nakakatuwa naman. Her mother used to buy her dresses—
She stilled at that thought. Her parents. Nakipag-deal ang mga ito sa mga magulang ni Vixor at siya ang kapalit ng kayamanan na hiningi ng mga ito. She felt betrayed. Mula pala simula, naglihim na ang mga ito sa kanya. Kaya pala takot na takot ang ama niya ng malamang may stalker siya. Maybe that was Vixon, Vixor's twin brother.
Kung ginawa ng mga magulang niya ang pinagkasunduan, buhay pa kaya ang mga ito? Kasama pa siguro niya ang pinakamamahal niyang mga magulang ngayon. Ayos lang sa kanya kung mapunta siya sa mga Simonides, basta ba buhay ang mga magulang niya.
They could have told her.
The pain still lingers in her heart. Masakit na masakit pa rin pero kinakaya niya. Wala rito si Vixor para tanggalin ang sakit at saka adik naman ang isang 'yon e. Gusto palagi siyang nasasaktan.
Pumasok siya sa banyo na naroon para maligo. Pagtapos ay nagbihis siya. She wore the beige sun dress that Arietta bought for her.
Naka-paa lang siya habang naglalakad palabas ng malaking silid na iyon. Nang makalabas siya, napalingon siya sa kanang hallway at sa kaliwang hallway. Napakahaba niyon at hindi niya alam kung saan patungo ang mga iyon.
"Vixor?" Tawag niya sa pangalan ng binata.
He's a vampire, right? So, he can hear from a far, right?
"Vixor?" Tawag niya ulit sa pangalan nito. "Nandiyan ka ba? Can you hear me?"
Napaigtad siya sa gulat ng biglang nakita niya sa kaniyang harapan si Vixor. As usual, walang emosyon ang mukha nito.
"Namumugto ang mata mo." Anito.
Mabilis na dumapo ang kamay niya sa mga mata. Yeah. They feel sore.
"Pangit na ba ako?" Tanong niya.
Her glasses had been long gone. She's now the same Virgo that she was before her parent's death. At saka, wala siyang make up na suot ngayon kaya siguro pangit na siya.
Vixor looked away. "Kahit naman yata namamaga ang mga mata mo, maganda ka pa rin."
That earned a small smile in her face. "Salamat."
Vixor just shrugged and dropped something on the floor. Mabilis na dumako ang tingin niya sa bagay na ihinulog nito sa sahig. It's a beautiful pair of slippers. Bagay iyon sa sundress na suot niya.
"Para sa'kin ba 'yan?" Tanong niya.
"Yes."
Mabilis niyang isinuot ang tsinelas. Kasya lang 'yon sa kanya.
"Great." Vixor said then he started walking. "Sa kumedor tayo."
Halos tumatakbo na siya sa pagsunod kay Vixor dahil ang bilis nitong maglakad.
"Hey! Slow down!" Sigaw niya.
Vixor stopped and look back at her. "Move fast, will you?"
Hinihingal na tumingin siya sa binata. "I can't keep up with you. Saka hindi ko alam ang pasikot-sikot ng bahay na 'to. Urgh! This is not even a house, damn it! This is a freaking castle—" her mouth clamped shut when Vixor started walking towards her.
"T-Teka, a-anong g-ginagawa mo?" Kinakabahang tanong niya sa lalaki.
Nang makalapit sa kanya si Vixor, walang sali-salitang pinangko siya nito. Then he moved fast. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nahihilo siya sa sobrang bilis ng paggalaw nito. She couldn't see anything. Everything is blurry.
And then ... he stopped.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at natagpuan niya ang sarili na nasa kumedor na.
What the hell?
Ibinaba siya ni Vixor at hinila siya palapit sa mesa kung saan may mga nakahain nang pagkain.
Magkaharap ang upuan nila ni Vixor. Habang kumakain siya, si Vixor naman ay sumisimsim nang pulang likido sa baso.
"I-Is that b-blood?" Nauutal na tanong niya.
Vixor raised the glass and looked at it before dragging his gaze to her. "Yes. Scared?"
Nilunok niya ang takot na nararamdaman. "Should i be?"
Vixor smirked. "Bakit? Natatakot ka na ang dugo mo ang ilagay ko rito sa baso?"
Namutla siya sa tinuran nito.
Mahinang tumawa si Vixor. "Relax, Virgo. May plano pa ako sayo kaya hindi ko gagawin 'yon."
Nakahinga siya ng maluwang. "Ano ba ang plano mo sa'kin?"
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Vixor at napalitan iyon ng hindi niya mabasang emosyon. "A deal is a deal, Virgo. And i have a promise to keep."
"At ano ang pangakong 'yon?"
"Sa'kin na muna 'yon. Hindi ka pa handa."
She's worried. "Paanong hindi pa ako handa?"
"Basta. Hindi pa." Matiim siya nitong tinitigan. "Marami ka pang dapat matutunan."
"Like what? 'Yon ba ang rason kung bakit mo ako dinala rito?"
Tumango ito. "You need to learn more about Vampire Royalties and Politics. Vampire Laws and Covens. You need to know the different Vampire community in every country."
Napakunot ang nuo niya. "Bakit kailangan kong malaman ang mga 'yon?"
"To be a vampire, you need to know those things."
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "H-Hindi naman ako Bampira kaya h-hindi ko 'yon dapat na malaman."
"I'll turn you next month."
"Turn me, what?"
Tumayo si Vixor at sa isang kisap mata, nasa likod na niya ito at hinahawi ang buhok niya na tumatabing sa leeg niya.
Vixor then whispered over her ear. "I'll turn you into a vampire. Like what i promise to Vixon. So be ready."
Nanlaki ang mga mata niya at halos mahulog ang panga niya sa sobrang pagkakaawang ng labi niya dahil sa gulat sa sinabi nito.
Turn? Vampire? Her? Oh god! No! No!
She was panicking and was about to stand up when Vixor hold her in place.
"Sabi ko na e. Hindi ka pa handa."
She was shaking in fear. "B-Bakit k-kailangan kong maging katulad niyo?"
"Kasi kapag katulad ka na namin, wala nang bampirang mananakit sayo. Wala nang mga bampirang hahabulin ka at sasaktan. Hindi mo ba 'yon gusto?"
She's feed up of vampires always hurting and controlling her. Pero hindi 'yon dapat na dahilan para pumayag siya sa gusto nito. She's human and she will stay that way until she die.
"Ayoko." Umiling-iling siya. "Ayokong maging katulad mo."
"Well, you don't have a choice, Virgo. You are in my castle. And i can do anything that i want." He chuckled. "See? Kung katulad kita, kaya mo akong labanan, kaya mo akong hindian. Kaya mong tumakas dito. Ayaw mo ba?"
Tears fell from her eyes. "A-Ayoko."
"Hmm... bahala ka." Nawala si Vixor sa likod niya at bumalik sa upuan nito na may ngiti sa mga labi. "So, want to go to the beach with me?"
Napapanstastikuhang napatitig siya sa binata. "Are you for real? Pagkatapos mo akong takutin, mag-aaya ka sa beach?"
"What?" Vixor's face held innocence. "Nagtatanong lang naman ako kung gusto mo."
"We could eat in the Restaurant near the beach. Puwede kang maligo sa dagat. Puwede mo rin namang kainin ang mga buhangin."
Virgo can't help but to laughed at his last words. "Kainin ang buhangin? Ikaw kaya ang kumain. Try mo baka masarap."
Sa halip sa sumagot, nakatitig lang sa kanya si Vixor. May nababanaag siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito.
"What?" She inquired, frowning.
"Nothing." He said, still staring at her. "No wonder my brother and Lucien fell in love and got obsess with you." He chuckled. "You have a very beautiful smile."
Natigilan siya at nagbaba ng tingin. Ang dalawang taong 'yon na "nagmahal" sa kanya ay ang taong nagparamdam sa kanya ng sobrang sakit. At hanggang ngayon, kahit tumatawa na siya, hindi pa rin niya maitago ang sakit na nararamdaman.
She looked up at Vixor again. "Sure. I'd like to go to the beach... with you."
She has to move on. She has to... kahit ayaw niya, kahit ayaw ng puso niya, kahit hindi niya kaya ... kailangan niyang kayanin. Para sa sarili niya. Para kahit papaano, may kinabukasan pa siya.
A/N: Last chapter for Lucien, Virgo and Vixor. Sorry guys. I have an eye problem. Akala ko need ko lang na pa increase-san ang grado ng eye glasses ko pero hindi pala. Talagang kailangan rest ng eyes ko. Huhu. So, rest daw. Kaya 2 chapters palang. Sorry :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top