Chapter 34
MAGANDA Ang gising ni Sasahh. Napapangiti siya tuwing maaalala ang itsura ni Wilson kagabi nang biglang kumatok sa pinto niya para mag-sabing "I want to fuck you!" Kitang-kita niya sa mga mata nito ang matinding pagnanasa. Napansin niya ang CCTV camera sa kisame kaya alam niyang pinapanood siya nito kaya ayon, binigyan niya ng magandang palabas.
Nang sabihin ni Wilson na wala na siyang epekto rito ay talagang nasaktan siya at natakot na baka nga wala na. Lust and sex are one of the essential components of a healthy relationship. We certainly need love, but without lust, the romance in a relationship can plummet in long-term.
Iyon nga madalas ang nagiging dahilan kaya nagkakalamat ang isang relasyon. Kapag nawala ang desire para isa't isa even you love each other, makakaramdaman pa rin ng kakulangan lalo na ang mga lalaki na kapag hindi satisfied sa partner ay naghahanap ng iba.
Nararamdaman niya naman na mahal pa rin siya ni Wilson. Ang pagiging possessive nito tuwing may ibang lalaking nakaaligid sa kanya ay hindi nito maitago. Sinabi sa kanya ni Simon na wala rin itong ibang babaeng pinagkaabalahan o nabalita man lang na may kaugnayan dito noong mga panahong wala siya... pero maliban sa isa... si Yelena.
Si Yelena ay napabalitang bagong karelasyon ni Wilson pero wala namang proof. May ilang larawan ng dalawa ang kumalat, pero wala naman sa mga iyon na nagyayakapan or naghahalikan ang dalawa. May mga sweet moment like, Yelena was wiping Wilson's sweat off during the campaign and Wilson is opening the car door for Yelena and having dinner in a fine dining restaurant.
Pero wala lang 'yon! Naniniwala siyang wala lang 'yon! Siya ang inalok ng kasal at hindi si Yelena, so ibig sabihin siya ang gustong makasama ni Wilson panghabang-buhay. Si Yelena, isang political consultant lang.
Political consultant na kahit hindi naman eleksiyon ay laging nakadikit sa Fiance mo.
Paalala ng munting tinig sa kasuluksulakan ng kanyang utak na minsan lang magbigay ng opinyon. Tatakbo si Wilson sa susunod na eleksiyon kaya normal lang na patuloy pa rin ang trabaho ni Yelena. Sinabi rin sa kanya ni Poleng na mahal na mahal siya ni Wilson. Ipinakita sa kanya ni Poleng ang video ni Wilson na habang lasing ay iyak nang iyak, tinatawag ang kanyang pangalan. Awang-awa siya kay Wilson habang pinapanood iyon. Mas lalo niyang naramdaman na malaki ang kasalanan niya rito at gusto niyang bumawi. Iniintindi niya ang pagsusungit nito sa kanya. Sapat na gusto siya nitong pakasalan para maniwala siyang mahal pa rin siya ni Wilson.
Iwinaksi ni Sasahh ang mga negatibo na gumugulo sa kanyang isipan. Lumabas si Sasahh matapos mag-ayos ng sarili at dumeretso sa dining. Naroon na ang lahat.
"Good morning!" Humalik siya sa pisngi ni Wilson.
"How's your sleep, baby boy? Mukhang napuyat ka?" bulong niya kay Wilson bago humila ng upuan pero bago pa man siya makaupo may biglang tumumbol sa kanya.
"Excuse me!" Gulat na napatitig si Sasahh kay Yelena na naglapag ng skinless longganisa sa mesa. At ang bruha ay umupo pa sa pwesto niya.
"Hi, Sasahh!" Bati nito sa kanya saka nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ni Wilson. Napilitan si Sasahh na umupo sa kabilang bahagi ng mesa, sa tabi ni Simon. Nito lang niya nalaman na anak pala ni Senator itong si Simon sa dating mayorduma ng mansion. Kataka-taka na kasabay nila itong kumain. Alam ko allergic si Senator dito.
"Bakit kasabay ka naming kumain?" Pabulong niyang tanong sa lalaki.
"Ayaw mo?" Nagkatawanan ang dalawa pero pigil iyon.
"Hindi naman. Nagtataka lang." Nilagyan ni Simon ng pagkain ang plato ni Sasahh at nagpasalamat siya rito.
"Pwede mo ba akong ipag-drive mamaya? Pupunta sana ako sa school na lilipatan ni Ryke at ng mga kapatid ko."
"Sige!"
Tumikhim si Wilson kaya naibaling ng dalawa ang atensiyon dito. Salubong ang mga kilay nito.
Tss. Bugnutin talaga!
Napairap si Sasahh nang iumang ni Yelena ang longganisa kay Wilson. Sa halip na isubo ay kinuha ni Wilson ang tinidor at inilagay sa plato ang longganisa na ikinasimangot ng babae. Tumaas ang sulok ng labi ni Sasahh, ginantihan naman siya ng irap ni Yelena.
"Si Jason ang sasama sa 'yo mamaya, Sasahh, kailangan ko si Simon." Ani Wilson habang ang mata ay nakatuon sa pagkain.
"Bakit pala nandito ang babaeng 'yan? Wala bang almusal sa kanila?" Muli ay bumulong siya kay Simon.
Marahang natawa si Simon. " May lakad yata sila."
Pagkatapos kumain ay nilapitan ni Sasahh si Yelena na nasa labas, hinihintay si Wilson.
"Ano ba talaga ang trabaho mo? Consultant ka lang naman 'di ba, pero bakit lagi kang nakabuntot sa asawa ko?" Ipinaramdam niya rito ang pagkadisgusto niya sa pamamagitan ng kanyang tono.
"Hindi mo ba alam? I'm the executive assistant. Mayor's assistant. Kaya lagi kaming magkasama. Halos mas marami pa nga ang oras naming magkasama kaysa sainyong dalawa."
Humalukipkip si Sasahh. "Really? From political consultant to secretary?" Panunuya niya.
"Eli loves my company. Higit pa sa pagiging sekretarya ang ginagawa namin lalo kapag kami lang ang nasa opisina niya." Natigilan si Sasahh. Hindi siya tanga para hindi malaman ang nais ipahiwatig ni Yelena. Anger started consuming her, subjugated her to violence. She wants to express her anger in inappropriate and harmful way. Gusto niyang manakit bigla.
"Let's go, Yelena." Ang mataray na ekspresyon ni Yelena ay naging magiliw sa paglabas ni Wilson. Inirapan siya nito bago tinungo ang sasakyan.
Hinarap ni Wilson si Sasahh. "Ahm. May lakad ako ngayon kaya hindi kita masasamahan. Si Jason na muna ang magda-drive para sa 'yo."
"Okay," halos hindi niya mailabas ang salita. Ilang sandaling nakatayo si Wilson habang nakatitig kay Sasahh. Parang may gustong gawin o sabihin pero walang lakas ng loob. Bumuntong-hininga ito bago tinungo ang sasakyan.
Ipinikit ni Sasahh ang mata. Ayaw niyang paniwalaan si Yelena. Hindi gagawa si Wilson ng bagay na ikakasakit ng kalooban ni Ryke. Kung wala na ngang pagmamahal si Wilson sakanya, hindi kay Ryke. Irerespeto siya nito para kay Ryke. Kung may nangyayari man sa pagitan ni Wilson at Yelena, tiyak na puputulin nito iyon dahil nagbabalak na itong pakasalan siya.
SASAHH went to mayor's office after her meeting with the wedding planner. Naging maayos at madali ang paghahanda sa darating na kasal ni Wilson at Sasahh. Wala namang aberya. Nasunod ang petsa na gusto ni Wilson para sa kanilang kasal. Handa na ang simbahan kung saan sila ikakakal, which is the old church in La Carlota. Ang venue ng reception at ang mga pagkaing ihahanda ay napili na rin. Sinisimulan na ring ipamigay ang invitation card.
Tulad nga ng plano ni Wilson. He hired two wedding planners team para magkaroon ng kanya-kanyang task ang mga ito. Ang isang team ay naka-focus sa simbahan, ang isa ay sa reception. At ngayon nga ay nakipagkita siya sa dalawang wedding planner para i-finalize ang lahat bago siya nagpunta sa opisina nito Wilson.
Sa tuwing makikipag-meeting sa wedding planner, sa designer ng kanilang isusuot at kapag may iba pang aasikasuhin ay sinasamahan naman siya lagi ni Wilson. Ngayon lang hindi dahil may meeting ito.
Ito ang muli niyang pagpunta rito sa kapitolyo mula ng pagbalik niya ng Pilipinas. Kilala pa rin siya ng mga dating staff. Binabati siya ng mga ito. Inaasahan niyang mapapasukan niya si Yelena sa waiting area ng opisina ni Wilson pero wala ang babae sa desk. Bukas naman ang pinto ng pinaka-opisina ni Wilson kaya dumeretso na siya. Pero sa pagsilip ni Sasahh ay parang tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Pati ang tibok ng puso, paghinga at pagdaloy ng dugo sa mga ugat niya ay tila tumigil. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita ni Sasahh si Wilson at Yelena na sweet na sweet. Nasa likuran si Yelena ng swivel chair kung saan nakaupo si Wilson habang nakapulupot ang mga braso nito paikot sa leeg ni Wilson. Inalis ni Wilson ang atensiyon mula sa papeles na binabasa at nilingon ang babae. Nahigit ni Sasahh ang paghinga nang maglapat ang labi ng dalawa.
Kumapit si Sasahh sa hamba ng pinto nang biglang manginig ang mga tuhod niya. Sumandal siya sa dingding. Napahawak siya sa dibdib at mariing ipinikit ang mata nang mag-init iyon.
"Yelena!" Narinig niya ang pananaway ni Wilson.
"C'mon, darling!" She heard Yelena coaxing.
"Alright! Alright! Saan mo ba gustong mamasyal?"
"Hotel?" Yelena giggled.
"Okay. Hotel," pagsang-ayon naman ni Wilson.
Sa mga naririnig ay lalong naninikip ang dibdib ni Sasahh kaya pinili na lang niyang umalis. Kahit anong pilit na labanan ang mga luhang kanina pang nagbabadya ay sunod-sunod pa rin iyong naglandas sa kanyang pisngi. Parang gusto niyang bumulalas ng iyak. Ang sakit-sakit sa dibdib. Naisip naman niyang baka nga may namagitan kay Wilson at Yelena katulad ng dati. Lalo't galit ito sa kanya at wala naman siya. Iniwan niya ito. Pero ang makita ang dalawa na naghahalikan ay nadudurog ang puso niya.
"Sasahh, bakit ka umiiyak? Ano'ng nangyari?"
Umiling si Sasahh at nilagpasan si Simon. Tinungo niya ang sasakyan. Lumulan siya sa backseat habang si Simon ay pumwesto sa driver's seat.
Simon glanced in the rear-view-mirror to check Sasahh. "Uuwi na ba tayo?"
"Yes, please!" She answered but her misty eyes were glancing out the window. Paandar na ang sasakyan nang makita ni Sasahh si Wilson at Yelena. Nakahawak pa si Wilson sa likod ni Yelena, inaalalayan ito habang naglalakad.
"Simon, wait!" Inihinto naman ni Simon ang sasakyan.
"Sundan mo si Wilson." Muling tumingin si Simon sa rear-view-mirror matapos hanapin ng mata si Wilson sa labas. Hindi naman ito nagtanong pa. Sinunod ang nais ni Sasahh.
Hindi alam ni Sasahh kung tama bang pinasundan pa si Wilson at Yelena kahit alam naman na niya kung saan patungo ang dalawa. Ngayon ito siya, mas lalong nasasaktan habang nakamasid kay Wilson ay Yelena na papasok ng isang hotel.
"Bakit hindi mo sila puntahan?"
Umiling si Sasahh. "Hindi na. Can we just go somewhere else. Kahit saan, Simon. Ayaw ko lang munang umuwi."
ALAS nuebe na pero wala pa rin si Sasahh at Simon. Kanina pa niya tinatawagan ang dalawa pero hindi sinasagot hanggang sa maging out of coverage ang numero ni Simon. Nakakaramdan ng matinding iritasyon si Wilson, pero paglaon ay sobra na siyang nag-aalala. Mag-uutos na sana siya ng mga tauhan para hanapin ang si Simon at Sasahh nang dumating ang dalawa. Lasing na lasing si Sasahh at si Simon ay maayos naman. Mukhang hindi naman uminom.
"Saan kayo nanggaling?" Bumalik ang iritasyon na nararamdaman ni Wilson. Wala namang nangyaring masama kay Sasahh at mukhang nag-enjoy pa habang siya ay alalang-alala.
"Halika!" Tinabig ni Sasahh ang kamay ni Wilson.
"Don't touch me! Simon, ikaw ang maghatid sa 'kin sa kwarto, please!" Her speech had come out so slurred they were almost indecipherable.
Inalalayan ni Simon si Sasahh na pasuray-suray sa paglalakad patungo sa hagdan. Nang mapagtantong mukhang hindi na kakayanin pa ni Sasahh ang umakyat sa hagdan ay binuhat na lang ito ni Simon hanggang sa silid.
Sumunod si Wilson sa silid.
"Ano ba ang nangyari, Simon?"
"Mabuti pa, mag-usap na lang kayo." Tinapik ni Simon ang balikat ni Wilson bago ito lumabas ng silid.
Humakbang si Wilson palapit sa kama at umupo sa gilid niyon. Inabot niya ang hibla ng buhok na humarang sa mukha ni Sasahh at hinawi iyon. Hinaplos niya ang pisngi ni Sasahh. Ano kaya ang problema? Bigla ay kinakabahan siya. Tiyak na may problema.
MASAKIT ang ulo ni Sasahh nang magising kinabuksan. Alas diyes na siyang nagising. Tinanghali na siya. Nagtungo sila ni Simon sa boating lake park. Dinala siya ni Simon gitna ng lake kung saan walang tao, at doon ay hinikayat siyang ilabas ang lahat ng sama ng kanyang loob. Isinigaw niya ang galit na nararamdaman niya hanggang sa bumalalas siya ng iyak. At uminom sila kapagkuwan.
Ang sama-sama ng loob niya! Bakit ba siya gustong pakasalan ni Wilson kung may relasyon naman ito at ni Yelena? Ang sakit! Mahal na mahal niya si Wilson at ayaw niyang tuluyan itong mawala sa kanya pero nasasaktan siya sa ginagawa nito.
Ibinaling niya ang tingin si pinto ng bumukas iyon. Si Wilson, may dalang tray ng pagkain.
"Gising ka na pala. Kumain ka muna." Bumangon si Sasahh. Hinila ang kumot at tinakpan ang kalahati ng katawan. Noon niya napansin na napalitan na ang damit niya.
Inilapag ni Wilson ang bed tray sa harapan ni Sasahh at umupo ito sa gilid niyon.
"Lasing na lasing ka kagabi. May problema ba?" Nagyuko si Sasahh. Nag-init ang kanyang mga mata pero pinilit niyang labanang huwag bumagsak ang luha.
"Kung may problema you can talk to me." Hindi umimik si Sasahh. Nanatili lang siyang nakayuko. Ayaw niyang pag-usapan dahil baka magbreakdown lang siya. She can't handle her emotion at this moment. Kapag naaalala niya ang nasaksihan ay naninikip ang dibdib niya.
"Sasahh?"
"It's nothing. It's just about Tyler."
Nag-angat si Sasahh ng tingin nang hindi umimik si Wilson. Wala sa kanya ang mata nito, pero walang partikular na tinitingnan. Parang may malalim na iniisip. Bumuntong-hininga ito at muling tumingin sa kanya.
"Ayaw ba niyang pumayag na maikasal tayo?"
Umiling si Sasahh. "Hindi naman."
"Kumain ka na." Kinuha niya ang tinidor at tumusok ng bacon and egg muffin.
"Violeta called me just earlier. Your wedding gown is ready but you should have a final fitting. Kapag okay na, pwede mo na raw makuha ang gown."
"Luluwas na lang ako ngayon," tugon niya pero hindi ito sinulyapan. Hindi siya makaramdam ng excitement. Ang excitement na nararamdaman niya ay natabunan dahil sa nasaksihan niya kahapon.
"Sasamahan na kita."
"Ikaw ang bahala." Isinubo ni Sasahh ang maliit na hiwa ng bacon and egg muffin.
"Everything is ready. Matutuloy naman ang kasal 'di ba?" Natigil sa pag-nguya si Sasahh, nag-angat siya ng tingin kay Wilson. Matiim ang pagkakatitig nito sa kanya.
"Depende." Ibinalik niya ang atensiyon sa pagkain. Depende kung may groom ba siya sa araw na iyon. Hindi niya na kasi alam kung ano ba ang binabalak ni Wilson. Maaaring ginagantihan siya nito dahil sa ginawa niyang pang-iiwan dito. Baka sa araw ng kasal ay hindi siya nito siputin at makipagtanan kay Yelena. O baka naman, papakasalan siya, pero si Yelena ang sisipingan nito para parusahan siya. Pinagtagis ni Sasahh ang mga ngipin para pigilan ang sariling maluha.
PINAGMASDAN NI Sasahh ang sarili sa salamin habang suot ang isang napakaeleganteng wedding dress. It's a ready-to-wear bridal dress by Violeta Herrera, a Filipino-fashion designer who known for her bridal, ready-to-wear dresses. Nagkaroon lang ng kaunting alterations at perpekto na ang kinalabasan. Wala ng oras para magpagawa pa ng gown kaya bumili na lang siya ng ready-to-wear.
It was a long sleeved wedding dress in a whipped butter color, adorned with Swarovski crystals. The dress fully covered her body, creating a sense of purity that totally contrasts to her bohemian personality.
"The dress looks amazing on you. A perfect gown and a perfect bride." Sasahh smiled at Violeta's flattering remarks.
"Thank you, Violeta. The gown si so stunning!" She genuinely compliments her.
"I'll show it to my fiance. I want to hear his thoughts on this." Sabay na lumabas ang dalawa sa fitting room. Kinuha ni Violeta ang atensiyon ni Wilson na nakaupo sa love seat. Ang atensiyon nito ay nasa cellphone.
"Mayor, dela Fuente, here's your bride-to-be!" Hindi maitago ni Violeta ang excitement.
Wilson lifted his gaze from his phone. Her stomach contracted and her heart went into a somersault inside her ribcage when he saw Wilson's reaction. His gaze slowly raking over her, eyes narrowing with admiration.
"Isn't she lovely, Mayor?" Violeta giggled, she looks more excited than her.
Tumayo si Wilson habang mataman ang pagkakatitig kay Sasahh. A shy smile formed on her lips as she expects him to give her compliments.
"Bakit kailangan mo pang ipakita sa 'kin? Hindi mo naman kailangan ipakita pang suot mo 'yan!" Unti-unting nabura ang ngiti sa labi ni Sasahh.
"Hintayin na lang kita sa labas."
Her fingers slowly curled and clutched to the satin material of the skirt. Her heart froze and tightened as if cold fingers squeezed it tightly.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top