Chapter 16

        CALAGUAS ISLAND is one the most amazing islands he had ever seen. If you want to see Boracay in its younger days when it was not yet commercialized this is definitely the place to be. It is devoid of any commercial and modern establishments. No restaurant, noisy bar, and store, and no electricity.

Calaguas boasts of crystal-clear turquoise waters and soft, powdery white sands. You can really enjoy a true island getaway and the serenity of the place. A virgin island. There is absolutely zero cellular signal in here kaya naman pala hindi niya makakontak si Mhelanie. There's no electricity on the island in the daytime, but generators are switched on at night.

But to fully enjoy this breath-taking island ay kailangan niyang makausap man lang si Mhelanie. He was frustrated sa hindi sa kanya paglapit ni Mhelanie na naiintindihan naman niya.

"Hanggang tingin ka na lang 'no?" Pang-aasar ni Alford sa kanya habang sinusundan nila ng tingin si Mhelanie na pumasok ng tent kasama si Harper.

Nakaupo sila sa isang open type nipa hut. Natigil ang tangka niya sanang pagsagot kay Alford nang lumapit si Vanessa Incanto sa kanila, binati sila at umupo sa tabi niya. Tumikhim si Alford at agad na nagpa-cute ang siraulo sa babae. Napasipol pa ito nang magawi ang mata sa luwang-luwang dibdib nito dahil sa revealing na balck crisscross one-piece swimwear nito. Hindi kita ang cleavage pero labas naman ang ilalim ng dibdib nito dahil sa desinyo ng swimwear.

"Is this your and Harper's gimik para sabihin ng tao na kayo pa rin?" kaswal na tanong ng babae.

"What do you mean?" Ipinatong ni Vanessa ang isang braso sa sandalan sa mismong likuran ni Falcon, inilapit ang sarili sa kanya bago nito inabot ang tainga niya at maharot na nilaro ng daliri na agad naman niyang tinabig ang kamay. Dumikit din ang dibdib nito sa kanyang braso.

"It was actually effective. Ang daming kinikilig sa pagsunod mo rito pero hindi ako. I'm not convince." She made her voice sounds seductive. Inihaplos nito ang dulo ng daliri sa kanyang pisngi.

"You and Harper are talking like a normal companion but not as a couple. I haven't seen the sweetness that we have usually seen with the other couples. The real couples."

"Mind your own business, Vanessa."

"Ano ang dahilan ng break-up niyo ni Harper?" muli niyang tinabig ang kamay nitong walang tigil sa paglandas sa pisngi, leeg at balikat niya.

"Si Morgan ba? Nagkabalikan na ba ang dalawang iyon?" sukat sa narinig ay kumunot ang kanyang noo.

"Ano ang ibig mong sabihin?"

Vanessa's lips tugged upward, her fingers teasing at his ear again.

"Hmm. So wala kang alam? Haven't she told you na ex-boyfriend niya si Morgan?" Lalong lumalim ang gitla sa noo ni Falcon sa sinabi ni Vanessa.

"Si Morgan at Harper?"

"They had a secret relationship before Morgan left for Los Angeles. They actually parted ways because of me. Morgan slept with me and Harper caught us." Kuwento ni Vanessa na parang isang simpleng bagay lang ang ginawa. Hindi man lang ito kakikitaan ng awkwardness. Pero hindi iyon kataka-taka dahil hindi katulad ng ibang artista ay iba ang character nitong si Vanessa.

Vanessa  is  quick  to  speaks  her  mind  and  doesn't  hesitate  to  insult   a  person  or  come  on  stronger  when  she  embarrasses  the  person.  She has been every man's dream and fantasy ever since she stepped into show business dahil sa sexy character nito. Unlike other celebrities who try to present a sweet character on television like Harper, Vanessa appears sexy on magazine covers  and  on  television. Wala rin itong ingat sa mga aksiyon nito.  She  is  a  determined  young   woman who  will  do  whatever   ever   it takes  to  get what  she  wants.  Walang pakialam sa lahat ng negative feedbacks na nakukuha mula sa mga bashers na siyang hinahangaan naman ng ilan dahil totoong tao raw ito.

Hindi ni Falcon inaasahan ang bagay na sinabi ni Vanessa tungkol kay Harper at Morgan. Si Harper at Morgan ay nagkaroon ng relasyon? Hindi nabanggit iyon sa kanya ni Harper.

Naibaling ni Falcon ang tingin kay Harper na kakalabas lang ng tent. Nilapitan ang dalaga ni Morgan at sabay na naglakad ang dalawa sa katabing cottage na kinaroroonan nila. Doon inihanda ang pananghalian. Inakbayan ni Morgan si Harper, kumuha ng inihaw at iniumang sa bibig ni Harper. Nag-alangan si Harper na tanggapin pero tinanggap pa rin nito.

"Hindi ka naman mukhang nagseselos." Ani Vanessa nang lingunin nito ang tinatalunton ng kanyang tingin. Hinawakan nito ang pisngi ni Falcon at pinaharap dito.

"So, tell me, are you single now?" Nakaramdam ng iritasyon si Falcon sa ginagawang ka-cheap-an ng babaeng ito. Mariin niyang hinawakan ang baba ni Vanessa na ibinubuhos ang buong effort para akitin siya. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa babae na ikinaawang ng labi nito. He stared at her, flashing her a lopsided grin.

"Hindi kita type." Deklara niya at unti-unti ay gumapang sa mukha ng babae ang embarrassment. Tumayo siya para layasan ang babae pero natigilan siya at biglang tinumbol ng kaba ang dibdib nang mahagip ng mata niya si Mhelanie na masama ang tingin sa kanya. Nagmartsa ang dalaga pabalik ng tent at pumalatak naman ng tawa si Alford na mukhang nakita rin si Mhelanie.

"Patay kang bata ka!"

"Shit!" Mura niya. Mabilis siyang kumilos para sundan si Mhelanie pero hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag na siya ni Mamshie Juday.

"Halika na, Falcon, kakain na." Binalingan niya ang tent ni Mhelanie, gusto niyang sundan ang dalaga pero hindi pupuwede. Wala siyang nagawa kundi ang lumapit sa cottage kung nasaan ang lahat. Maging sila Wilson at Dock ay naroroon at pumapapak ng malalaking inihaw na tahong.

"Magtabi na kayo ni Harper." Utos ni Mamshie Juday.

Nagsalubong ang mga mata nila ni Morgan. Masama ang tingin nito sa kanya pero mas tinaliman niya ang titig rito. Hindi niya gusto si Morgan para kay Harper. Kung ginagu man niya si Harper dahil ipinagpalit niya ito kay Mhelanie 'di hamak na sampung doble ang kagaguhan ng isang ito at siguradong sasaktan lang nito si Harper. Harap-harapan ito kung mangloko ng babae mula pa man noon.

"Excuse me!" Matigas niyang sabi kay Morgan na katabi ni Harper. Umigting ang panga nito at pinangliitan niya naman ito ng mata bilang sagot. Sa halip na umalis sa tabi ni Harper ay isinandal nito ang likod at iniutan ang mga braso sa ibabaw ng sandalan. Walang nagawa si Falcon kundi ang umupo sa kaliwang bahagi ni Harper. Napapagitnaan ng dalawa si Harper. Tumabi naman kay Falcon si Alford, isiniksik nito ang sarili sa pagitan ni Falcon at Wilson.

"Nasaan na ba si MM at nang— Oh. Is that MM?" Namamanghang bulalas ni Mamshie Juday na hindi na nagawang tapusin ang unang sinasabi. Halos lahat ay sabay-sabay na naibaling ang tingin sa direksiyon sa kung saang naglalakad si Mhelanie patungo sa cottage.

Napamaang siya at ilang beses na ikinurap ang mata para masigurado lang na si Mhelanie ang babaeng nakasuot ng itim na one-piece swimwear.  Hindi nito kailangan tumalikod para masabi niyang malaki ang uka ng likod ng swimwear ni Mhelanie dahil sapat ang nakikita niyang lantad na gilid ng katawan nito para masabing backless ang suot nito. At  ang  mahahaba  at  mabilog  nitong  hita  ay  lantad  na  lantad.

Lalong lumutang ang malabanos na balat nito sa suot. Tila fluorescent light  kapag natatamaan ng sinag ng araw. She doesn't have any blemishes, but she had a sprinkling of freckles like gold dust across her fair shoulders. Sobrang kaunti lang niyon at kung hindi mo naman tititigan ay hindi rin mapupuna. Kataka-taka na wala ito sa mukha dahil madalas kapag may freckles pati ang mukha ay nagkakaroon.

"My God, MM! You look so beautiful! Thank, God, at isinuot mo ang ibinigay ko sa 'yo. Sabi ko sa 'yo bagay 'to sa 'yo, eh." Pinaikot-ikot pa ni Mamshie Juday si Mhelanie at halos mahigit ni Falcon ang sariling paghinga nang makita kung gaano kalantad ang likod at gilid ng katawan nito. Ang uka ng likod ng swimwear ay hanggang sa taas ng buttocks at tanging maliit na strap lang ang kumukonekta ng harap at likod ng swimwear. Nakaangat rin ang strap sa balat na parang hindi solid at ano mang oras ay magkaka-wardrobe malfunction. Kitang-kita rin ang gilid ng dibdib ni Mhelanie. Halos hindi nalalayo ang suot nito sa suot ni Vanessa.

Ang tanging nagawa na lang niya ay ang ikuyom ang palad at pagtagisin ang mga ngipin. Ano ba ang naisipan ng babaeng ito para magsuot ng ganyang ka-revealing na pangligo.

"Damn hot! Parang diyosa." Binalingan niya si Alford na parang nabato balani habang nakatingin kay Mhelanie. Wala sa loob na bumaba ang tingin niya sa pagitan ng hita nito.

"Sawayin mo ang sundalo mo na gumagawa na ng tent dahil pasasabugin ko 'yan." Saway niya sa kaibigan sa mababang boses. Nagtatakang tumingin si Alford kay Falcon at nang mapagtanto ang tinutukoy nito ay agad nitong sinapo ang umbok.

"Gagu! Malaki lang 'to. Tingin mo pinagnanasahan ko si MM? Grabe siya, oh." Pabulong lang ding magsalita si Alford para siguraduhing walang makakarinig sa kanila.

"Siguraduhin mo lang."

"Kaibigan mo ako pero ganyan mo akong pag-isipan."

"Exactly! Kaibigan kita kaya kilalang-kilala kita."

"Grabe talaga siya, oh!" Muling ibinaling ni Alford ang tingin kay Mhelanie na parang isang manikin na sinusuri ni Mamshie Juday.

"Pero ang hot niya. Tsk. Kakagigil. Tutal hindi mo naman siya malapitan ako muna ang proxy — fuck!" Malakas na humiyaw si Alford nang paluin ni Falcon ang ari nito at kapagkuway dinakma iyon at madiing pinisil.

"Umayos ka napipikon na ako sa 'yo." Sa halip na seryosuhin ni Alford ang banta niya ay ngumisi lang ito ng nakakaloko sabay haplos sa kanyang balikat.

"Sabihin mo lang kung gusto mo, pagbibigyan naman kita, eh. What are friends for? Basta galingan mo lang—" dumaing si Alford at malakas na tumawa kapagkuwan nang sikmuraan niya ito.

"Mhelanie, dito ka na." Nagsalubong ang mga kilay ni Falcon nang magsalita si Will, ang love team ni Harper. Umusog ito at tinapik ang espasyo sa tabi nito. Lumapit naman si Mhelanie at umupo sa tabi ni Will. Nasa katapat nila ito. Isipin  palang  niyang  nakadikit  ang  halos  hubad  na  katawan  ni  Mhelanie   sa  lalaki  ay  gusto  na  niya  talagang  balian  ng  buto  itong  si  Will.

Muling bumulong sa kanya si Alford. "Chillax, dude. Kulang na lang literal na umusok ang ilong mo. Pero kung gusto mo ako na lang ang tatabi—"

"Shut up, Alford! You are not helping!"

"Uwi na lang tayo?" pinukol niya ng masamang titig si Alford at ngingisi-ngisi nitong itinaas ang dalawang kamay. Nabubuwesit siya ng sobra dahil hindi man lang tumingin sa kanya si Mhelanie.

"Silipin  mo  nga  kung gaano  kadikit  ang  hita  ng  dalawa."  Utos  niya  kay  Alford.  Inihulog  ni  Alford   ang  tinidor  sa  buhangin.

"Ay,  nahulog! Pulutin  ko lang." Ang  sarap  talagang   bigwasan  ng  kabigan  niya,  mukhang  temang,  eh.

Pumailalim  sa  mesa   si  Alford   at  nang  iahon  nito  ang  sarili  mula  sa  ilalim ng  mesa  ay  bumulong  sa  kanya.

"Hinahaplos  ang  legs,  pare."  Falcon  glared  at  him.  Nasa  taas  ng  mesa  ang  mga  kamay  ni  Will.

"Biro  lang,  pero  dikit,  walang  espasyo. Sinasadya." Gatong  ni  Alford   sa  nagngingitngit  na  si   Falcon. 

Nagsimula silang kumain pero wala sa pagkain ang atensiyon niya kundi na kay Mhelanie at Will. Gusto niyang tumayo at kuwelyuhan ang lalaki dahil kapansin-pansin ang pagpapa-cute nito kay Mhelanie. Pinagbabalat pa nito ng sugpo at pinaghihimay ng alemango ang dalaga. Pinakiusapan niya si Alford na kumuha ng bathrobe sa tent ni Mhelanie para ipasuot sa dalaga at nang bumalik si Alford sa cottage ay baliwala nitong inilagay sa balikat ni Mhelanie ang bathrobe.

"Suot mo lang 'yan, MM, kasi malamig ang panahon baka mapulpon ka." Nagtawanan ang ilan sa tinuran ni Alford. Tirik na tirik kasi ang araw. Inalis ni Mhelanie ang roba at ibinalik iyon kay Alford.

"Hindi ko kailangan 'yan, Alford. Sanay ako sa lamig. Malakas ang baga ko." Muling nagtawanan ang lahat sa pagsakay ni Mhelanie sa biro ni Alford at pasimple siyang inirapan ng dalaga. Mukhang alam na nitong utos niya iyon. Itinapon ni Alford ang roba sa mukha ni Falcon dahilan para maputol ang pagtitig niya kay Mhelanie.

"Ikaw ang magsuot niyan." Muling umupo sa tabi niya si Alford.

"Falcon, subuan mo naman si Harper at kukuhanan ko kayo ng larawan para naman matigil na ang espekulasyon sa inyo ng mga tao." Hindi man niya nais ay wala siyang nagawa kundi ang pagbigyan si Mamshie Juday. Tumingin muna siya kay Mhelanie pero nakayuko lang ito sa pagkain. Sinubuan niya si Harper ng sugpo at kinuhanan sila ni Mamshie Juday ng larawan.

"Not genuine." Si Vanessa na nakatikwas ang kilay. Katabi nito si Will at Dock. Pinagitaan talaga ng dalawa. Muli niyang pinagmasdan si Mhelanie. Hindi niya alam kung Magana itong kumakain o nagdadabog. Punong-puno na ang bibig nito pero panay pa rin ang subo.

"You want to snorkel with me, Mhelanie?" nag-angat ng tingin si Mhelanie kay Will. Tipid itong ngumiti.

"Sige ba." Gusto na niyang tawagin si Mhelanie para kunin ang atensiyon nito pero hindi niya magawa. Ang tanging nagagawa na lang ay ipadyak ang isang paa sa buhangin sa ilalim ng mesa.

Nang matapos sila sa pagkain ay pasimple siyang tumabi kay Mhelanie nang umalis ang katabi nitong si Queenie.  Ipinatong niya  ang  roba  sa  hita  nito  pero  tinanggal  iyon  ni  Mhelanie  at  ipinatong  sa  hita  ni  Falcon.

"Galit ka ba?" bulong niya rito. Hindi ito umimik. Parang walang naririnig. Para siyang hangin.

"Halika, Mhelanie, magswimming tayo? Sama tayo sa kanila." Si Will na sinabayan ng tayo. Nagyayang maligo ang ibang staff habang hindi pa nagsisimula ang shooting.

"Huwag kang sasama, Mhelanie." Babala niya sa kasintahan.

"Sure." Magiliw na pagpapaunlak nito kay Will. Tumayo si Mhelanie, agad niyang hinawakan ang kamay nito. Hindi iyon makikita dahil natatakpan ng mesa. Mariin niyang pinisil ang kamay nito pero pinilit nitong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak niya.

"Let's go?" Dinaanan siya ng dalawa para makalabas ng cottage. Inuubos talaga ni Mhelanie ang pasensiya niya. Tumayo siya at mariing kumuyom ang palad habang hawak ang roba.

"Mhelanie!!" Malakas niyang sigaw na ikinatigil ng lahat. Lahat ng mata ay natuon sa kanya na may pagtataka. Dahan-dahan naman siyang nilingon ni Mhelanie na bakas ang pagkabigla sa ekspresyon nito. Dahan-dahan niyang ini-relax ang mukha niyang nakatiim saka tumikhim para kalmahin ang sarili. Itinuon niya ang mata sa hawak na roba, at muling binalingan si Mhelanie.

"Itong roba mo, baka gusto mong isuot?" aniya sa mababang tono.

"Kailan pa nagsusuot ng roba ang naliligo sa dagat, Mr. Cabral?" Bagamat sweet ang boses ay nakataas naman ang kilay nito. Muling nanggalit ang kanyang mga bagang.

"Try mo lang ngayon! Mukhang mas maganda." Sadya niyang hinaluan ng sarkasmo ang kanyang tono at wala siyang pakialam kung mapuna man iyon ng makasama nilang hanggang ngayon ay nakamaang pa rin.

"Thanks, but no thanks, Mr. Cabral. Ang ganda kaya ng likod ko para itago lang. Agree ka ba, Will?"

"Y-yes, yes. Of course. I was actually mesmerized by your flawless back. . . I was enthralled by your beauty." Aba't nauutal pa ang gagu! Huh! Ma-mesmerize ka hanggat gusto mo dahil hanggang ganyan lang ang puwede mong gawin, gagu! Gusto niyang isigaw sa pagmumukha ng lalaking ito.

"Ako rin, I was beguiled by your looks. Let's go." Matamis na ngumiti si Mhelanie at humawak ito sa braso ni Will saka naglakad patungo sa dagat ang dalawa.

"Anyare kay MM? Marunong nang humarot. Nakakatuwa naman at nagdadalaga na ang baby girl ko." si Mamshie Juday na mukhang aliw na aliw sa inaasta ni Mhelanie. Binalingan niya ang tatlo niyang kaibigan na pasimple siyang pinagtatawanan. Pinaghahampas niya ang mga ito ng robang hawak niya.

"Mga buwesit kayo!" nilayasan niya ang mga ito at tumakbo para sundan si MM. He won't let her with that man. Ni hindi na niya pinansin pa ang pagtatanong ni Harper sa mga kaibigan niya kung ano ang problema niya.

Para may ideya kayo sa suot ni MM. Good night!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top