Chapter 22
I'm so proud! Ginanahan akong magsulat ngayon. Napabilis update. Hehe! Thank you sa mga comment niyo. Muawh!
____
"SAAN ka nagpunta, Tres, at bigla ka na lang nawala kagabi?" Kastigo na kanyang abuela at umupo ito sa tabi ni Tanya na nakaupo sa mahabang sofa habang siya ay nasa pang-isahang sofa sa katapan ng dalawa.
"Why did you announce my engagement with Harper without my knowledge? Paano niyo ngayon babawiin 'yon sa publiko?"
"Pero iyon naman ang plano niyo ni Harper talaga 'di ba?"
"Wala na kami ni Harper. Wala na akong balak makipagbalikan pa kay Harper. Sa ginawa niyo nasasaktan ng husto si Mhelanie. Lalo niyong pinahirap ang sitwasyon naman, eh." Nagkatingin ang dalawang babae. Pagtataka ang nasa mukha ng mga ito.
"Mhelanie? Si MM? Ano ang kinalaman niya rito?" Magamat nagulat ay mahinahon pa rin ang boses ni Tanya.
"Mom, si Mhelanie na ang mahal ko. At kung may gusto man akong pakasalan sa mga oras na ito si Mhelanie lang 'yon. Gawan niyo ng paraan para bawiin ang inanunsiyo niyo kagabi."
"Pero, Tres, si Mhelanie at Harper ay magkaibigan. Ano ang ginagawa mo?" Bahagyang nanglalaki ang mata ni Tanya at mukhang hindi sang-ayon sa ipinagtapat niya.
"Alam kung mali pero wala akong balak sundin ang tama kung mawawala lang din sa 'kin si Mhelanie. I love her and I will fight for her." Determinado niyang sabi.
"That's my grandson, may paninindigan." Sabay-sabay na naibaling ng tatlong nag-uusap ang tingin sa may hagdan. Naroroon ang mag-amang Uno at Dos. Nakapangalumbaba sa baluster ng hagdan habang nakatingin sa tatlo.
"If you need our help nandito lang kami ng lolo mo," si Seg. Ikinangiti ni Falcon ang pagpapakita ng suporta ng dalawang importanteng lalaki sa buhay niya.
"And you two ladies, kasalanan niyo ang komplikasyon na ito dahil sa nalalalaman niyong surprise-surprise na 'yan. It wasn't a birthday surprise. It was an enggament for Christ's sake!" Palatak ni Don Ulysses.
"Hindi kasi kami na-inform na kailangan pala kayong mga lalaki lang ang puwedeng gumawa ng ganito. Both of you forced us to marry you, remember?" Nagkibit ng balikat ang dalawang lalaki sa sinabi ni Donya Lana.
Hindi naging engrande ang kasal ng mga magulang niya at maging ang lolo't lola niya dahil on the spot itong ikinasal. Nang-alukin ng daddy niya ng kasal ang mommy niya ay may kasama na rin itong Mayor at deretso nga ang mga itong ikinasal. Pero nagkaroon naman ng second wedding. Tumayo si Falcon at lumapit sa kanyang ina. Lumuhod siya at ginagap ang kamay ng ina.
"Mom, I'm so sorry for disappointing you. Pero mahal ko si Mhelanie, and I can't imagine my life without her." Inabot ng ina ang pisngi ni Falcon at marahang hinaplos iyon. Nasa mukha ng ina ang simpatya para sa anak.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko. That's love. Doing the right thing is often much harder kung hindi naman iyon ang nais ng puso. We often oppose the right thing just to follow the deep impulses of our heart. . . Mangako ka sa 'kin, Tres. Protect Mhelanie. Mali ang simula ng relasyon niyo kahit balibaliktarin man natin ang sitwasyon. May masasaktan kayo and you have to expect lots of conflicts. Si Mhelanie ang higit na mahihirapan dito."
"I will, mom. Thank you!" Parang batang yumakap si Falcon sa baywang ng ina.
HE HAD been calling Mhelanie since yesterday pero hindi niya ito makontak kaya naman napagpasyahan niyang pumunta na lang sa pad ni Harper. Hindi pa rin pinapalitan ni Harper ang passcode ng pinto. Sa pagpasok niya ng pad ay naabutan niya si Harper na mag-isang nakaupo sa mahabang sofa at tila ito wala sa sarili dahil nakatulala ito.
"Harper?" pukaw niya sa pagkakatulala ng dalaga. Kumurap ang mga mata ni Harper at wala sa sariling binalingan siya.
"Falcon," mahinang usal nito sa pangalan niya.
"Okay ka lang ba?" Umupo siya sa tabi nito.
"I would lie if I tell you that I'm okay. How can I be okay? I lost you and Mhelanie left me. I'm more alone right now than ever."
"Mhelanie left you? What do you mean?" Noon niya napansin ang hawak nitong papel sa kaliwang kamay at ang kanang kamay naman ay madiing nakakuyom.
"Matagal na naman niyang gustong gawin 'yon. She wanted to leave for California to pursue her dream at ngayon nagdesisyon na siya. Tinanggap na niya ang offer sa kanya." Kumuyom ang palad ni Falcon sa narinig. Ano ang sinasabi ni Harper?
"Ni hindi man lang ginawang magpaalam. Nag-iwan lang ng sulat." Kinuha niya ang sulat mula sa kamay ni Harper at pinasadahan iyon ng basa. Ayon sa sulat ay nagpapaalam nga si Mhelanie at nagdesisyon na itong tanggapin ang trabahong alok dito sa California.
Nagtagis ang mga bagang niya at halos malukot ang papel na hawak nang humigpit ang hawak niya roon.
"Saan siya maaaring naroroon ngayon?" He asked through gritted teeth. Hindi niya akalain na gagawin ito ni Mhelanie.
"Baka nasa Bataggas."
"Ano ang address niya?" Harper looked at her questioningly.
"Kailangan niyong mag-usap." Pagsisinungaling niya. Random, unexplainable emotions flooded him. Damn! Hinding-hindi siya papayag na umalis ito. Kahit saang lumalop ito magpunta ay hahanapin niya ito.
"Hindi na. Nagdesisyon na siya. It's about time to fulfill her dream. Dapat noon pa 'yon pero masyado akong naging selfish. I should let. . . let her go." Harper choked with emotion. Her eyes burned with tears. She quickly looked up to hold back tears, but she had trouble fighting tears welling up in her eyes. Nalaglag pa rin iyon. Agad na pinahid ni Harper ang luha sa pisngi.
"But I'm still worried about her. I wasn't sure kung talagang tatanggapin niya ang alok na trabaho sa kanya." Ibinuka ni Harper ang nakakuyom na kamay. Naroroon ang isang pahabang kulay puti na parang strip test at sa gitna niyon ay may dalawang guhit na kulay pula.
"I think this is the reason why she wants to leave. Pero wala siyang boyfriend, eh. And it hurts me so much dahil umalis siyang hindi sinasabi sa 'kin ang bagay na 'to." Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi ni Harper. Kinuha niya ang bagay na nasa kamay ni Harper at pinagmasdan iyon.
"What is this? Ano ang ibig mong sabihin?"
"Nakita ko 'yan sa trash bin sa kuwarto niya. She might be pregnant." His spine stiffened. The shock was like a bucket of ice water poured over his senses. Bahagyang nakaawang bibig ni Falcon na muling itinuon ang mata sa bagay na hawak.
"Paano mong nasabi?" he managed to ask, despite his shock and confusion.
"The two red lines are indicating a positive result. Sigurado akong sa kanya 'yan."
Cute little monster in my tummy!
Naalala niya ang sinabi ni Mhelanie. Kumuyom ang palad niya kung saan hawak ang pregnancy test saka tumayo. Inilapag niya ang hawak na papel sa sofa saka walang paalam na lumabas ng pad ni Harper.
"Damn, Mhelanie! Ano ang binabalak mo?" wala sa normal ang tibok ng puso niya. Nanunuyo ang lalamunan niya sa tindi ng emosyong nararamdaman. Hinugot ni Falcon ang cell phone mula sa bulsa sa likod ng pantalon at tinawagan ang sekretarya.
"Jacky, I need the address of Dream Wedding right now. Alamin mo rin kung naroroon si Tessmarie. This is important, Jacky, so please do it immediately." Tinapos niya ang tawag at tumuloy sa elevator.
Nang nasa daan na siya ay muling tumawag ang sekretarya niya at sinabi ang address ng condo ni Tessmarie. Si Red, ang kaibigan ni Tessmarie ang nakausap ni Jacky nang tumawag ito sa dream wedding at sinabing wala roon si Tessmarie kaya ibinigay na lang ang address ng condo nito nang malamang si Falcon ang nagpapatanong.
Agad siyang tumuloy sa condo ni Tessmarie at hindi naman siya nabigong makita ang pakay. Nang pagbukas ng pinto ng condo ay napansin agad ni Falcon ang tila walang buhay na dalaga. Mugtong-mugto ang mata nito na parang galing sa magdamag na pag-iyak.
"Falcon?"
"I'm sorry for disturbing you, Tessmarie, pero kailangan lang talaga kitang makausap."
"You want to come in?"
"Hindi na. Kailangan ko lang sana ang address ni Mhelanie sa Batangas. Puwede ko bang makuha?" Hindi na naman nagtanong pa si Tessmarie at ibinigay sa kanya ang exact address. Kailangan niyang pumunta ng Batangas ngayon mismo.
NAKAHIGA si Mhelanie sa duyan sa likod-bahay habang pinagmamasdan ang mga ibong palitapat-lipat ng sanga sa puno ng mangga kung saan nakakabit ang duyan Ito na ang pinakamalungkot na sandali sa buhay ni Mhelanie. Miss na miss na niya si Falcon at maging si Harper. Hindi siya makapag-isip ng dapat gawin. Ang tingin niyang tama ay ang lumayo at huwag ipaalam kay Falcon ang pagdadalang tao niya. Sinubukan niyang sabihin pero sa nakikita niya ay hindi pa talaga handa si Harper na pakawalan si Falcon. Ayaw niyang masaktan si Harper ng dahil sa kanya. Maling-mali ang pagpatol niya kay Falcon at wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili lang niya.
Agad na pinahid ni Mhelanie ang luhang naglandas sa kanyang pisngi nang marinig ang boses ni Kirsten, ang limang taon niyang pamangkin.
"Tawag po kayo ni Lola Lena."
Anak ito ng pinsan niya. Si Tiyo Alfie ay kapatid na panganay ng kanyang nanay at siyang nagmamay-ari nitong bahay. Nakikitira lang sila sa bahay na ito. Hindi naman sila madalas na nandito talaga dahil nakatira sila noon sa bahay ng mga Santibañez sa Maynila. Katulong sila ng nanay niya ng mga Santibañez. Nang matapos sila ni Harper ng kolehiyo at magpasya si Harper na bumukod sa magulang ay noon na bumalik ang kanyang ina sa Batangas.
Isang taon palang siya nang mamatay ang tatay niyang isang German. Hindi na nakabalik ang tatay niya nang magpunta ito ng Germany para raw asikasuhin ang divorce sa asawa nito. Nabalitaan na lang ng nanay niyang namatay ang tatay niya sa tama ng bala ng baril. Binaril daw ito ng sariling asawa at pagkatapos ay nagpakamatay naman ang asawa nito sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.
Tubong Masbate ang nanay niya at Tiyuhin. Nang makapangasawang batangena si Tiyo Alfie ay dito na ito nanirahan. Samantalang ang kanyang ina ay itinakwil naman ng ama nito dahil sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang ama na may asawa rin. Digital siguro talaga ang karma dahil nagkamalas-malas ang buhay ng kanyang nanay at siguradong ganoon din ang mangyayari sa kanya.
Pumasok siya sa loob ng bahay at dumeretso ng kuwarto nilang mag-ina. Ayon kay Kirsten ay naroroon raw ang kanyang nanay. Napagbuksan niya ang kanyang ina na nakaupo sa kama at hawak nito ang mga papeles na galing sa Prime Media.
"'Nay?" Nag-angat ng tingin sa kanya ang nanay niya at bahagya siyang napalunok nang makita ang disappointment sa mukha nito.
"Ano 'to?" Itinaas nito ang hawak na papel.
Isinara niya ang pinto.
"May kompanya pong iteresado sa 'kin. Pinag-iisipan ko po kung tatanggapin ko. Maganda ang offer, 'nay, at makakaipon po ako ng mas malaki." Kung papayag ang Prime Media na magtrabaho siya sa kalagayan niya ngayon ay maganda pero mukhang imposible 'yon, pero susubukan pa rin niya.
"Paano si Harper?" bahagyang nagsalubong ang mga kilay ng nanay niya at inilapag ang papel sa kama sa ibabaw ng plastic envelope.
"Alam ba ni Harper ito? Pumayag ba siya?"
Umiling siya.
"'Nay, malaki na si Harper at isa pa ay ikakasal na siya." Nanikip ang dibdib niya sa isipang iyon. Alam na rin naman ng nanay niya ang tungkol sa engagement dahil naibalita agad iyon sa news. Tinawagan pa siya ng nanay niya kahapon para kumpirmahan ang tungkol sa bagay na iyon. At nang sabihin niyang totoo ang balita ay tuwang-tuwa ang nanay niya para kay Harper. Gustong-gusto ng nanay ni si Falcon para kay Harper.
"Kaya nga mas kailangan ka niya ngayon dahil siguradong magiging abala siya sa nalalapit nilang kasal ni Falcon. Mhelanie, napag-usapan na natin ito. Kung papayag si Harper sa binabalak mo e 'di walang problema."
"'Nay, may mga pangarap din po akong kailangang tuparin. Gusto ko naman pong pagtuunan ng pansin ang sarili ko bago ang ibang tao." Tumayo ang nanay niya at gumihit ang matinding hinanakit sa mukha nito.
"Hindi ibang tao ang kapatid mo, Mhelanie! Tandaan mo na ito lang ang paraan natin para makabawi tayo sa pagkukulang natin sa kanya. Isinakripisyo ko siya para lang mabuhay ka!" Lumabas ang kanyang nanay. Nang maiwan siyang mag-isa sa silid ay noon siya impit na umiyak. Nang-hihina siyang umupo sa gilid ng kama. Tagos na tagos sa puso niya ang nanunumbat na boses ng sariling ina.
Kinuha niya ang larawan ng tatay niyang naka-frame na nakapatong sa mesita sa gilid ng kama at pinagmasdan iyon. Kahit na kailan ay hindi niya ipinakita kay Harper ang larawan ng kanyang ama kahit minsan itong nagtanong tungkol sa tatay niya. Malaking porsyento kasi ng physical appearance ng kanyang ama ay nakuha ni Harper. Ang kulay tsokolateng buhok at mata, ang hugis ng mukha at ilong nito ay nakuhang lahat ni Harper. Samantalang si Mhelanie ay ang kulay ng balat ng kanyang ama at labi ang nakuha niya. Ang itim na itim na buhok at mata niya pati na rin ang ilong ay nakuha niyang lahat sa kanyang ina. Labi naman ng kanyang ina ang nakuha ni Harper na medyo pouty.
High school siya nang malaman niyang kapatid niya si Harper. Gusto niya noon ay mag-aral sa isang pampublikong paaralan dahil sa pagiging bully ng mayayamang kaklase sa Primrose University at laging napapaaway si Harper dahil sa pagtatangol sa kanya. Pero ayaw ni Harper na magkahiwalay sila ng eskwelahan kaya napilitan ang nanay niyang ipagtapat sa kanya ang totoo para magbago ang isip niya.
Isang taon siya noon nang magkasakit siya. Buntis ang nanay niya at kamamatay lang ng tatay niya noon. She was diagnosed with viral encephalitis that almost took her life. Viral encephalitis is an inflammation of the brain caused by a virus. It has 95 percent mortality and there's only five percent chance of survival. The major risk from viral encephalitis is permanent brain damage at laking pasasalamat niya na hindi nangyari sa kanya iyon dahil naagapan agad ang sakit niya.
Salamat sa mag-asawang Santibañez na nagkataong nasa ospital rin at nakita ang kanyang nanay na iyak ng iyak sa pasilyo ng ospital at namumroblema kung paano siya maipapagamot. Nag-alok ng tulong ang mag-asawa pero ang kapalit niyon ay ibibigay sa mga ito ang ipinagbubuntis ng kanyang ina. Walang pagpipilian ang kanyang ina kundi ang pumayag dahil wala rin itong malapitan noon. Hindi rin marangya ang pamumuhay ng pamilya ng mga kamag-anak nito noon. Katulad na lang nila Tessmarie na halos nito na lang naging successful sa buhay.
Pumayag naman ang mag-asawang Santibañez nang hilingin ng kanyang inang maging katulong ang nanay niya sa bahay ng mga ito at nangakong hindi ipapaalam kay Harper ang totoo. Kaya ngayon matindi ang guilt na nararamdaman niya. Siya na yata ang pinakamasamang tao sa mundo. She betrayed her own sister and she deserved to suffer. Alam niyang paparusahan siya ng diyos sa kasalanan niyang ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top