Chapter 32
NAIPAKILALA na si Mhelanie sa bawat department ng kompanya. Inikot siya ni Sheryl. Natakda na ring palitan ang pangalan ng kompanya ayon kay Sheryl. Mukhang makakasundo niya ang mga staff sa accounting department. Lahat friendly maliban sa isa, si Genevieve Solinap, ang account manager. Mukhang hindi siya gusto nito na hindi na naman niya pinagtakhan dahil binalaan na siya ni Sheryl tungkol dito. Kaedad lang niya ang babae at ka-batch pa pala niya ito sa CPA licensure examination. Ito ang topnotcher.
Sumabay si Mhelanie sa mga kasamahan na maglunch sa canteen. Maging si Genevieve ay sumama rin. Nang makita siya ni Sheryl ay iniwan nito ang kasamahan sa HR department at sumabay sa kanila.
"What have you done to become a controller nang ganoon kabilis?" tanong ni Genevieve na kaharap niyang nakaupo sa mahabang mesa. Alam niyang may laman ang tanong nito.
"I have gone the extra mile to reach my goal."
"Working hard isn't enough. Kahit saang kompanya ay hinahanapan ng magandang credentials para ibigay ang ganyang posisyon sa 'yo. The real sweet spot in accounting field is somewhere between three and six years. Pero ikaw ipinadala ka pa sa California kahit walang experience. Surely, there was hocus pocus."
"Nagtrabaho naman ako sa isang auding firm noon. I've attended many conferences international. I was trained by one of the best CPA in California. I graduated summa cum laude in Primrose University and top three of the CPA licensure Examination."
"Topthree, but I'm a topnotcher."
"Point two lang naman ang lamang mo. I've earned the top three spot even without leakage."
"Are you trying to say na isa ako sa nakatanggap ng leakage noon?" Umalsa ang boses nito at pinukol siya ng matalim na titig.
"Wala akong sinasabing ganyan. Relax! You sound defensive." May bali-balitang may leakage ang nangyaring exam noon kaya maraming nakapasa pero hindi naman iyon napatunayan kaya hindi nabaliwala ang pinaghirapan nila noon.
Isa sa mga natutunan niya sa pananatili niya sa California ay ang huwag magpaapi. May ilan na galit sa kanya na katrabaho niya sa Prime Media dahil sa special treatment nga sa kanya at karamihan sa mga iyon ay kapwa niya Pilipino. Pero may mga mababait din naman at totoong naging kaibigan niya katulad na lang ni Claudia na siyang nagsabi sa kanyang huwag nagpapaapi. Mhelanie gained experience, and she became more confident.
Sa California niya rin siya nakakita ng live show — Love-scene! Pero hindi naman totally na nakita niya. Nang minsan siyang sumama sa partment ng katrabaho niya bilang pakikisama dahil kaarawan naman ng isa sa workmate niya. Habang nag-iinuman ay hindi napigilan ng iba ang init ng katawan dahil sa kalasingan, at doon na mismo nagtalik kahit na naroroon sila. Nakatalukbong naman ang mga ito ng comforter pero ang marahas na galaw at mga ungol ay nakakapanindig balahibo. Shock siya sa nakita at pinagtawanan naman siya ng mga katrabaho niya. Normal na raw ang ganoon kaya huwag na siyang magugulat. Mga American ang mga iyon, ang mga kapwa niya Pilipino ay kahit paano ay may moral pa naman. Hindi ginagawa ang ganoon.
"Can I join you, ladies?" sabay-sabay na suminghap ang lahat maging si Mhelanie ay hindi napigilan ang pagsinghap nang makita si Falcon bitbit ang isang tray na naglalaman ng pagkain. Nakatingin ito sa kanya.
"Sure, sir! You can sit with me!" Excited na umusog si Genevieve na walang pakialam kung may maitulak siyang katabi. Umupo si Falcon sa tabi ni Genevieve sa harapan ni Mhelanie.
"First time niyo pong kumain dito sa canteen, sir." Si Sheryl na may pa-beautiful eyes pa. Katabi niya ito at nasa dulo nito si Andrea, ang accounting clerk.
"Medyo nakakasawa na ang pagkain sa restaurant. I want to try something new."
"Masarap ang pagkain dito, Sir. Magaling ang cook." Si Genevieve na isiniksik ang sarili kay Falcon.
"Mukha nga." Pormal na sagot ni Falcon, pinunasan nito ang kutsara at tinidor ng tissue matapos ayusin ang pagkain sa harapan nito. Sinulyapan ni Falcon si Mhelanie bago sana simulan ang pagkain nang mapansin ni Falcon na nakatitig ang lahat dito na parang hinihintay pa ang pagsubo nito.
"Let's eat." Nagising ang mga ito mula sa pagde-daydream saka muling ipinagpatuloy ang pagkain.
"Ahm, sir. Puwedeng magtanong?" tumingin si Falcon kay Andrea.
"Totoo po bang may asawa na kayo?" awtomatikong nagkatingin si Falcon at Mhelanie.
"Mukha bang may asawa si Sir? Look at his finger. No wedding ring, duh!" Trumi-sixty degree ang mata ni Genevieve. Dumapo ang mata ni Mhelanie sa daliri ni Falcon at parang kinurot ang puso niya nang makitang hindi nga nito suot ang singsing.
It's normal, Mhelanie! You left him and he was hurt. All you have to do now is to show him how much you love him. Fight! Win him back! Pagpapalakas loob sa sarili.
Ipinapangako niyang isusuot ulit ni Falcon ang wedding ring nila.
"Thirty ka na 'di ba, sir? Wala ka pa bang balak mag-asawa?" tanong naman ni Jessa, ang file clerk, na katabi ni Genevieve.
"Soon." Sagot ni Falcon. As if naman puwede itong magpakasal sa iba.
Even though the ten plagues would come, she won't allow their marriage to be repealed. Kung si Paraoh ay natinag sa ten plagues hindi siya. Kung noon ay duwag siya, hindi na ngayon. Hanggat hindi siya pinagtatabuyan ni Falcon at hindi nito sinasabing hindi na siya nito mahal ay hindi niya ito isusuko.
"Ano ang type mo sa babae, sir?" Tanong naman ni Sheryl. Tumingin sa kanya si Falcon. Tumusok si Mhelanie ng maliit na hiwa ng melon, she brought it to her mouth, taking the fruit between her lips, and she bit off in a seductive manner.
"I want a simple woman. Hindi ko gustong pinipinturahan ng pula ang nguso. Covering your lips in paint just seems unreasonable. Women are at their most attractive when they're a bit undone." Gusto niyang matawa sa sinabi nito. Lantaran naman nitong pinapahiwatig na hindi nito gusto ang red lips niya.
"I like the one who simply not the killer heels type of girl. I hate when women wear shoes that they know are uncomfortable, and then they complain all night about how much their feet hurt. I'd much rather a girl wear shoes they can have fun in."
Pinagkrus ni Mhelanie ang hita sa ilalim ng mesa habang naaaliw na pinagmamasdan si Falcon. Inalis niya ang isang sapatos.
"And most of all, I hate women who wear these goddamn off-the-shoulder dresses. Mas gusto ang nagsusuot ng turtlenecks." God! Promise hindi siya nao-offend! Natatawa siya instead. Inabot ni Falcon ang tubig at uminom pero kamuntikan na nitong maibuga ang tubig nang ipasok ni Mhelanie ang paa sa laylayan ng pantalon nito.
"Are you okay, sir?" nag-aalalang tanong ni Genevieve.
"Yes, I'm okay." Kinuha ni Falcon ang puting panyo nito sa bulsa at pinunasan ang bibig.
Nang titigan siya ni Falcon ay bahagya niyang pinaningkit ang mata habang nakatitig kay Falcon. Inilabas niya ang dila at ipinaikot sa maliit na hiwa ng melon bago iyon isinubong lahat at nginuya. Inilapag niya ang tinidor.
"Turtleneck? Really, sir?" Humaplos pataas ang paa ni Mhelanie sa binti ni Falcon. Pasimple niyang hinila pababa ang damit niya at lumantad ng bahagya ang cleavage niya.
"'You like turtleneck, sir?"
"I-it's more classy." Parang nahihirapan itong magsalita. Umalon ang dibdib nito at naramdaman niyang gumalaw ang binti ni Falcon sa ilalim. Mas hinila pa niya pababa ang damit niya sa paraan na hindi mapapansin ng kasama nila sa mesa, at sa pagkakataon na iyon ay lumantad na ang taas ng dibdib niya.
"Turtleneck?" nakangiti niyang tanong. Hinaplos niya ang daliri pababa-taas sa binti ni Falcon.
"Turtleneck." Kalmado ang boses pero ramdam niyang nate-tense ito. Mas hinila pa niya ang damit hanggang sa sumilip na ang kaunting itim na bra. Umalon ang dibdib ni Falcon at tumiim ang bagang.
"Off shoulder!" matigas nitong bigkas. Marahan siyang natawa pero hindi inayos ang damit. Noon naman lumapit si Mr. Pascual, ang Chief financial officer. Kitang-kita ang pagkataranta ni Falcon at sinipa siya nito sa ilalim ng mesa saka pinangdilatan na parang sinasabing ayusin niya ang damit. Inayos naman niya ang damit saka isinuot muli ang sapatos.
"Hi, Mhelanie!" Bati sa kanya ni Mr. Pascual at umupo sa tabi niya.
"Hi, sir."
"Oh c'mon, just call me Fernan."
"Okay." She shrugged.
"Guys, I'll go ahead." Mabilis na tumayo si Fernan at inalok nito ang kamay kay Mhelanie. Inabot naman niya iyon at inalalayan siya nitong tumayo.
"Sabay na tayo, tapos na naman akong mag-lunch." Kinuha ni Mhelanie ang bag sa upuan at nang masulyapan niya si Falcon ay parang maglalabas ng apoy ang mga mata nito. He's jealous! She knows that look.
"FUCK!" Falcon is pacing around his office.
"What are you doing, Mhelanie?" He muttered, confused. Hindi niya napaghandaan si Mhelanie. She's fucking naughty, and that naughtiness of his wife drove him crazy. Ang pagkakaalam niya ay sa susunod na buwan pa ang uwi ni Mhelanie kaya nang magpadala ito ng text message sa kanya ay nagulat, nataranta at the same time ay naexcite na makita ulit ang asawa niya.
Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya para hindi ito pansinin. He is still bitter dahil sa ginawa nito sa kanyang pang-iiwan noon. Pinaramdam sa kanya ni Mhelanie ang kawalan niya ng halaga rito, at nang muli niya itong makita ay nakaramdama siya ng pagnanais na iparamdam dito ang sakit na naidulot ng pang-iiwan nito sa kanya.
Ang lagay ay gan'on-gan'on na lang. Babalik ito na parang walang nangyari? Isang taon! He was expecting na babalikan siya nito ng ilan buwan lang pero nagkamali siya. At higit sa lahat ay mukhang wala pa itong kabalak-balak na bumalik kung hindi dahil sa trabaho. Hindi siya ang binalikan ni Mhelanie kundi ang trabaho at iyon ang masakit sa kanya.
Wala siyang balak na pilitin itong umuwi. Wala siyang balak magmakaawa para bumalik ito. Pride na lang ang natitira sa kanya at ayaw niyang pati iyon ay tuluyang mawala sa kanya. But goddammit! She missed her wife so much kaya sinamantala niya ang pagkakataon para mapabalik ito ng Pilipinas na hindi siya ang magmumukhang nagpabalik rito. Nang mabalitaan niyang ibinebenta ang Prime Media ay hindi siya nagdalawang isip na bilhin ito, at kasama si Mhelanie sa hiningi niyang kondisyon.
Pero ang bagong Mhelanie ang hindi niya napaghandaan! Gusto niya ang ipinapakita nitong kompiyansa na hindi niya nakita noon. Nagugustuhan niya ang deteminasyong ipinapakita nito para mabawi siya. The old Mhelanie was like a turtle who often crawled into her shell to avoid undesirable thoughts and situations. But now, she was completely different! She was more confident about herself. Maganda ang naidulot kay Mhelanie ng paglayo nito.
Lumabas si Falcon at nagpunta sa accounting department. Gusto niyang makita si Mhelanie sandali bago niya balikan ang tore-toreng files sa desk niya. Sa pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang ilang lalaking nakapaikot sa cubicle ni Mhelanie. Humakbang siya palapit sa mga ito. Nakikipagbiruan ang mga ito kay Mhelanie at masaya namang nakikipagtawanan si Mhelanie.
"Ganito ba talaga ang ginagawa niyo sa oras ng trabaho!?" Parang mga bubuyog na nagsipulasan ang mga ito at bumalik sa kanya-kanyang cubicle.
"Kaya naman pala nalugi ang kompanyang ito dahil sa halip na magtrabaho ay pagtsi-tsismisan ang inaatupag niyo!" Parang mga asong nanahimik ang lahat sa sulok maliban kay Mhelanie na malapad ang ngiting kinukuyakoy ang isang binti habang nakatingin kay Falcon.
"Ano ba ang mayroon kay Ms. Muller at para kayong mga bangaw na pinagkukumpulan siya?"
"Ah! Para namang sinasabi mong mukha akong ebak, sir." Nagtawanan ang lahat pero nagsitahimik nang pukulin ni Falcon ng matalim na tingin ang mga ito.
"Laugh and I will fire you all!" He gazed back to Mhelanie.
"And you, Miss Muller, send these guys away kapag lumalapit palang sa 'yo para hindi namimihasa!"
"They are just being friendly to their new fellow worker. Walang masama doon." Rason ni Mhelanie habang nilalaro ang ballpen sa pagitan ng daliri.
"I don't pay them to entertain a newly-hired employee. It's work! It's not supposed to be fun."
Mhelanie rolled her eyes.
"One of those mantras of the passive-aggressive lousy boss."
"I'm still your boss, Ms. Muller, so don't talk to me that way."
"I would constantly talk you this way kung ganyan lagi ang magiging pananaw mo! Don't give your employees the hellish experience." Dammit! Hindi naman siya ganitong boss pero nag-iinit ang ulo kapag may lalaking lumalapit kay Mhelanie. Mukhang hindi yata magandang ideya na katrabaho niya ang misis niya.
"Subukan niyo ulit lumapit kay Mhelanie at hindi ako magdadalawang isip na tanggalin kayo sa trabaho! I don't need incompetent people in my company!" Sa halip na lumabas ay tiungo niya ang dulo ng pasilyo. Binuksan niya ang pinto roon at sabay-sabay na bumati ang mga nagta-trabaho sa loob ng magiging opisina ni Mhelanie. Hindi pa ito tapos kaya pansamantala ay sa isang cubicle muna si Mhelanie.
"Hindi pa rin ba ito tapos?" Nakakunot ang noo niya. Interior designer came up to him.
"Give us another week, sir. Medyo nahirapan po kasi kami dahil pangatlong beses niyo ng pinabago ang design. Nasasayang din po ang mga gamit, sir. You've lost money because of this."
"I don't care! I want the best for my wife."
Tinungo niya ang salaming estante. Hindi na pinansin ang pagbulungan ng dalawang babae dahil sa sinabi niya. Inabot ang isa sa mga swarovski stitch figurine na naroroon. Kinuha niya ang kulay pink at pinagmasdan. Bawat figurine ay may naka-engrave na pangalan ng bansa kung saan iyon nagmula. Sa pinakagitna ng esntante ay may malaking figurine ng Snow White na gawa rin sa Swarovski. It represents her wife. Ibinalik niya ang figurine at binalingan ang nagtatrabaho.
"Gusto kong matapos agad ang trabaho rito. Kung kinakailangan magdagdag ng tao gawin niyo."
"We will, Sir." Pangatlong renovation na ito. Ang mga nauna ay hindi niya nagustuhan. Pakiramdam niya ay hindi iyon magugustuhan ni Mhelanie. Lumabas siya ng opisina at nakita si Mhelanie sa labas ng pinto. Malapad itong ngumiti nang makita siya.
"What?" Mhelanie pouted her red lips and she poked his chest. And he swears! He wanted to jerk her close to his body and claim her lips. He wanted those lips wrapped around his cock, sucking him off. He wanted to see her head fall back in ecstasy as he fucked her. Fuck! His cock started getting hard at the dirty thought.
"Nagseselos ka 'no?"
"What are you talking about?"
"Aminin mo na," she teased. He has to leave now dahil kung hindi ay baka hindi niya mapigil ang sarili at pupugin na talaga niya ito ng halik. Hinawakan niya ang dulo ng damit nito sa magkabilang balikat at hinila iyon pataas para takpan ang lantad na balikat.
"Bukas huwag na huwag ka ng magsusuot ng ganito. Too revealing!" He forced to turn his back to her and walked away.
"Love." He stopped and turned his head to face her.
"I love you." He immediately turned and walked away. Hindi niya binigyan ng tsansa na makita ni Mhelanie ang ngiting walang kontrol na gumuhit sa labi niya.
Tumuloy siya sa opisina at umupo sa swivel at parang tangang nakangiti pa rin.
"Fuck it! Why are you doing this to me, Mhelanie?" Ang tampo sa asawa ay tuluyan nang nawala. Ni katiting wala na siyang maramdaman. Sumagi sa isip niya ang ginawang kapilyahan nito kanina sa canteen. And he swears to fucking Christ, his balls tightened, and his cock twitched.
Kung ibang babae iyon ay masama na ang magiging tingin niya sa babae pero hindi kay Mhelanie. He finds her action cute! Wala sa sariling natawa si Falcon.
"Sabi na't may tama ka na talaga." Natigil sa pagtawa si Falcon sa biglang pagpasok ni Alford. Pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi. Damn! Hindi niya talaga mapigil. Kinagat niya ang loob ng kanyang magkabilang pisngi, trying to suppress the silly smile on his face.
"Is Mhelanie cause of that silly face?" Umupo si Alford sa visitor's chair.
"Of course not!" tanggi niya.
"You're glowing, pare. You look like a school boy na napansin ng crush." Tukso ni Alford.
"Ano ba ang ginagawa mo rito?"
"Gusto ko lang makita si Mhelanie, ipatawag mo naman siya."
"No! Umalis ka na. Busy siya." Aasarin lang siya nito. Dapat talaga hindi niya muna sinabi sa mga kaibigan na bumalik na si Mhelanie. Bumukas ang pinto at ngumiwi si Falcon nang makita si Mhelanie na pumasok.
"Alford!" Mhelanie exclaimed, surprised.
"MM!" Tumayo si Alford, sinalubong si Mhelanie at nagyakap ang dalawa.
"Damn, You are gorgeous, babe!" Hinawakan ni Alford ang kamay ni Mhelanie habang pinagmamasdan ang kabuan ni Mhelanie. Mhelanie twirled and giggled like a little girl.
"Thank you!" Binalingan ni Alford si Falcon.
"Kumusta, pare. Hindi ka ba nagkaka-blue balls? Sigurado kang kaya mong panindigan ang kaartehan mo?" Natawa si Mhelanie.
""Shut up!" Asik niya sa kaibigan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top