Chapter 8
NAPAPITLAG si Mhelanie nang bigla na lang may humalik sa pisngi niya habang nagluluto siya ng kanyang hapunan.
"Tres!" Gulat niyang bulalas nang malingunan si Falcon. May bitbit itong
Palumpon ng puting Calla Lillies. Hindi man lang niya naramdaman ang paglapit nito. Hindi naman kataka-taka kung paano itong nakakapasok sa pad ni Harper dahil alam nito ang passcode ng unit.
"For you." Inabot nito sa kanya ang bulaklak. Ilang sandali niya iyong pinagmasdan lang bago inabot.
"Para saan 'to? Hindi mo ako kailangan bigyan nito."
"Simple thank you or kiss will do, love."
"And stop call me with that pet name? We're not even a couple."
"I can't call you 'love' but we can fuck." Napipilan si Mhelanie sa sinabi ni Falcon. Okay! She was offended. Inagaw ni Falcon ang bulaklak mula sa kanya at ipinatong iyon sa counter sa likuran nito saka siya muling binalingan. Sinapo nito ang magkabila niyang pisngi saka siya ginawaran ng maraming halik sa labi.
"Nagbibiro lang ako. Sorry." He planted another quick kiss on her lips before jerking her to him and enclosed her to his arms.
"Hindi pa ako kumakain. Labas tayo." Hindi niya rin maintindihan kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Falcon. Kung bakit ganito ito umasta? At parang pupuwede talaga nilang gawin ang ganoon; ang lumabas para kumain. Maraming nakakakilala kay Falcon at siguradong pag-uusapan sila sa oras na may makakita sa kanilang press.
"Hindi puwede. I get it." Ito na mismo ang sumagot sa sariling paanyaya. Naramdaman niya ang panghihinayang at tamlay sa boses nito. Wala sa loob na tumaas ang dalawang kamay niya at hinaplos ang likod ni Falcon. Bakit ba hindi niya matiis ang lalaking ito? Parang batang nakakaawa.
"Nagluto ako. Dito na lang tayo kumain kung gusto mo." Mabilis na nailayo ni Falcon ang sarili mula kay Mhelanie at nagniningning ang mata nitong tumitig sa kanya.
"Talaga?" happiness spread across his face. Parang batang napagbigyan sa inuungot.
"Tinolang may buko lang 'to. Kumakain ka ba n'yon?"
"Kahit ano kakainin ko basta sabay tayo." Buong pagpipigil ang ginawa niya para hindi gumuhit ang ngiti sa labi. Oh, God! How can he be so hot and cute at the same time?
"Okay. Doon ka na muna sa komedor. Tatapusin ko lang 'to." Nilingon niya ang niluluto saglit at muli rin ibinaling ang tingin kay Falcon.
"Sige na. Sandali na lang 'to." Hinarap niya ang niluluto. Kinuha niya ang dahon ng sili na nasa mangkok at ang tangka niyang paglagay ng dahon sa niluluto ay natigil nang muling yumapos si Falcon mula sa likuran niya.
"Tres!" saway niya sa lalaki na parang tuko kong kumapit. Dikit na dikit ang pisngi nito sa kanyang pisngi.
"I think you still can cook like this." Hinalikan pa nito ang pisngi niya. Bahagya niya itong nilingon para sana sawayin ulit pero mabilis naman siyang hinalikan ni Falcon sa labi.
"Luto na. Gutom na ako." Lambing nito. Wala ng nagawa si Mhelanie kundi ang ipagpatuloy ang ginagawa. Nang mailagay niya ang dahon ng sili ay tinakpan niya na ang caserola, saglit na pinakulo ang tinola at pinatay na iyon.
"It's done?"
"Hmm-hmm. Kaya doon ka na at maghahain na ako. Hindi ako makapagkahain kung para kang tukong nakakapit sa 'kin." kinalas niya ang braso ni Falcon saka tinungo ang cabinet at kumuha ng placemat. Kumuha ng dalawang plato, mangkok at utensils saka iyon dinala sa komedor. Isinunod niya ang paghain ng pagkain at paglagay ng baso. Naiilang siya sa ginagawa ni Falcon na panonood sa bawat kilos niya habang nakasandal ito sa refrigerator at nakahalukipkip.
"Upo na. Kukuha ako ng tubig sa ref." Sa halip na umalis ay kinabig siya ni Falcon at ipinaikot ang braso sa baywang niya. Pinakatitigan siya nito sa mga mata nang matagal na sandali. Parang may bagay na gumugulo sa utak nito ayon sa basa niya sa ekspresyon na naglalaro sa mukha nito. Her lips parted idly and his attention drawn to her mouth. He brought his own mouth close to hers, close enough for a kiss.
"Kissing you is always inevitable." He spoke and she felt his hot minty breath upon her lips.
"Tres." Usal niya sa pangalan nito nang lumapat ang labi nito sa kanya.
"Kiss me, Mhelanie." Naroroon ang pagdedemand at pakiusap sa boses ni Falcon. Nang malasahan niya ang matamis na labi nito ay sapat para magpatianod siya. Bahagya niyang iniawang ang mga labi at hinayaan si Falcon na halikan siya. His lips were so soft and warm. He tasted sweet. It was too fleeting. Ang kamay niyang nasa dibdib nito ay gumapang sa balikat at bumaon roon ang mga daliri niya nang banayad na dilaan ni Falcon ang kanyang labi na parang humihingi ng daan para papasukin niya ang dila nito sa kanyang bibig. Hindi naman siya naging maramot at pinagbigyan ito.
Nang itulak ni Falcon ang dila sa loob ng bibig niya at banayad na humaplos sa loob ng kanyang bibig ay hindi niya mapigilan ang sipsipin ang dila nito na ikinaungol ng binata. God! Bakit ganito ang nararamdaman niya sa tuwing hinahalikan o nadidikit lang si Falcon sa kanya. The searing sensation that emanated from the pit of her soul was too intense until she can't control and fight the demands of her own body. Naliligalig ang lahat ng parte ng kanyang katawan. Her innocence and sweetness were gone. Alam niyang hindi na niya iyon maibabalik pa.
Nang maramdaman niya ang kamay ni Falcon na nagiging malikot na ay nagpasya siyang putulin na ang halik bago pa siya tuluyang madarang at makalimot.
"Enough, Tres! We are in Harper's house. This is too much." A jolt of shame and guilt shot through her. Tinalikuran na niya si Falcon at tinungo na lang ang dining table. Ilang sandali lang ay sumunod na rin si Falcon at ito na ang may dala ng tubig na nasa glass pitcher. Ipinatong nito iyon sa placemat saka naupo sa dulo ng mesa.
Tumikhim si Falcon bago nagsalita.
"Hmm. . . Mukhang masarap 'to." Pinasigla nito nang husto ang boses. Sinusubukang alisin ang tensiyong namuo. Naglagay ito ng tinola sa mangkok saka iyon tinikman.
"Woah! Sarap nito, MM! Sobra!" Hindi mapigilan ni Mhelanie ang bahagyang matawa. Ang OA lang, eh. Iyong tipong nang-uuto lang. Pero masarap naman talaga ang luto niya at kaya niyang ipagmalaki iyon. Kaya nga lang ay medyo may ka-OA-han lang itong si Falcon kung makapagbulalas.
"Huwag ka ng mangbola. Kumain ka na."
"Nagsasabi ako ng totoo."
"Oo na." Nagsimula siyang maglagay ng pagkain sa sariling plato.
Matagal na rin naman niyang kilala si Falcon pero hindi niya nakikitang ganito ito ka-clingy kay Harper. Marahil ay hindi lang nito ipinakikita ang pagiging clingy kapag nasa harap ng ibang tao. Pero ang sarap-sarap din pa lang magkaroon ng ganitong boyfriend. Kung magkakaroon siya ng boyfriend siguro gusto niya ang katulad ni Falcon. Dalawampu't apat na taong gulang na siya pero hindi pa niya naranasan ang magka-boyfriend. Hindi niya tuloy alam kung dapat ba niyang pagsisihan ang hindi niya pag-entertain sa mga naging suitors niya.
"I like it when you smile." Nang tingnan niya si Falcon ay mataman itong nakatingin sa kanya. Hindi namalayan ni Mhelanie na nakangiti pala siya.
"Ahm. . . kain ka na." Nagsimula ngang kumain si Falcon at hindi niya mapigilang mapangiti dahil mukha talaga itong sarap na sarap sa luto niya. Mukhang hindi naman nang-uuto lang. Nasisiyahan siyang humigop ng sabaw dahil sa nakikitang ekspresyon ni Falcon.
"Gusto kong matikman ang pichi-pichi mo." Literal na nasamid si Mhelanie sa sinabi ni Falcon.
"Ayos ka lang?" nagsalin ito ng tubig sa baso at agad na ibinigay sa kanya. Hinagod ni Falcon ang likod niya.
"Hindi ako marunong gumawa ng pichi-pichi." Aniya nang mailapag ang baso sa mesa pagkatapos uminom ng tubig.
"Pero ang sabi ng pinsan mo magaling ka raw."
"Hindi nga."
"Sige na, please." Pangungulit nito. Para talaga itong bata. Saksakan ng kulit. Basta may gusto ay dapat makuha.
"Tres, ang kulit mo. Hindi ako marunong gumawa ng pichi-pichi."
"I don't believe you." Ipinatirik niya ang mga mata.
"Ibibili na lang kita. Bukas na bukas ibibili kita at ipapadala ko sa opisina mo."
"Gusto ko 'yong sa 'yo." Mariin niyang itinikom ang bibig at pinigil na huwag matawa.
"See. Natatawa ka. Marunong kang magluto pero ayaw mo lang akong pagbigyan. Sige na, please. Gusto ko lang matikman."
"God, Tres, believe me natikman mo na. So, huwag ka nang makulit at kumain ka na lang. Makontento ka na lang sa tinola ko at huwag ka ng maghanap pa ng wala. No more pichi-pichi." Sumubo siya ng kanin at hindi mapigilan ang matawa.
"Natikman ko na? Hindi pa kaya." Sa pagkakataon na iyon ay tuluyan nang kumawala ang malakas niyang tawa na ikinakunot-noo ni Falcon.
"Pinagti-tripan mo ba ako, Mhelanie?"
"Stop asking!" She's still laughing. Tumayo si Falcon at bigla na lang siyang niyakap mula sa likuran. Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya na ikinahiyaw niya dahil sinasadya nitong kilitiin siya.
"Tres, stop! Ano ba?" Pinalo niya ang braso nito at pilit na pinapatigil.
"You are making fun of me." Muli nitong sinungkal-sungkal ang leeg niya at halos mamilipit siya sa sobrang pagkakiliti.
"Hindi. Natatawa lang ako kapag pinag-uusapan ang pichi-pichi." Tumigil si Falcon sa ginagawa.
"Why?" Itinikom niya ang mga labi at umiling. Pinaningkitin siya ni Falcon ng mata at para bang binabalaan siya na kapag hindi niya sinabi ay muli siya nitong kikilitin.
"Ang kulit mo."
"Makulit talaga ako."
"Hindi talaga ako marunong gumawa ng pichi-pichi. Niloloko ka lang ni Tessmarie. Hindi literal na pichi-pichi ang tinutukoy." Confusion written all over his face.
Ipinikit niya ang mata bago nagsalita. "Tessmarie was referring my. . . my private part. Iyon ang sinasabi niyang pitchi-pitchi." Nang hindi magsalita si Falcon ay idinilat niya ang isang mata bago iminulat ang isa pa. Nakatanga si Falcon habang nakatitig sa kanya at kapagkuwa'y tumawa. Muli itong umupo sa silya na natatawa pa rin.
"Masarap nga." Anito saka sumubo ng kanin. Dinampot niya ang tinidor at pinalo ang kamay nitong nakapatong sa mesa.
"What?" nakatawang tanong ni Falcon. Inirapan niya lang ito.
Nang matapos sila sa pagkain ay nagtimpla siya ng kape para sa kanila ni Falcon. Dala ang isang maliit na tray kung saan nakapatong ang dalawang tasang kape ay tinungo niya ang sala kung saan naroroon si Falcon.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya sa binata nang mailapag niya ang tray sa coffee table.
"I am thinking of spending the night here with you."
"No! Nasisiraan ka na ba?" Inabot ni Falcon ang kamay niya at pinisil-pisil iyon habang nakatingala sa kanya.
"Sumama ka na lang kaya sa bahay ko ngayon."
"No!" Tanggi niya at sinamahan ng marahan na pag-iling.
"I feel like eating pichi-pichi tonight." May nanunuksong ngiti ito sa labi. Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Falcon at pinalo ito sa balikat.
"Stop teasing me!" Hiyaw niya at malakas namang tumawa si Falcon habang hinuhuli ang kamay niyang humahampas sa balikat nito. Maging siya ay natawa na rin. Nasa ganoon silang tagpo nang biglang bumukas ang pinto at para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Harper.
"Falcon!" Mabilis niyang inagaw ang kamay mula sa pagkakahawak ni Falcon. Tumayo si Falcon mula sa pagkakaupo na bakas ang pagkagulat sa mukha. Si Mhelanie naman ay hindi magawang lumingon sa direksiyon kung nasaan si Harper. Sigurado siyang namumutla siya sa mga oras na ito.
"Baby!" Magiliw na boses ni Harper iyon at patakbong nilapitan si Falcon. Nabangga pa nito si Mhelanie. Agad na yumakap si Harper kay Falcon.
"What are you doing here?" Nagkatinginan sila ni Falcon. Parang namanhid ang buong katawan niya at hindi niya maikilos kahit kaliit-liitang parte ng kanyang katawan.
"Pumunta ka ba dito dahil akala mo nandito na ako?" Malambing na tanong ni Harper. Isang pilit na ngiti ang sagot ni Falcon. Ipinulupot ng babae ang mga braso sa leeg ni Falcon at hinalikan ito sa labi. Parang may pumiga sa puso niya nang masaksihan ang paglapat ng labi ng dalawa. Nang putulin ni Harper ang halik ay hinawakan nito ang dalawang kamay ni Falcon.
"Let's go to my room." Binalingan siya ni Harper.
"Sa kuwarto lang kami, MM, ah." Maharot pa siyang kinindatan ni Harper bago hinila si Falcon patungo sa silid.
Agad na tinungo ni Mhelanie ang sariling silid at umupo sa gilid ng kama. She splayed her hand across her chest. Naninikip ang dibdib niya. So much guilt and jealousy tightened her chest. Nakokonsensiya at the same time ay bigla siyang nakaramdam ng matinding selos sa isipang na nasa silid si Falcon ni Harper. Nangilid ang luha niya sa mga mata.
"Wala kang karapatan magselos, Mhelanie! Wala!" Sunod-sunod na pumatak ang luha mula sa mata niya.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top