Chapter 20

        Sa  mga  nagpapa-dedicate  po  sensiya  na. Hindi  ko  alam  kung  bakit  pero  ayaw  talaga  madedicate.

___ 

"SOBRA na po akong nahihiya sa inyo, Sir Raul. Masyado akong paimportante, pero salamat sa interes niyo sa 'kin. I really appreciated it," aniya sa kausap sa kabilang linya habang naglalakad sa pasilyo ng condominium.

"Your credentials are great and I'm sure you will be the best asset in my company. Binibida ka sa 'kin ng kapatid ko."

Si Raul Villez ay may-ari ng isang Marketing Company dito sa Pilipinas at California. Bago lang ang kompanya nito sa California kaya naman nangangailangan ito ng employee. Gusto nito na kung maaari ay pawang Pilipino ang kuning employee. Kapatid si Raul Villez ng naging boss niya sa auditing firm noon. Accountant ang posisyong inaalok sa kanya at kung tutuusin ay napakawerte niya dahil dalawang ladder agad ang lalaktawan niya at nangako itong gagawin siyang accounting manager after six months kung maganda ang magiging performance niya and she might be a controller after. Ms. Mhelanie Muller, CPA, Prime Media accounting head. Napakasarap pakinggan pero mukha malabo niyang matupad ito sa ngayon.

Personal na silang nagkita ni Raul noong isang araw. Sinadya niya ito sa opisina nito para mapakinggan ang offer nito sa kanya at totoong pinag-iisipan niya kung tatanggapin niya ang alok nito.

"I will let you know soon with my decision, Mr. Villez."

"I look forward to your favorable response, Ms. Muller. I hope to work with you soon. Your specialization and credentials are excellent way to give your career a boost and set you up for a long-term success. Sana huwag mong sayangin ang pagkakataon."

Huminto siya sa harapan ng pinto ng condo unit ni Harper.

"Tatawagan ko po kayo, Mr. Villez, sa oras na makapagdesisyon na ako."

Nagpaalam siya sa kausap at isinilid ang aparato sa bag bago binuksan ang pinto. Ngunit tila relpy ang nangyayari nang malalakas na sigaw ni Harper ang sumalubong sa kanya pero maliban sa pagsigaw ay umiiyak ito. Nagmamadali niyang itinulak ang pinto at nakita niya roon sa sala si Harper at Morgan. Sinusuntok ni Harper ang dibdib ni Morgan habang umiiyak at sumisigaw at hinahayaan lang ito ni Morgan, sinasalo ang lahat ng suntok ni Harper.

"Bakit ako ang kailangan mong pagbayarin sa bagay na wala naman akong kinalaman!? Bakit kailangan ako ang laging masaktan!? Bakit kailangan ako ang magsakripisyo!?" Sigaw ni Harper habang matindi ang pag-iyak at patuloy ito sa pagsuntok kay Morgan. Sinubukan ito ni Morgan awatin pero isang malakas na sampal ang ibinigay ni Harper sa lalaki. Nang hindi na siya makatiis pa ay nilapitan niya ang dalawa. Dinaluhan niya si Harper.

"Harper, bakit?" Niyakap niya ang dalaga at pilit na kinalma.

"Morgan, ano ba ang nangyayari? Ano ang ginawa mo?"

"Harper, please, hayaan mo akong magpaliwanag."

"No!! Ayaw na kitang makita kahit na kailan!" Namumula sa matinding galit si Harper at lalong nagwala.

"Morgan, please, umalis ka na muna." Pakiusap niya sa lalaki. Nasa anyo ni Morgan ang kagustuhang manatili pero dahil sa nakikita nitong imposibleng makausap si Harper sa kalagayan nito ay napilitang umalis si Morgan.

"Harper, ano ba ang nangyayari, hmm?" tinabig ni Harper ang kamay niyang sumubok gagapin ang mukha nito.

"Harper, nandito lang ako. Kung may problema ka maaari mo sa 'king sabihin."

"Don't act like you care! You don't care about me!" Hilam ng luha ang mata nito, naroroon ang matinding galit at hinanakit.

"Harper, of course I am."

"No! Liar! I know you don't! Matagal na matagal mo na akong gustong iwan 'di ba? Hindi mo naman talaga ako minahal. Staying with me is just a job for you. Isa lang akong trabaho para sa 'yo 'di ba?!"

"Harper, I gave up my dream para sa 'yo! Lahat ng gusto kong gawin hindi ko magawa dahil alam kong kailangan mo ako tapos sasabihin mong hindi kita mahal."

"Dahil napipilitan ka lang gawin ang lahat ng iyon. Kung gusto mong umalis, umalis ka na! Hindi na kita kailangan!" Itinulak siya nito at patakbong tinungo ang silid.

Mariin niyang naipikit ang mga mata nang marinig ang mga kalabog sa loob ng silid ni Harper. Hindi niya kailangan makita para malaman na nagbabasag ito sa loob ng silid. Sinundan niya si Harper ng silid at tama nga siya. Nagkalat ang mga gamit nito sa loob ng silid. Maging ang mga gadget ay lahat nasa sahig.

"Harper, please!"

"Leave me alone!" Hiyaw nito at ibinato sa kanya ang unan. Napilitan siyang lumabas. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari? Ngayon lang niya nakitang nagkaganito si Harper. Ang magwala at sigawan siya ay hindi nito ginawa at sobra siyang nag-aalala para sa dalaga.

Naisipan niyang tawagan si Falcon at hindi pa man natatapos ang unang ring ay sinagot na iyon ng kasintahan.

"Love?" Masigla ang boses nito.

"Tres, puwede ka bang pumunta sa condo ni Harper ngayon?"

"Bakit? May problema ba? Masama na naman ba ang pakiramdam mo? Sabi ko naman sa 'yo na sasamahan kita sa doktor."

"Hindi. Wala. I'm fine, pero si Harper hindi." Dapat niya yatang pagsisihang nasabi niya kay Falcon na masama ang pakiramdam niya lately. Nang minsan siyang yayain nitong lumabas at tinanggihan ay dahil sa sobrang sama talaga ng pakiramdam niya. Ngayon ay kinukulit siya nitong magpatingin sa doktor. Mula nang bumalik sila ng siyudad apat na araw na ang nakakaraan ay madalas siyang mahilo at walang gana sa pagkain.

"Bakit, ano ang nangyari kay Harper?"

"Iyak nang iyak. Nagwawala at hindi ko mapakalma. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero mukhang may kinalaman si . . . si Morgan."

"Si Morgan? Sinasabi ko na nga ba at walang gagawing matino ang isang 'yon, eh. I'm coming in fifteen minutes."

"Okay. Thank you."

Umupo si Mhelanie sa sofa at inilapag niya ang shoulder bag at cell phone sa gilid niya. Isinandal niya ang likod at ulo sa sandalan. Kinuha niya ang throw pillow at itinakip sa kanyang mukha. Ano ba ang nangyayari kay Harper? Dapat yata ay ang parents nito ang tawagan niya. Hays! Pero paniguradong sasabihin lang ng mga itong siya na ang bahala lalo't busy ito sa anak nito ngayon.

Nasa ganoong posisyon siya nang matagal na sandali at halos half-asleep na siya nang may mag-alis nang unan sa kanyang mukha at isang damping halik sa labi ang nagpamulat ng kanyang mga mata.

"Tres?" Usal niya sa pangalan ng kasintahang nakatunghay sa kanya. Tumayo siya.

"Ano ba ang nangyari?" nilingon niya ang silid ni Harper bago sinagot si Falcon.

"Iyak siya nang iyak, nagwawala, nag-aalala ako sa kanya. Kausapin mo siya, please. Baka sakaling magsabi sa 'yo ng problema."

"Okay." Inihatid niya si Falcon sa silid ni Harper. Iyak pa rin nang iyak si Harper habang nakadapa sa kama. Nagkalat ang gamit sa silid. Lumapit si Falcon sa kama at umupo sa gilid niyon. Masuyo nitong hinawakan ang nanginginig na balikat ni Harper gawa ng pag-iyak. Agad na bumangon si Harper nang mabalingan si Falcon at para itong batang yumakap sa binata at lalong humagulhol.

"Ano ang problema, Harper?"

"Falcon, I need you!" Ani Harper sa pagitan ng pag-iyak.

"I'm here, Harper." Masuyong hinagod ni Falcon ang likod ni Harper.

"Please, Falcon, huwag mo akong iiwan. I need you!"

Parang napayapa si Harper sa yakap at paghaplos ni Falcon. Nakalma. Si Falcon ang kailangan nito sa mga oras na ito at hindi siya. Hindi alam ni Mhelanie kung bakit pero parang mas na-triggered ang hinanakit at galit ni Harper sa presensiya niya. Seeing Falcon and Harper hugging each other made her realize that Falcon is not really hers; how bad she is for stealing Harper's boyfriend. Mahal niya si Falcon at mahal siya nito pero paano si Harper? Masasaktan ito sa oras na malaman nito ang tungkol sa kanila ni Falcon, at ang nanay niya. . . siguradong magagalit sa kanya ang nanay niya kapag nalaman nito ang pinaggagagawa niya.

Maingat niyang isinara ang pinto. Kinuha niya ang bag at cell phone sa sofa at tinungo ang sariling silid, inilagak niya sa kama ang gamit saka patagilid na humiga sa kama. Nang ilapat niya ang kamay sa sariling dibdib ay mariin siyang pumikit at hindi mapigilan ang pag-agos ng luha sa gilid ng kanyang mata. Ang hirap-hirap ng kanyang sitwasyon. Hindi niya kayang masaktan si Harper nang dahil sa kanya. Ayaw niyang madisappoint ang kanyang nanay.

Lumipas ang halos kalahating oras na nasa ganoong posisyon si Mhelanie nang maramdaman niya ang paglapat ng labi sa pisngi niya. Nagmulat siya ng mata at tipid na ngumiti kay Falcon. Umupo siya at umupo naman si Falcon sa gilid ng kama.

"How's Harper?"

"Nakatulog siya. She didn't tell me kung ano talaga ang nangyari."

"Thank you for coming, pero kailangan mo nang lumabas. Baka magising si Harper at makita tayo rito." Mataman siyang tinitigan ni Falcon. Nakikita niya sa mga mata nito na may gusto itong sabihin.

Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong-hininga.

"Gusto ni Harper na magbalikan kami." Her shoulder sagged upon hearing him. Tila may malaking kamay na pumisil sa puso niya. Masuyong ikinulong ni Falcon ang mukha niya at marahang hinaplos ng thumb-finger ang pisngi niya, pinilit na inalis ang pag-aalala sa mukha niya.

"Hindi ako makikipagbalikan sa kanya. Ikaw na ang mahal ko. Balak ko ng sabihin kay Harper ang tungkol sa 'tin." Ang lungkot na nararamdaman ay nahalinhinan nang pag-alala.

"No!" Bayolente niyang iniling ang ulo.

"Hindi puwede, Falcon. Malaking gulo kapag nalaman ito ni Harper. Kapag nalaman ng nanay ko." Ginagap ni Falcon ang kamay ni Mhelanie at mariing hinawakan iyon.

"Pero hindi natin ito maitatago habang buhay. Malalaman at malalaman din nila ang tungkol sa atin."

"I know. . . Falcon, ano kaya kung. . . kung itigil na muna natin ang pagkikita natin."

"No! Ano ang sinasabi mo makikipaghiwalay ka sa 'kin?" Bumalatay ang disappointment sa mukha nito.

"Hindi naman sa ganoon, pero kasi ang hirap-hirap ng sitwasyon natin. Lalo na ngayong gustong makipagbalikan sa 'yo ni Harper." Inilapat ni Falcon ang noo kay Mhelanie habang ang dalawang palad ay nasa magkabilang gilid ng leeg ng dalaga.

"Okay, ikaw ang magdedisyon kung kailan natin ipapaalam ang tungkol sa atin pero ang hilingin na huwag makipagkita sa 'kin ay hinding-hindi ko sasang-ayunan. Hindi ko kayang hindi ka makita, Mhelanie. So, please don't ask me to stop seeing you." Pumipisil ang kamay nito sa gilid ng leeg niya. Napakahirap nitong tanggihan dahil sa pagsusumamo nitong boses.

"Okay," pagsang-ayon na lang niya.

"ANO na, Tres, kaya pa?" Alford's tone held a teasing note. Kasalukuyan silang nasa The Rock Bar. Pag-alis niya sa condo ni Harper ay tinawagan niya sila Alford at niyayang mag-unwind. He needs it. Ngayon lang siya nagkaproblema ng ganito ng dahil sa isang babae. Lukob siya ng samo't saring emosyon. Kinakabahan. Natatakot. Natatakot siya sa posibleng gawin ni Mhelanie; sa maaaring maging desisyon nito. Sa nakita niya at sinabi ni Mhelanie ay parang sinusukuan na nito ang relasyon nila.

"I think you should see a psychiatrist. Your symptoms of mental illness are getting worse."

"Pakiramdam ko hihiwalayan ako ni Mhelanie, eh. Nahihirapan siya sa sitwasyon namin. Gusto rin ni Harper na magkabalikan kami."

"I have an idea. Why don't you abduct, Mhelanie. Lumayo kayo then we will declare that Mhelanie is dead. So, wala ng maghahanap sa kanya at iyong-iyo na siya. Madali lang naman gawin 'yon. Kayang-kaya ko 'yon." Lahat ng mata ay natuon kay Alford. Figuring out if Alford was serious about his suggestion.

Kinuha nito ang baso na naglalamang alak at inisang lagok iyon.

"I think my idea wasn't that good," bawi nito.

"Hiwalayan mo na lang si Mhelanie para wala ka ng problema." Pinukol ni Falcon ng matalim na titig si Alford.

"My brain doesn't work good right now. Sabi ko nga mananahimik na lang ako." Napailing na lang si Falcon at dinala ang baso ng alak sa bibig saka inubos ang laman niyon. Madalas talaga hindi matinong kausap itong si Alford. Pero sa tatlo ito ang maasahan niya sa mga bagay-bagay dahil mas madalas niya itong mauto. Si Lyka kasi ang pinangsasangkalan niya para mapasunod ang ugok na 'to.

Habang nag-iinuman at pinapayuhan siya ni Wilson at Dock ay dumating naman si Venice, isa sa mga babae ni Alford. Lumapit ito kay Alford at kumandong.

"In my place tonight?" ani ng babae habang nilalaro ng daliri ang labi ni Alford habang ang kamay ni Alford ay naging malapalos na naman dahil dumudulas iyon sa kung saang-saang parte ng katawan ng babae.

"Kuya Tres." Nag-angat si Falcon ng tingin sa babaeng halos hindi niya makilala. The young lady showed off her enviably slender figure in a daring low cut white chiffon tank top.  Its  hem  was  tucked into her high-waisted glittered mini pencil skirt at isang itim na napakatulis na high heels ang suot nito. Pwedeng maging secret weapon sa tulis. Her hair was up in a messy style with tendrils falling down the sides of her face, framing her gorgeous face. Her lips a bold, dark red.

"Ano ang ginagawa mo sa ganitong lugar, hija? At kailan ka pa natutong magsuot ng ganyan?" Bumungisngis si Lyka sa tila gurang na pananalita ni Falcon.

"I'm with my friend, and Tita Tanya and Mama allowed me to go out with my friends. Since graduate na ako puwede ko nang gawin ang lahat ng gusto kong gawin, 'yon ang usapan namin ni Tita and Mama."

Nilinga ni Lyka ang mesa nila na parang may hinahanap at unti-unting nawala ang pagkakangiti nito nang malingunan si Alford at ang babae nito. Wala pa man ay natatawa na siya. Tiyak na matataranta ang gunggong na 'to kapag nakita si Lyka. Hindi man lang napansin ang presensiya ng pinsan niya.

"Hoy, Alford, may bisita ka, oh." Kuha niya sa atensiyon ng kaibigang nakikipaglingkisan sa babae. Nang ibaling ni Alford ang atensiyon sa kanya ay itinuro niya si Lyka at bumunglahit sila ng tawa nang halos iitsa nito ang babaeng nakakandong dahilan para mahulog sa sahig. Inalalayan naman ni Alford sa pagtayo ang babae at humingi ng sorry.

"Lyka, baby, ahm. . . nakiupo lang siya." Inismiran ito ni Lyka saka tinalikuran pero maagap na nahawakan ni Alford ang braso ng dalaga, pero kasabay nang pagpigil ni Alford dito ay marahas na humarap si Lyka at isang napakalakas na sampal ang iginawad nito sa pisngi ni Alford na ikinatigalgal nilang lahat.

"Don't touch me!" Ipiniksi nito ang brasong hawak ni Alford at tila nang didiring pinahid ng kamay ang brasong hinawakan ni Alford.

"Eww! Puwede bang huwag na huwag mo akong hahawakan. Malay ko ba kung saang-saang lungib pumasok ang kamay mo!" Ani Lyka sabay sulyap kay Venice na nakaupo na sa couch. Inismiran nito si Alford saka tinalikuran.

"Lyka!" Tawag ni Alford sa mataas na boses, nakataas ang kilay ni Lyka na humarap.

"What?!" Pasigaw rin nitong tanong.

"Jacket?" alok ni Alford sa suot nitong leather jacket. Umamo ang nagtatapang-tapangang anyo.

"Tse! Hindi ako nilalamig at ayaw akong magkagalis!" Tuluyang umalis si Lyka at tinungo ang okupado nitong mesa kasama ang mga kaibigan. Agad namang sumunod si Alford pero natigil ito nang tawagin niya.

"Keep your hands off my cousin," banta niya sa kaibigan.

"I'll try," anito saka sinundan si Lyka.

"Kapag si Lyka at Alford ang nagkatuluyan ramdam kong magiging under de saya ang kumag. Ang tapang ni Lyka, eh." Sang-ayon siya kay Dock. Nagiging maamong tupa si Alford pagdating kay Lyka. Nagiging sunod-sunuran rin madalas.

HABANG abala si Mhelanie sa pagbe-bake ay lumapit si Harper sa mesa matapos kumuha ng tubig sa fridge. Tatlong araw na rin mula nang magtalo si Harper at Morgan at tatlong araw na rin silang hindi nagpapansinan nito. Hinahayaan na lang niya dahil baka lalo lang mairita sa kanya. Tumikhim si Harper matapos nitong umupo sa harapan niya habang siya ay abala sa pagmimix ng dry ingredients ng ginagawang red velvet swirl brownies.

"Maraming order." Natigil sa ginagawa si Mhelanie at nag-angat nang tingin kay Harper. Saglit na natigilan at unti-unting ngumiti. Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa pagpansin sa kanya ni Harper.

"Oo, order ni Tessmarie, para ito sa wedding anniversary ni Donya Lana at Don Ulysses." Tumango-tango si Harper.

"I've bought you a gown para sa party bukas. Nasa kuwarto ko, isukat mo mamaya." Bukas gaganapin ang wedding anniversary ng mag-asawang Cabral pero wala sana siyang balak na dumalo pa.

"Ayaw ko na sanang dumalo, Harper. Hindi na naman ako kailangan doon."

"I want you to be there, so please, don't argue and come instead." Paano ba siya hihindi? Siya na nga itong binilhan ng gown tatanggihan pa niya. Baka magtampo na naman sa kanya si Harper kung hindi niya pagbibigyan.

"Okay," pagsang-ayon na lang niya saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"By the way. Why you look pale? Parang lagi ka ring matamlay. May sakit ka ba?"

"Ahm . . . wala naman, sa puyat lang siguro 'to."

"Sigurado ka, ah?" Tumango siya at pilit na ngumiti. Inilapat ni Mhelanie ang kamay sa tiyan at nagpakawala na isang malalim na buntong-hininga bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top