Chapter 10
IN HIS 29 years of existence he had never done this. Stalking a woman is not fucking his hobby. Ngayon lang niya ito ginawa sa buong buhay niya. Kay Mhelanie lang. Pag-alis niya ng condo ni Harper ay saktong papaalis palang si Mhelanie at Mamshie Juday kaya nasundan niya ang mga ito. Nagdahilan lang siya kay Harper, pero ang totoo ay gusto lang niyang sundan si Mhelanie. Hindi niya talaga gusto ang ideya na makikipag-date si Mhelanie. Dating with a stranger o kahit sa kakilala pa nito ay hindi niya matanggap. Hindi niya gustong makipagdate si Mhelanie sa kahit na sino.
Sa isang restaurant sa loob ng Grandeur Mall ang mga ito nagtungo. Nag-aalala siya para kay Mhelanie nang makita niyang iniwan ito ni Mamshie Juday sa isang lalaking mukhang hindi gagawa ng maganda. Pagkakita palang nito kay Mhelanie ay kitang-kita niya ang kasiyahan sa mukha ng lalaki. Para itong nakakita ng laman na malalapa kung pasadahan ng tingin ang kabuan ni Mhelanie.
Gusto niyang tumayo mula sa kinauupuang hindi kalayuan sa mesa ng dalawa nang makita niyang hawakan ng lalaki ang kamay ni Mhelanie. Thank God, Mhelanie took her hand back dahil kung hindi kanina pa niya ito binuhat palabas ng restaurant.
Pagkatapos kumain ng dalawa ay nagtungo ang mga ito sa movie house na agad naman niyang sinundan. Mukha siyang goon sa itsura niya. He was wearing a tinted sunglasses, black baseball cap and a leather jacket. Bitbit ang popcorn ay pumuwesto siya sa likuran ng dalawa sa pinalikuran.
Sa walang gaanong tao pa talaga nito dinala si Mhelanie, ah! As if na hahayaan niyang makatyansing man lang ang gagung 'to. Babalian niya talaga ito ng leeg. Nilingon siya ng lalaki at sapat ang kakaunting liwanag sa loob ng sinihan para makita niya ang pagkadisgusto sa mukha nito na nasa likuran siya ng mga ito.
Alam na alam niya ang binabalak nito at naiinis siya sa kainosentihan ni Mhelanie. Hindi man lang nakakaramdam na hindi lang panonood ng sine ang gusto ng lalaking ito. Eh, kung ipatigil kaya niya ang pagpapalabas ng pelikula ngayong araw. He owns this mall at kaya niya iyong gawin.
"Do you like this kind of movie?" Narinig niyang tanong ng lalaki. Ang pagkakaupo nito ay nakatagilid. Nakaharap ito kay Mhelanie at hindi sa pinapanood.
"Oo. Kahit ano naman pinapanood ko." Sagot ni Mhelanie. Isang action movie ang napili nitong panoorin.
"Alam mo bang napakaganda mo, Mhelanie?" Nagtagis ang bagang niya nang haplusin nito ang gilid ng mukha ni Mhelanie. Iyong tipong hinahawi ang hibla ng buhok pero nanantsing lang talaga ang gago dahil wala man lang nakakawalang kahit isang hibla ng buhok ni Mhelanie mula sa pagkakapusod niyon.
"Thank you." Mhelanie said sincerely. Oh, God! Why is this woman so naive for Christ's sake.
"I like you, Mhelanie. I really do." Dinala ng lalaki ang kamay ni Mhelanie sa bibig nito at hinalikan ang likod ng palad.
"Thank you." Ani Mhelanie at bahagyang ngumiti saka binawi ang kamay.
"After watching movie can we go somewhere else. A club, perhaps. Ayaw kong tapusin ang date na 'to agad. You are worth spending time with."
"Okay."
"Good!" Nasiyahan nang husto ang lalaki. Iniunat nito ang isang braso at ipinatong iyon sa balikat ni Mhelanie. Hindi na niya hinintay pa ang susunod na gagawin nito. Itinapon niya ang laman ng popcorn sa dalawa kaya muling tinanggal nito ang kamay. Nilingon siya ng dalawa.
"Nananadya ka ba!?" asik ng lalaki sa kanya.
"Pasensiya na, pare."
"Stupido!" Muling isinandal ng lalaki ang likod sa sandalan habang iretableng pinagpagpag ang popcorn, pero si Mhelanie ay nanatiling nakatingin sa kanya. Siguro na wi-weird-uhan sa kanya. Sino bang hindi, nasa loob siya ng madilim na sinehan pero naka-shades.
NAGPAALAM muna si Mhelanie kay Oscar, ang lalaking kanyang ka-date, na pupunta ng restroom. Hindi niya kinakaya ang ginagawang paghaplos-haplos nito sa braso niya. Tinitigan niya muna ng ilang sandali ang lalaking nasa likuran nila na nakatapon sa kanila ng popcorn bago umalis. Ang weird ng lalaki. Hindi kaya terorista 'yon?
Pumasok siya ng restroom at humarap sa malapad na salamin matapos ipatong ang sling bag sa counter.
Ayaw niya talaga makipag-blind-date pero naisip niyang bakit hindi. Nasa tamang edad na siya para magkaroon ng boyfriend. Umaasa siya na baka may magpatibok na ng puso niya, pero mukhang malabo. Guwapo si Oscar at tiyak na habulin ng babae rin pero hindi siya makaramdam ng excitement man lang. Ang totoo ay kinikilabutan siya sa tuwing hahawak ito sa kanya at sensual na hahaplos sa balat niya. Naninindig ang mga balahibo niya sa katawan pero hindi sa sensasyon kundi sa kilabot.
Ibang-iba ang nararamdaman niya kapag si Falcon ang humahaplos sa kanya. Gustong-gusto niya ang haplos ni Falcon sa balat niya at hindi niya maiwasan ang ipagkompara ang dalawa. Mariin niyang ipinikit ang mata at ikiniling ang ulo para alisin sa isipan si Falcon. Isa sa purpose niya kaya siya nakipa-date ay para maalis sa isip niya si Falcon na araw-araw na lang ginugulo ang utak niya.
Naghugas lang siya ng kamay at nag-retouch at lumabas na rin. Napatigil si Mhelanie sa paglabas nang restroom nang makita ang lalaking nasa likod nila kanina ni Oscar. Nakasandal ito sa dingding sa katapat ng restroom. Nakatukod ang isang paa nito sa dingding sa likuran nito habang nakahalukipkip. Napalunok siya nang iangat nito ang sarili mula sa pagkakasandal at humakbang palapit sa kanya. Wala sa loob na napaatras si Mhelanie papasok ng restroom sa takot. Muling isinara ang pinto. Nilinga niya ang loob ng restroom pero walang katao-tao maliban sa kanya.
Pigil ang hininga habang nakatingin sa pintong nakasara. Alam niyang anumang oras ay bubukas iyon ay iluluwa ang lalaki. Katulad nga ng iniasahan ay bumukas iyon at halos mapalundag siya sa gulat nang makita ang lalaki.
"Sino ka?" Nahihintakutan niyang tanong. Umawang nang malaki ang bibig niya nang tanggalin nito ang sombrero at shades.
"Tres?" Gulat niyang bulalas.
"Hi, love!" Falcon greeted her and gave her a playful wink.
"Ano ang ginagawa mo rito?"
"Sinusundo ka."
"Sinusundo? Ano na naman ba 'to?"
"Sumama ka sa 'kin at iwan mo ang ka-blind date mo." Demand ni Falcon at naroroon ang awtoridad sa tono nito.
"No!" Kung makapag-utos ito akala mo may karapatan ang lalaking itong diktahan siya.
"Umalis ka na, Tres. Please lang! Stay away from me!" Mabagal ang ginawang pag-iling ni Falcon. His face was set in an expression of stubborn determination. Parang gusto niya ng maglupasay sa frustration dahil sa tigas ng ulo ng lalaking ito.
Bumukas ang pinto at may dalawang babaeng pumasok. Bumakas ang gulat sa mga mukha ng mga ito nang makita silang dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa habang humahakbang papuntang lababo ng restroom.
"Grabe! Hindi na yata natagalan at dito na lang sa CR." Bulong ng isang babae. Pakiramdam ni Mhelanie ay nangapal ang mukha niya sa pagkapahiya.
"Iyong lalaki parang pamilyar." Bulong naman ng isa. Mabilis niyang nilapitan si Falcon at hinila na ito palabas ng restroom.
"Ano ba ang gusto mo? Bakit mo ako sinundan?" Pagalit niyang untag sa lalaki. Sa halip na sagutin ay hinila na siya ni Falcon palabas ng sinihan. Hawak siya nito sa baywang. Ang pagkakahawak nito sa baywang niya iyong tipong hindi talaga siya makakawala.
"Tres, ano ba?!"
"Stop arguing with me, MM, dahil hindi ka rin mananalo. Sasama ka sa 'kin sa ayaw at gusto mo."
"Okay fine! Magpapaalam muna ako kay Oscar."
Falcon snorted. "Pangalan palang napakapangit na!" Aba't nang lait pa! Isinuot nito ang shades at sombrero nang may mangilan-ngilang taong napapatingin sa kanila.
"Huwag ka ng magpalaam, hayaan mo siya!" Hindi na siya nagpumilit pa. Mukhang wala rin namang silbi kung igiit niya ang gusto niya dahil mukhang buo na ang desisyon ng kumag. Tiningala niya si Falcon habang naglalakad.
"Mukha kang terorista sa itsura mo, alam mo ba 'yon? Nasa loob ng sinehan naka-shades." Komento niya kapagkuwan.
Falcon chuckled. "The most handsome terrorist." Hinapit nito ang baywang niya nang husto habang nakangiti sa kanya. Nailing na lang siya.
ISANG napakaganda at napakarangyang penthouse ang bumungad sa kanya pagbukas ng isang private elevator kung saan lulan sila ni Falcon. Awtomatiko ring bumukas ang ilang ilaw roon. Hinawakan ni Falcon ang kamay niya at marahang hinila palabas ng elevator. Hindi niya mapigilang lihim na mapa-wow nang masmakita niya ang kabuan ng penthouse.
Nagsusumigaw ng isang karangyaan ang lahat ng kasangkapan sa loob ng penthouse na ito. Nasa tuktok ito ng Grandeur Hotel. Ang isa sa dalawang hotel na pumapagitna sa Grandeur Mall. Malapit ang branch na ito ng Grandeur mall at hotel sa airport. Iba rin ang taas ng security ng penthouse na ito. Para makapasok ng elevator ay kailangan ang finger print ni Falcon o 'di kaya naman ay key fob at ganoon rin ang kailangan para naman bumukas ang elevator kapag nasa mismong penthouse.
"Bakit dito mo ako dinala?" Tanong niya sa lalaki habang nakasunod dito na tinungo ang living room.
"Mag-usap tayo." Ipinatong nito ang sombrero at sunglasses sa center table matapos hubarin.
"Wala tayong dapat pag-usapan, Tres! Akala ko ba okay na! Ni hindi ka na nga nagparamdam pa nang bumalik si Harper, eh." Matamam siyang tinitigan ni Falcon nang humarap ito sa kanya, sumilay ang ngiti sa labi.
"Nagtatampo ka ba?"
"Of course not!" Agad niyang tanggi.
"But you sound like a sulky girlfriend." He teased her.
She didn't mean to sound sulky. Hindi siya nagtatampo. Bakit naman siya magtatampo kung hindi na ito nagparamdam sa kanya. Eh, siya nga ang nagsabi ditong huwag nang magpakita sa kanya hanggat maaari. She had texted him saying to stay away from her hanggat maaari at isang linggo nga itong hindi nagpakita sa kanya kaya akala niya ayos na. Naisip niyang naging pampalipas oras lang siya ni Falcon dahil wala si Harper, kaya naging madaling pakiusapan ang lalaki ngayon dahil bumalik na nga si Harper.
"Huwag mong ibahin ang usapan. Bakit mo ako kailangan sundan para sirain ang date ko? Ano na lang ang sasabihin ni Oscar? Na ang bastos ko dahil bigla ko na lang siyang iniwan?" Ang ngiti sa labi ni Falcon ay nawala at may iritasyong gumuhit sa mukha nito nang marinig muli ang pangalan ni Oscar.
"You should thank me dahil ginawa ko 'yon dahil kung hindi ay baka kung ano na ang ginawa sa 'yo ng lalaking 'yon! Haven't you seen the way he looks at you? The lust that lurking behind his eyes? He wanted you, Mhelanie! He wanted to bed you. Didn't you noticed those things?"
Oscar wanted her? Hindi naman niya naisip ang bagay na 'yon. Pero kung iisipin nga niya ang mga paghaplos-haplos ni Oscar sa braso niya ay posible.
"I can't believe na pumayag kang sumama sa kanya sa club. Naisip mo ba ang posibleng gawin ng lalaking 'yon sa oras na malasing ka?" Kinilabutan siya sa biglang naisip na posibleng mangyari. Paano nga kung malasing siya at gawan siya ng masama ni Oscar.
"Look at yourself!" Nakakunot ang noo ni Falcon na iminuwestra ang kabuan ni Mhelanie at mabilis na pinadaanan ng mata nito ang kanyang kabuan.
"You look damn hot for God's sake!" Palatak nito. Hindi niya tuloy mawari kung compliment ba iyon o pang-iinsulto dahil kung ang ekspresyon ng mukha nito ang pagbabasahehan ay para itong galit.
"You can raise a man's libido with your looks. You can build up intense sexual tension with a man at the sight of you!"
"S-sexual tension?" Mahinang usal ni Mhelanie. Lumambot ang ekpresyon ng mukha ni Falcon. Humakbang ito palapit sa kanya at matiim siyang pinakatitigan sa mukha.
"The magical feeling that you made me feel every time I'm thinking of you; made me wanting to be physically near you and it gets me completely aroused when you are with me."
Love must be the magical feeling. Iba pala ang definition ng magical feeling sa mga lalaki. Sexual tension is a magical feeling for them. Sa tagalog . . . Libog. She cringed at the thought. However she was completely curious kung talagang nararamdaman iyon ni Falcon ngayong magkasama sila.
"Do you feel that magical feeling right now?" Curious niyang tanong. Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Falcon.
Tumaas ang kamay nito at masuyong hinaplos ang mukha ni Mhelanie.
"You have no idea how much I want you at this very moment, Mhelanie." Mabilis na tinabig ni Mhelanie ang kamay ni Falcon at napaatras siya. Heat engulfed her almost immediately as his hand touched her skin. She can't believe this! Bakit ganito ang nararamdaman niya? She felt the magical feeling that Falcon was talking about - the sexual tension.
Falcon wants her and she felt the same way. She wanted him as badly as he wanted her. She wanted him to kiss her. She wanted him to touch her. She wanted him to bed her again. Maling-mali pero iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. She was afraid about her feeling towards Falcon. The sexual desire she felt towards him is getting stronger and she's afraid that she couldn't control it anymore.
Sinubukan niyang kalmahin ang sarili. Kahit na naapektuhan siya sa presensiya ni Falcon ay sinubukan niyang hindi ipahalata iyon.
"It's normal dahil lalaki ka. . . I have to go now, and next time huwag mo nang papakialaman ang pakikipag-date ko. Thanks for your concern but I don't need that, I can handle myself, and if ever Oscar and I will end up on bed, that's fine with me. Nagawa ko ngang sumiping sa 'yo 'di ba? Then bakit hindi sa iba lalo na kung magiging boyfriend ko si Oscar? I like him actually." Tuloy-tuloy niyang nasabi at tingin ay mabisang paraan iyon para itaboy ang lalaking ito.
Marahas na lumunok si Mhelanie nang makita ang pagtalim ng mata ni Falcon at pagtagis ng bagang nito.
"Don't you dare have sex with another man, Mhelanie. Don't you dare!" Galit na talaga ito. Ano ba ang problema ng lalaking ito?
"Hindi ikaw magsasabi niyan sa 'kin. Goodbye, Mr. Cabral." Tinalikuran na niya ito at tinungo ang elevator. Madiin niyang pinindot ang door open button ng elevator at nang makapasok ay pinindot naman niya ang ground floor button pero natigil ang pagsara ng elevator ng iharang ni Falcon ang sarili sa pinto.
"Tingin mo ba hahayaan kitang umalis, Ms. Muller." May nakakalokong ngiti ito sa labi.
"And don't you dare go on a date with that bastard again or else-"
"Or else what?!" Pagalit niyang sikmat.
"I will be his worst nightmare!" Seryosong saad nito. That didn't scare her. It makes her smile actually. Bakit ang sarap pakinggan ng sinabi nito? Bahagya niyang kinagat ang pang-ibabang labi at hindi mapigilan ang paguhit ng ngiti.
"Nababaliw ka na."
"Dahil binabaliw mo ako, Mhelanie." Falcon let out loud huff.
"What kind of an obsessive spell have you cast on me, Mhelanie? Masisiraan na ako ng bait sa kakaisip sa 'yo. Sinubukan kong sundin ang gusto mong kalimutan kita but you had popped into my mind out of the blue." Sumikdo ang puso niya sa sinabi nito. Gan'on ba talaga ang epekto niya kay Falcon? Sinalubong niya ang mata nitong matiim na nakatitig sa kanya. Natatakot siya dahil katulad ng nararamdaman ni Falcon ay ganoon rin siya.
Falcon was gazing at her several seconds before closing the distance between them in one long stride. Para itong magnet dahil kusang gumalaw ang katawan niya para salubingin ito and her lips automatically parted as she anticipated his lips to touch hers. She squeezed her eyes shut as the heat suffused her body when Falcon's lips crashed against hers.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top