Chapter 28

"MA'AM Mhelanie, may bisita po kayo, kabigan mo raw." Bungad sa kanya ni Susan nang pagbuksan niya ito ng pinto ng silid.

"Kaibigan? Sino raw?" pagtataka niya. Wala naman siyang napagsabihan kahit na sino ng kanyang kinaroroonan. Hindi kaya si Tessmarie? Baka naman sinabi ni Falcon kay Tessmarie kung nasaan siya. Si Falcon naman ay bumalik na sa trabaho. Ayaw pa nito pero siya na ang pumilit dito. Kumuha na lang si Falcon ng personal nurse para siyang tumingin sa kanya.

"Basta po maganda siya, parang pamilyar hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita." Isinara niya ang pinto at nagpasyang babain ang bisitang tinutukoy ni Susan.

Nang makababa siya ay hindi niya naman makita ang babae sa sala.

"Nasaan siya, Susan?" Paglingon niya sa may pinto ay para siyang tinakasan ng sariling kaluluwa nang makita si Harper doon.

"Harper?" tanging usal niya sa nanginginig na boses. Humakbang si Harper palapit sa kanya habang matiim na nakatitig sa kanya. Huminto ito sa harapan niya at mula sa mukha ay bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan, nanatili roon ang mata nito ng ilang sandali bago bumalik ang tingin sa mukha niya. Paanong nalaman ni Harper ang kinaroroonan niya?

"So, totoo nga?" Namalisbis ang luha ni Mhelanie sa kanyang pisngi sa unang salita pa lang ni Harper.

"Harper." Tangi niyang naisambit.

"Kailan pa 'to? Paano at kailan nagsimula?" mahina ang boses ni Harper pero ramdam niya ang sakit na nararamdaman nito. Hindi siya nakapagsalita. Ang tangi niyang nagawa ay ang humikbi.

"For once, Mhelanie, be honest with me."

"N-noong, sinama niya ako sa dinner ng pamilya niya. May. . . may nangyari. . . I'm sorry!" Bumulalas siya ng iyak. Natutop niya ng palad ang sariling bibig. Si Susan naman ay nanigas na lang sa kinatatayuan habang nakamasid sa dalawa.

"Ang tagal na." Agad na pinahid ni Harper ang luhang kumawala mula sa mata nito sa kabila ng pagpipigil.

"Pinilit ka ba niya? Tell me, Mhelanie. Pinilit ka niya 'di ba?" nagmamakaawa ang boses ni Harper. Tila iyon ang gusto nitong marinig. Na pinilit lang siya ni Falcon, pero dadagdagan niya ang pagsisinungaling niya kapag iyon ang sinabi niya. Hindi rin niya gustong siraan si Falcon para lang isalba ang sarili. Ginusto niya rin ang nangyari at ayaw niyang si Falcon lang ang masisisi. Iniiling niya ang ulo.

"Kasalanan ko. . . Hindi niya ako pinilit. I'm sorry, Harper, I'm so sorry!"

"But why? I'm your best friend. We're sisters. We're sisters by blood and you know about this ever since pero nagawa mo pa rin ito?" Nanlaki ang mata ni Mhelanie sa sinabi ni Harper.

"Alam ko na ang lahat. Ipinagtapat na sa 'kin nila mom ang lahat-lahat may katagalan na. Ipinamigay ako para lang maisalba ang buhay mo. But I don't understand why you've choosen to betray me than to keep our friendship. Ang dami-daming lalaki, Mhelanie, bakit siya pa?" Noon tuluyang bumigay ang emosyon ni Harper. Tuluyang kumawala mula sa mata ang mga luha. Kaya pala! Kaya pala nag-iba ang pakikitungo sa kanya ni Harper dahil alam na nito ang lahat. Alam na nitong magkapatid sila.

"Harper." Humakbang siya para lapitan ito pero humakbang paatras si Harper. Umiwas.

"You left me alone. . . kung kailan durog na durog ako. Pero sabagay matagal mo ng gustong gawin ang bagay na iyon. Matagal mo ng gustong iwan ako. Matagal mo nang gustong makawala sa obligasyong pilit na pinagawa sa 'yo ng sarili mong ina. Ngayon ko naintindihan ang lahat." Tuloy-tuloy ito sa pag-iyak.

"Harper, please, pakinggan mo ako." Itinaas ni Harper ang dalawang kamay sa ere.

"Masakit, pero wala na akong magagawa pa. You've choosen him over me. You choose him over your sister. I have to accept na wala na akong best friend at wala akong kapatid. Goodbye, Mhelanie!" Tinalikuran na siya ni Harper. Humabol si Mhelanie at niyakap ito mula sa likuran.

"Harper, I'm sorry! Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadyang mahalin si Falcon. I'm so sorry. . . I'm so sorry." Mhelanie was catching her breath as she spoke. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Ang sakit-sakit at mas nasasaktan siya dahil alam niyang higit na nasasaktan ang kapatid niya dahil sa ginawa niya.

"Pinapatawad na kita. Pero hindi na natin maibabalik ang dati, Mhelanie. Dahil sa tuwing makikita kita masasaktan lang ako. Ang sakit-sakit!" Kinalas ni Harper ang braso niyang mahigpit na nakayakap sa baywang nito at mabilis nitong tinungo ang pinto.

"Harper!" Sumunod siya kay Harper. Tumakbo siya sa sasakyan nito at nagmamakaawa kay Harper na babain siya pero hindi siya pinakinggan ni Harper. Pinausad nito ang sasakyan.

"Harper, please!" Kinakatok niya ang bintanang salamin sa driver side habang sinusundan ang pag-usad ng sasakyan.

"Harper, please, kausapin mo ako!" Hanggang sa marating ng sasakyan ang daan pababa ay nakasunod pa rin si Mhelanie. Pero nang bumilis na ang sasakyan ay naiwan na lang siya gitna nang daan na umiiyak. Napaluhod siya daan habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ni Harper. Dinakot niya ang damit sa bandang dibdib habang iyak nang iyak. Mhelanie gasped when her stomach suddenly cramped. Sinapo niya ang kanyang tiyan at ilang ulit na nagpakawala at humugot ng hangin.

TATLONG araw na mula nang bumalik si Falcon sa trabaho. Kumuha siya ng personal nurse para mag-alaga kay Mhelanie para mamonitor ang kalagayan nito. Kahit na tumanggi si Mhelanie ay sumige pa rin siya. Pinalitan niya rin ang cell phone ni Mhelanie. Sadya niyang sinira ang cell phone nito noong isang araw at pinalabas niyang nahulog niya.

May mga message kasi ang nanay ni Mhelanie at siya ang nakabasa, at mukhang alam na nitong hindi kasama ni Harper si Mhelanie. Alam niyang galit ang nanay ni Mhelanie kung ibabase niya sa mga text messages. Gulong-gulo siya. Hindi niya alam kung paanong sasabihin kay Mhelanie. Ayaw muna niyang magkausap ang mag-ina dahil alam niyang stress lang ang idudulot niyon kay Mhelanie, kaya naman nagpasya siyang puntahan ang nanay ni Mhelanie.

Ipinagtapat niya ang lahat sa nanay nito ang relasyon nila ni Mhelanie. Alam niya kasing tatawagan din ni Mhelanie ang nanay nito sa mga susunod na araw at alam niyang sesermunan ito ng ginang kaya bago pa mangyari iyon ay kailangan na niyang masabi sa nanay nito ang totoo. Galit na galit sa kanya ang nanay ni Mhelanie at sinabihan siyang layuan si Mhelanie at ibalik na bago pa malaman ni Harper ang lahat. Sisirain daw niya ang samahan ng dalawa at hindi nito iyon mapapayagan. Ipinaalam niyang buntis si Mhelanie at maselanan ang pagbubuntis nito. Sinabi niya ring kasal na sila.

"Kahit po hindi niyo tanggap ang relasyon namin ay hindi ko ibabalik si Mhelanie. Ang pakiusap ko lang po sana sa inyo sa oras na tumawag sa inyo si Mhelanie ay magpanggap na lang kayong walang alam dahil makakasama sa kanya ang ma-stress. Maaari siyang makunan." Iyon ang sinabi niya sa ginang at malakas na sampal ang natamo niya mula rito. Damn! He was desperate just to keep his wife and child safe. Kahit buhay niya ay kaya niyang isakripisyo para lang masiguro ang kaligtasan ng mag-ina niya.

Inabot niya ang cell phone na nasa desk. Kumunot ang noo niya nang makitang si Rose ang tumatawag, ang nurse ni Mhelanie. Walang dahilan para tumawag ito unless may problema.

"Hello, Rose, may problema ba?" agad niyang tanong sa nurse.

"Sir, si Ma'am po." Tinumbol ng kaba ang dibdib ni Falcon nang marinig ang pag-aalala sa boses ni Rose.

"Ano ang nangyari, Rose."

"Nasa ospital po siya. Dinugo, ho, e."

Napatayo si Falcon. "What!? Bakit? Hindi ba sabi ko sa 'yo na bantayan mo siyang mabuti!" Bulyaw niya sa kausap.

"S-sir, ginawa ko naman pong mabuti ang trabaho ko, kaso lang. . . hindi ko po alam ang nangyari. Si Caloy po ang nagdala sa kanya sa ospital. Sabi ni Susan may nagpunta raw pong babae sa bahay at sinumbatan daw po si Ma'am tapos ayon na."

"Babae? Sino?"

"Harper daw po ang pangalan."

"Damn! Saang ospital? Ano ang lagay niya?!" Parang sasabog ang utak at dibdib ni Falcon sa mga nangyayari.

"Sinusuri pa po ng doctor. Sa Stevez Hospital po." Nang tapusin niya ang tawag ay agad niyang pinindot ang intercom na agad namang sinagot ng secretary niya.

"Tell the captain to pilot me. I have to go to Tarlac, right now! Do it immediately!" Mabilis na sumagot ang sekretarya ng 'yes sir' Mariin siyang napapikit at hinilot ang sentido. Kasalanan niya ito. Sana ay hindi na lang muna siya pumasok. Sana ay hindi niya iniwan si Mhelanie. Paanong nalaman ni Harper ang kinaroroonan ni Mhelanie? Alam na nito ang tungkol sa kanila. Napakalaking gulo nito.

Ang mahigit kalahating oras na flight ay napakatagal kay Falcon. Panay ang utos niya sa kapitan na bilisan. Sa mismong helipad nang ospital sila naglanding. Malalaking hakbang ang ginawa niya para puntahan ang silid na ukupado ni Mhelanie. I-tinext sa kanya ni Rose na inilipat na si Mhelanie sa pribadong silid at sinabi nito kung ano ang numero. Nakita niya si Caloy na nakaupo sa isa sa mga nakahilerang silya sa hallway ng ospital. Tiningnan nito ang silid na nasa tapat ng kinauupuan nito para ipaalam kay Falcon na iyon ang silid ni Mhelanie.

Binuksan niya ang pinto at nakita niya si Rose na nakatayo sa paanan ng hospital bed at malungkot na nakatunghay kay Mhelanie na iyak nang iyak habang pilit itong pinapatahan ni Aling Ceding na nakaupo sa gilid ng hospital bed.

"Love?" Mabilis niya itong nilapitan. Umupo siya gilid ng kama. Agad na yumakap sa kanya si Mhelanie at lalo itong umiyak nang umiyak.

"Shhh! Nandito na ako. Nandito na ako, tahan na." Hinagod niya ang likod ni Mhelanie pero hindi ito tumahan.

"I'm so sorry! I'm sorry." Lalo itong umiyak nang umiyak.

"Ano ba ang nangyari? Tahan na. The baby is okay, right?" Mhelanie keeps on crying as she hugged him tightly. Pumasok ang ob-gyn ni Mhelanie, na siyang regular na nagche-check-up dito linggo-linggo, at isang babaeng nurse.

"Dok, kumusta ang lagay ng mag-ina ko? Safe naman ang anak namin 'di ba?" tanong niya sa doctor na hindi binibitawan ang asawang iyak parin ng iyak. Kinakabahan siya. Hindi kaya lumala ang lagay ni Mhelanie kaya ito iyak ng iyak. Huwag naman sana.

"I'm sorry, Mr. Cabral, but we tried our best to save the child pero hindi na talaga kaya. Your wife's Cervix was completely opened." Mariin siyang napapikit sa narinig. Isinubsob niya ang noo sa balikat ni Mhelanie at hindi mapigilan ang maluha. Hindi siya makapagsalita habang si Mhelanie ay hingi nang hingi sa kanya ng 'sorry'. Bakit kailangan ang anak pa nila ang mawala. Kabayaran ba ito sa kasalanan niya?

Mahigpit niyang niyakap si Mhelanie. Pilit na ipinaramdam sa asawa na okay lang ang lahat kahit na hindi.

NAGPASYA si Mhelanie na umuwi muna sa Batangas pagkatapos nang isang linggo matapos siyang makunan. Ayaw siyang payagan ni Falcon pero wala itong nagawa nang magpumilit siya. Lalo't nalaman niyang alam na pala ng nanay niya ang lahat. Sinabi sa kanya ni Falcon na pinuntahan nito ang nanay niya at ipinagtapat ang lahat ng tungkol sa kanila dahil alam na nitong hindi sila magkasama ni Harper and soon ay malalaman na rin nito ang totoo kaya mas minabuti ni Falcon na dito na manggaling.

Hanggang ngayon ay napakasakit pa rin sa kanya ang nangyari. Hindi  maibsan  ang  sakit  na  nararamdaman  niya.  Hindi pa rin niya matanggap na wala na ang bata sa kanyang sinapupunan. Pero ganoon siguro talaga, kailangan nilang parusahan at ang anak niya ang naging kabayaran ng mga kasalanan niya. Sa araw-araw na magkasama sila ni Falcon ay lagi siyang tulala at alam niyang naaapektuhan si Falcon sa depression niya. Masyado na siyang nagiging pabigat sa asawa at kahit obligasyon nito sa kompanya ay hindi na mapagtuunan ng pansin dahil sa kanya.

Palaisipan pa rin kay Mhelanie kung paanong nalaman ni Harper ang tungkol sa kanila. Maaaring sinabi ni Morgan dahil imposibleng si Mamshie Juday ang magsabi. O maaaring na-gets lang nito nang tumawag dito ang nanay niya at nalamang sinundo siya ni Falcon. Kaya pala pinalitan ni Falcon ang cell phone niya para maiwasang magkausap sila ng kanyang nanay dahil may alam na ito.

At ang masakit ay ang pagbaliwala sa kanya ng nanay niya. Para siyang hangin na nilalagpas-lagpasan lang. Hindi ito tumatabi sa kanya sa pagtulog at sa halip ay sa sahig ito naglalatag. Hindi siya sinusumbatan nito pero mas masakit ang ginagawa nitong hindi pagpansin sa kanya.

"'Nay, ako na po ang maghuhugas niyan." Aniya at pilit na kinuha ang platong hawak ng ina pero iniiwas nito iyon.

"'Nay, ako na po."

"Ako na. Doon ka na at baka mamaya kung mapaano ka pa. Magpahinga ka na lang doon nang bumalik ang lakas mo." Walang emosyon ang boses nito at nasasaktan siya.

"Ayos na naman po ako, 'nay. Tutulungan na po kita," pagpupumilit niya.

"Oh, siya! Kung gusto mong mabinat at duguin sige! Magtrabaho ka!" Binitawan nito ang plato sa sink na mabuti na lang ay hindi nabasag.

"'Nay, kung galit po kayo sa 'kin sabihin niyo naman. Sumbatan niyo ako! Saktan niyo ako, tatanggapin ko. Pero huwag ganito, hirap na hirap na kasi ako, eh." Tuluyang naiyak si Mhelanie.

"Kahit saktan kita, kahit sumbatan kita wala nang mangyayari, Mhelanie! Sinira mo na ang lahat. Sinira mo ang pagsasama niyo ng kapatid mo dahil sa kalandian mo! Nobyo ng kapatid mo inahas mo! Mas masahol pa ang ginawa mo sa nagawa ko noon! Ilang ulit ko sa 'yong sinasabi na huwag na huwag mong gagayahin ang ginawa kong katangahan pero sumige ka pa rin." Namumula ang mukha ng kanyang ina sa galit. Sumabog ang emosyong pilit na ikinukubli nitong mga nakalipas na araw.

"'Nay, patawarin mo ako! Sabihin mo lang kung ano ang gusto mong gawin ko, gagawin ko maibalik ko lang ang tiwala niyo." Ginagap niya ang kamay ng sariling ina habang tuloy-tuloy sa pagluha.

"Kung sabihin ko sa 'yong hiwalayan mo ang lalaking 'yon gagawin mo?"

"Kasal na kami ni Falcon, 'nay. At mahal na mahal ko siya." Binawi ng ina ang sariling kamay mula sa pagkakahawak niya.

"E 'di tapos ang usapan. Siya ang pinipili mo kaysa sarili mong pamilya. Ano pa't nandito ka?"

"'Nay naman, wala po akong pinipili. Hindi ko kayang mawala ka, hindi ko kayang mawala ang kahit na isa man sa inyo."

"Kaya mo. Dahil kung hindi mo talaga kayang mawala kami ng kapatid mo hindi mo gagawin ang ganitong bagay, Mhelanie." Pagkasabi nito niyon ay tinalikuran na siya. Walang nagawa si Mhelanie kundi ang umiyak nang umiyak. Nilapitan siya ng tiyuhin at tinapik sa balikat.

"Intindihin mo na lang ang nanay mo. Nasasaktan lang 'yon lalo't alam na rin ni Harper ang totoong pagkatao niya, at ngayon ay ayaw kausapin ng kapatid mo ang nanay mo kahit anong subok niya."

"Kasalanan ko ang lahat t'yong. Kasalanan ko ang lahat." Marahan siyang niyakap ng tiyuhin at inalo.

"Nangyari na ang nangyari. Ang kailangan mo lang gawin ngayon ay ang ipakita sa nanay mo na nagsisisi ka. Ipakita mo sa kanya na pinapahalagahan mo pa rin siya."

NATIGIL ang tangkang pagpasok ni Mhelanie sa silid nang maulinigan ang kanyang ina na umiiyak at tila nagmamakaawa. Nang silipin niya ito sa maliit na siwang ng pinto ay nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kama habang nasa tainga ang cell phone.

"Harper, anak, kausapin mo naman si nanay!" Umiiyak nitong pakiusap sa kabilang linya.

"Harper. . . Harper!" Umiiyak nitong ibinaba ang cell phone. Mukhang binabaan ito ng cell phone ni Harper. Isinandal ni Mhelanie ang likod sa dingding sa labas. Ano ang ginawa niya? Sinira niya ang pamilya niya. Alam na ni Harper ang tungkol sa pagkatao nito kaya ito marahil laging mainit ang ulo at madalas ay sinusungitan siya. Kaya siguro nag-iba ang pakikitungo sa kanya at sa nanay niya noong minsan dalawin ito ng nanay niya sa set. Pero ramdam pa rin niya ang pagpapahalaga sa kanya ni Harper. Minsan ay kinumusta pa rin nito ang nanay niya. At kung hindi lang siguro niya pinatulan si Falcon ay mas malaki ang tsansang mas madali silang matatanggap ni Harper bilang pamilya nito. Pero sinira niya ang tsansang iyon. Kasalanan niya ang lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top