Chapter 35
NAGPAIWAN muna si Sasahh sa Manila. Hindi pa niya nadala ang gown nang magpunta sila ni Wilson dahil may kaunti pang inayos. Kanina lang niya binalikan. Bumalik din agad sa La Carlota si Wilson at inihatid lang muna siya nito sa bahay ng magulang. Susunduin na lang daw siya nito. Papalipasin lang ang bagyo na mamayang gabi ang landfall sa probinsiya. Kailangan din si Wilson sa lugar para sa preperasyon sa paparating na bagyo. Gusto nitong masiguro ang kaligtasan ng mamamayanan ng La Carlota.
Isang linggo na lang kasal na nila pero may bagyo pa. She's hoping it won't leave a huge swath of destruction. Baka hindi pa matuloy ang kasal nila kung magkataon.
"Ate Sasahh, pasalubong mo akin chocolate!"
"Ako doll!" Habang nagfe-face time sila ni Ryke ay ang gulo-gulo ng kambal sa likuran kaya panay ang hawi ni Ryke sa dalawa.
"Malakas na ba ang ulan diyan?"
"Yes, mommy! It's pouring outside. Sabi ni Nana Myrna may bagyo raw kaya hindi ka makakauwi ngayon."
"Yes, baby. Si daddy ano ang ginagawa? Nandiyan na ba siya?"
"Kakarating lang po niya, mommy. Nandoon siya sa room mo."
"Nasa room ko?" What is he doing in her room?
"Yes po, kasama si Yelena."
"Si Yelena?" Biglang kumabog ang dibdib ni Sasahh sa sinabi ni Ryke.
"Bakit nandiyan si Yelena?"
"I don't know." Ryke answered with a shrug.
"Ryke, baby, pwede bang puntahan mo si daddy. Gusto ko lang siyang makausap."
"Okay, mommy!" Mabilis na tumalima si Ryke at patakbo pa nitong tinungo ang guestroom.
"Daddy!" Parang galit na sumigaw si Ryke.
"Mommy, look, oh! Yelena and daddy are hugging." Iniharap ni Ryke ang cellphone kung nasaan nakatayo si Yelena at Wilson. Magkayakap nga ang dalawa. Gulat ang bumalatay sa mukha ni Wilson habang si Yelena ay nakangisi habang nakatingin sa smart phone na hawak ni Ryke.
She hit the end icon hard. Mariin niyang hinawakan ang cellphone habang sunod-sunod na pumapatak ang luha. She threw a phone across the room when a sudden burst of anger boiled up within her. Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding galit. This is too much! Pati kay Ryke ay ipinapakita ni Wilson ang kagaguhan nito.
Sasahh snapped her eyes to the storage box of the wedding gown that was placed on the round pouf. Bumaba siya sa kama at tinungo ang kahon. Inilabas niya mula roon ang isang napakaganda at daang libong halaga na gown. Her fingers clutch to the satin fabric as her teeth gritted. There's this rage boiling inside of her that's practically screaming for release.
With a roar filled of pain and anger, she grabs those glowing Swarovski crystals, pulling them away from the expensive gown. Ibinuhos niya roon ang matinding galit na nararamdaman para kay Wilson. Tahimik na lumuluha si Sasahh na binitawan ang gown na ngayon ay may mantsa na ng dugo mula sa nasugat na daliri mula sa paghablot niya sa kristal.
Kinuha niya ang bag na nasa sofa at kinuha ang susi ng sasakyan sa ibabaw dresser. Susi iyon ng sasakyan ni Nadia na kanyang hiniram kanina pagkuha niya ng gown.
"Sasahh, saan ka pupunta?" Si Nadia nang nasa pinto na si Sasahh. Nabahala ang ginang nang bumaling si Sasahh dito at makita ang pagluha niya.
"Bakit ka umiiyak? Ano ang nangyari, hija? At saan ka pupunta?"
"Pupunta po ako sa La Carlota."
"Bakit, may nangyari ba?"
Umiling si Sasahh. "Wala ho. Hihiramin ko muna ang sasakyan niyo, pwede po ba?"
"Pero, hija, masama ang panahon. Delikado na sa daan. Tiyak na gagabihin ka kapag tumuloy ka."
"Maaga pa naman po. Aabot ako bago mag-landfall ang bagyo."
"Pero maulan na masyado. Saka, hija, ngayon na malapit ka ng ikasal dapat maingat ka."
"Wala na pong kasalang mangyayari," she announced flatly, making Nadia shocked.
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Babalik lang ako ng La Carlota para kunin si Ryke at ang mga kapatid ko." Tinalikuran ni Sasahh si Nadia pero maagap ang ginang na nahawakan ang braso ni Sasahh.
"Hindi ko naiintindihan ang nangyayari. Ipaliwanag mo. Ano ba ang nangyayari?" Her shock wore off, replaced by worry.
Muli ay sunod-sunod na pumatak ang luha mula sa mata ni Sasahh na lalong ikinabahal ni Nadia.
"Sasahh?" Hinawakan siya ni Nadia sa magkabilang braso, nakikiusap ang mga titig nito sa kanya.
"Manloloko ang anak niyo! Hindi niya ako mahal! Gusto lang niya akong pakasalan dahil ako ang nanay ng anak niya o dahil gusto niyang gawin miserable ang buhay ko dahil iniwan ko siya noon."
"Sasahh, hindi totoo 'yan. Mahal ka ni Wilson. Mahal na mahal."
"Mahal niya ako pero nakikipaghalikan siya sa ibang babae. Nagche-check-in sa isang hotel kasama ang ibang babae kahit isang linggo na lang kasal na namin."
"Ano?"
"Nakita mismo ng dalawang mata ko. Sa opisina niya, nakikipaghalikan siya kay Yelena. At ngayon, magkasama sila sa mansion, nagyayakapan habang nakikita ni Ryke. Matatanggap ko kung ako lang ang sasaktan niya pero kung pati si Ryke ay idadamay niya hindi ako papayag." Unti-unti ay bumitaw mula sa pagkakahawak sa kanya si Nadia. Nasa anyo nito ang kalituhan.
"Nasaktan ko siya, dahil pinili kong ayusin muna ang pamilya ko. But do I deserve to be treated badly? To be treated like shit!"
"Sasahh!" Nadia tried to reach for her but Sasahh immediately scooted out of reach. Tinungo niya ang sasakyan at doon ay mas bwelong umiyak.
Mahal na mahal niya si Wilson kaya sobra siyang nasasaktan. Sa isipang wala na talagang second chance ang relasyon nila ay nadudurog ang puso niya. Pero mas gusto niyang tapusin na lang kung ano man ang meron sila kaysa ang patuloy siyang itrato ni Wilson na parang basura. Si Ryke lang ang masasaktan kapag natuloy ang kasal.
ANG LAKAS na ng ulan at hangin hindi pa man nagla-landfall ang typhoon. Siguradong maraming pagguho ng lupa. May mga lugar sa La Carlota na madalas gumuho, lalo na sa norte, ang daan papuntang Manila. Pawala-wala na rin ang signal. Kanina pa niya sinusubukang tawagan si Sasahh pero hindi nito sinasagot. Tiyak na galit ito dahil sa nakitang tagpo sa pagitan nila ni Yelena.
Hindi niya naman gustong mag-isip si Sasahh ng kung ano tungkol sa kanila ni Yelena. Katakot-takot na paliwanag ang ginawa niya kanina kay Ryke dahil umiiyak ito nang makita silang magkayakap ni Yelena. He doesn't want to hurt his son, even Sasahh. He doesn't want to give Sasahh any reason to call off the wedding.
Pero ngayon ito! Namumroblema siya! Hindi niya alam kung paanong ipapaliwanag kay Sasahh ang tungkol kay Yelena. Pinagseselosan pa naman nito si Yelena noon pa man. Nagpasya siyang sunduin na lang si Sasahh bukas din makalipas lang itong bagyo at ipaliwanag kung bakit nandito si Yelena at kung bakit magkayakap sila.
Habang nasa evacuation center siya kanina para tingnan ang lagay ng mga evacuees. Yelena showed up crying. Nag-away raw ito ng tatay nito at nagpumilit na dumito muna sa kanila. Nag-offer siya ng hotel na matutuluyan nito pero ayaw at nagpumilit na sumama sa kanya kaya pinagbigyan na lang niya.
Sa silid kanina, she's trying to convince him to call off the wedding. Pinipilit nitong hindi naman siya mahal ni Sasahh at sasaktan lang siya ulit nito. Na hindi siya kayang ipaglaban nito sa tuwing magkakaproblema. Na siya ang laging isinasakripisyo. Masakit! Dahil alam niyang totoo ang sinasabi ni Yelena.
Loving Sasahh is a pretty scary. Loving someone who makes him feel vulnerable was too much of a risk, but in the end that doesn’t even matter, he's still willing to take risks because she's still the one who makes the butterflies in his stomach go wild.
Naaawa siya kay Yelena. Yelena likes him so much. Pumayag pa itong pansamantala niyang maging assistant habang naka-leave ang kanyang sekretarya dahil kakapanganak palang nito. Kung tutuusin, Yelena will be a perfect wife. Magiging mabuting may bahay ito panigurado pero hindi lang talaga niya mahal ang babae. Si Sasahh at si Sasahh pa rin talaga kahit ilang beses na siya nitong ni-reject noon.
Kinausap niya nang masinsinan si Yelena kanina. Umiyak ito at niyakap niya. Iyon lang iyon. Walang masamang ibig sabihin. Pero dahil nakita iyon ni Sasahh. Masama iyon!
Naisipang tawagan ulit ni Wilson si Sasahh pero sa halip na si Sasahh ay ang kanyang mama ang sumagot niyon.
"Ma? Bakit nasa'yo ang cellphone ni Sasahh? Nasaan po siya?"
"Hanggang ngayon ba wala pa rin siya riyan?" Sa tanong ng ina, pati na rin sa tono nito ay biglang kinabahan si Wilson. Paano nitong tatanungim kung nandito si Sasahh, eh, iniwan niya ito sa Manila, sa bahay ng kanyang magulang.
"'Ma, iniwan ko riyan si Sasahh. Don't you remember?"
"She's not here. Umiiyak na umalis. Pupunta raw siya ng La Carlota para kunin si Ryke at mga kapatid niya."
"Ho!?" Napalakas niyang untag. Mas lalo siyang kinabahan.
"Ano ba ang ginagawa mo, Wilson? Hindi pa man kayo kasal pero nambababae ka na? Pero tama lang din ang naging desisyon ni Sasahh na iurong ang kasal. Hindi ko rin gugustuhin na gawin mong miserable ang buhay niya."
"Mama, matutuloy ang kasal!" Diin niya.
"Duda ako sa bagay na 'yan! Nandito ang gown niya at sira-sira." Mariing naipikit ni Wilson ang mata. He could feel his pulses thudding against his temples and anytime soon, they will be exploding.
"Nagdesisyon siyang hindi ituloy ang kasal dahil sa nakita lang niya kaming magkayakap ni Yelena? I can explain it. I'm not cheating on her!"
"Really? Eh, iyong paghahalikan niyo ni Yelena sa opisina mo paano mong ipapaliwanag? At ang pagche-check-in niyo sa hotel?"
"What?"
"Nakita kayo ni Sasahh. Pinaglagpas niya 'yon, Wilson, dahil sa pagmamahal niya sa 'yo. Pero hindi niya matanggap ay ang dalhin mo pa ang babae mo riyan sa bahay at ipakita kay Ryke ang ka-imoral-an niyo! Bakit mo ba 'yan ginagawa? Dahil nasaktan ka ni Sasahh sa pag-alis niya? Sa pagpili niyang ayusin muna ang pamilya niya? God, Wilson! Hindi kita pinalaking ganyan!...
"
Patuloy na nanenermon si Nadia pero hindi na iyon naintindihan pa ni Wilson. Ang nasa isip niya ay mga unang sinabi nito. Pakikipaghalikan kay Yelena at pag-check-in sa hotel. Isa lang naman ang natatandaan nangyaring paghalik sa kanya. Sa kanyang opisina iyon...
"Bumalik ka Yelena?" Nakangiting lumapit sa kanya si Yelena. Humawak sa kanyang balikat at naglakad paikot sa swivel chair habang ang mga daliri ay humahaplos sa kanyang balikat.
"Pasyal tayo." She snaked her arms around his shoulder. Inilapit pa nito ang mukha sa gilid ng kanyang mukha.
"C'mon, Eli. Ikakasal ka na, kahit naman ngayon lang pagbigyan mo na ako. Kahit mamasyal lang tayo."
Minsan nakakaramdama na rin siya ng awa kay Yelena. Nang-iwan siya ni Sasahh si Yelena ang nandiyan para sa kanya. Nakinig sa mga drama niya. Alam niyang mahal siya ni Yelena pero klinaro niya sa babae na hindi niya masusuklian ang nararamdaman nito dahil si Sasahh ang mahal niya.
Inalis ni Wilson ang atensiyon mula sa papeles na hawak at bumaling kay Yelena pero bigla naman siya nitong hinalikan.
"Yelena!" Saway niya sa babae na pilya lang na ngumiti.
"C'mon, darling!" She continued coaxing him.
"Alright! Alright! Saan mo ba gustong mamasyal?"
"Hotel?" Yelena giggled.
"Okay. Hotel," pagsang-ayon naman ni Wilson na ikinakislap ng mata ni Yelena.
Dinala nga niya si Yelena sa isang hotel pero sa halip na mag-check-in na alam niyang siyang inaasahan ni Yelena, ay dinala lang niya ito sa restuarant. Isinama pa niya si Jason, ang kanyang bodyguard, kaya asar na asar sa kanya si Yelena. Inasar pa nga ito ni Jason na akala raw ni Yelena ay makaka-score sa kanya kaya lalong uminit ang ulo ng babae. In-offer pa ni Jason ang sarili kay Yelena ay sinigundahan naman niya ng biro na siya na ang bahalang magbayad sa pag-check-in ng dalawa kahit isang linggo pa itong magkulong sa hotel suite.
Humawak si Wilson sa sentido sa isipang nakita ni Sasahh ang nangyari sa opisina. At si Yelena. Posibleng alam nitong nandoon si Sasahh kaya ito bumalik. Paalis na si Yelena ng mga oras na iyon. Nagpaalam ito sa kanya na may lalakarin kaya pinayagan niya pero bigla itong bumalik para lang magyayang mamasyal.
"Dammit!"
"Are you cursing me, Wilson Eliseo!?" Ngumiwi si Wilson sa pagbigkas ng ina sa buong pangalan niya. Galit na nga ito.
"Hindi, 'ma, sorry! Ano'ng oras umalis si Sasahh?"
"Pitong oras na ring lumipas. Kanina pa kita sinubukan tawagan pero hindi kita makontak."
"Dapat nandito na siya kung kanina pa siya umalis! Sigurado ho ba kayon dito talaga ang punta niya?"
"Ewan ko! Basta ginamit niya ang sasakyan ko. Kapag may nangyaring masama sa batang 'yon, itatakwil talaga kita bilang anak ko!" Binabaan siya ng ina.
Tinawagan niya si Lyca at Mitchell kung saan posibleng nagpunta si Sasahh pero pareho lang ang sagot sa kanya. Wala roon si Sasahh. Posible ngang bumalik ito ng La Carlota. Mas gugustuhin pa niya na nagpunta na lang si Sasahh sa isa sa kaibigan nito kaysa ang umuwi ng La Carlota dahil masydong delikado. Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa drawer. Kumuha lang ng makapal na jacket at sombrero saka lumabas ng silid.
"Eli, where are you going?" Matalim na titig ang ipinukol ni Wilson kay Yelena na lumabas ng guestroom.
"Magtutuos tayo mamaya! Iyon lang at iniwan na niya ito.
Halos kalahating oras na siyang nagmamaneho. Mag-isa lang siyang umalis. Hindi na siya nang-estorbo pa ng tauhan na halos wala rin dahil pinauwi niya sa mga pamilya nito. Bawat madaanan ay sinusuring mabuti at nagbabakasaling madaanan niya si Sasahh. Nasa boundary na siya ng La Carlota at La Carmen nang makita ang isang malaking guho ng bundok na nasa gilid ng daan. Pinilit ni Wilson inanig ang isang itim na sasakyan na nadurog ang likurang bahagi na nabagsakan ng malaking bato. Inilapit pa niya nang husto ang sasakyan hanggang sa luminaw ang imahe ng sasakyan at makita ang plate number niyon.
Kung anong kilabot ang gumapang sa buo niyang sistema nang mamukhaan ang sasakyan. Hindi siya maaaring magkamali. Her mother was the owner of that black Mercedes-Benz. Regalo ng kanyang papa sa kanyang mama. Walang pagdadalawang isip na umibis si Wilson mula sa sasakyan at sumugod sa malakas na ulan at hangin. Pinunasan niya ng kamay ang salamin ng sasakyan na nababalot ng tubig at sumilip sa loob.
Wala si Sasahh sa loob. Hindi niya malaman kung matutuwa o mas dapat matakot na wala sa loob si Sasahh. Maaring ligtas ito o mas napahamak. Inikot niya ang mata sa paligid na halos nagdidilim na. Tinawag niya ang pangalan ni Sasahh. Tiningala niya ang mataas na lupa na patuloy sa pagguho.
"Sasahhh!" Muli ay bwelo ang sigaw na kanyang pinakawalan. Nandito lang si Sasahh, sigurado siya.
"Sasahhh!" He shouted again as loudly as he possibly could.
Natigilan si Wilson nang makita ang isa sa pares ng tsinelas sa may gilid ng sasakyan kung saan makapal na lupa ang gumuho.
His horror and panic building to a crescendo at the thought of Sasahh being trapped under the rubble of a landslide. Pakiramdam niya ay papanawan siya ng malay tao sa matinding takot sa mga oras na ito dahil sa naiisip na posibleng natabunan si Sasahh.
Sa nanginginig na kamay ay dinampot niya ang tsinelas.
"Sasahh! Hindi maaari!" Unti-unting humalo sa tubig ulan ang mga luhang dumaloy mula sa kanyang mata.
"Hindi maaari 'to! Hindi!" Lumuhod si Wilson sa makapal na malagkit na lupa at gamit ang dalawang kamay hinalukay niya ang lupa na kahit yata isang buwan o higit pa niyang gawin ay napakaimposibleng maalis ang gabundok ng guho. Sa bawat halukay niya sa lupa ay dumadaloy naman doon ang panibagong lupa.
"Wilson?" Humahangos na napatigil si Wilson nang marinig ang boses na tinawag ang pangalan niya.
As he looked over his shoulder, enormous relief flooded through him as he saw Sasahh standing just a few meters away from. Suot ang isang puting T-shirt at itim na sweatpants. Basang-basa at nanginginig habang yakap ang sarili. Takot na takot ito.
"Sasahh!" Patakbo niya itong nilapitan at mahigpit na niyakap. Bumulalas ng iyak si Sasahh habang nasa mga bisig niya ito.
"Bakit ka umalis? Ipapahamak mo ang sarili mo! Tinakot mo ako!"
"I'm so scared! I thought I'm going to die!"
"I know, baby, I know! But, you are safe now, nandito na ako. Nandito na ako!"
--
Sorry sa matagal na update! Walang kuryente at signal gawa ng bagyo. Ngayon lang bumalik ang signal pero wala paring kuryente.
Two chapters na lang. Special chapters sa books na po. About Ryke and his future... sino hula niyo na future niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top