Chapter 32
"I'M so proud of you, Eli!" Hinaplos ni Yelena ang sumisilip na dibdib ni Wilson mula sa nakabukas niyang polo.
"And I'm glad that you've accepted President's offer."
Kakatapos lang ng kanyang pakikipag-usap sa presidente na interesadong kunin siyang kaalyado sa susunod na halalan. Tatlong taon pa mula ngayon ang susunod na national election pero pinaghahandaan na ng adminitrasyon. Sinadya pa siya nito sa La Carlota sa halip na ipatawag na lang siya.
Pumayag siya. Tatakbo siyang senador sa susunod na eleksiyon. Tempting ang alok ng presidente. Aaprubahan nito ang binabalak niyang pagpapatayo ng ospital dito sa La Carlota. Susuportahan nito ang mga proyektong binabalak niya. So, he grabbed the opportunity. Saka mabuting leader din naman ang presidente kaya walang dahilan para tanggihan ito.
"Would you consider President's suggestion of getting married?"
"Of course." Suhesyon ng presidente na mas maganda kung mag-aasawa na siya. Pabiro nito iyong sinabi iyon, but partly ay seryoso.
"Pwede mo akong maging bride." Marahang natawa si Wilson sa sinabi ni Yelena.
"Mabuti pa, Yelena, maghanap ka na lang ng ibang magiging groom mo. Alam mo naman na kasal na ako."
Umikot ang mata nito. "Yeah, right! Kasal ka sa isang Impostora!"
Hinawakan niya ang babae sa braso at bahagyang pinisil ang braso nito. "Mabuti pa dito ka na mag-dinner para naman may kasama kami ni Lolo."
"Alright." Sabay na pumasok ng mansiyon ang dalawa. Nasa bungad palang siya ng pintuan ay rinig na rinig na agad niya ang ingay mula sa loob na napaka-unusual. Halos isang taon na ring parang haunted house sa katahimikan ang bahay na ito. Mula nang umalis ang kanyang mag-ina
"Nandito ba sila mama," she uttered to himself. His gaze automatically searches for his parents as he entered the house. As he spotted them in the living room, a quick smile forms on his lips.
Ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito? Humakbang siya palapit sa mga ito pero muling napatigil. Ang ngiti sa labi ay unti-unting napalis at bigla ang malakas na pagtahip ng kanyang dibdib nang makita si Ryke at kambal na kapatid ni Sasahh. Nasa gitna ang tatlo at may binibida sa mga miron nito. Si Senator na napakatagal nang panahon niyang hindi nakikitang ngumingiti ay humahalakhak pa ngayon.
When Ryke turned to his direction, his eyes widened with delight surprise.
"Daddy!" Malakas itong humiyaw. Tumakbo ito patungo sa kanya habang paulit-ulit na hinihiyaw ang "daddy."
Wilson held out his arms as he bent down. He caught Ryke, lifted him up and hugged him tightly.
"I miss you, daddy!" Mahigpit na mahigpit na nakayakap sa kanya si Ryke.
Tears burned his eyes as he hugged him back. He couldn't believe it. His son is in his arms.
"Is this real? Are you real? Am I not dreaming?" Nag-angat si Ryke mula sa pagkakayakap kay Wilson.
"I'm real, daddy."
"Can you pinch me, so I know I'm not dreaming." Bumungisngis si Ryke matapos sundin ang kanyang sinabi.
"Hindi ako makapaniwala! Sino ang kasama mo?" May itinuro si Ryke mula sa kanyang likuran.
"Si Mommy Sasahh." Ang hindi makalmang tibok ng puso niya ay tila lalong bumilis sa sinabi ni Ryke. Si Sasahh. Nasa likuran niya si Sasahh. Humugot at nagpakawala ng isang malalim na hininga si Wilson bago dahan-dahang pumihit.
His heartbeat kicked up a notch as he was taken aback when he saw Sasahh. His gaze slowly prowled all over face, down her body and back to her face. Ang mukha ni Sasahh. Ang magandang mukha ni Sasahh ang nakikita niya sa kanyang harapan at hindi ang mukha ni Samantha.
Lumapit si Nadia kay Wilson. "Akin na muna si Ryke. Marami kayong dapat pag-usapan."
"No! Mas gusto ko munang makausap ang anak ko." Bagamat kinakausap ang ina ay hindi naman maalis ni Wilson ang mga mata kay Sasahh.
Ilang sandali siyang nakatitig kay Sasahh bago ito tinalikuran at tinungo ang sala. Naupo si Wilson sa sofa habang kalong si Ryke. Miss na miss niya si Ryke. Sobra-sobra ang tiniis niyang paghihirap ng kalooban sa pagkakalayo nila ni Ryke. Kahit gustong-gusto niyang sumunod sa New York hindi niya ginawa bilang respeto sa gusto ni Sasahh at para na rin pagbigyan ang gusto ni Tyler. Taratandong 'yon! Kapag nagkaroon lang siya ng pagkakataon para magantihan ang lalaking 'yon gagawin niya talagang miserable buhay ng taratandong 'yon!
WALANG IMIK si Sasahh habang nakaupo sa hapagkainan para sa hapunan. Nasasaktan siya sa ipinapakita ni Wilson. Parang wala itong interes na kausapin siya. Sadyang ipinaparamdam sa kanya na walang epekto rito ang pagbabalik niya. Naiintindihan naman niya iyon. Nasaktan niya si Wilson. Inilayo niya si Ryke rito. Pero paano kung hindi lang ito nagtatampo sa kanya? Paano kung hindi na pala siya mahal ni Wilson? Paano na? Paano kung may relasyon na pala ito ni Yelena na panay ang dikit kay Wilson kanina pa. Para talagang couple ang dalawa at kinakain siya ng matinding selos.
"I will run for the senate next election." Natigilan ang lahat at natuon ang tingin kay Wilson.
"For the senate?" ulit ni Eliseo na hindi maitago ang pagkabigla.
"Yes, papa. Nagkausap kami ng presidente kanina. Kinukuha niya ako para maging kaalyado."
"At pumayag ka?" Hindi makapaniwala si Nadia.
"Yes. For the sake's of people in La Carlota. Tutulungan niya ako sa pagpapatayo ng ospital."
"Wow! That's surprise me. Ang pagtakbo mo ulit sa eleksiyon ay ikinagulat na namin ng papa mo tapos ito ulit. At sa mas mataas pang posisyon."
Nagkibit si Wilson. "I enjoy serving people. I honestly didn't expect to enjoy politics. Well, hindi talaga ako sa pulitika nag-e-enjoy kundi sa pagtulong. Ang sarap sa pakiramdam na nagkakaroon ng mas maayos na pamumuhay ang mga tao sa La Carlota dahil sa akin. It gives me happiness and satisfaction as well."
"That's great!" Kagalakan ang bumaha sa mukha ni Senator. Kung may matutuwa man sa desisyon ni Wilson ay si senator iyon dahil ito ang nagtulak kay Wilson para pasukin ang pulitika.
"You will be the president of this country someday. Mark may word!" Senator seems sure in his prediction, and looks proud.
"And I'd wish that I'll be the first lady." Yelena giggled. Sumimangot si Sasahh sa tinuran ng babae.
"President had adviced Eli to get married before the election," Yelena announced.
"Mas maganda talaga kung may asawang susuporta sa 'yo," pagsang-ayon ni Eliseo kay Yelena.
"I actually considered president's suggestion. Iniisip ko ngang magpakasal na this year."
"Talaga?!" Hindi maipagkakaila ang kagalakan ni Nadia sa narinig mula sa anak. Lahat naman ay mukhang nagalak sa anunsiyong iyon ni Wilson. Maliban kay Sasahh na biglang nilukob ng matinding kaba. Tahimik siyang nakatitig kay Wilson habang ang tibok ng puso ay tila kulog na dumadagundong na kinailangan pa niyang haplusin ang dibdib para kalmahin iyon.
Ipokrita siya kung hindi niya inaasam na sana ay siya parin ang gustong pakasalan nito. Pero paano kung hindi na? Sa lamig ng pakikitungo ni Wilson sa kanya mukhang malabo. May ibang karelasyon na kaya ito ngayon. Si Yelena ba? Oh, no! Hindi naman sana.
Inaamin niyang kahit paano ay naging kampante siya. Pinilit niya kasing paniwalain ang sariling hihintayin siya ni wilson dahil may anak sila. Saka nagkukwento naman madalas si Elisse sa kanya na mukhang wala namang ibang babae si Wilson.
When Wilson's gazed locked with hers, she gives him a sad look. Her eyes were begging.
He stared at her for a few seconds before he put all of his focus into Ryke who's sitting next to him. Si Yelena naman ay nasa kabilang bahagi nito.
Hindi siya papayag! Siya ang dapat na pakasalan ni Wilson dahil sila ang may anak. Gagawin niya ang lahat para mahalin ulit siya ni Wilson. Aagawin niya ito sa kung sino man ang nagmamay-ari rito ngayon.
Nang matapos kumain ay inihatid ni Wilson si Yelena pauwi. Bumalik naman ito kaagad. Laking tuwa niya nang ipatawag siya ni Wilson para kausapin. Sa porch sa likod bahay ay magkaharap na nakaupo ang dalawa. Walang imik si Sasahh. Ang dami niyang gustong sabihin pero sa tuwing titingin siya sa mga mata ni Wilson ay hindi niya magawang magsalita. Tuwid na nakatitig ito sa kanya pero blanko ang mukha. Walang emosyong mababanaag. Napakalamig!
"Masaya ako na ibinalik mo Ryke? Mabuti pumayag ang kapatid mo?"
"Oo. Siguro, naawa na rin kay Ryke dahil lagi ka niyang hinahanap."
He nodded his head. "Kung hindi siya pumayag, hndi kayo uuwi. Hindi ko pa rin makikita ang anak ko."
Bumuka ang bibig ni Sasahh para sana magpaliwanag pero hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon nang muli itong magsalita.
"Anyway, gusto kong pag-usapan ang set up natin. Gusto kong makasama si Ryke sa, Sasahh. Pero alam nating parehas na hindi naman tayo kasal hindi ba? Si Samantha ang pinakasalan ko at hindi ikaw."
She nodded, moving her hands to rest in her lap. Hinintay niya ang iba pa nitong sasabihin.
"We can't live in the same roof dahil alam mo namang isa akong politician at may iniingatang reputasyon. Ayaw kong masira ang pangalan ko. Ayaw ko na makakita ng kasiraan ang mga kalaban ko sa pulitika. Gusto ko ring manalo sa susunod na eleksiyon."
Her fingers balled into fists. Parang alam na niya ang gustong sabihin nito. Hindi siya maaaring tumira rito at mukhang hihingin nitong makasama nito si Ryke. Sila naman ni Ryke ang paghihiwalayin ni Wilson. May iba na nga ito! Wala sa loob na napahawak si Sasahh sa kanyang leeg nang tila nanikip ang daluyan ng hangin.
"I need my own family. I want to settle down already. I need to get married soon." Pinagtagis ni Sasahh ang bagang. Parang hinihiwa ang kanyang puso sa mga sinasabi ni Wilson. Nagyuko siya ng ulo nang maramdaman niya ang pagbadya ng mga luha sa mga mata niya.
"Are you willing to marry me?" Biglang napaangat ng tingin si Sasahh kay Wilson.
"What?" Baka nagkakamali siya ng dinig.
Sumimangot ito. "Sabi ko, kung handa ka bang pakasalan ako?"
"Magpapakasal tayo?"
"I need a wife. Ayaw ko naman din na lumaki si Ryke na magkahiwalay ang mga magulang niya. Masyado nang maraming pinagdaanan si Ryke. Pati ang pagbabago mo ng mukha nakapagpapa-confuse sa kanya. Ayaw ko ng dagdagan pa. Kaya magpakasal tayo alang-alang kay Ryke. With or without love. Gusto mo ba?"
With or without love! May diin nitong sinabi iyon. Hindi nakaimik si Sasahh. Hindi niya talaga inaasahan na ganito siya pakitutunguhan ni Wilson. Nagsawa na siguro itong paulit-ulit na suyuin siya. Nagsawa nang hintayin siya at ang mas masakit, napagod na itong mahalin siya.
"Kung hindi mo naman gusto, it's okay. Yelena is willing to marry me."
"No!" exclaimed Sasahh.
"Magpapakasal ako! No matter what happens, I'll marry you!" Mabilis ang naging tugon ni Sasahh. Amusement flicker momentarily across Wilson's eyes while Sasahh felt like panicking.
"Alright! Magpakasal tayo sa susunod na buwan."
"Next month? Bakit kailangan madaliin? We don't have enough time to pull this together." Nasa second week na ng buwan ngayon. They have less than a month to prepare everything.
"The only reason why time would be an issue in planning wedding because of the budget. I have more than enough money. We can hire two or more wedding planner para mas mabilis ang preperasyon. Dito sa dela Fuente residence ang venue ng reception. Ikaw na ang bahala sa susuutin mo. You are an expert in that field kaya siguradong madali na lang 'yan sa 'yo. Mine, I have a lot of suits in my closet."
"Okay. If that's what you want."
"Good!" Wilson stood up.
"Bukas simulan nating asikasuhin ang lahat. I'll ask Yelena to help us." Iyon lang at pumasok na ito. Naiwaan si Sasahh na naguguluhan. Ikakasal sila pero bakit parang wala siyang maramdamang pagmamahal mula kay Wilson. Papakasalan lang siya nito dahil sa kailangan. Para sa political career nito at para kay Ryke.
That's okay! Ikakasal pa rin naman sila. Minahal siya ni Wilson noon at sisiguraduhin niyang mamahalin ulit siya nito.
SASAHH's chest heaved up and down to the rhythm of her breathing as she laid down on the center of the bed. Nakadipa ang kanyang mga braso, naka-bend ang isa sa kanyang mga hita habang nakapikit. Kanina pa siya nasa ganitong posisyon. Samo't saring isipin ang nagpapaikot-ikot sa kanyang utak. Ang lungkot-lungkot ng puso niya. Kasalungat ng kanyang inaasahan ang sitwasyon niya ngayon, ang kanyang nararamdaman. Nasaktan niya nang husto si Wilson.
Dinala ni Poleng ang gamit niya sa silid ni Wilson kanina pero pinalipat iyon ni Wilson sa guestroom. Ang gamit ni Ryke ang ipinalagay nito sa silid nito. Gusto raw nitong makasama si Ryke sa pagtulog. Ang kambal naman ay sa kabilang guestroom kasama si Nana Myrna.
This is so hard but she will do everything to win his heart again. Ginawa iyon ni Wilson sa kanya noon kahit ipinagtutulakan niya ito at iyon din ang gagawin niya ngayon.
Sasahh, once again let out an audible sigh before her eyes fluttered open. Pero hindi niya inaasahan ang makikita sa pagmulat niya. Gwapong mukha ni Wilson ang nakatunghay sa kanya. Mabilis na bumangon si Sasahh.
"Wilson, hi!" He doesn't respond, instead, his penetrating gaze travelled slowly down her body. Sasahh noticed how his adam's apple bobbing in his throat as he swallowed thickly. Niyuko ni Sasahh ang sarili at noon nadiskubre na halos lumuwa na pala ang katawan niya sa kanyang saplot.
The hem of her skimpy, purple satin sleepwear rode up her thighs, revealing her creamy, smooth skin. He was rewarded with a glimpse of her purple, lacey panties. Ang isa sa string straps ng kanyang pantulog ay lumaylay sa balikat niya kaya halos lumuwa ang dibdib niya. She might be giving him a boner. In order to confirm her claim, she dipped her gaze to his crotch only to see the gigantic bulge in front of his gray sweatpants. Sasahh gnawed her bottom lip as a little shock of energy shot up her core at the sight in ber front. Oh, God! He was aroused at dahil iyon sa kanya. She's flattered and feeling proud of herself.
Wilson was hot in his expensive suits, but he looks hotter on his messy bedroom look. White sleeveless shirt and grey sweatpants suits him well. Everything about this man screams heaven! She's a lucky bitch as she'll be able to see this hunk in his yummiest state.
"Here." Wilson's voice snapped her out of her fantasy. Sasahh has to force herself to take her eyes off his bulge and averted her gaze to a brown envelope he's holding out in her front.
"What's that?"
"Ibinabalik ko na ang kompanya niyo."
"Our company?" Kinuha niya mula rio ang envelope at inilabas ang laman niyon. Mga legal papers ng kanilang kompanya.
"Ano ang ibig sabihin nito?" She asked as she scanned the papers randomly.
"Ako ang bumili ng kompanya niyo." Iniwan niya ng mata ang papepels na hawak at gulat na napatingin sa mukha ni Wilson.
"Hindi ko lang ipinaalm dahil baka hindi pumayag ang kapatid mo. Bumabalik na rin ang dating estado ng kompanya kaya wala na kayong masyadong aalalahanin."
"Then bakit mo ibinabalik sa amin?"
"That is the least I can do for what my father did to your parents."
"Wilson, wala ka naman dapat gawin o dapat pagbayaran sa ginawa ni Robert."
"Nagbayad na ako, Sasahh. Pinagbayad na ako ng kapatid mo sa kasalanan ng ama ko na kinunsente mo naman." May pait ang hayag nito sa mga salita. Ramdam na ramdam ni Sasahh ang pagtatampo nito.
"Wilson is not that--"
"Pero tapos na 'yon, wala na tayong magagawa. Nandito na si Ryke, kasama ko na ang anak ko." With that he turned his back on her and walked toward the door. When he reached for the door handle he paused a moment, looking over his shoulder at her.
"Mag-T-shirt ka nga. Ang lamig-lamig nakabuyangyang 'yang katawan mo!" Napaawang ang labi ni Sasahh at hindi na nakapagsalita pa nang lumabas na ng silid si Wilson.
"Grabe!" Hinila niya ang strap ng damit.
"Ang init-init dito sa Pinas, eh! Tapos lalo pang pinapainit ng presensiya niya. Ugh! Nakakainis! Mas lalo ko tuloy nararamdaman na tigang na tigang na talaga ako!" Isang taon na siyang hindi nadidiligan, ah!
Napaigtad si Sasahh nang biglang bumukas ang pinto. Si Wilson na may amuse na ekspresyon.
"If you need a help with your problem just tell me. I'm here to help." Bagamat nag-init ang mukha ni Sasahh dahil mukhang narinig nito ang mga pinagsasabi niya ay nakaramdam naman siya ng kaligayahan, pag-asa at matinding excitement.
"T-talaga?" Nauutal pa siya.
Wilson flashed her a small smile. "I can buy you a dildo and vibrator. Sasamahan ko na rin ng lubricant para madaling ipasok." His smile turned into a wicked grin before he shut the door. Kumalat ang init sa mukha ni Sasahh. Pati ang leeg niya nangapal sa embarrassment. That man!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top