Chapter 3
WILSON let out an audible sigh as he watched Samantha who's sitting on the bed in a relaxed position while browsing through fashion magazine while him on the other hand was ready to check-out.
"Samantha," kuha niya sa atensiyon ng babae. Ibinigay nito ang atensiyon sa kanya, ngumiti.
"Hey!"
Tumaas ang kilay niya. Wala ba itong balak kumilos?
"You look good. I can tell that you are the hottest mayor. I like your fashion style."
Humarap si Wilson sa salamin at sinuri ang sarili. He is wearing a plain white V-neck shirt that hugged his broad chest perfectly, dark jeans and a leather shoes that cost a little fortune by most standards. His hairstyle is a topknot undercut. Hinaplos niya ang hindi naman kakapalang balbas. He has three black armband tattoos around his right forearm in a vary thickness. Makapal ang nasa taas, mas manipis ang pangalawa at ang pangatlo ay gawa sa baybaying alpabeto na bumuo sa pangalan ni Sasahh. Ilang ulit na inukit ang pangalan na Sasahh sa kanyang balat para mabuo ang band. Every word separated by dots.
He had chosen to have black armbands tattooed on his skin instead of tying a black cloth armband when Sasahh had passed away. This serves as a permanent reminder of how special Sasahh was to him; of how he loves her.
Wilson huffed and tried to brush the bad memories away. Muli niyang binalingan si Samantha.
"Get dress, Samantha. We are going back to La Carlota." Limang araw silang naglagi sa Grandeur Hotel para sa kanilang honeymoon at ngayon ay kailangan niyang bumalik ng La Carlota. Marami siyang gagawin sa bayan. May nagbigay sa kanilang trip to Paris bilang regalo sa kasal nila pero hindi nila ginamit. They aren't real lover after all.
"I'm not going with you," she informed him, still browsing through magazine.
"What?" Nag-angat ito ng tingin sa kanya.
"There is a lot of work to be done. I have to attend meeting, photoshoots and many more."
"Pero paano si Ryke? He is expecting us. Tinawagan ko ang bata kagabi at sinabi kong ngayon tayo uuwi."
"Ikaw na bahalang magpaliwanag sa kanya." Disappointed siyang umiling. Para itong walang pakialam sa sariling anak. Parang hindi man lang na-miss ang sariling anak na ilang araw ng hindi nakikita. Ni hindi nga man lang nito tawagan.
"Samantha—"
"Mr. Alkalde!" she cuts him off.
"Ayaw kong pinapakialam ako sa desisyon ko lalo na pagdating sa trabaho ko. Wala akong planong maging isang palamuti mo sa tuwing iikot ka sa bayang pinamumunuan mo. Walang magbabago sa kung ano ang ginagawa ko. Mag-asawa lang tayo sa papel." Tumiim ang mukha niya. Iyon naman talaga ang gusto niya. Ang hindi pakialaman ang isa't isa. Pero si Ryke ang ipinupunto niya rito.
"It's not about us, Samantha. Si Ryke ang inaalala ko. Sumama ka sa 'kin para makita ka ng anak mo at pagkatapos ay ipapahatid ulit kita rito sa Manila. Now get dress!" Punong-puno ng awtoridad niyang utos sa babae. Hinablot niya ang sport coat na nakasampay sa sandalan ng silyang nasa harap ng dresser.
"May kikitain lang ako sa baba. Pagbalik ko aalis na tayo kaya maghanda ka na," aniya at iniwan na ang babae.
"DADDY!" Ryke's cheerful voice made him smile as he entered the old mansion of Dela Fuente. Patakbong lumapit sa kanya si Ryke at agad niya itong binuhat.
"Where's mommy?" tanong ng bata habang nakatingin sa kanyang likuran, expecting that he's gonna see his mother.
"Um, mommy can't go home today." Ang punong-puno ng excitement na mukha ng bata ay biglang lumungkot.
"May work si mommy na kailangan tapusin. Pero uuwi rin siya agad as soon as she'd finish her works."
"But mommy has rule. Ryke before works," nakalabi nitong sabi.
"Ayaw mo ba 'yon. Wala si mommy kaya makakakain tayo ng maraming ice cream and chocolates." Itinuro niya ang eco-bag na bitbit ni Simon, isa sa kanyang bodyguard, na nakatayo sa kanilang likuran.
"I bought chocolates and ice cream for you."
Nakangiting itinaas ni Simon ang bag para ipakita sa bata.
"Daming biniling ice cream at chocolates ang daddy mo, Ryke," ani Simon. Ang malungkot na mukha ni Ryke lumiwanag.
"Yaya, paki-prepare naman kami ng ice cream ni Ryke. Then pakidala sa theater room." Agad na tumalima ang yaya ni Ryke, kinuha ang eco-bag kay Simon at dinala sa kusina.
"We're gonna watch a movie."
"While eating an ice cream?" Namilog ang mata ng bata.
"Uh-huh!"
"Yehey! Thank you, daddy! You are the best!" Mahigpit siyang niyakap ng bata at hinalikan sa pisngi. Malapad na gumuhit ang ngiti sa labi ni Wilson. Ryke's happiness is also his.
"Eli!" Bumaling siya sa direksyon kung nasaan ang abuelo.
Eli ang tawag nito sa kanya at nang halos lahat ng nakakakilala sa kanya, maging ng publiko. Wilson naman ang tawag sa kanya ng mga kaibigan. Dahil alam ng mga tarantado na hate na hate niya ang first name niya dahil hango iyon sa unang pangalan ng kanyang lolo, iyon ang itinawag sa kanya bilang pang-aasar, hanggang sa makasanayan na lang din niya. Wilson Elesio dela Fuente ang kabuang pangalan niya. Wilson na hango sa unang pangalan ng matanda — Wilson Rudolph dela Fuente— at Elesio naman na hango sa pangalan ng kanyang amang si Elesio dela Fuente.
"Senator," bati niya rito.
"Nasaan si Samantha?"
"Ryke, punta ka muna kay yaya. Mag-uusap lang kami ni grandpa." Ibinaba ni Wilson ang bata. Nang umalis si Ryke ay muli niyang hinarap ang matanda.
"Nagpaiwan siya sa Manila. May photoshoot pa raw siyang kailangan tapusin."
"She should quit her job and stay at home instead. She's a wife of a politician and she will serve as good role model. Bakit hinahayaan mo 'to, Eliseo?"
"Senator, hindi niya kailangan manatili sa bahay na 'to kung hindi niya gusto. Kung gusto niyang magpatuloy sa pagmo-modelo hayaan niyo siya."
"Hindi maaari! Baka iyan pa ang makasira sa 'yo. Malapit-lapit na ang susunod na eleksiyon at mabigat ang makakalaban mo. Gagawin ng kabilang partido ang lahat para masira ka. Hawakan mo sa leeg ang asawa mo!"
Napailing na lang si Wilson habang nakatitig sa papalayong matanda. Hindi na nagbago! Senator Wilson Rudolph dela Fuente is a fucking manipulative old man he knows. This is the reason why he hates his first name. Si Alford, Tres, Dock at iba pang malalapit sa kanilang magkakaibigan ang tumatawag sa kanya sa pangalan na iyon. Pero kapag sa ibang tao niya narinig iyon kahit sa kapatid niya ay naiirita talaga siya.
Si Samantha naman ay hinayaan na lang niya rin. Eli ang tawag ng babae sa kanya noon pero nang maging kaibigan ito ni Sasahh at madalas raw siyang banggitin ni Sasahh sa pangalan na Wilson ay nakasanayan na rin nito.
MAGKATABING nakahiga si Wilson at Ryke sa movie lazy couch habang nanonood ng Incredible 2. Nakaunan ang bata sa kanyang braso. Matapos kumain ng ice cream ay nahiga ang bata at nakatulog. Hinaplos niya ang buhok ng bata at hinalikan ito sa ulo. Hindi niya maintindihan ang sarili. He loves this kid so much. Napapasaya siya nito. Siguro dahil napakabait at napakalambing na bata kaya madaling nahulog ang loob niya.
Mula nang ipakilala siya sa bata ay halos sa kanya na ito naglagi. Gustong-gusto nito sa kanya. At nang magtungo si Samantha sa Amerika para sa pagpapagamot nito ay tuluyan nang ipinaubaya sa kanya ang pag-aalaga kay Ryke kaya lalo siyang napamahal sa bata.
Si Samantha naman ay hindi niya maintindihan. Simula pagbalik nito mula Amerika ay hindi man lang nito dinalaw si Ryke. Tila ba walang nag-e-exist na anak. Nagkita lang uli ang mag-ina nang araw mismo ng kanilang kasal, katulad niya pagkatapos nitong lumipad patungong Amerika ay noong kasal na lang niya uli ito nakita. Even he had demanded to see her when he learned about her come back, Samantha refused. Inakala niya, umasa siya na may magandang plano ang babae. Inakala niyang sa araw mismo ng kasal nila ay hindi ito sisipot pero laking gulat niya nang pagbukas ng malaking pinto ng simbahan habang naghihintay siya sa altar, iniluwa si Samantha suot ang nakagandang traje de boda.
He was full of rage that time. Naibsan sandali ang matinding galit na nararamdaman niya nang bigla ay si Sasahh ang nakikita niyang naglalakad sa pasilyo ng simabahan. He would have hoped it was really her.
Pinilit niyang inintindi ang hindi agad pagpapakita ni Samantha kay Ryke dahil baka epekto lang ng nangyaring aksidente rito. Pero hanggang ngayon ay parang wala pa rin itong pakialam sa sariling anak. Ni hindi nga niya napilit na sumama sa kanya. Pagbalik niya mula sa pakikipagkita sa isang mayamang negosyanteng nagpapahayag ng pagnanais na punduhan ang susunod niyang pagtakbo ay wala na si Samantha sa suite. Nag-iwan ito ng note na sinabing bumalik na siya sa La Carlota dahil hindi ito sasama.
"Daddy," mahinang tawag ni Ryke nang magising ito.
"Yes, buddy?"
"Nandito na si mommy?" Sa halip na sagutin ay niyakap na lang niya ang bata. Ryke misses her mother so much.
ISANG linggo na ang nagdaan pero hindi pa rin bumabalik si Samantha. At ngayon ay makikita niyang laman ito ng balita. The 34-year-old supermodel, Samantha Danielle Swift who recently tied the knot with the hottest mayor in town, Mayor Wilson Eliseo dela Fuente of La Carlota, spotted with a model, Franco Mendoza at the Rock Bar. Halos magdamag na magkasama ang dalawa at iisang sasakyan ang sinakyan paalis ng club.
Isinandal niya ang likod sa swivel chair habang ang mata ay nakatuon sa laptop kung saan paulit-ulit na nagpe-play ang video clips na pinagsama-sama. Samantha is in the video, dancing wildly with a man. Ang isang clip ay kung saan nag-uusap ang dalawa na magkalapit na magkalapit ang mga mukha.
"What was she doing?" Galit na boses ni Senator Dela Fuente ang nag-echo sa buong silid habang palakad-lakad ito.
Agad itong nagpatawag ng meeting kasama ang kanyang consultant dahil sa pagkakalat ni Samantha.
Ano ang ginagawa mo, Samantha?
Is this her way para matakasan ang pagpapakasal sa kanya? Ang sirain ang sariling reputasyon nito at ang bigyan siya ng kahihiyan? Maganda ang gusto nitong mangyari kung ganoon pero ang paraan na ginagawa nito ay hindi maganda dahil siya ang nagmumukhang katawa-tawa ngayon sa paningin ng lahat.
Kung ganito rin naman pala ang gagawin ng babaeng ito bakit pa nito itinuloy ang kasal? Ano ba talaga ang plano nito?
"Eli! Go and get your wife. Kaladkarin mo kung kinakailangan!" He couldn't contain a chuckle.
"What's funny?" Ang inuuban na nitong mga kilay ay nagsalubong. Wilson clenched his teeth and stifled a chuckle.
He cleared his throat. "Sorry, Senator. I think for the very first time you made a mistake. Sa pagkakataon na ito wala kang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo sa oras na hindi ako manalo sa susunod na halalan. Ikaw pumilit na maikasal kami."
Senator huffed. "I will talk to her father. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Samantha."
Kitang-kita ang frustration sa mukha ng matanda. Kilala niya ang kanyang lolo, napakataas ng tingin nito sa sarili. Sa tuwing may hindi magandang outcome ang mga desisyon nito ay mahilig itong manisi ng iba. Pero sa pagkakataon na ito ay wala itong masisi kundi ang sarili nito dahil ito naman ang puno't dulo ng mga nangyayaring ito. Ito ang unang taong nagpursige kung bakit sila nakasal ni Samantha.
Hindi naman niya ito masisisi. Kahit siya man ay ibang-iba ang pagkakakilala kay Samantha. She was having very traditional, morally conservative beliefs and behavior. Kaya nga pasadong-pasado ito sa kanyang lolo dahil katulad ito ng kanyang lola. Nababagay raw ito na maging asawa ng isang politician na katulad niya. Malaki ang maitutulong para bumango ang pangalan niya sa publiko. Napakataas ng pangarap ng kanyang lolo. Balak nitong gumawa ng political dynasty. Pangarap nitong maging isang presidente at balang araw siya ang papalit sa posisyon nito.
"I think Samantha will be your death. What do you think?" he told him, which fueled his anger. That is his intention to do. He gained happiness from seeing this old man annoyed... for at least once in a while.
"Yelena," baling nito sa magandang trenta y kwatro na political consultant na tahimik na nakaupo sa kaliwang bahagi ng mahabang conference table habang nagba-browse sa cell phone nito. Nag-angat ng tingin ang babae at ngumiti sa senador.
"Yes, senator?"
"Any plan to cover up this scandal?"
"I'll handle this, senator. You don't have to worry. In the first place Eli is not the one who involved in this scandal. He didn't have a scandal that embarrassed him simula nang umupo siya sa pagka-alkalde. Eli is likeable at paborito siya ng mga taga La Carlota. Matatalino na ngayon ang mga tao at hindi basta-bastang nagpapadala sa mga paninira lalo't maraming magandang nagawa si Eli. Hindi siya nito maapektuhan, Senator. I assure that. Kung may masisira man dito, si Samantha 'yon. Eli is a victim here. Pwede nating palabasing nagloloko si Samantha," mahabang paliwanag ni Yelena.
"No!" Wilson chimed in.
"Si Ryke ang maapektuhan kapag ginawa mo 'yon."
"He's just a kid, Eli," Yelena countered. Nasa mukha ang hindi pagsang-ayon sa kanya.
"Exactly. He is just a kid at ayaw kung maapektuhan siya sa bagay na 'to. We will not do anything about this. Hindi rin naman natin sigurado kung may affair nga si Samantha sa lalaki. Maybe they were just having fun. Let's just slide it."
Senator huffed. "Ikaw na ang bahala, Yelena. Find the best solution for this."
Lumabas si Senator at naiwan ang dalawa. Isinandal ni Wilson ang likod ng ulo sa swivel, ipinikit ang mata at hinilot ang sentido. This is what he hates of being a politician. Lahat ng kilos ay dapat maingat, hindi lang kilos niya kundi pati ng mga taong involve sa kanya. Hindi naman siya santo katulad ng inaakala ng lahat. Mas malala pa ang ginagawa niya sa kung ano man ang ginawa ni Samantha.
He had a ton of girls who would hang out with him in his bachelor pad kapag nasa siyudad siya. He even fucked those women together at once; performing a threesome while other naked women were around them, watching them while pleasuring themselves with their own fingers or sex toys habang ang alam ng lahat ay isa siyang mabuting alkalde, ama at fiancé.
"I'm feeling in the dancing mood today." Nagmulat ng mata si Wilson nang maramdamang umupo si Yelena sa kadungan niya at mapang-akit na bumulong sa kanyang tainga.
"Let's do the Mattress Mambo on your bed, what do you think?" Gumapang ang labi ni Yelena mula sa kanyang tainga patungo sa kanyang bibig. Nanunukso nitong dinilaan ang kanyang labi.
"Pwede rin namang dito na lang." Her hand moved to the back of his head, fingers tangled in his hair.
"I missed playing some intense bed games with you, Darling." Yelena claimed his lips in a frantic and needy kiss. Instinctively, he kissed her back.
Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nilang inangkin ni Yelena ang isa't isa. Magaling na political consultant ang babae. Nagta-trabaho ito noon sa kalabang partido at sinulot nila. Siya ang nakipag-usap sa babae at hindi naman siya nagdalawang-salita para kumbinsihin ito. Um-oo agad.
"Why are you kissing my daddy!?" Malakas na sigaw mula kay Ryke ang gumambala sa dalawa. Halos maibalya niya si Yelena sa gulat.
"R-ryke?" Mahinang tawag niya sa bata. Galit ang mababanaag sa mukha ng bata pero ang labi ay bahagyang nanginginig. He looks hurt, albeit he was putting on a brave face.
"Buddy, come here." Hindi iniwan ng matalim na titig ni Ryke si Yelena habang humahakbang palapit sa kanya. Binuhat niya ang bata at pinaupo sa kanyang hita.
"Ryke, son." Marahan niyang hinawakan ang pisngi nito at ipinaling paharap sa kanya.
"Tita Yelena—"
"She's not my tita!" Oh, ngayon lang niya nakitang nagpakita ng galit ang batang ito. He's been so sweet to everyone. Magalang. What would he expect? Na matuwa ito sa nasaksihang kataksilan niya.
"Okay, Ms. Yelena—"
"She's a witch!" He had to clench his teeth to keep himself from laughing.
"Okay. The witch..." He glanced up at Yelena who looks shocked. Kinindatan niya ito para kalmahin, alam niyang naiirita na ito. Muli niyang itinuon ang tingin sa anak na salubong pa rin ang kilay.
"She's just... um..."
"I saw you kissing her!" Ryke hissed, giving him a real dangerous stare, it was as though telling him "don't you try deny it."
Oh, God! Paano niya ba lulusutan ito? He has a smart snippet.
"Alright, I'm sorry, Ryke. Hindi na uulitin ni daddy. I promise." Itinaas niya ang kaliwang kamay bilang panunumpa. Kinuha ni Ryke ang kabila niyang kamay at iyon ang itinaas.
"It should be the right hand if you have intention of keeping your promise." Nahihiyang ikinuyom ang kaliwang palad at ibinaba iyon.
"Daddy promises," he said softly. Binalingan ni Ryke si Yelena na nakahalukipkip.
"I'll tell mommy about this!"
"Go on!" Nakataas-kilay na sabi Yelena na agad naman niyang sinaway. Hindi niya inaalala na malaman ito ni Samantha. Wala naman silang pakialam sa isa't isa, pero dapat ay hindi niya talaga ito ginawa. Kasal na siya at si Ryke ang sasaktan niya kapag gumawa siya ng kalokohan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top