CHAPTER 14 - Deal With Simonides

CHAPTER 14 - Deal with Simonides

NAGISING si Virgo na parang may naka-yakap sa kanya. Iminulat niya ang mga mata, nakita niyang ang braso ni Vixor ay nasa beywang niya at halos magkadikit na ang katawan nila! Oh god! No!
Kapag itulak niya ito baka bigla nalang siyang patayin. Kaya naman dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap ng braso nito sa kanya.
Please, don’t wake up. Please.
"Sorry about that." Biglang sabi ng nakapikit na si Vixor at mabilis na tinanggal ang braso nito sa beywang niya at tinalikuran siya.
Nakahinga siya ng maluwang ng nagkaroon ng distansiya ang katawan nilang dalawa.
Bumangon siya sa pagkakahiga sa kama at naglakad patungo sa terrace. Sumisilip na si Haring araw sa kalingitan at nakakapanindig balahibo sa ganda ang Ragusa, Sicily, mula sa teresa na kinatatayuan niya.
The sun started to shine and it makes the ocean surrounding the island looks like a sparkling diamond. It was breathtaking. And the house below looks old but it holds a classic beauty.
"Sicily is beautiful. Yeah?" Anang boses sa tabi niya.
Mabilis niyang binalingan ang katabi. She hoped that Vixor will burn because of the sun. Pero nang makita niya ito, nakatingin pa ang lalaki sa araw. And he's giving sun a middle finger.
"B-Bakit hindi ka pa n-nasusunog?" Nagtatakang tanong niya.
Vixor smirked annoyingly at her. "Sorry to disappoint you, honey, but the sun doesn’t scare me. Those are for losers. We, Royalties, have our very own protection." Ipinakita nito ang singsing na tattoo sa daliri. "See? So i can put my middle finger in the air and say fuck you sun."
Nag-iwas siya ng tingin. Damn it! Yun na nga lang ang paraan para makatakas siya, may proteksiyon pala ito. Nakakainis. Paano siya makakatakas nito? At kung makatakas man siya, anong gagawin niya? Saan siya pupunta? Saan niya kukunin ang pera na ibabayad niya para makabalik sa Pilipinas? Wala ang cell phone niya sa kaniya kaya hindi niya matatawagan ang Tito niya o kaya naman ang pinsan niyang si Lea. Hindi rin niya memorize ang number ng mga ito.
What to do? I don’t know what to do.
"Halika. Mag-agahan na tayo." Sabi ng katabi niyang lalaki. "Kagabi ka pa hindi kumakain e."
"Why do you care?" Puno ng pait ang boses na sabi niya. "Gusto mo nga akong patayin 'di'ba? Ano naman ngayon kung hindi ako kakain?"
"Kasi may plano ako sayo, Virgo. Kaya kakain ka."
Hinawakan siya nito sa pulsuhan at hinila siya palabas ng silid. Hindi siya nagpumiglas o sinubukang agawin ang kamay. Hinayaan niya lang ang lalaki na hilain siya.
"Sit." Sabi ni Vixor ng makarating sila sa hapag-kainan.
Virgo sat silently.
"Eat up."
Kaagad na sinunod ni Virgo ang sinabi ng lalaki. Ayaw niyang makipagtalo rito kasi napapagod lang siya. Kahit naman yata anong gawin niya, wala siyang takas sa mga kamay nito.
Napatingin siya kay Vixor na sinisimsim ang pulang likido na laman ng high ball glass na hawak nito. She bet its blood. Human blood. Ilang tao na kaya ang napatay ng lalaking 'to? Oh god. She's getting scared again. Pero mabuti nang natatakot siya, kesa naman kontrolin ang nararamdaman niya at bigyan siya ng huwad na emosyon.
"Relax, Virgo, and eat up." Sabi ni Vixor.
She felt instantly relaxed. What the hell? Is he controlling her like what Lucien did to her? Ano ang susunod nitong ipaparamdam sa kanya, na in love siya rito? Like what Lucien did. Fuck this!
"I have a request." Sabi niya habang komportabling kumakain.
Inilapag ni Vixor ang baso na hawak at ipinatong ang mga braso sa ibabaw ng mesa saka tumingin sa kanya. "What is that?"
Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Alam kong papatayin mo ako kaya sana mapagbigyan mo ang hiling ko."
"Stop beating around the bush and fucking tell me already." Irritation filled his baritone voice.
Tumingin siya sa lalaki. "Can you please stop controlling my emotions? Lucien already did that to me. Kaya please lang, tama na. Napapagod na ako na maramdaman ang mga huwad na emosyon na pilit niyong pinaparamdam sa’kin. Please? Tama na. I want to be me, to feel my own emotion, until the day you finally decided to kill me." Tumingin siya sa mga mata nito. "That’s my request. Can you grant it?"
Mataman siyang tinitigan ni Vixor. His eyes held no emotion whatsoever. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang inaarok ang laman ng isip niya.
And then, he spoke.
"Request, granted. In return, you will not try to escape." Sabi nito sa walang emosyong boses. "Dahil sa oras na sinubukan mong tumakas, hindi ka na sa kuwarto matutulog. Pamilyar ka naman siguro sa tinatawag nilang kulungan. Doon kita patutulugin kapag nagkataon. And it’s not like you can escape. We are in an Island, Virgo. And i have connections, everywhere. So don’t try to escape because you'll just piss me off real bad."
Kinuha nito ang baso na may lamang pulang likido at tumayo saka siya iniwan sa hapag-kainan.
As she sat in their alone, a lone tear fell from her eyes. Her parents are dead; the man she thought she loves fooled her and now, nasa kamay siya ng lalaking pumatay sa mga magulang niya. And god knows what he will do with her. She's scared and she feel so alone and lonely.
Nawalan na siya nang ganang kumain.
Tumayo siya at ililigpit sana ang kaniyang kanainan ng biglang may lumapit na babae sa kanya.
"Let me, Madame." Anang babae. Her eyes were brown and she looks okay... parang mabait ang bukas ng mukha nito.
"Thank you." Aniya at naglakad palabas ng kumedor.
Nang makalapit sa malapad at mataas na pinto, itutulak niya sana iyon ng kusa iyong bumukas. The heavy accentuated door opened showing Vixor outside.
"You can’t open that with your human strength." Sabi nito at naunang naglakad.
Mabilis niyang sinundan ang lalaki. Napakalaki ng Castello na ito at sigurado siyang mawawala siya. Baka saan pa siya makarating. Who knows what this monster hide inside this Castle.
Biglang tumigil si Vixor sa harap ng isang malapad at mataas na pintuan. Vixor raised his hand and then flick it. Like a remote control, the door opened. Pumasok ito roon kaya pumasok din siya.
The inside of the room make her halt. It’s a very wide ball room. Sa gilid niyon ay mayroong teresa na nakaharap sa karagatan ng Sicily. The floor of the room has this intricate design that really caught her eyes. And the walls are dark, yet it has something that captured her attention. Tribal designs. Parang yung Tattoo na nasa likod ni Lucien.
Marahas niyang ipinilig ang nga mata. No! She will not think of him! He fooled her!
"This is the grand hall." Anang boses ni Vixor. "Dito noon ginaganap ang mga pagtitipon ng mga kauri namin. Pero ngayon, madalang nalang."
Nilingon niya ang binata na nakatayo sa kulay itim na platform habang nakatingin sa kanya.
"Noon? Ilang taon ka na ba?" Tanong niya.
"I’m old."
"You don’t look old to me."
"That’s because I’m a vampire, honey. We don’t age but we die." Bumaba ito sa platform at naglakad palapit sa kanya. "I am already four hundred and fifty seven years old and counting. Your precious Lucien is the same age as mine."
Nairita siya ng marinig ang pangalan ni Lucien. "He is not my precious."
Vixor smirked. "Oo nga pala. Niloko ka niya. He controlled you and that hurts you so much." Puno ng sarkasmo ang boses nito. "Bakit ba ganoon kayong mga tao? Kaunting pananakit lang sa inyo, umaayaw na? 'Yong iba nagpapakamatay pa. Bakit hindi kayo lumaban? Mga duwag."
Tumalim ang mga mata niya at malakas niyang sinampal ang lalaki. "Ang galing mong magsalita! Pagkatapos mong walang laban na patayin ang mga magulang ko! Sino ngayon ang duwag?"
Napamulagat siya ng biglang sakalin ni Vixor ang leeg niya at malakas na isinandal siya sa pinakamalapit sa dingding. Her back hurts. He was still gripping her neck and she's chocking to death.
"V-Vix-xor..." umubo siya dahil hindi siya makahinga. Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa leeg niya pero masyado itong malakas para sa kanya.
Pagkalipas ng ilang minuto, nagdidilim na ang paningin ni Virgo. Hindi siya makahinga. Nanghihina na ang katawan niya. She couldn’t fight to free herself.
Virgo was about to lost her consciousness when Vixor let go of her neck, but he was still pinning her body on the wall.
Nanghihina siyang napaubo.
"Huwag mo akong gagalitin, Virgo." Vixor whispered to her ear. "Hindi ako si Lucien na kinikimkim ang galit para lang hindi ka masaktan." He felt his arm surrounding her waist. "And because you slapped me, you'll be punish, honey."
And inside of that very silent grand hall, fangs pierce her skin, embedding its sharpness to her neck.
"Ahhhhhhhh!" She shouted in excruciating pain. Sobrang sakit ang lumulukob sa buo niyang pagkatao.
Tears were streaming down her eyes. Panay pa rin ang sigaw niya sa sobrang sakit na nararamdaman habang ang mga pangil ni Vixor ay nakabaon sa leeg niya. And when she was about to lost her consciousness, the pain disappeared and was replaced by a tingling sensation inside her stomach. She can feel her mound pooling, soaking her panty.
Mariin niyang pinikit ang mga mata para kontrolin ang nararamdaman niya! No! This couldn’t be! No! Please, no!
Lumuluha siya ng pakawalan ni Vixor ang leeg niya. Nanghihinang napadaus-dos siya ng upo at napahagulhol sa iyak.
"Bakit niyo ba sa’kin ginagawa 'to?" Umiiyak na tanong niya. "Wala naman akong ginawang masama sa inyo. Please. Tama na."
Vixor gripped each side of her shoulder and pulled her up. Sinapo nito ang mukha niya at ini-angat ang mukha niya para magtama ang mga mata nila. Fear sipped through her when she saw his red eyes and his lips with her blood dripping down his chin.
"Look at me, Virgo."
She did and she was scared.
"I’m doing this for your own good." He sneered. "Sa tingin mo kakayanin mong mabuhay sa mundo nang mag-isa? Hindi lang ako at si Lucien ang Bampira sa mundong 'to! Marami kami. At kapag naamoy nila ang mabangong halimuyak ng dugo mo, kung ano man ang naranasan mo ngayon, mas sobra pa roon ang gagawin nila sayo. So stop being scared and start being brave. Tanggapin mo ang katutuhanan na halimaw ang kasama mo sa Castello na ito. Tanggapin mo na hindi perpekto ang mundong ginagalawan mo!"
Habang ang mga luha ay nag-uunahang malaglag, nagsalita siya sa nanginginig na boses.
"Hindi perpekto ang mundo ko. Mula nang patayin mo ang mga magulang ko, gumuho na ang pag-asa ko ng isang perpektong buhay. You took away my family, my life and now my freedom—"
"I didn’t!" Sigaw nito sa kanya. His eyes were full of anger and ... pity? "Vixon did those things, not me! My twin brother killed your parents, not me!" He was mad. His eyes were scary bloodshot red.
Napamulagat siya at tumigil ang mga luha niya. "H-Hindi ikaw ang l-lalaking 'yon?"
"No. It wasn’t me." Pinakawalan nito ang mukha niya. Sigurado siyang ang emosyon sa mga mata nito ay awa. Naaawa ito sa kaniya. "It was Vixon. He was obsessed with you and he made me promise that if he didn’t succeed in making you his, i will not let anyone owned you."
Pagak siyang tumawa. "Is that it? Kaya dinala mo ako rito para lang sa pesteng pangako na 'yan? Ano ako?! Isang bagay na puwedeng niyong angkinin at dalhin kahit saan niyo gustuhin?!"
"No." Vixor steps back. "Hindi lang iyan ang ipinapangako sa’kin ng kakambal ko. There are three. That’s the first one. The second is to kill Lucien Kallean and the third." Ngumisi ito. "Hindi ka pa handa para marinig ang ikatlo."
Umiiyak na naman siya dahil naaawa siya sa sarili niya. "Please... tama na... ayoko na. Ayoko nang maging laruan niyo."
Vixor smiled coldly is sent shiver down to her spine. "Sana inisip ng mga magulang mo ang magiging kalagayan mo bago sila nakipagkasundo sa ama ko. Sa tingin mo, saan galing ang kayamanan na tinamasa mo mula nuong bata ka pa? Saan galing ang pera na ginawang puhunan ng mga magulang mo? It came from us... from Simonides ... from my family. Your father promised that if his wife gives birth to a baby girl, her daughter will be mated to Vixon. Kapalit no’n ay ang kayamanan na kinagisnan mo. But your father didn’t do the end of the bargain. He wanted to keep you away from us. So that night happened."
She was in shell shock. No. Her parents won’t do that to her. Hindi makikipag-deal ang mga magulang niya sa mga halimaw! Hindi!
"Hindi totoo 'yan!" Sigaw niya. Hindi siya naniniwala.
Vixor just shrugged. "Wala akong pakialam kung naniniwala ka o hindi. You should talk to my father. Nasa kanya pa ang kasulatan na pinermahan ng ama at ina mo."
Pagkasabi niyon ay tumakbo ito patungo sa teresa at tumalon.
Napasinghap siya sa nakita at nanghihinang napadaus-dos ng upo.
Hindi ... hindi totoo ang ponagsasasabi ng lalaking 'yon. Hindi. Hindi yon magagawa ng mga magulang niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top