CHAPTER 12 - Dream
CHAPTER 12 - DREAM
VIRGO knew that she is dreaming. Alam niya kasi nakikita niya ang sarili niya sa mismong lugar kong saan sila bumunggo at nakita niya ang kaniyang mga magulang na halos hindi na niya makilala ang mga katawan.
But this time, it's different. Iba ang pangyayari na nakikita niya. She is looking at herself shrieking in terror.
"No!" Sigaw ni Virgo habang nanginginig sa takot ang buong katawan. "H-Hindi— hindi puwede... mommy?! Daddy?!"
Ang babae na siya sa kaniyang panaginip ay naglalakad patungo sa mga magulang niya pero hinarang ito ng lalaki na puno ng dugo ang mukha at damit na suot.
"B-Bitiwan—"
"Shhh... tumingin ka sa akin, Virgo."
Tumingin naman si Virgo sa lalaki at kita niya ang takot na bumalatay sa mukha ni Virgo ng makita ang pulang mga mata ng lalaki.
"H-Halimaw... halimaw!" Sigaw ni Virgo at tumakbo palayo sa lalaki na ngayon ay kitang-kita na niya ang mukha.
Pero hindi nakatakas si Virgo. Niyakap siya ng lalaki para pigilan siya at niyapos ang siya.
"Shhhh!" Hinaplos ng lalaki ang pisngi ni Virgo. Virgo shrink away from the man's touched.
"A-Anong ginawa mo sa mga magulang ko?" Nanginginig ang boses na tanong ni Virgo habang walang patid pa rin sa paghagulhol nito sa sobrang takot na nararamdaman.
Habang pinapanuod ang sarili. Naawa siya. Heto siya tatlong taon ang nakaraan. Ito ang tagpo na pilit niyang kinakalimutan. Ito ang mga memoryang palaging nagbibigay sa kanya ng bangungot.
Patuloy na hinaplos ng lalaki ang pisngi ni Virgo. "Pinatay ko sila... inilalayo ka nila sa akin. Hindi ko sila hahayaan. Nakakabaliw ang kagandahan mo. Nababaliw ako sayo. Ang ganda mong iyan ang nakakuha sa interes ko. At ang bango-bango mo pa. Pinatay ko lang naman ang mga magulang mo dahil sagabal sila sa mga plano ko sa'yo."
Ngumiti ang lalaki at halos mabuwal si Virgo sa kinatatayuan ng makita ang dalawa nitong matatalas na ngipin na sumisilip sa bibig nito.
"A-Anong... b-bakit mo ginawa—"
"Para magkasama tayo, Virgo." Inilapit nito ang bibig sa bibig ni Virgo at pilit na hinahalikan ang babae. Mariin na itinikom ni Virgo ang bibig. Kahit anong pilit ng lalaki, hindi nito binuksan ang bibig.
And then it happened. She saw a man pulled out the monster away from Virgo.
And that man was Lucien!
Hinawakan ni Lucien ang lalaki sa leeg at bumabaon ang kuko ni Lucien sa leeg nito. Si Virgo naman ay humarap sa dalawang lalaki na naglalaban. Nakanganga lang siya habang nakatingin sa dalawa.
Lumaban ang lalaki. Nakikita niyang mas malakas ito kaysa kay Lucien. Ang mahahabang kuko ng lalaki na puno ng dugo ay bumaon din sa balikat ni Lucien.
Lucien throws the man away. But the man was fast. In a blink of an eye, he was behind Virgo and was about to bite her neck when an invisible force hit him.
"Run!" Sigaw ni Lucien kay Virgo. She can see that his eyes were black, not like the other who has red eyes. "Tumakbo ka na!"
Bago pa siya makahakbang, nakabawi na ang lalaki at hinawakan siya sa kamay at akmang ibabaon nito ang matatalim na pangil ay biglang nakalapit si Lucien sa kanya at ipinasok ang kamay sa loob ng nakabuka nitong bibig at hinila ang lalaki palayo kay Virgo.
Virgo can see blood dripping from Lucien's hand. Pero hindi papatalo ang lalaki. The man twirls on the air and then grab Lucien's throat and attacked him. Napasinghap siya ng makitang pati balat ni Lucien sa leeg ay nadala ng lalaki. Lucien squirmed in pain as he clutched his neck.
The man punched and kick Lucien. Malalakas ang binibitawan nitong suntok at sipa. Lucien's neck continues bleeding as the monster kicked and kicked him. And then the monster dug his sharp nail on Lucien heart like he is carving it out and Lucien is shouting in utter pain. Nang magsawa na ito sa ginagawa, binitiwan nito si Lucien at naglakad ito pabalik kay Virgo na natulos sa kinatatayuan.
Nakita niyang napaatras si Virgo at tatakbo sana pero pinigilan ito ng lalaki sa mga beywang.
"Saan ka pupunta?" Paanas na tanong nito. "Sasama ka sakin, Virgo. Magsasama tayo."
She was crying again. She felt hopeless. Ang tanging taong naroon –kung tao man ito— na gusto siyang ipagtanggol ay nakahiga sa semento at naliligo sa sariling dugo habang hawak nito ang leeg at dibdib na may malalim na sugat.
Virgo met Lucien's eyes. They were sad. Desperate. In pain. So much fear. Worry and he looks so sorry.
Virgo sobbed as she begged to Lucien. "H-Help me. P-Please..." she raised her hand and tried to reach him but couldnt. Malayo ito sa kanya. "Tulungan mo ako. P-Please. H-Help... me."
Lucien looked down, avoiding Virgo's gaze.
Wala na. Wala na siyang pag-asa. Ihinarap siya ng lalaki at hinaplos ang pisngi niya.
"Magsasama tayo, Virgo." Sabi ng lalaki. "Ikaw ang magiging prinsesa ko. Matutuwa ka. Pangako 'yan."
Mas lalo pang humaba ang pangil nito at lumalapit na ang bibig nito sa leeg niya ng makita niyang nakatayo si Lucien sa likod ng lalaki. He was bleeding, in pain and weak but he still manage to stand up to try and save her.
Lucien met her gaze. "Run, Virgo. Run."
After those words came out from Lucien's mouth, Lucien gripped the man's neck then ripped open the man's throat using his own set of sharp fangs. She was horrified at the scene in front of her. Hindi lang iyon ang ginawa ni Lucien, ibinaon din nito ang kamay sa loob ng dibdib ng lalaki. Lucien carved out the man's heart.
Sa harap niya mismo, nakita kung paano naging abo ang lalaki sa mga kamay ni Lucien.
"T-Thank you." Nanginginig ang boses na sa Virgo ni Lucien.
Lucien cupped her face as his eyes flickered into another color. From pitch-black to bloodshot red. Like that monster!
"No." Mabilis siyang napaatras. Napasinghap si Virgo ng nawala si Lucien sa harap nito at pumunta ito sa likod ni Virgo.
Mabilis siyang humarap sa lalaki at nagtama ang mga mata nila. Natatakot na humakban siya palayo rito. Papalit-palit ang kulay ng mga mata nito. Itim at pula, saka itim na naman at pula na naman.
"Maaalala mo lang ang gusto kong ipaalala sa'yo." Lucien said while groaning. Parang may nilalabanan ito na kung ano. He looks tortured. "I'll see you again, Virgo." Pangako nito habang matiim pa rin na nakatingin sa kanya. "Promise." Pagkasabi nito ay tuluyan nang naging pula ang kulay nang mga mata nito. "Sleep."
As Virgo in the dream lost consciousness, she came awake, gasping for air.
Mabilis na ipinalibot niya ang kaniyang mga mata sa silid na kinaruruonan niya. The room is very familiar. It's Lucien's!
Tumigil ang mga mata niya sa binata na nakaupo sa couch na nasa may paanan niya at nakatingin sa labas ng sliding window. Madilim na sa labas kaya nakabukas ang lahat ng bintana ng silid.
Totoo ba talaga ang napanaginipan niya? Did Lucien really saved her from that vamp—monster?
Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Isang metro lang ang layo sa kaniya ni Lucien. Alam niyang alam ni Lucien na gising na siya pero hindi pa rin ito tumitingin sa gawi niya.
"Lucien..." sambit niya sa pangalan nito.
Lucien looked at her and her heart coated in fear when she saw Lucien's eyes. They were red. Mabilis ang tahip ng dibdib niya habang nakikipagtitigan sa binata. Nilalabanan niya ang takot na nararamdaman. Pilit niyang isinisiksik sa utak niya na ito ang lalaking sumagip sa kanya. Ito ang lalaking tumulong sa kaniya sa pinakamalagim na gabi ng buhay niya.
"Lucien—"
"Naalala mo na?" His eyes return back to gray. "Naalala mo na ba ako?"
Tumango siya. Ang mga mata niya ay nakatitig pa rin dito. "A-Anong nangyari, bakit ngayon ko lang naalala?"
"Masyadong malagim ang gabing iyon para sayo. You're human. Mababaliw ka kung hindi ko tatanggalin ang ibang parte ng memorya mo lalo na at nag-iisa ka na lang sa buhay. I want to erase your memory in that whole night, pero baka hanapin mo ang mga magulang mo. Kaya naman iniwan ko ang memoryang iyon sayo, bilang paalala sa nangyari. Akala ko okay na 'yon. Akala ko magiging maayos ka na." Pagak itong tumawa. "Hindi pa pala. Palagi kang takot at pakiramdam ko napakagago ko dahil hindi kita nakayang protektahan ng gabing iyon pati na rin ang sarili ko. I am supposed to be a rogue hunter. I kill their kind. I hunt them down. But look at me." Natatawang idinipa nito ang dalawang braso. "I am a rogue myself. And that's because of you."
Is he blaming me? Ano ba ang ginawa ko? And what is rogue?
"S-Sinisisi mo ba ako?" Kinakabahang tanong niya.
Mapakla itong tumawa at tumayo mula sa pagkakaupo sa couch. Naglakad ito palapit sa kanya at siya naman ay napaatras patungo sa gitna ng kama. Ito naman ay iniluhod ang kanang paa sa kama at dumukwang palapit sa kanya.
Virgo was breathing heavily in fear. She was almost panting. "D-Don't hurt m-me..."
Lucien smiled sardonically. "Hurt you? Sa tingin mo kaya ko yong gawin sa'yo? Virgo naman. Hindi pa ba sapat ang mga nagawa ko para mawala iyang takot na nararamdaman mo para sa akin? God... " puno ng pagsuyo na hinaplos nito ang pisngi niya. "Hindi iyon ang una nating pagkikita, alam mo ba 'yon?
Nagtatanong ang mga mata niya kay Lucien.
"I first saw you when Leo Guano was appointed as the CEO of Kallean Financial Firm and that was two years ago before Lea's brith day. Nagpa-party siya 'di'ba? Doon kita unang nakita. Pero hindi kita nilapitan. I know who i am and i know who you are. I am a vampire and you are a human. We don't collide. We don't mix together. But still. I got really obsessed with you.
"Hindi ko alam kung anong mayroon ka pero hinahanap-hanap kita. Minsan pumupunta ako sa bahay niyo para lang makita ka. Pero syempre, hindi mo ako nakikita. I'm addicted to your smile. I'm addicted to your scent. I'm addicted to you. My father forbids me to see you but hell, he can't stop me. Matigas ang ulo ko. Kailangan kitang makita. Kailangan kung maamoy ang mabangong halimuyak ng dugo mo. Nababaliw na ako sayo. Kaya naman ng matikman ko ang dugo mo sa unang pagkakataon, mas lalo akong nabaliw. Kaya sinundan kita ng gabing iyon. That night change me for good. I become the creature i loathe and hunt—"
"Dahil sa'kin?"
"It's my choice to save you—"
"By sacrificing yourself?"
Lucien nodded. "Nang marinig ko ang pagmamakaawa mo na tulungan kita. I just lost it. I have to save you. Or I'll die trying."
Umangat ang kamay niya para haplusin ang pisngi nito pero mabilis itong umiwas. Lucien was a blur. Napakabilis nitong kumilos. He was in front of her and the next thing she knew, he was already back on the couch, sitting.
"Lucien—"
"No." He was shaking his head. "Don't touch me. This is all a lie. You are a lie."
Naguguluhang tumingin siya sa binata. "Ano ba ang pinagsasasabi mo? Hindi ako sinungaling."
"But i am."
Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. "Hindi kita maintindihan."
Puno ng pagsisisi ang mga mata nito. "I've been manipulating you. Your feelings for me. Your emotion and desire for me was all a lie. I made it up—"
"No! That's not true!" Tanggi niya. "I'm in love with you Lucien!"
Lucien laughed sardonically. "Mahal mo ako kasi 'yon ang gusto kong maramdaman mo. One of my vampire ability is to control someone's emotion and I've been controlling yours. Those need, hunger, desire, attraction and love for me was my doing. I put that in you. I let you feel it because I'm sick of watching you from a far. I'm sorry." Lucien closed his eyes. "I'm gonna let you go now. I've gone too far. And gusto ko lang naman magkagusto ka sa'kin pero sobra-sobra ang ginawa ko." Lumapit ito sa kanya at dumukwang para halikan siya sa mga labi. "I'm sorry. I really am. Hindi na kita ko-kontrolin pa, Virgo."
Marahas siyang umiling. "No! You are not controlling me!" She clung to his neck. "No. You're not. Totoo ang nararamdaman ko para sayo. Kung kino-kontrol mo ako, bakit kita pinatigil ng gabing iyon? Bakit naguguluhan ako? Bakit malakas ang tibok ng puso ko? What I feel for you is genuine, Lucien—"
"I control emotion, Virgo, and part of that is your heart beating for me. But you still have a free will. Pinaparamdam ko lang sa'yo ang gustong kong maramdaman mo. Minsan nakakalimutan kong kinokontrol kita. Nakakalimutan kong kasinungalingan lang pala. Doon pumapasok ang mga kaguluhan at katanungan sa isip mo. At kinuwetiyon mo lang naman ang nararamdaman mo kapag wala ako sa tabi mo. Kasi wala ako roon para imanipula ang emosyon mo. Remember Virgo, i am a vampire and i am a conniving bastard. But this bastard loves you and i really am sorry."
Tears escaped her eyes. "Hindi iyon totoo." Halos magmakaawa ang boses niya. "Mahal mo ako at mahal din kita, Lucien."
"Those words made me ache, Virgo." Lucien embraced her so tight and then he lets her go. "You're free." He smiles sadly. "Ano ang nararamdaman mo para sakin, ngayong hindi ko na hawak ang emosyon mo?"
Virgo went rigid.
Her tears stop falling, there's no reason to cry. Her heart stops beating so fast. Everything is gone. Everything she felt earlier is gone. No ... not everything. There's fear, anger, confusion and a very strange emotion that still clung on her heart. Something is there... may nararamdaman siya habang nakatitig sa abuhing mga mata ni Lucien.
Pero hindi sapat ang nararamdaman niyang iyon para maibsan ang galit na nararamdaman.
Pabagsak siyang naupo sa kama. Naaalala niya ang nangyari sa kanila. The kisses. The hugs. The intimate touching. Pero para nalang siyang nanunuod ng isang pelikula na siya ang bida.
"Wala na ba?" Tanong ulit ni Lucien sa kanya.
She gritted her teeth as anger spread through every fiber of her being. Pinaglaruan siya nito! Minanipula para ano?! Akala niya totoo! Isang huwad na pag-ibig pala ang naramdaman niya.
Galit siyang umalis sa kama at pinagsasampal si Lucien. Wala siyang pakialam kung pula man ang mga mata nito. Wala siyang pakialam kong kaya siya nitong patayin. Wala. Pinagbabayo niya ang dibdib ng binata hanggang sa nanakit na ang kamay niya.
She was crying and cursing him for manipulating her emotion. For controlling. For lying to her. And for god knows what he'd done to her!
After punching his chest for multiple times ... she ran.
VIXOR tilted his head when he saw Virgo running away from Kallean's Mansion. Kanina pa niya inaabangan ang paglabas nito. Salamat naman at hindi nakabuntot sa babae si Lucien. He knew about Lucien and his rogue side. He is like him. But a bit different. Lucien has conscience and he can control himself because of the ancient tattoo on their back. But Vixor? He can control himself but he and conscience are stranger to each other.
Mabilis ang sunod niyang naging kilos. He ran after her with a speed of lightning. At nang maabutan niya ito, hindi niya hinayaang makalayo pa sa kanya ang babae.
Ipinilig niya ang ulo ng maamoy ang mabangong halimuyak ng dugo nito. Her scent as a woman invaded her nostril, awakening the beast inside him. His fangs lengthen and he is salivating.
Not yet...
He encircled his arms around her waist from behind making her gaped in shock and then he whispered in her ear. "Sleep, ómorfos. You are coming with me."
A/N: Last update. See yah next week. Haha. Salamat sa pagbabas
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top