Chapter 29
"NAKILALA ko si Robert sa club kung saan ako nagta-trabaho. Naging exclusive ako para sa kanya. Hanggang sa isang araw, nakilala ko si Elesio nang minsang isama siya ni Robert sa club." In spite of all the sadness and frustration of the circumstances, Wilson could notice the spark flickered in his mother's eyes.
"Unang kita ko palang sa kanya nagustuhan ko na siya. Nanghinayang ako! Naisip ko na sana siya na lang si Robert o di naman sana ay siya ang unang nakilala ko. Mas lalo akong humanga sa kanya nang tanggihan niya ang babaeng inalok sa kanya. Isa sa star ng club. Tapos, alkalde pa pala siya, at si Robert ay bali-balitang leader ng sindikato. Mula noon, halos gabi-gabi nang kasama si Elesio na nagpupunta sa club pero hindi siya kumukuha ng babae. Minsan, dumating siya na hindi kasama si Robert. Mag-isa lang siya kaya ako ang nag-entertain sa kanya since ayaw niya ng ibang babae. Nagtungo si Robert sa China ng mga panahon na iyon. Halos gabi-gabi kaming nagkikita ni Elesio hanggang aminin niyang gusto niya ako unang kita palang niya sa akin. At ako ang dahilan kung bakit halos gabi-gabi siyang nandoon kahit hindi naman talaga niya hilig ang pagpunta sa ganoong lugar at may pinuprotektahan siyang imahe dahil isa siyang alkalde." Saglit na tumigil sa pagkukwento si Nadia at ibinaling ang tingin sa pinto ng operating room.
"Ang saya ko nang magtapat siya, Eli! Noon ko lang naramdaman ang ganoong kaligayahan. Para akong reyna kung itrato niya kahit isa akong hostess sa isang club. Maraming lalaki ang handang bayaran ako ng malaking halaga para sa isang gabi but your father, Elesio never did that. Kuntento siyang mahawakan lang ang kamay ko. Mamasyal sa parke na magkahawak kamay. Ipinaramdam niya sa 'kin na ang linis-linis ko. I immediately fell in love with him kaso lang..." Pumatak ang luha mula sa mata ni Nadia.
"Nalaman ko na lang na nagdadalang tao na ako. Inaasahan ko na ititigil na niya ang pakikipagkita sa 'kin pero hindi... hindi niya ginawa, at sa halip gusto niya akong pakasalan at maging ama mo. Alam namin na magagalit si Robert pero mahal namin ang isa't isa at hindi ko gustong kamulatan mo ang gawain ng tunay mong ama. Nagpakasal kami agad-agad. It was a civil wedding." At ikinasal muli ang kanyang mga magulang sa simbahan. Tatlong taong gulang na siya nang mga panahon na iyon at siya pa ang ring bearer.
"Sa pagbalik ni Robert, kasal na kami ni Eliseo. Hindi naman siya nagpakita ng galit. Tanggap naman niya. Iyon ang akala namin dahil iyon ang ipinapakita niya. Nakita rin naman namin na mukhang masaya na rin siya lalo nang mabuntis niya si Samara." Ang ina ni Samantha.
"Kaso nag-iba si Robert nang malaman niya ang pangloloko ni Samara sa kanya. Nang malaman niyang hindi pala niya totoong anak si Samantha. Gustong-gusto kasi ni Samara si Robert noon pa man kaya isa si Samara sa nagtulak sa 'kin kay Elesio para mabaling ang atensiyon ni Robert sa kanya."
"Ibig mong sabihin magkakilala kayo ng mama ni Samantha noon pa man."
"Magkasama kami sa club. Star ng club si Samara at siya ang nagpasok sa 'kin sa club na 'yon. Gustong-gusto ni Samara si Robert dahil bukod sa may itsura ay mayaman pa. Ambisyosa si Samara, gusto niyang makaalis sa club at tuparin ang pangarap na pasukin ang fashion industry na nagawa naman niya ngayon. Kaya hindi ako magtataka nang ipaako niya kay Robert ang ipinagbuntis niya. Kaso napakaling pagkakamali ang ginawa niya. Isinakripisyo niya ang sarili niyang anak para sa ambisyon niya. Napakabait na bata pa naman ni Samantha. Napunta lang sa mga walang kwentang magulang."
"Buong akala ko, hindi alam ni papa na isa akong bastardo. Nilinlang ako ni senator. Pinaniwala niya akong walang alam si papa na anak mo ako sa iba."
"Sandali. Ano ang ibig mong sabihin? Alam mo ang tungkol sa bagay na ito?"
Tumango si Wilson. "Alam kong anak mo ako sa ibang lalaki pero hindi ko naman akalain na si Robert pala. Sinabi sa 'kin ni senator ang lahat, at nagbanta siyang sasabihin kay papa ang tungkol sa pagkatao ko kapag hindi ako sumunod sa gusto niya. Natakot naman akong, baka iwan ka ni papa. Alam ko kung gaano mo kamahal si papa kaya sumunod na lang ako sa gusto ni lolo."
"Ang matandang 'yon talaga! Ginamit din niya ang sekreto namin para mapasunod. Nagbanta siyang sasabihin sa 'yo at kay Robert ang totoo na hindi naman namin gustong mangyari."
"Paano ba nalaman ni lolo ang totoo?"
"Nang mabunyag ang sekreto ni Samara, itong lolo mo, pina-DNA ka bigla dahil nga sa uri ng trabaho ko at galit na galit siya nang malamang mangloloko rin ako. Pero mas nagalit nang malamang alam din ng papa mo ang totoo. Nagpaimbestiga ang lolo mo at nalamang nagkaroon kami nang ugnayan ni Robert hanggang sa wala na kaming choice kundi amining si Robert nga ang totoo mong ama."
At ginamit din ni senator ang lihim na iyon para mapasunod siya sa gusto nito, pati na rin si Elisse.
Ginagap ni Nadia ang kamay ni Wilson na nakapatong sa silyang kinauupuan.
"I'm so sorry! Maiintindihan ko kung magagalit ka sa 'kin."
Kinuha ni Wilson ang kamay ng ina at dinala iyon sa kanyang pisngi. Bahagyang ngumiti si Wilson. "I can't hate the woman who has given me the life that I have now. Don't be sorry, 'Ma. I should thank you. You gave me a better life. Isipin mo na lang kung lumaki ako kay Robert, mas malala pa sa sitwasyon ko ngayon ang naging buhay ko sana."
"Mahal na mahal kita, anak."
"And I love you more, kayo ni papa." Lumuluhang niyakap ni Nadia si Wilson. Nasa ganoong tagpo ang dalawa nang lumabas ang surgeon mula sa operating room. Tumayo ang dalawa.
"He's now out of danger," the surgeon informed them.
"We are actually expecting that. Masamang damo ang taong 'yon kaya alam naming makakaligtas siya." Hinawakan ni Nadia ang braso ni Wilson at pinisil. Nanaway ito.
"He'll stay in the recovery room until he's fully awake and all his medical signs are stable," dagdag ng doktor. Nagpasalamat sila sa doktor bago sila nito iniwan.
Pinawatagan na nila si Charlotta at ipinaalam ang nangyari kay Robert. Anytime soon ay darating ito.
Nabaril si Robert ng isa sa NBI agent nang makakita ito ng pagkakataon at tinamaan si Robert sa tagiliran. Dinala ito sa pinakamalapit na ospital. Si Ryke naman ay dinala rin nila ospital. Na-trauma nang husto si Ryke dahil sa pangyayari. Takot na takot ito maging sa mga pulis dahil sa baril. Hiling niya ngayon na sana ay makare-cover agad ang anak niya at agad ding makalimutan ang mga nangyari.
Hindi na hinintay pa ni Wilson at Nadia ang pagdating ni Charlotta. Bumalik sila sa silid kung saan naka-confine si Ryke. May mga pulis namang nakabantay sa labas ng operating room. Sa oras na maka-recover si Robert ay deretso ito sa kulungan. Doon ito mabubulok.
Napasukan ni Wilson si Ryke na iyak nang iyak. Agad niya itong nilapitan. Umupo siya sa kabilang bahagi ng hospital bed at nasa kabila naman si Sasahh na sobra ang pag-alala, pilit kinakalma ang anak.
"Daddy, I'm scared! Kukunin ako ng mga goons!" Inupo niya si Ryke sa kanyang hita. He gently holds his chin and makes him look at him.
"Listen, buddy! Walang ng goons. They were in jail now. Hindi ka nila masasaktan. Hindi ni daddy hahayaan mangyari 'yon. I promise that!"
"How about Lolo Robert? Bakit siya galit sa akin? What did I do wrong?"
"Nothing! You didn't do anything wrong. You are such a good boy. Sila ang masama kaya ikukulong sila. Hindi ka na nila masasaktan. Hindi papayag si daddy. Kaya 'wag ka nang matakot, ah?" Ikinulong niya sa bisig si Ryke, hinalikan ang ibabaw ng ulo nito habang masuyong hinahaplos ang buhok nito. Ipinaramdam niya sa bata na ligtas ito't wala ng dapat pang katakutan.
Kinabig niya si Sasahh at ginawaran din ng halik sa ulo. Ipinikit niya ang mata habang yakap ang kanyang mag-ina. Kanina, takot na takot siya nang malamang nasa panganib ang pamilya niya. Hindi niya kakayanin kung may mangyayari sa isa man sa mahal niya.
Robert should stay alive para pagbayaran nito ang lahat ng naging kasalanan nito.
"TYLER, ano 'to?" Hawak ni Sasahh ang pasaporte ng kambal habang naguguluhang nakatingin sa kapatid na nag-iimpake.
"Kailangan ko pa bang ulitin, Sasahh?" Tila naiirita na ito dahil sinabi na ni Tyler na aalis silang magkakapatid, tutungo ng Amerika pero muli ay tinatanong ni Sasahh.
"Hindi natin kailangan umalis! Bakit tayo aalis? Wala ng banta sa buhay natin. Nakakulong na si Robert at senator. We are free now. Nabawi na rin natin ang kompanya."
"Ang kompanya na bagsak na, Sasahh! Paano pa natin ibabangon 'yon?"
"We can do it. Pagtutulungan natin!"
"Hindi." He collected his belongings and stuffed them into luggage.
"Nagpasya na ako. Aalis tayo, iiwan natin ang Pilipinas."
"Saan tayo pupunta? Wala tayong property sa US, mahirap ang buhay doon. Wala na rin akong pera dahil nang akalain ng lahat na patay na ako, ibinigay sa 'yo ang lahat ng savings ko. Hindi ko naman pwedeng galawin ang pera ni Samantha. Wala rin tayong aasahan sa mga kamag-anak natin, Tyler, alam mo 'yan!"
Iilan lang naman ang kaanak nila na nasa iba't ibang panig pa ng mundo. Kung meron sa dito sa Pilipinas at malayo rin, at as if na tutulungan sila pagdating sa pera. Eh, nang mamatay nga ang kanyang mga magulang wala man lang nagpunta para makiramay. Ginamit din ni Tyler ang perang nakuha nito para ipagpatayo ng studio photography at ang iba ay in-invest nito.
Itinigil ni Tyler ang ginagawa at hinarap si Sasahh.
"Kakayanin natin! Kumikita ka naman sa pagmo-modelo mo. Magta-trabaho ako. Saka nakausap ko si Mitchell, tutulungan niya tayo. May bahay siya sa New York at pwede raw tayo doon. Ibebenta ko na rin ang kumpanya. Gagamitin natin ang pera para makapagsimula ng bagong buhay."
"Pero, Tyler, I need to stay here."
"Bakit? Dahil kay Wilson? May balak ka pa rin bang ipagpatuloy ang relasyon sa kanya pagkatapos ng ginawa ng ama niya sa magulang natin!?"
"Tyler, walang kinalaman si Wilson sa kung ano ang ginawa ni Robert."
"Anak pa rin siya ng pumatay sa magulang natin! Sasahh, tapusin mo na kung ano man ang relasyon mo sa kanya!"
"Tyler!" Bahagyang nanglaki ang mata ni Sasahh dahil sa mga naririnig mula sa kapatid.
"Hindi mo kaya?"
"Tatay siya ni Ryke. Ryke needs him!"
"Ryke needs him? Or you need him?"
"I love him!" Sasahh lowered her voice, almost begging Tyler to understand her.
He nodded his head, but he looks betrayed. "Okay. Maiwan ka. Kami na lang ang aalis. Pero huwag na huwag mong aasahang makikita mo pa kami dahil mula ngayon, pinuputol ko na ang pagiging magkapatid natin!"
"Tyler! Sobra naman yata 'yan!" Hindi makapaniwala si Sasahh sa inaasal ni Tyler.
"Bullshit, Sasahh! Namatay ang mga magulang natin dahil sa pakikipag-ugnayan mo sa Wilson na 'yon!" His voice boomed across the room.
"Si Robert ang may gawa ng pagkamatay ni mom at dad at walang kinalaman ang pakikipag-ugnayan ko kay Wilson sa bagay na 'yon."
Hindi nagsalita si Tyler pero makikita sa mukha nitong parang may kinikimkim, parang maraming gustong sabihin at anumang oras sasabog ito sa pagpipigil sa emosyon.
"Huwag mo naman sanang idamay si Wilson sa galit mo, Tyler. Kailangan siya ni Ryke. Kailangan siya ng anak ko... at oo, kailangan ko rin siya."
Muling nagpatuloy si Tyler sa paglagay ng gamit sa maleta. "Then, maiwan ka. Aalis kami. Malinaw na siya ang pinipili mo."
"Tyler, God! Wala akong pinipili! Mahal ko si Wilson at mahal ko kayo."
Inihampas ni Tyler ang hawak na damit sa maleta "Pinipili mo siya, Sasahh!" Tuluyang humulagpos ang emosyon ni Tyler. His voice became louder, more strident.
"Mula noon hanggang ngayon siya at siya ang pinipili mo!"
"Tyler, alam mong hindi 'yan totoo! Sinunod ko ang gusto ni dad."
"Talaga? Eh,'di ba patuloy kang nakikipagkita kay Wilson. Palihim!" Nanunumbat ang ang huling bigkas nito sa salita.
"Pinagbawalan ka ni dad, Sasahh, pero palihim ka pa ring nakikipagkita sa kanya. 'Di ba nga pinapasok mo siya sa kwarto mo noon? At malamang doon mo ginawa ang kalandian mo kaya ka nabuntis!"
Bahagyang kumunot ang noo ni Sasahh sa sinabi ni Tyler, inalala ang pangyayaring tinutukoy nito.
"Akala mo hindi ko alam ang pagpapalipas ng magdamag ni Wilson sa kwarto mo. May CCTV sa bahay baka nakakalimutan mo. Binura ko lang dahil alam kung magagalit si dad sa oras na malaman niya."
Naalala na niya! Iyon ang pangungulit sa kanya ni Wilson. Pinapupunta siya sa bahay nito pero hindi niya gusto dahil pinagsabihan na nga siya ng kanyang daddy. Pero si Wilson, napakakulit, pumunta ito sa bahay nila at blinakmail siya gamit ang larawan niyang kinulimbat nito sa kanyang wallet na naiwan sa opisina ni Alford. Hubo't hubad siyang nakahiga sa kama. Dalawang hiniwang kiwi lang ang nakatakip sa kanyang nipples at pinya naman sa pagkababae niya. Ikakalat daw nito kapag hindi niya ito kinausap. Walang siyang nagawa kundi ang papasukin na lang ito sa silid niya. Nanood ng movie at pagkatapos ay nauwi sa pagtatalik.
"Sa New York, hindi ba nagkikita rin kayo?"
"Paanong?" Her voice trailed off at the confusion.
"Bago ang aksidente niyo ni Samantha. Hindi ba patuloy ka paring nakikipagkita sa kanya kahit inanunsiyo na ang kasal nila ni Samantha? Pinagsabihan ka rin ni Dad na itigil mo ang pakikipagkaibigan kay Samantha pero hindi ka nakinig, Sasahh! At iyon ang naging dahilan ng kamatayan ni dad at mom! Ang katigasan ng ulo mo!"
"Hindi totoo 'yan, Tyler!" Bakit siya? Paanong siya ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. She tried to save them. God knows that! Ayaw man niyang sisihin ang ama pero kung tutuusin ito ang may kasalanang nang kinahinatnan nito. Kundi sana nito in-involve ang sarili sa ilegal na gawain ni Robert ay hindi mangyayari ang lahat.
Tinungo ni Tyler ang drawer at kinuha mula roon ang maliit na envelope. Inilabas nito mula roon ang mga larawan kasama ang isang flash drive. Mariin nitong hinawakan ang mga larawan.
"Hindi ko na sana gustong sabihin pa ito sa 'yo dahil ayaw kung sisihin mo ang sarili mo. Alam ko kung gaano rin kahirap ang pinagdaanan mo, but you have to know this para naman matauhan ka!"
Itinapon ni Tyler ang lahat ng larawan sa kama. Mga larawan nila ni Ryke at larawan na magkasama sila ni Wilson. Natuon ang mata ni Sasahh sa isang larawan; ang larawan nila ni Ryke. Kalong niya si Ryke habang pinapakain ng sorbetes. Ito iyong mga panahong nasa Pilipinas sila at nagpunta sa isang pasyalan. Kasama rin nila ang kambal. Nang malingat si Samantha sandali ay bumili siya ng sorbetes at kumain sila ni Ryke. Hindi pinapayagan ni Samantha si Ryke na kumain ng mga street foods.
"Lahat 'yang galing kay Robert, Sasahh. Pinapamanman ka niya noon pa. Alam niya ang lihim niyong pagkikita ni Wilson. Binalaan ni Robert si papa na sabihan kang layuan si Samantha at si Wilson. Nang makita ni papa ang larawan niyo ni Ryke na magkasama at makita kang umiiyak habang yakap ang ash jar. Bumalik sa kanya ang lahat ng kanyang ginawa. Sisingsisi siya. Gusto niya biglang bawiin si Ryke. Gusto niyang putulin ang koneksiyon kay Robert. Binalak niyang ipagtapat sa 'yo ang lahat. Pero nang sabihin ni papa kay Robert ang binabalak... pinapatay siya, Sasahh! Dalawang araw bago siya namatay, ipinagtapat niya ang lahat sa 'kin. Binalak ka niyang kausapin but it's too late!"
Napuno ng luha ang mata ni Sasahh habang nakatitig sa larawan nilang mag-ina.
"Dahil sa tigas ng ulo mo, dahil sa patuloy mong pakikipagkita kay Wilson, dahil sa hindi mo pagsunod sa mga sinabi ni papa namatay ang mga magulang natin!"
Umiling si Sasahh habang sunod-sunod na pumatak ang luha. Hindi!
"Ngayon masisisi mo ba ako kung hinding-hindi ko kayang tanggapin ang taong dahilan kung bakit nagkande-letse letse ang buhay natin! Si Wilson ang naging dahilan kung bakit tayo naulila, si Wilson ang dahilan kung bakit tayo naghihirap! Alam niya kung ano ang kayang gawin ni Robert pero inilagay ka pa rin siya sa kapahamakan!"
"Hindi kita pipigilan sa gusto mo, Sasahh! Kung gusto mong ipagpatuloy ang pakikipagrelasyon sa kanya, sige. Sige lang. Pero huwag mong aasahang matatanggap ko. Hinding-hindi kami magiging isang pamilya. Hindi ko gugustuhin dahil sa tuwing nakikita ko isa man sa dela Fuente at Swift. Mas lalo akong nasusuklam. Gusto ko silang gantihan. Gusto ko rin silang patayin!"
Dahan-dahan ang ginawang pagbaling ni Sasahh sa kapatid habang basa ng luha ang mga mata. Mariing nakakuyom ang kamao ni Tyler. Punong-puno ito ng galit. Nagliliyab at parang walang anumang bagay na kayang umapula roon.
Napaupo na lang si Sasahh sa kama pagkatapos lumabas ni Tyler ng silid. Bakit kailangan maging ganito kakomplikado ang buhay nila? Gusto lang naman niyang makasama ang mahal niya pero bakit ang hirap-hirap gawin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top