Chapter 1

"I WANT you to be my model."

Her eyebrows drew together into a quizzical  frown. "Model?" Hindi niya maintindihan kung ano ang gustong mangyari ni Tyler.

Malaki ang galit ni Tyler sa kanyang pamilya dahil sa ginawang pakikipagsabwatan ng kanyang lolo kay Robert, na siyang tunay na ama ng kanyang Kuya Wilson. Hindi nito matanggap ang relasyon ng kapatid nitong si Sasahh at kuya niya kaya naman pinagbawalan nito ang kapatid na ipagpatuloy pa ang relasyon kay Wilson. Nagtungo ang magkakapatid sa Amerika at halos isang taon na rin mula nang umalis sa Pilipinas ang magkakapatid. Sasahh loves her brother so much. Ayaw nitong magkasira silang magkapatid kaya naman pumayag itong sumama sa Amerika kahit pa mahal na mahal nito si Wilson. Sinakripisyo nito ang kapatid niya para lang pagbigyan si Tyler.

Pero ang kapatid naman niya ang nagdurusa. Ang lungkot-lungkot nito sa pag-alis ng mag-ina nito. At hindi na kaya pa ni Elisse na makitang nagdurusa ang kapatid niya dahil lang sa bitter na si Tyler.  Kung tutuusin ay wala naman talagang kinalaman ang kapatid niya sa pagkamatay ng magulang nito. It was her brother's biological father who murdered Tyler's parents.

She understands where Tyler's coming from. Kahit naman siya kung mamatayan ng magulang mahihirapan din siyang magpatawad. Pero pinagbabayad nito ang wala namang kasalanan. Pati ang sarili nitong kapatid at pamangkin ay nagdurusa.

Kaya naman pumayag na si Elisse na makipag-deal sa lalaki para tapusin na ang paghihirap ng dalawang taong nagmamahalan dahil sa kontrabidang ito. Nagawa na niyang magsakripisyo para sa pamilya noon at handa ulit siyang magsakripisyo kung kinakailangan. Pumayag si Tyler na pabalikin si Sasahh sa Pilipinas para magkasama na si Sasahh at ang kapatid niyang si Wilson pero may kapalit daw ang lahat ng iyon.

At ang maging model nito ang magiging kapalit? Ganun kadali? Akala niya pahihirapan siya nito. Pero model ng ano? Ramp model? Sa bansot niyang ito, magiging model siya? She's only 5'1". Jusko! Ni sa hinagap ay hindi niya naisip na maging isang modelo.

"Are you kidding me? Model? FYI. 5'1" lang ang height ko."

"Hindi pagra-ramp model ang gagawin mo. We will just do DIY nude photography!"

"Nude photography!" Elisse exclaimed and sprang up from her seat with her eyes bugged out.

"No way!"

"No way?" One of his thick, bushy eyebrows cocked.

"That's too much, Tyler!"

"Sit down!" He commanded her as if he has all power and all authority. She did what she was told to do.

"I really need a subject for my portfolio of nude photography. You are petite, yet a bit voluptuous  and curvy. Thank, God, dahil kung wala kang kurba baka nagmukha kang chopstick. And I think you are perfect subject."

Her mouth parted in disbelief. Sobra ang lalaking ito! Pero sige, pinuri naman nito ang katawan niya kaya ayos na.

"You have perky tits with pink cute nipples that every man would be willing to die just to have them in their mouth."

Elisse raised her hands in a slow motion, cupping her heated face with her eyes widened. This man is... ugh! Bastos talaga!

"I need to submit my portfolio before end of this month. I just need to collect some nude photos of yours to help editors gauge if I'm a good fit for the publication or not."

"What!? Ibig sabihin may ibang makakakita? No way!" Niyakap ni Elisse ang sarili.

"Bakit hindi ka maghanap ng ibang model? Bakit ako?"

Tyler huffed, a sign that his patience is wearing  thin.

"Alright! Firstly, I have no budget to get a real model. Secondly, ikaw ang nag-alok sa sarili mong magsakripisyo para sa kaligayahan ng kapatid mo. Ngayon, sabihin mo kung hindi mo gusto para itigil na natin ito at para masundan ko ang kapatid ko at sirain ang napipintong kaligayahan ng kapatid mo." Iritadong tumayo si Tyler at saka nag-walk out. Pagdaan nito sa kung saan siya nakaupo ay hinawakan ito ni Elisse sa braso.

"Wait!" His gaze look straight ahead while she's looking up at him.

"Hindi ba iyon ipi-print sa magazine or sa online platform?"

Tyler huffed before gazing down at her. "Hindi. Like what I've said. Doon lang ibabase ng editors kung tatanggapin nila ako o hindi. Malaking kompanya ang ina-apply-an ko, Elisse, kaya magtiwala kang hindi magle-leak ang photos."

Parang batang sumimangot si Elisse. "Ayaw mo?"

"May magagawa pa ba ako?"

"Good. Now, go to the kitchen and prepare meal for dinner. Gutom na ako. Maglaba ka rin pagkatapos. Hindi nalabhan ni Nana Myrna ang mga underwear ko bago sila umalis. Ikaw ang gumawa. Hand wash lang. I don't want my underwears to be tossed around in the washing machine. Nasisira ang garter. And don't worry, I don't leave skid marks on my skivvies. I always wash my butt after I pooped."

"Pero hindi ako marunong maglaba. I know how to cook but I've never tried washing clothes."

"Problema mo na 'yan!" Iyon lang at nilayasan na siya nito.

Elisse got up and went to the door when the doorbell rang. Ang pagkayamot ay nahalinhinan ng kagalakan nang makita ang nasa labas ng pinto.

"Adan!?" Dinamba ni Elisse nang yakap ang lalaki. Napapangiti naman itong mahigpit na niyakap si Elisse.

"Ang sarap ng salubong mo." Nakagat ni Elisse ang ibabang labi nang mapagtanto ang ginawang pagyakap. Dahan-dahan siyang kumalas mula sa pagkakayakap mula rito.

"Sorry. I've just missed you."

"I've missed you, too. For you." Adan handed her a bouquet of saphire blue roses.

"Wow! Thank you!" These are so beautiful. Blue roses are her favorite. Alam talaga ni Adan ang gusto niya. Saphire blue ang paborito niya sa kahit anong bagay.

"Nasaan nga pala si Ryke. May ibibigay ako sa kanya." Itinaas nito ang paper bag na dala.

"Wala siya."

"Umalis?"

"Bumalik na sila sa Pilipinas ni Ate Sasahh."

"Talaga? You mean..."

"Babalikan na niya si Kuya. Finally! Magiging masaya na rin siya."

"Buti pumayag 'yong bugnuting kapatid ni Sasahh."

Marahang napatawa si Elisse. "Hindi basta-basta. Nakipag-deal lang ako sa kanya kaya pumayag."

"Deal? Ano naman ang napagkasunduan niyo?"

"Mahabang kwento." Inabot ni Elisse ang libreng kamay ni Adan.

"Ikukuwento ko sa 'yo sa loob." Hinila niya si Adan papasok pero napatigil ang dalawa nang makita si Tyler sa na nakasandal sa hamba ng pinto. Nakahalukipkip ito habang salubong ang kilay.

Parang gusto niyang abutin ang noo nito at unatin ang pagkakakunot niyon. Masyadong mabigat sa buhay kapag nakakakita siya ng laging sambakol ang mukha. Ganito na nga ang lolo niyang naiwan niya sa Pilipinas pati ba naman dito sa New York ganitong klaseng tao pa ang makakasama niya. Pati ang ex-husband niya ay ganito rin. Mas malala pa. Iba ang trip ng taong iyon. Bukod sa drug addict ay may kakaiba pang habit pagdating sex.

Isinusumpa niyang hinding-hindi na siya mag-aasawa ng taong katulad ni Winston.

"Did I tell you that visitors aren't allowed here?" Gustong paikutin ni Elisse ang mata sa pagsusungit ni Tyler.

"No! At wala rin naman akong balak magpabawal. Adan is not just a visitor here. We have an agreement, Tyler, pero hindi kasama roon ang limitasyon sa pagtanggap ko ng bisita. In the first place. This house isn't yours. Nakikitira ka lang din!"

Tumiim ang mukha ni Tyler at wala siyang pakialam. Hindi naman nito pag-aari ang bahay na ito. It's Mitchell's house, Sasahh's close friend.

"Excuse me, magluluto pa ako ng dinner mo." Nilagpasan niya ang lalaki habang hawak sa kamay si Adan.

Tinulungan ni Adan si Elisse sa pagluluto. Bicol Express  ang niluto ni Adan. Mabuti na lang at may shrimp paste na stock dito. Mukhang pulos Filipino dish rin ang niluluto ni Nana Myrna at Sasahh. Marami kasing Filipino condiments na stock dito. Specialty ni Adan ang mga Bicolano dishes. Bicolana ang nanay nito habang isang Argentine naman ang ama nito.

"Ang sarap!"

Hindi lang gwapo ang lalaking ito kundi magaling din sa halos lahat ng bagay. Matagal na rin silang nagde-date ni Adan. Halos isang taon na rin. Alam naman nitong ayaw pa niyang pasukin ang isang relasyon hanggat hindi pa napapawalang bisa ang kasal nila ni Winston. Ayaw kasing pumayag ng ex-husband niya. Mamamatay raw muna siya bago siya pakinabangam ng iba. Gusto niya kapag nakipagrelasyon siya clear na ang lahat. Iyong malayang-malaya na talaga siya.

"Ano nga pala ang  agreement niyo ng lalaking 'yon at napapayag na pabalikin si Sasahh sa Pilipinas?" Tumingin si Elisse sa kinaroroon ni Tyler. Nasa mesa ito at naghihintay ng pagkain nito. Nakaunat ang isang braso sa mesa habang ang isa ay nakalukot at doon nakapatong ang baba nito habang matiim ang pagkakatitig sa kanila.

She returned her gaze to Adan. "She wants me to be his subject on a photoshoot. May gagawin daw siyang portfolio at ako ang gusto niyang maging model. Gusto yatang mag-apply sa isang magazine publishing."

"Ano'ng genre?"

Elissed suddenly felt tensed. Hindi maaaring malaman ni Adan na isang nude photography iyon. P

"Ahm... I don't know, just a portrait maybe." .

Isinalin niya ang Bicol Express sa mangkok at ipinatong iyon sa island counter. Feeling of guilt suddenly arise from not telling the truth. Hays! Bahala na! Sasabihin na lang niya pero hindi muna ngayon.

"Anyway, tapos na ba ang business conference mo sa Vegas?" She changes the conversation topic.

"May isang business conference pa akong dadaluhan. Sa susunod na araw na 'yon. Pumunta lang talaga ako rito dahil sa 'yo. Gusto sana kitang isama sa Vegas."

"Sayang! Gusto ko sana. Pero itatanong ko kay Tyler kung pwedeng ipagpaliban muna ang photoshoot."

Inabot ni Adan ang kamay ni Elisse."Tapos pakasal na tayo doon."

Marahang natawa si Elisse. Hindi sineryoso ang sinabi ni Adan. "Puro ka kolokohan."

Adan's face turned serious as his eyes bore into her. "Seryoso ko. Pwede naman tayong magpakasal na doon."

"It's automatically voided by Philippines law." Binaliwala lang ni Elisse ang sinabi ni Adan sa pag-aakalang nagbibiro lang ito. Bahagyang hinila ni Adan si Elisse palapit habang nakasandal ito sa counter. Inabot nito ang kanyang mukha at masuyong hinaplos.

"I would be very lucky if you will be my wife." Hindi mapigilan ni Elisse ang malapad na mapangiti. Sobra siyang kinikilig at kung pwede lang tumili ay ginawa na niya. She can't wait to get her marriage annulled, so she can be with Adan legally.

Elisse and Adan's moment was interrupted by a loud noise from the dining. They snapped their gaze toward the dining area where Tyler was. Hawak nito ang baso na mukhang naibagsak o sadyang ibinagsak sa mesa.

Elisse rolled her eyes and grabbed the bowl of dish from the counter. "Papansin talaga ang isa ito."

Dinala ni Elisse ang pagkain sa mesa. Tinulungan naman siya ni Adan sa paghahanda habang si Tyler ay parang hari na naghihintay lang na pagsilbihan.

"Oh, my God! What did you do, Tyler!"  Kinuha ni Elisse mula sa mesa kung saan niya inilagay ang bulaklak na ibinigay ni Adan. Pinagtatanggal ni Tyler ang petals niyon at ilan na lang may petals.

"Ang tagal niyo kasi," anito saka nagsimulang maglagay ng pagkasin sa plato.

"Bulaklak ko talaga ang pinagdiskitahan mo!"

"I'd love playing your flower." At may nakakaloko pa itong ngisi. Mukhang hindi man lang nagsisi sa ginawa. Inabot ni Adan ang kamay ni Elisse at pinisil.

"Hayaan mo na. Bibilhan na lang ulit kita." Muling inilapag ni Elisse ang bulaklak at naupo na lang. Sobrang nakakairita ang lalaking ito!

"Pwe! Fuck it!" Iniluwa ni Tyler ang kinakain at sinundan ng inom ng tubig.

Nang tingnan ni Elisse ang iniluwa ay malakas siyang napatawa nang makitang sili iyon. "Bilis ng karma!"

Pinunasan ni Tyler ng cloth napkin ang bibig at muling uminom ng tubig. Damn it! Bakit ba ang daming sili nito!?"

"Bicol Express! Para sa kaalaman mo, chili is one of essential ingredients of that recipe."

"I hate spicy!" Reklamo nito pero muli namang nagpatuloy sa pagkain. Sinusuri na rin nito ang pagkain bago isubo. Kung silihan niya kaya ang skivvies nito, tutal siya naman ang maglalaba. Ano kaya ang magiging itsura nito?

"Balak mo raw kuning model si Elisse?" Nasa kalagitnaan na sila ng pagkin nang magtanong si Adan.

Tyler just took a quick peek at Adan, but didn't answer, and he continued to eat. Bawat subo ay sinusundan nito ng tubig. Mukhang hindi nga mahilig sa maanghang. Sila ni Adan ay nagkakasundo pagdating sa sa spicy foods.

"May mga kilala akong model. A real model. Supermodel, actually. I can help you to get one. Kung wala kang budget ako na ang bahala." Tyler suddenly stopped eating.

"Isasama ko kasi si Elisse sa Vegas."

Binitawan ni Tyler ang kubyertos. Gumawa iyon ng ingay sa pagtama niyon sa plato.

"I don't need your help! Si Elisse ang gusto ko at hindi kung sinong supermodel." Uminom ito ng tubig bago tumayo.

"Hindi mo rin siya pwedeng isama sa kung saan. We have an agreement and she needs to stay here with me." Iyon lang at nilayasan na sila ni Tyler.

Nang magkatinginan sila ni Adan ay nagkibit-balikat lang si Elisse. Sana lang ay makayanan niya ang lalaking ito.

Nag-stay pa si Adan ng ilang oras bago ito nagpaalam. Hindi sila makapag-usap nang maayos dahil parang tatay na nakabantay si Tyler. Hindi man lang sila bigyan ng privacy. While they are chatting in the living room, Tyler was there too, browsing through magazine. Kapag magbubulungan sila ni Adan ay titingin ito sa kanila na nakasalubong ang mga kilay.

"Goodnight, Elisse."

"Goodnight, Adan." Humalik ito sa kanyang pisngi saka naglakad patungo sa sasakyan pero muling tumigil at tumitig kay Elisse.

"Bakit?"

"Ahm..." He reached for his ear, rubbing its helix with his thumb.

"Can I..."

"Can I?" She urged him to finish his sentence.

"Can I have one..." Parang nahihiya nitong itinuro ang labi. Naramdaman ni Elisse ang pagsikdo ng puso nang makuha ang gusto ni Adan.

"Just a goodnight kiss." Hindi nakapagsalita si Elisse. She's too shy, and surprised. Nag-kiss na sila ni Adan noon pero aksidente lang iyon. Hingi pa ito nang hingi ng sorry sa kanya noon.

Kung tutuusin parang boyfriend and girlfriend na nga sila nito. Close na rin ito sa mama at papa niya. Kulang na lang talaga ang pagsagot niya ng oo para maging official sila.

"Just forget it. Goodnight!" Kumaway ito saka muli naglakad palayo.

Sumunod si Elisse sa binata at tinawag ang pangalan nito. Tumigil naman si Adan at pumihit paharap. Sa pagpihit nito, tumingkayad siya at ipinaikot ang mga braso sa leeg ng binata at hinalikan ito sa labi. Isang damping halik lang iyon.

"Goodnight!" Mabilis nang tumalikod si Elisse at halos takbuhin ang pinto. Naiwang napatulala si Adan. Isinarado ni Elisse ang pinto pero hinayaan niyang nakasiwang nang kaunti para silipin si Adan na tila naging bato na mula sa kinatatayuan habang hinahaplos ang labi.

Makaraan ang ilang sandali ay pumihit na ito at napa-yes pa. Nakagat ni Elisse ang ibabang labi. Adan is so adorable. Para itong teenager at lalo itong nakaka-inlove. Napaka-gentleman. Hay! Matapos lang talaga ang problema niya kay Winston hinding-hindi siya magdadalawang isip na magpakasal kay Adan. Hinding-hindi na niya ito papakawalan. He genuinely a good man that difficult to find. A rare one.

---

Lagi kong sinasabi sa mga nagtatanong na kahit ano sa series ang unahing basahin ay okay lang. Hindi kayo maliligaw. Except this one. I suggest to read La Impostora first before this para sa background ng mga characters.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top