Chapter 28

MAGANDANG BUHAY! Sorry sa kalituhan kahapon.  Nag-error kasi ang app then nabura ang kalahati sa isinulat ko kaya kinailangan kong ulitin. While trying to retrieve the missing part I accidentally hit the publish, but immediately unpublished it again. Sensiya na!

+++

ROBERT's gaze fixated at the sea through the glass panel. His fingers would tighten around his glass of scotch as he was suddenly and thoroughly consumed with seething rage at the rush of memory of how Samantha claimed Ryke as her own. Matapos iwan ni Matias ang sariling apo sa pinto ng bahay ni Samantha katulad nang napagkasundaan ay agad na nagpakita si Robert kay Samantha na ikinagulat pa ng anak.

Hindi pa rin ito nasasanay sa suprise visit ng ama kahit madalas na iyon gawin ni Robert. Pero sabagay, halos isang taon si Robert na hindi dumadalaw sa anak. Robert let Samantha do what she wants and in return, susunod ito sa gusto niya. Sa takdang panahon na kakailanganin na niya ito para ipagpatuloy ang sinimulan niya ay hindi ito tatanggi.

"You haven't informed me na bibisita ka."

"I never did that. It's been a year since my last visit. Hindi ko alam na may anak ka na pala." Robert's attention focusing on the child as he spoke.

"Ahm, papa... this child is--"

"May apo na pala ako. A girl or a boy?" He interrupted her, stopping her from finishing what she was saying.

Samantha stared at the child so intently. She seems a bit serious or like she was in a deep thought. It took her awhile before she returned her gaze to his father.

"A boy."

"That's good. Sino ang ama? Si Adan?" Isang tipid na tango lang sagot ni Samantha na bahagyang ikinataas ng sulok ng labi ni Robert.

Liar!

Alam na agad ni Robert ang nasa isip ng anak. Ang nais nitong palabasin. Pero mas maganda ang ginagawa nito dahil mas papabor sa kanyang mga plano ang gagawin ni Samantha-ng pag-ako sa bata. Aminado siyang hindi niya akalain na aaukin ni Samantha ang bata at ang kinababaliwan nitong lalaki ang sasabihing ama. Palagay yata nito ay makakatakas ito sa obligasyon dahil doon. But at least, hindi na niya kailangan pilitin itong akuin ang bata. Ito na mismo ang gumawa.

He tenderly rubbed his thumb across the infant's plump pink cheek. Poor Sasahh Rodriguez. She will never having a chance to see her child.

"Napakagwapong bata. You have to take care of him."

"Aren't you mad?" Samantha at first looked shocked, but almost at once, her face melted to an amazed look.

"There is nothing we can do about it. Nandito na ito, nangyari na."

Happiness splashed across Samantha's face. "Paano po ang kasunduan, papa? Ang kasal namin ni Eli?" Agad na nahimigan ni Robert ang excitement sa boses ni Samantha sa pag-aakalang tatapusin na ang kasunduan dahil sa bata.

"Tuloy pa rin."

Ang kasiyahan na bumalatay sa mukha ni Samantha ay unti-unting naglaho. "Pero may anak na ako."

"Si Eli ang magiging ama ng bata. Ipapakilala natin ang bata bilang anak ni Eli sa tamang panahon."

"Papa!" bulalas ni Samantha, hindi makapaniwala sa mga sinasabi ni Robert. Ang umusbong na katiting na pag-asa sa puso ng babae ah tuluyang naglaho. Kawalan ng pag-asa naman ang ngayon ay yumayakap dito.

"Tingin mo po ba papayag siya?"

"Papayag siya, Samantha. You and Eli were born to obey."

"Pero papa, my son deserves to be with his father."

"Think twice before you decide to disobey me, Samantha. You know what I'm capable of. Kaya kong dispatsahin ang batang 'yan kung magiging sagabal siya sa mga plano ko. At idamay na rin natin ang ama ng batang 'yan. Si Adan."

Samantha cradled the child in her arms protectively. Bumalatay sa magandang mukha nito ang takot.

Plinano ni Samantha na gamitin ang bata para matigil ang kasunduan. Akala yata nito mangyayari ang plano. Pinanindigan na lang ni Samantha na sariling anak nito  ang bata. Okay na sana ang lahat pero sagabal talaga ang Sasahh Rodriguez na iyon. Naging kaibigan pa ito ni Samantha paglaon.

Wala siyang kaalam-alam na napapaikot na pala siya ng mga kaaway niya. Kahit kailan ay sagabal talaga si Sasahh Rodriguez sa mga plano niya kaya nga pinadispatsa na niya sa ospital palang pero mali... nagkamali siya. Si Samantha ang napatay niya.

"Aaaaah!" He unleashed his anger and frustration by smashing the glass against the wall, making a crazy mess. Humahangos na ibinalik ni Robert ang tanaw sa karagatan.

Kung hindi pa tumawag si Senator sa kanya para sabihing may nakita itong DNA test ni Samantha at Ryke ay hindi pa niya malalaman ang pangloloko ng mga ito sa kanya. Dapat ay positibo ang resulta niyon dahil minanipula na niya iyon.

Nagkahinala si Robert na may balak na ipa-DNA test ni Wilson si Samantha nang makita ni Robert si Wilson sa sarili niyang pamamahay na kumukuha ng hibla ng buhok ni Samantha sa ginamit nitong suklay. Nabahala si Robert na baka may nalaman ito tungkol kay Ryke. Pinamanmanan niya si Wilson hanggang sa kumpirmahin sakanya ng kanyang tauhan na nagpunta ito sa isang DNA testing laboratory.

Pinuntahan ni Robert ang naturang DNA testing laboratory at binayaran ang nagsagawa ng DNA test para baguhin ang magiging resulta niyon. Positibo dapat ang resulta niyon kaya laking pagtataka niya nang ibalita sa kanya ni senator ang nalaman.

Robert asked his men to abduct the lab technician who's performing DNA test.

"Sir, binago ko naman ang resulta tulad ng gusto niyo!" Takot na takot ang lalaki habang natutukan ni Robert ng baril.

"Kung binago mo, bakit negatibo ang resulta?"

"Kaya nga po. Positibo ang resulta ng DNA test kaya binago ko tulad ng gusto mo. Ginawa kong negative."

Kung positibo ang resulta ng DNA test, isa lang ang ibig sabihin niyon. DNA sample ni Ryke at Sasahh Rodriguez ang ginamit at hindi ang kay Samantha. Noon unti-unting napagtagni-tagni ni Robert ang lahat. Ang pagbabago sa mga kilos ni Samantha at ang pag-uugali nito, na hindi niya binigyan nang pansin, na nagpapalinaw na ang Samantha na pinakasalan ni Wilson, ang Samantha na nakakausap niya ay isang Impostora. Posibleng ito ay si Sasahh Rodriguez na hindi namang malayong mangyari dahil nasira ang mukha ni Sasahh at Samantha. At ang masakit at nakakagalit na katotohanan ay si Samantha ang namatay at hindi si Sasahh Rodriguez.

Walang kahit na sino man ang maaaring magpaikot sa kanya. Walang sinuman ang dapat na manggagu sa kanya. Ang tagal niyang pinagplanuhan ang lahat ng ito. Ginawa niya ang lahat para mapagkasundo si Wilson at Samantha para hindi tuluyang maputol ang relasyon niya sa mga dela Fuente.

Si Wilson ang perpektong ganti niya para kay Eliseo na walang ginawa kundi ang makipagkumpitensiya sa kanya mula pa man noon. Walang ginawa kundi ang agawan siya. Robert deliberately makes Eliseo feel like a failure father by dragging Wilson into syndicate. Gusto niyang maging katulad niya si Wilson. Maging isang krimenal na katulad niya.

Napakalaki ng atraso ni Eliseo sa kanya. Dahil kay Eliseo ay mas nagmukha siyang walang kwenta sa mata ni Don Augustine. Mas nagmukha siyang bobo sa paningin ng matandang iyon. Sa halip nga na siya ang i-mentor sa pagnenegosyo ay mas pinili nitong tulungan si Eliseo. Ipinama pa nito sa panganay na anak ni Eliseo ang malaking share nito sa insurance company. Ang inaasahan niya noon ay sa kanya iyon iiwan pero nagkamali siya.

Ngayon, malalaman niyang si Nadia pa pala ang tagapagmana ni Augustine at mapupuntang lahat kay Eliseo ang lahat. Hinding-hindi siya papayag. Magkakamatayan muna sila bago mangyari ang bagay na iyon.

"Boss, nandito na ang mga babae ng dela Fuente." Imporma ng isa sa mga tauhan ni Robert at magkasunod na ipinasok ng dalawa pang tauhan si Sasahh at Nadia.

"Robert, nasaan si Ryke? Nasaan ang apo ko?"

Mula sa karagatan ay humarap si Robert sa dalawang babae.

"Welcome to my paradise, Nadia and my fake daughter."

SA KABILA ng takot ay pinanatili ni Sasahh na maging matatag ang kalooban. Alam niyang walang kasiguraduhan na makakaalis pa sila ng buhay sa lugar na ito. Pero handa niyang isakripisto ang buhay niya mailigtas lang niya si Ryke.

"Nasaan ang anak ko? Napaka-hayup mo talaga! Kahit walang muang na bata dinadamay mo!"

Tumaas ang sulok ng labi ni Robert at humakbang palapit sa kinaroroonan ni Sasahh at Nadia. Huminto ito sa mismong harapan ni Sasahh habang ang matalim na mata ay nakatitig sa mga mata ni Sasahh.

"Insulto para sa 'kin na tawagin akong hayup! Hindi pumapatay ng mabuting tao ang hayup! Pinatay ko ang ama mo at nanay mong nagmamakaawa! Demonyo, Sasahh! Demonyo ako!"

Umigkas ang kamay ni Sasahh at isang napakalakas na sampal ang pinadapo sa kabilang pisngi ni Robert. Naging alerto naman ang tauhan, hinawakan nito si Sasahh sa magkabilang braso mula sa likuran. Robert gritted his teeth, radiating anger from his eyes and Sasahh could feel it.

"Kulang pa 'yan sa mga atraso mo sa pamilya ko! Kung magkakaroon lang ako ng pagkakataon, papatayin kita!"

Robert grabbed her jaw, forcing her to look at him in the eye. "Kung magkakaroon ka ng pagkakataon! Ikaw ang papatayin ko! Pinatay mo ang anak ko! Pinatay mo si Samantha!"

"Hindi ako ang pumatay kay Samantha, Robert! Ikaw ang pumatay sa sarili mong anak!"

Mas lalong pinasiklab ng mga salitang binitawan ni Sasahh ang galit ni Robert. Binitawan nito ang kanyang mukha at isang malakas na sampal ang natanggap niya rito. Sa lakas niyon ay nasubsob siya sa sahig. Nahilo siya.

"Sasahh!" Gusto man siyang tulungan ni Nadia ay hindi nito magawa dahil hawak ito ng tauhan ni Robert.

"Iupo niyo ang dalawang iyan doon!" Agad na tumalima ang mga tauhan. Hinatak ng lalaki ang nakasalampak na si Sasahh sa sahig at hinila patungo sa sofa. Pinaghiwalay ang dalawa ng upuan.

Kinuha ni Robert mula kay Nadia ang hawak na envelope.

"Ito na ba ang hinihingi ko?" Tanong nito habang kinukuha ang laman niyon. Ang testamento ni Don Augustine. Nasisiyahang itinango-tango nito ang ulo nang makita pakay nito. Inutusan ni Robert ang tauhan na kunan ng video si Nadia.

"Magbigay ka ng statement na ibinibigay mo sa 'kin ang lahat ng ari-arian ni papa." Without hesitation Nadia did what she was told to do so in front of a camera. May pinapirmahan din si Robert sa babae na mga dokumento na nagpapatunay na isinasalin ni Nadia sa pangalan ni Robert ang lahat ng ari-ariang minana nito sa yumaong ama.

"Ngayong nakuha mo na ang gusto mo, paalisin mo na kami. Ibalik mo na ang apo ko."

Naupo si Robert sa sofa na nasa bandang kaliwa ng sofa na nauupuan ni Nadia. Tinitigan ni Robert si Nadia. Ang matapang na mukha nito ay unti-unting umamo. Kung ano man ang dahilan ay hindi alam ni Sasahh.

"Sumama ka sa 'kin, Nadia."

Ikinagulat ni Sasahh ang narinig mula kay Robert. Hindi rin nag-uutos ang tono nito kundi nakikiusap. Maging si Nadia ay ganoon din ang reaksiyon.

"Ano ba ang pinagsasabi mo, Robert?"

"Sumama ka sa 'kin at ibabalik ko sa 'yo ang lahat ng ito. Iwan mo si Eliseo!"

Umiling si Nadia. "Hindi. Hinding-hindi ko gagawin 'yan! Hindi ko kailangan ang kayaman na 'yan, Robert. Ang pamilya ko ang yaman ko. Sapat na sila para mabuhay akong masaya. Paalisin mo na kami dito. Ibalik mo na ang apo ko sa amin."

Ang mga salitang iyon mula kay Nadia ay tila mitsa para muling bumalik ang bangis ni Robert.

"Sige." Nagkatinginan si Sasahh at Nadia. Kagalakan ang bumuha sa mukha ni Nadia pero hindi kay Sasahh. Nababala pa rin siya. Ganun-ganun na lang ay papaalisin sila nito. At sa nakikita niyang bangis sa anyo ni Robert. She doubts he will release them that easily.

"Pero ikaw lang ang aalis." Sinasabi na nga ba. Hindi basta-bastang paalisin lang sila nito. Lalo na siya. She'd expected this.

"Robert, nasa 'yo na ang gusto mo! Ano pa ba ang kailangan mo?"

"Malaki ang atraso ng babaeng ito sa 'kin. Sinira niya ang mga plano ko. Kailangan niyang pagbayaran 'yon."

"Sige, maiiwan ako rito kung 'yan ang gusto mo pero pakawalan mo ang anak ko. Pakawalan mo na sila."

"Ako ang magsasabi kung kailan at kung sino ang makakaalis sainyo!"

"Boss!" A not looking good man barged in into the door, looks worried.

"Nandito si Senator Dela Fuente, kasama ang mga tauhan niya." Awtomatikong napatayo si Robert mula sa kinauupuan. Maging si Sasahh ay napatayo rin at bumaling sa nakabukas na pinto, anticipating for Senator to enter the room. Ano ang ginagawa ni Senator dito? Hindi kaya may kinalaman din ito sa mga nangyayaring ito.

Hindi nga nagtagal ay pumasok si senator kasama ang anim nitong tauhan na pawang armado. May ilang kalalakihan ding pumasok pa, hindi niya alam kung kaninong tauhan ang mga iyon.

"Ano ang ginagawa mo rito, senator?"

"Nandito ako para sa apo ko. Nasaan siya?"

Humalakhak si Robert. "Parang totoo, ah? Alam ko naman kung bakit nandito ka. Dahil sa mamanahin ng manugang mo. Wala na, Rudolph, napirmahan na ni Nadia." Itinaas nito ang kamay sa kung saan nito hawak ang envelope na naglalaman ng mga papeles.

"Wala akong pakialam sa mga iyan! Si Ryke ang ipinunta ko rito." Ang nang-uuyam na ekpresyon sa mukha ni Robert ay napalitan ng pagtataka.

"Kung ang mana lang ang habol mo, kunin mo. Kung gusto mo ring kunin ang buong pamamahala sa sindikato, go ahead. Ibalik mo lang si Ryke sa amin. Walang alam ang bata sa mga nangyayaring ito."

"Nababaliw ka ng matanda ka!"

Ipinagkibit-balikat lang ni senator ang pang-iinsulto ni Robert. May isang tauhan na muling pumasok sa silid. Lumapit kay Robert at may ibinulong. Sa reaksiyon ng lalaki ay masasabing hindi nito nagustuhan ang natanggap na balita. Matalim ang titig nitong binalingan si senator.

"Hayup ka, Rudolph, traydor ka!" Nahintakutan si Sasahh, maging si Nadia na napatayo mula sa kinauupuan nang magtutukan ng baril ang bawat grupo. Nakumpirma ni Sasahh na ang huling mga lalaking pumasok ay tauhan ni Robert dahil nakatutok ang mga hawak nitong baril sa pangkat ni senator. Kalmado lang si senator samantalang si Robert ay namumula sa matinding galit.

"Mommy, lola, Lolo Senator!"

"Ryke!" Agad na kumilos si Sasahh para lapitan si Ryke na nasa bungad ng pinto, karga ito ng isa sa tauhan ni Robert pero tinutukan siya ng baril ng isa mga lalaki.

Walang nagawa si Sasahh kundi ang pagmasdan na lang ang anak. Gusto niyang mayakap si Ryke. Mukhang ayos naman ito. Wala namang kahit anong sign na sinaktan ito. Nagkatinginan si Sasahh at Nadia nang may marinig na sunod-sunod na putok mula sa labas. Mabilis na kumilos so Robert at ibang tauhan nito. Pinuprotekhan ang amo sa bawat kilos nito.

Nilapitan ni Robert si Ryke at kinuha ang bata mula sa tauhan nito at tinutukan ng baril si Ryke sa ulo. Bumalatay ang matinding takot sa mukha ng bata at noon ay nagsimula itong umiyak.

"Huwag kayong magkakamaling kumilos kundi sasabog ang ulo ng batang ito."

Nang makaalis si Robert ay sumenyas si Senator sa mga tauhan. Halos hindi nag-register sa utak ni Sasahh ang mga sumunod na nangyari. Nagkagulo sa loob ng silid at may mga putok ng baril ang umalingangaw. Nagyakap sila  ni Nadia sa sulok. May ilan na bumulagta sa sahig. Nang makakita ng pagkakataon ay hinila ni Sasahh si Nadia palabas ng silid. Kinuha niya ang baril na mula sa nakabulagtang lalaki.

"Susundan ko sila! Kailangan kong makuha si Ryke."

"Sasama ako." Nang makalabas ag beach house ay agad namang nakita ni Sasahh si Robert kasama ang ilan sa mga tauhan nito. Patungo ito sa kung saan ang nakahandang helicopter na sobra niyang ikinabahala. Kapag hindi niya ito napigilan tiyak na hindi na niya makikita si Ryke.

"Roberttt!" Sasahh shouted his name at the top of her lungs. She runs after him, leaving Nadia behind. She increased her speed. She runs as fast as she could, knowing it was her last chance to save her son from that evil. Her heart galloped inside her rib cage, she thought it might leap out while the tears coursing down her cheeks. Nilukob si Sasahh ng matinding takot nang makitang malapit na si Robert sa helicopter. Hindi na niya ito maabutan! But she just keeps on running.

"Robertttt!" Buong lakas niyang sigaw pero hindi nito pinagtuunan ng pansin ang pagtawag niya.

Nabuhayan si Sasahh nang makita ang pagsulpot ng piloto mula sa kabilang bahagi ng helicopter, natutukan ito ng NBI agent na kakilala ni Mitchell, ang tumutulong sa kanila. Sumunod na sumulpot si Mitchell at Tyler at iba pang NBI agents. Mukhang kanina pa nandito ang mga ito at hinihintay ang pagtakas ni Robert. May mga pulis naman nakikipagpalitan ng putok sa iba pang tauhan ni Robert sa may beach house.

Nasakote ng mga NBI agents ang tauhan ni Robert habang si Robert ay tinutukan ng baril sa ulo si Ryke. Bitbit lang nito si Ryke sa tagiliran nito. Nakadapa ang posisyon, nakatutok sa likod ng ulo ang baril habang iyak nang iyak. Naaawa siya sa sitwasyon ng anak niya. Napakabata pa nito para maranasan ang ganitong nakaka-trauma na pangyayari.

"Sige, subukan niyong lumapit at sasabog ang ulo ng batang ito!" Jusko! Sa nakikita niyang galit at sitwasyon ni Robert alam niyang hindi imposibleng gawin nito iyon.

"Robert, parang awa mo na! Ako na lang! Huwag ang anak ko! Parang awa mo na, pakawalan mo na ang anak ko!"

"Hayaan niyo akong makaalis!"

"Hahayaan ka naming makaalis, pero bitawan mo ang bata!" Humalakhak si Robert sa kundisyon ng NBI agent.

"Huwag niyo akong gagaguhin! Aalis akong kasama ang batang ito!"

"No! No!" Tutol ni Sasahh habang nakasalikop ang mga palad. Hawak pa rin niya ang baril. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa kanyang mata.

"Mapapatay niyo ako pero titiyakin kong mauuna ang batang ito!" Lalong pumalahaw ng iyak si Ryke nang idiin ni Robert ang baril sa likod ng ulo nito.

"Ano!? Hahayaan niyo akong umalis o papatayin ko ang batang ito!" Paulit-ulit na umiling si Sasahh. Kapag hinayaan niyang isama ni Robert si Ryke tiyak hindi na niya makikita ang anak niya.

"Robert, tama na!" Bumaling si Sasahh kay Nadia na sumunod sa kanya. Kasama na nito si Eliseo at Wilson. Nilapitan siya ni Wilson at mahigpit na niyakap.

"Wilson, si Ryke! Ang anak natin!"

"Maililigtas natin siya!" Bagamat sinusubukan maging kalmado ay hindi naman maitago ang pagkabahala at takot na makikita sa mukha ni Wilson.

"Woah! Kumpleto ang pamilya! Sige, hintayin natin ang patriarch ng dela Fuente para mas kumpleto. Mukhang mahal na mahal pa naman ni Rudolph ang batang ito. Panoorin niyo kung paano kong pasasabugin ang bungo ng batang ito!"

"Lolo Robert, please, let me go! Masakit po!" Umiiyak na pakiusap ni Ryke.

"Masakit, dito ba!?" Naipikit ni Sasahh ang mata habang si Wilson ay pinagtagis ang mga ngipin sa galit at takot nang may gigil na idiinin ni Robert ang dulo ng baril sa ulo ni Ryke. Lalong umiyak ang bata.

"Hinding-hindi ako magpapahuli sainyo! Mamamatay ako pero titiyakin kung isasama ko ang batang ito. Duduruguin ko kayo sa pamamagitan ng batang ito!"

"Robert, tama na! Huwag mong sasaktan ang sarili mong apo!" Lumuluhang pakiusap ni Nadia.

"Magtigil ka, Nadia! Hindi ko siya apo! Hindi siya anak ni Samantha!"

"Apo mo siya! Anak siya ni Eli, Robert! At ikaw... ikaw ang tunay na ama ni Eli! Anak mo si Wilson!"

Gulat na bumaling si Wilson sa ina, maging si Sasahh ay nabigla sa rebelasyon na iyon. Si Eliseo naman ay hindi makikitaan ng pagkabigla  na mukhang alam ang bagay na sinasabi ni Nadia. Totoo nga ba? O baka naman nililinlang nito si Robert.

"Hindi totoo 'yan! Huwag mo akong linlangin!" Sigaw ni Robert.

"Totoo ang sinabi niya, Robert!" Pagkukumpirma ni Eliseo.

"Bago kami nagsama ni Nadia, buntis na siya. Alam ni papa ang tungkol sa bagay na ito. Ito ang ginamit niya para mapasunod kami. Para manatiling lihim ang tungkol sa pagkatao ni Eli kinailangan naming maging sunod-sunuran sa lahat ng gusto niya."

Nagtagis ang bagang ni Robert. Itinutok ang baril kay Nadia at Eliseo. "Hindi!"

"Ikaw ang unang lalaking nagdaan kay Nadia, Robert, alam mo 'yan bago naging kami! Mas pinili niyang ilayo ang anak mo sa 'yo dahil sa mga masasama mong gawain!"

"Hindiiii!" Isang nakakabinging alingaw-angaw ng putok ng baril ang humalo  sa malakas na sigaw ni Robert.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top