Chaper 27
HINDI mapakali si Falcon. Hawak ang cell phone sa kanang kamay habang palakad-lakad siya sa sala ng bahay. Nang magising kasi siya ay wala na si Mhelanie. Nag-iwan ito ng note, sumama ito kay Aling Ceding sa pamamalengke. Hindi rin dinala ang cell phone. OA na kung OA pero nag-aalala siya sa mag-ina niya lalo't sinabi ng doktor na maselan ang pagbubuntis ni Mhelanie. Sinamahan niya si Mhelanie na magpa-check dahil bigla na lang itong nag-spotting two weeks ago. Ipinayo ng doktor ang complete bedrest at iwasan ang stress. She was diagnosed with cervical incompetence, and it can result in miscarriage. She got evaluated for a cerclage but the doctor thought it was too much of a risk kung gagawin iyon sa ngayon because her cervix was shut tightly. And of course no sex! Oobserbahan ang kalagayan ni Mhelanie. Dalawang linggo na rin siyang hindi pumapasok sa opisina para maalagaan ang asawa.
Natigil siya sa pagpaparoo't parito nang maulinigan ang ugong ng isang sasakyan sa labas. Without delay, he strode to the door. Isang tricycle ang nasa labas at kakababa lang ni Mhelanie mula sa tricycle habang ang tricycle driver ay ibinababa ang mga pinamili. Tangkang kukunin ni Mhelanie ang isang box ng cake sa loob ng tricyle pero mabilis itong pinigil ng lalaki.
"Ako na, MM." MM? Aba't bakit MM ang tawag ng gagung ito? At ngumiti pa sa asawa niya na parang nagpapaka-cute. Nasaan ba si Aling Ceding at mag-isang umuwi si Mhelanie.
"Salamat, Caloy, ah. Pasensiya sa estorbo."
"Wala 'yon." At kung mag-usap ay parang napaka-komportable sa isa't isa. He blew a puff of air out before getting Mhelanie's attention.
"MM," tawag niya sa asawa saka humakbang palapit sa dalawa. Lumingon sa kanya si Mhelanie at may malapad na ngiti itong sumalubong sa kanya.
"Love." Yumakap ito sa kanya.
"Bakit umalis ka? I told you to stay at home. Alam mo namang maselan ang pagbubuntis mo!" Matigas ang boses na kastigo niya sa asawa. Ang ngiti sa labi ni Mhelanie ay napawi.
"Galit ka ba? I'm sorry."
"No no! Hindi ako galit." Masuyo niya itong kinabig at niyakap nang makita ang lungkot sa mukha nito. Hindi niya gustong ma-stress si Mhelanie.
"I'm sorry. Hindi ako galit. Sobra lang akong nag-alala sa 'yo. Binilin ng doktor na kailangan mo ng complete bedrest, love. You have to listen," he said soflty.
"Nag-iingat naman ako. Two weeks na akong halos nakahiga lang sa kama. Saka hindi naman ako pinababa ni Aling Ceding ng tricycle." Inilayo ni Mhelanie ang sarili sa kanya at nilingon ang tricycle driver.
"Tanungin mo pa si Caloy. Siya ang nagbantay sa 'kin." Nagsalubong ang kilay ni Falcon sa sinabi ni Mhelanie. Iniwan ni Aling Ceding ang asawa niya sa isang estranghero. May isang tricycle na dumating na minamaneho ni Mang Dennis, angkas niyon si Aling Ceding at Susan, ang bagong katulong na rekomendado ni Aling Ceding para siyang mag-alaga kay Mhelanie. Bumaba mula sa tricycle si Aling Ceding na mukhang hapong-hapo.
"Oh, Caloy, bakit hindi mo pa ipinasok ang mga iyan." Sita ni Aling Ceding sa lalaki, ang tinutukoy ang mga nasa eco-bag na nasa tricycle nito.
"Tres, naalala mo pa ba si Caloy? Siya ang kalaro-laro mo noong mga bata pa kayo kapag nagbabakasyon kayo rito."
Napaisip si Falcon at tinitigan si Caloy. Ang naaalala niyang Caloy ay ang anak ni Aling Ceding na payatot at maitim. Huling kita niya sa kababata ay grade school pa siya. Nang tumuntong kasi siya ng high school ay hindi na siya sumamang magbakasyon pa rito. Naging madalang na rin ang pagpunta ng magulang niya sa lugar na ito. Sa ibang bansa na sila madalas na nagbabakasyon. Minsan na lang siyang magbakasyon dito nang matapos siya sa kolehiyo pero hindi na niya ito nakita. Ayon kay Aling Ceding nang minsang tanungin ito ng kanyang lola tungkol sa panganay nitong anak ay nag-abroad raw si Caloy nang matapos ang kursong arkitekto. Ang pagkakaalam niya ay naging scholar ito ng kanilang foundation.
"Ano? Hindi ka makapaniwala na magiging magandang lalaki ang anak ko 'no? Kita mo at kay tikas na mama na ngayon ng batang payatot noon." Binuntutan ng tawa ni Aling Ceding ang sinabi. Dark brown ang balat nito. Mas dark kompara sa kanya. Malaking lalaki. Kasing taas niya halos. Kung may bagay na hindi nagbago rito ay iyong makakapal na kilay nito na nahati ang dulo dahil sa peklat. Peklat na si Falcon ang may gawa. Hindi niya sinasadyang tamaan ito ng stick na nilalaro nila noon.
"Hindi kita nakilala, walang kabakas-bakas ng pagiging malnourished." Hindi niya ito iniinsulto pero parang iyon yata ang dating ng sinabi niya lalo't sinundan pa niya ng isang ngisi. Hindi siya galit dito pero naiirita siya dahil kung makipag-usap sa asawa niya ay komportableng-komporatable.
"Ikaw rin naman walang pinagbago. Hambog na Manila boy pa rin." Isang ngisi rin ang ibinigay nito sa kanya.
"Medyo hindi kayo bagay ni MM. Masyadong mala-anghel ang mukha niya para lang mapunta—"
"Caloy!" Saway ni Aling Ceding.
"Tulungan mo na kami ng tatay mong ipasok ang mga pinamili namin." Nagkanya-kanyang buhat ang apat at ipinasok ang mga iyon sa bahay. Naiwan sila ni Mhelanie sa labas.
"Alam mo, love, isinama ako ni Caloy sa ipinapatayo niyang bahay para sa magulang niya. Ipinasyal niya ako habang namamalengke sila Aling Ceding."
"What?! Sumama ka? Mhelanie, naman! Hindi mo kilala ang tao sumama ka!" Nakaramdam siya ng iritasyon. Napaka-reckless ni Mhelanie kung minsan. Ang dali-daling magtiwala.
"Anak siya ni Aling Ceding. Mabait siya, ano ka ba?"
"Kahit na! Sinama ka niya para ipagyabang ang bahay niya?"
"Tres, hindi ganoon si Caloy. Katulad ng magulang niya ay mabait din siya. Tingnan mo nga. Kung tutuusin ay puwedeng hindi na sila maging katiwala dito dahil naibibigay na ni Caloy ang pangangailangan nila pero mas pinili pa rin nila Aling Ceding na sila ang mangalaga ng bahay bakasyunan niyo bilang pagtanaw ng utang na loob. Mababait sila at ganoon din si Caloy. Bakit ka ba ganyan? Hindi maganda ang sinabi mo sa kanya kanina."
"Bakit iyong sinabi niya sa 'kin maganda ba?"
"Ikaw ang nagsimula gumanti lang siya."
"Are you on his side?"
Mhelanie's eyebrows shot up. "May kompetensiya ba para pumanig ako sa kanya. You are being childish. Mula pa raw nang mga bata kayo bully ka na."
"Aba't gagu 'yon, ah!"
"Hmm!" Pinangdilatan siya ni Mhelanie. Okay! Suko na siya! Binigyan na siya ng warning look ng mahal niyang asawa. Muli niyang ipinaikot ang braso sa katawan nito.
"Hindi mo 'yon crush?" paninigurado niya. Tumawa si Mhelanie.
"Ayon! Na-insecure ka kasi ang guwapo ni Caloy. Mas maganda ang kulay ng balat niya sa 'yo." Nag-isang linya ang kilay ni Falcon at nagtagis ang bagang. Muling humalakhak si Mhelanie sa nakitang ekspresyon ni Falcon. Sinapo nito ang mukha niya at mariin siyang hinalikan sa labi.
"Pero mas guwapo ka sa kanya. Higit na guwapo, pero guwapo rin talaga siya." Muling tumawa si Mhelanie at mahigpit siyang niyakap nang mas lalong nalukot ang mukha ni Falcon. Gusto niya siya lang ang guwapo sa paningin ng asawa niya. Napangiti na lang din siya dahil sa ginawang pagyakap ni Mhelanie. Kapag nasa bisig niya si Mhelanie ay ibang saya ang hatid sa kanya.
"Please, love, sa susunod huwag kang aalis na hindi ako kasama."
"Sorry. Ayaw na kasi kitang estorbohin kanina. Sumama lang ako kay Aling Ceding dahil gusto kong magsindi ng kandila sa simbahan. Saka bumili ako ng cake. Birthday kasi ni nanay ngayon at gusto kong magcelebrate kahit malayo ako sa— kanya." Pumiyok ang boses ni Mhelanie. Kumalas siya mula sa pagkakayakap para tingnan ito sa mukha. Agad niyang sinapo ang mukha ng asawa at pinahid ang luhang naglandas sa pisngi.
"Ito ang unang pagkakataon na sasapit ang kaarawan ni nanay na hindi kami kasama ni Harper. Mga bata palang kami ni Harper ay nakagawian na namin ni Harper ang batiin ng sabay si nanay. Tumawag ako sa kanya kanina at nang sabihin kong hindi namin siya mailalabas ni Harper ramdam ko ang lungkot niya." Tuluyang humikbi si Mhelanie.
"Shh... don't cry. Makakasama sa inyong dalawa ni baby 'yan." Mahigpit niyang niyakap si Mhelanie. Pilit na kinalma. Kung maaari lang sana nilang puntahan ang nanay ni Mhelanie at ipagtapat na ang lahat ay ginawa na niya. Pero hindi ito ang tamang oras. Makakasama kay Mhelanie kung haharap ito sa problema at hindi niya kayang i-risk ang buhay ng magiging anak nila.
Nagbitaw mula sa pagkakayakap ang dalawa nang may marinig silang ugong ng paparating na sasakyan. Tinuyo ni Mhelanie ang basang pisngi. Agad na nakilala ni Falcon ang sasakyan. Nagkatinginan sila ni Mhelanie at sabay na itinuon ang mga mata sa sasakyang huminto sa harap ng bahay. Nang bumukas iyon ay bumaba mula roon si Donya Lana at sumunod ay si Tanya. Mhelanie nestled herself against his side nervously. He immediately tucked her between his body and arm at marahang hinaplos ang braso para alisin ang kabang nararamdaman nito.
"Tres, apo."
"Lola, mom, ano ang ginagawa niyo rito?"
"Pinuntahan kayo ni MM." Nang makalapit ang donya ay kinurot nito si Falcon sa tagiliran na ikinaigik ni Falcon.
"Kung hindi pa sabihin sa amin ni Alford na buntis si Mhelanie ay hindi namin malalaman. At ano itong nabalitaan kong nagpakasal na kayo. Bakit hindi man lang kami imbitado, ha?"
"Aw! Lola!" Muling dumaing si Falcon nang kurutin ulit ito ng matanda sa tagiliran.
"Lola, naman, eh." Hinaplos niya ang nasaktang tagiliran. Ang nagsusungit na mukha ni Donya Lana ay lumambot nang mabalingan nito si Mhelanie. Matamis itong ngumiti at binigya ng warm hug si Mhelanie.
"Kumusta ang pagbubuntis mo, MM? Hindi ka ba nahihirapan." Inilapat ni Donya Lana ang kamay sa tiyan ni Mhelanie.
"Halika at sa loob nga tayo at marami akong gustong malaman." Iginiya ni Donya Lana at Tanya si Mhelanie. Nilingon ni Mhelanie si Falcon. Nasa mukha nito ang pagkabahala. Humihingi ng tulong. Sinundan niya ang mga ito at kinuha si Mhelanie mula sa dalawa.
"Ladies, no interrogation, please! She couldn't handle stress. Maselan ang pagbubuntis niya."
"Huwag ka ngang OA! No stressful questions, we promise. Tatanungin lang namin siya kung ano ang pinaglilihian niya, kung ano ang gusto niyang kinakain." Hindi na nakaangal pa si Falcon nang kunin ng dalawa si Mhelanie mula sa kanya at igiya na sa loob. Ang tanging nagawa niya ay ang ihatid ng tingin ang tatlo. Nasabi na niya ang tungkol sa kalagayan ni Mhelanie at pati na rin ang pagpapakasal nila nito sa kanyang lolo at ama pero hindi sa kanyang lola at ina. Medyo OA kasi ang mga babae at paniguradong susugod ang mga ito rito at hindi nga siya nagkamali. Si Alford talaga! Paniguradong nagsalita ang gunggong na iyon kay Lyka.
Paunti-unti ay inaayos niya ang lahat. Nakausap niya na si Harper at nakiusap sa kanya si Harper na ito na lang at si Mamshie Juday ang magsasabi sa publiko nang totoong lagay ng relasyon nila. Papatapusin lang ang pelikula at iaanunsiyo na nitong wala na talaga sila ni Harper at walang kasalang magaganap.
HARPER was relaxing in her tent when Vanessa invited herself to come in just to piss her off. Hindi niya ito pinansin nang kamustahin siya at umupo sa silyang nasa katapat niya. Tinanong din nito kung nasaan daw si Mhelanie pero hindi niya pinagod ang sariling sagutin ito. Nasa libro lang nakatuon ang kanyang mata.
"You've seemed so depressed lately. You can share it with me. Malay mo may sagot ako mga gumugulo sa 'yo. A problem shared is a problem halved." Harper just sighed. She was irrated by Vanessa's presence. Alam naman niyang gusto lang nitong maki-tsismis.
"Iyong engagement niyo ni Falcon totoo ba 'yon? O nagpapasikat ka lang?" She remained silent pero nawala na siya sa focus sa pagbabasa.
"Eh, balita ko may girlfriend na siya, and I know who she is. Hindi ka ba interesadong malaman kung sino ang ipinalit sa 'yo?" Ibinaba niya ang libro at nakatiim ang mukhang tumingin kaya Vanessa. Tumaas ang sulok ng labi nito. Nakakairitang ngisi.
"What do you want? Don't pretend as if you really care about me dahil alam kung isa ka sa mga taong gustong-gusto akong makitang bumagsak."
Humalakhak ito.
"Pagdating sa akin ang talas ng pakiramdam but when it comes to your lovers ay ang laki-laki mong tanga. Lagi kang naloloko. . . Poor, Harper." Peke nitong pinalungkot ang mukha.
"Napaikot ka ng bongga ni Morgan at ngayon naman ay si Falcon naman ang nagpapaikot sa 'yo."
"Hindi ako pinapaikot ni Falcon. He had been honest and faithful to me." Alam niyang may iba na si Falcon. Naging matapat ito sa kanya. Kung tutuusin ay siya ang hindi naging tapat sa binata. Siya itong pumatol kay Morgan kahit na karelasyon niya si Falcon, but God knows how she tried to ignore Morgan but Morgan tricked her. Sinamantala nito ang kalasingan niya nang nasa Boracay sila, at hinayaan pa niyang masundan iyon nang minsang gulong-gulo siya sa sariling problema. Alam niyang hindi iyon excuse dahil kung talagang gusto niyang panatilihing tapat kay Falcon ay maiiwasan niya ang tukso. Ayaw man niyang aminin pero may puwang pa rin sa puso niya si Morgan kaya nangyari iyon.
"Really? Eh, sinabi ba niya sa 'yo kung sino ang babae niya?"
"Puwede ba, Vanessa, tigilan mo na nga ako. Kung ano man ang problema namin ni Falcon labas ka na roon."
"But I wanted to see you damage, Harper." Sa paraan ng pagbigkas nito ng mga salita ay parang isang evil sa isang pelikula. Pinaninindigan talaga nito ang pagiging kontrabida.
"Ano ba ang problema mo sa 'kin at galit na galit ka?" Vanessa's eyebrows shot up!
"Really? Hindi mo alam? Ang dami-dami mong kasalanan sa 'kin. Una, inagaw mo si Morgan, sunod inagaw mo sa 'kin ang mga project na dapat ay para sa 'kin."
Karelasyon ni Morgan si Vanessa noon bago naging sila. Pero hindi naman talaga official ang dalawa because knowing Morgan, hindi ito nag-e-stick sa isang babae at hindi nito gustong nilalagyan ng label ang relasyon nito sa isang babae. Kaya nga ang laki-laki niyang tanga kung bakit nagpauto siya sa lalaking iyon. At tungkol naman sa sinasabi nitong project na napunta sa kanya ay hindi naman niya iyon sinulot dito. Ang teleserye na on-going na pinagbibidahan ni Harper ngayon at ilang TV commercial na sana ay si Vanessa ang bida pero napunta sa kanya. Ang dami raw kasing demand nito kaya tsinugi na lang at kay Harper na nga lang ibinigay.
"Hindi ako ang nagdesisyon n'on. Alam natin ang kalakaran sa showbiz, Vanessa. Casting director and producer had a final decision on casting at wala akong kinalaman sa bagay na iyon. May attitude ka kasi kaya ka pinalitan, kaya huwag mo akong sisihin."
"Sikat ka nga ngayon pero masaya ka ba?" Vanessa clicked her tongue and shook her head.
"Your terrible sadness is my greatest happiness kaya dagdagan natin." Her lips twisted into a diabolical grin.
"Alam mo bang kilala ko ang bagong babae ni Falcon. And guess what, nasa isla siya at kasama natin." Her curiosity aroused. Sino ang tinutukoy nito? Isa sa co-stars nila?
"Nasaan nga pala si Mhelanie ngayon?" Gumawa ng nakakairitang ekspresyon ang mukha nito.
"Kung gagawa ka ng kuwento at sasabihing si Mhelanie ang bagong babae ni Falcon 'wag mo ng ituloy because I don't buy it." Kahit kailan talaga ay walang ginawang matino si Vanessa. Pero sa kabila nang pagtitiwala kay Falcon at Mhelanie ay hindi niya maiwasan ang kababahan.
"Balita ko umalis siya dahil gustong mag-abroad? O baka naman nakokonsensiya dahil sa pag-ahas kay Falcon."
"Tumigil ka na!" She warned her through gritted teeth. Buong pagpipigil na hindi niya ihampas ang libro sa mukha nito.
"Falcon sneaked into Mhelanie's tent in the middle of the night and they fuck when we were in island." Kumuyom ang palad niya. Hindi magagawa ni Mhelanie ang bagay na iyon. Pero ang kabog ng dibdib niya ay parang tambol sa lakas.
"You are desperate bitch! Dahil hindi mo magawang makuha si Morgan ako ang ginugulo mo. Kung totoo ang sinasabi mo bakit ngayon mo lang sinabi sa 'kin?"
"Let's say that things didn't go according to my plan. And Morgan knows about it. Yes, Harper, Morgan knows about the sinful affair of your boyfriend and your sister." Hindi makapag-react si Harper. Itinaas ni Vanessa ang mukha at makikita sa ekspresyon ang kasiyahan na nasasaktan nito si Harper.
"You have been betrayed by people you love. Your biological mother put you up for adoption to save your sister's life. Mhelanie had chosen to leave and left you alone for Falcon. Morgan intended to take revenge against your parents sa pamamagitan mo. Does it hurt, Harper?" Harper tightened her grip on the book.
"Stop!" Pilit niyang kinalma ang sarili. Naramdaman niya ang pag-init ng mata dahil sa luhang nagsisimulang mamuo.
"Masakit ang katotohanang ang lalaking minahal mo ay pinaglaruan ka— Fuck!" Bulalas ni Vanessa nang itapon ni Harper ang hardbound book sa mukha nito.
"I told you to stop!" Galit na tumayo si Harper at hinablot ang buhok ni Vanessa. Tumili ang babae at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Harper na nakasabunot sa buhok nito.
"Pikon na pikon na ako sa 'yong babae ka!" Malakas na sampal ang ibinigay niya sa kaliwang pisngi ni Vanessa gamit ang likod ng palad at sinundan ng isa pa na mas malakas sa kanan sabay bitaw sa buhok nito na naging dahilan ng pagbagsak nito sa lupa.
"How dare you, you bitch!" Akmang tatayo si Vanesa para sugurin siya pero noon naman pumasok ang ilang staff at inawat sila. Nagsisigaw si Vanessa habang inilalabas sa tent ng camera man. Umupo si Harper na nanginginig ang katawan sa matinding galit kay Vanessa.
Inabot niya ang cell phone na nakalapag sa tabi niya nang tumunog iyon. Si Lena iyon. Sinagot niya ang tawag pero hindi siya nagsalita.
"Harper, anak."
"Napatawag kayo." Nakatiim ang mukha niya. Punong-puno ng galit ang puso niya pero sa pagkakataon na ito ay hindi na lang kay Vanessa.
"Kukumustahin sana kita. Sabi ni Mhelanie busy ka raw ngayon. Sayang at hindi ko pala kayo makakasama ngayong kaarawan ko." Kaarawan nga pala nito. Ang kanyang yaya na itinuring niyang pangalawang nanay ay totoong nanay pala niya. It hurts to know na ipinamigay siya nito para isalba ang kapatid. Gusto niyang intindihin. Gustong-gusto pero nasasaktan pa rin siya. Pinahid niya ang luhang pumatak mula sa kabila niyang mata.
"Si Mhelanie? Nasaan siya ngayon?" Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Vanessa pero lahat ng sinasabi ng babaeng iyon ay totoo. Sobra ang effort ng empakta para malaman ang lahat ng tungkol sa kanya na maaaring makasira sa carrer niya. Si Vanessa rin ang nagbuko nang totoong intensiyon sa kanya ni Morgan kaya ito bumalik ng Pilipinas. At kung ibabase ang naging reaksiyon ni Falcon nang sabihin niyang buntis si Mhelanie ay kakaiba. Oh no! Si Falcon kaya ang ama ng ipinagbubuntis ni Mhelanie.
"Hindi mo ba siya kasama ngayon? Pero kakatawag ko lang sa kanya at sabi niya ay kasama mo siya ngayon sa shooting."
"Hindi kami magkasama. Tatlong linggo na mula nang magpaalam siyang tatanggapin niya ang trabaho abroad."
"Hindi. Pinigilan ko siya sa plano niya. Sinundo siya ni Falcon dito tatlong linggo na ang nakakaraan, pinasundo mo raw." Isang singhap ang kumawala mula kay Harper at madiing diniinan ang end button. Her emotion exploded like a dynamite, tears rolled down her cheeks.
"Harper." Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya nang marinig ang boses ni Morgan mula likuran niya.
"Ano ang ginawa sa 'yo ni Vanessa?" nag-aalala itong nag-squat sa harap niya. Kinuha niya ang bag at mabilis na tumayo saka patakbong lumabas ng tent. Nanglalabo ang mata na tinungo ang nakaparadang van. Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Morgan.
"Mang Jerry, umalis tayo rito." Utos niya sa driver na nagising mula sa pag-idlip. Pupungas nitong binuhay ang makina saka pinausad ang sasakyan.
Ano ba ang kasalanan niya para parusahan siya nang ganito. Nalaman niyang ampon siya nang marinig niya ang pag-uusap ng kanyang mga magulang. Tinawagan siya ng isang katulong at ipinaalam sa kanya na iyak raw nang iyak ang kanyang mommy. May dala raw ang daddy niyang bata, si Jelianne, ang anak nito sa ibang babae. At nang puntahan niya ito ay narinig niyang pinapaliwanagan ng daddy niya ang kanyang mommy. Ayon sa daddy niya ay si Jelianne raw ay kadugo niya at siyang dapat nilang alagaan at siyang dapat na pag-iwanan ng malaking poryento ng ari-arian nila. At halos gumuho ang buong mundo niya nang sabihin nitong hindi siya tunay na anak.
Hindi naman nagsinungaling ang dalawa nang tanungin niya kung sino ang mga magulang niya. Hindi siya makapaniwala nang ikuwento ng magulang kung paano siyang napunta sa mga ito. Gusto niyang intindihan ang ginawa ng sariling ina dahil buhay ni Mhelanie ang nakasalalay. At kahit paano ay hindi siya nito iniwan. Inalagaan siya at minahal pero nasasaktan pa rin siya. Mariin niyang ipinikit ang mata habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top