Chapter 26

Walang imik si Sasahh habang sakay ng armored sedan ni Wilson na minamaneho ni Simon. Kala mo presidente na naka-armored car pa. Regalo raw ito ni Robert kay Wilson nang manalo ito sa pagka-Alkalde.

Isinandal ni Sasahh ang gilid ng ulo sa bintana at ipinikit ang mata. Nakaramdam siya ng matinding kapaguran. Doble ang pagod sa mga fashion show na dinadaluhan niya.

Siguro dahil sa sama ng loob kay Wilson kaya ganito. Maisip palang niya ang posibleng ginawa nito at ni Queenie parang sasabog ang dibdib niya sa galit at sakit.

Hindi na rin muna siya sumama kay Samara katulad ng nais nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa babae. Hindi siya handa sa mga nalaman. Bukas na lang siya makikipagkita sa babae.

Nagmulat ng mata si Sasahh pero hindi tuminag nang maramdaman ang pagyakap sa kanya ni Wilson mula sa tagaliran.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong magkasugat-sugat ang pagmumukha mo!" Napangiwi si Wilson nang maramdaman nito ang galit sa boses ni Sasahh kahit mahina iyon.

"Baby-- aw!" Mapwersa niya itong sinikmuraan. She isn't sure if she'd hurt him dahil tila bato sa tigas ang tiyan nito, pero tila weapon naman ang siko niya dahil sa  buto. Payat siya kaya mas litaw ang buto niya sa siko kaya kahit paano naman sigurado siyang nasaktan ito.

"Kailangan talaga kitang pakainin para magkalaman ka naman."

She glared at him. "Gusto mo ng malaman? Kaya ba pati ang higad na si Queenie pinatulan mo na?!" Queenie is a bombshell. She's thick and curvy.

"Baby girl, no!"

"You like thick! Ayaw mo na sa 'kin because I'm bony!" Nanginig ang labi ni Sasahh nang magbadya ang luha sa mga mata niya. Harap-harapan siyanh nilalait nito. At ngayon lang din siya nakatanggap ng panglalait mula sa isang tao. At sa asawa pa niya. She'd never felt so insecure before. She'd never felt so ugly. Pero ngayon parang pinasayad nitong bigla sa lupa ang self-esteem niya.

"Of course not! You have statuesque figure and I love that. You are perfect for me!"

"Sinungaling! Sinundan mo si Queenie sa comfort 'di ba?"

"Yes! But I have good explanation for that. Just hear-"

"You are horny at kailangan mong magparaos! That's your reason!"

"No!" Kinuha nito ang cellphone, saglit na kinalikot bago inabot kay Sasahh.

"Panoorin mo." She did as she was told. But the video has only triggered her anger. The contain of the video hurt her more. Tila nabara ang lagusan ng hangin sa kanyang lalamunan. Hindi siya makahinga nang maayos. Naninikip ang dibdib niya sa rumagasang  iba't ibang emosyon habang pinapanood ang make out session ni Wilson at Queenie.

Judging by Queenie's facial expression she seems as though she was in heaven. She looked like a woman on the verge of climax. Sarap na sarap sa mga haplos ni Wilson. Wilson touched her boob, lovingly caressed the side of her body while juking their pelvises together. Hanggang sa sapuhin ni Wilson ang pang-upo ni Queenie at parang panadero ang putang-ina na nilalamas ang pekeng puwet ng babae while Queenie is literally fucking his leg.

Matalim ang matang bumaling siya kay Wilson.

"Nag-video ka pa! Ipinakita mo pa sa akin!" Hinablot niya ang palumpon ng mga mapupulang rosas na ibinigay nito sa kanya kanina at pinaghahampas iyon sa mukha ni Wilson. Nagkandalagas-lagas ang mga bulaklak.

Hindi niya alam kung ano ang gustong palabasin ng walang-hiyang ito!

"Baby, calm down! Calm down!" Panay ang pakiusap ni Wilson habang sinasangga ang mga hampas pero hindi niya pinakinggan ang hiling nito. Calm down? Paano siyang kakalma, eh, niloloko siya nito.

Hinuli ni Wilson ang magkabilang palapulsuhan ni Sasahh.

"Stop, Mrs. Dela Fuente!" Napuno ng malakas na boses ni Wilson ang buong sasakyan na maging siya ay kanyang ikinagulat. Natameme si Sasahh sa pagkabigla.

"Sumusobra ka na, ah! I'm the man here! Isa akong alkalde kaya irespeto mo, ako! I'm the husband and the law!" Napipilan si Sasahh sa sigaw ni Wilson. Pero saglit lang iyon dahil mas pinasiklab lang niyon ang galit na nararamdaman niya.

"You bastard!" Hinablot niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Wilson at malakas na sampal sa pisngi ang kanyang pinakawalan. Ito naman ang natigalgal sa pagkabigla. Mas lalong tumalim ang mga mata nito.

"Wala akong pakialam kung alkalde ka o presidente ka pa! I'm your fucking wife and I have all the right to hurt or even kill the philandering husband like you. But don't worry, I won't do that. Masasayang ang buhay ko kapag ginawa ko 'yon! Hihiwalayan na lang kita!"

Ang matapang na mukha ni Wilson ay biglang lumambot.

"Baby girl! Huwag naman ganyan!" Masuyong kinuha ni Wilson ang kamay ni Sasahh pero ipiniksi niya iyon.

"Don't touch me with your amoy kiki na kamay."

"I didn't touch her..." Bumaling muna ito kay Simon bago itinuloy ang sinasabi sa napakahinang boses. "... vagina." Marunong din palang mahiya.

"Nakita mo naman ang video 'di ba? Intindihin mo kasi ang video para malaman mo kung ano ang purpose niyon." Muli nitong kinuha anh cellphone na nahulog sa sahig.

"Take it and listen very carefully. Huwag mo nang panoorin. Ang audio na lang."

Inabot muli ni Wilson kay Sasahh ang cellphone. Nakataob na iyon para hindi niya  makita ang video. As she intently listening the audio, it gradually dawned on her the purpose of this video.

Napatingin siya kay Wilson. "That's the reason why I did that. Umamin siya na may kinalaman ang nanay niya sa aksidente niyo. May ibedensiya na tayo."

Tumango si Sasahh. "This is great!"

"Yeah. Thanks to my charm. I just used the basic seduction but look at Queenie. She seems on a verge of climax." He laughed, looks so proud to himself and that's infuriating her again.

Inihampas niya ang cellphone sa dibdib ni Wilson. Dumaing ito at kinipkip ang cellphone sa dibdib.

"Napakayabang mo! Sabihin mo nag-enjoy ka naman sa mga pinaggagawa mo!"

"Of course not!"

"You touched her boobs. You lustfully caressed her body. You ground your pelvis against hers at higit sa lahat, she humped your leg like a horny dog habang nilalamas mo ang peke niyang pwet!"

"Baby--"

"Don't touch me!" Pigil niya rito nang tangka siya nitong aabutin.

"Sanitize you body first. At isang buwan kang hindi sisiping sakin. Understood?"

"What?!" Bumulalas si Wilson na akala mo ay iyon na ang pinakanakakatakot na salitang narinig.

"That isn't fair! Ginawa ko lang naman 'yon para sa ibedensiya."

Alam naman niyang maganda ang hangarin ni Wilson. Pero seeing Wilson making out with Queenie is infuriating her. Nasasaktan siya na naiinis! Buset na babaeng iyon. Sarap na sarap na kinikiskis ang pukelya sa hita ng asawa niya. Napakawalang hiya!

"Simon, may alam ka bang nagsa-sanitize ng katawan?"

"Wala ho, mayor! Maghilod ka na lang ho ng bato. Saka tiis-tiis na lang ho muna. Isang buwan lang naman." Natatawang suhesyon ni Simon. Wilson let out an exasperated sigh.

NAKIPAGKITA si Sasahh kay Samara kinabukasan pagkatapos ng fashion show. Matagal na palang nagkikita si Samantha at Samara na hindi alam ni Robert. Si Samara ang dahilan kung bakit napasok ni Samantha ang international fashion industry. Nang malaman ni Robert ang lihim na pagkikita ng dalawa ay agad nitong pinutol iyon. Wala ring magawa si Samara dahil maging ang asawa nito ay hindi alam ang tungkol kay Samantha. Itinatago ni Samara sa asawa at publiko ang tungkol kay Samantha.  May anak si Samara sa asawa nito ngayon. Si Samantha Margaux.

Ang hindi lang niya lang maintindihan ay kung bakit iniwan ni Samara si Samantha kay Robert na hindi naman nito anak. Pero hindi na niya 'yon problema para isipin pa.

Ang kailangan niyang pagtuunan nang pansin ngayon ay ang tuluyang pagpapabagsak kay Robert, pati na rin kay Charlotta. Umaayon sa gusto at plano niya ang lahat. Si Nadia, ang mama ni Wilson ay ibinulgar na ang totoong pagkatao kay Robert. Nagulat na lang siya nang malamang kinausap ni Nadia si Robert at sinabi rito ang kaugnayan nito kay Don Augustine Guzman kanina lang. Sinabi ni Nadia na kukunin na nito ang pamana mula sa ama.

Nalaman niya ang tungkol sa bagay na ito nang ipatawag siya ni Robert. Wala pang alam si Wilson sa ginawa ng ina. Pero mukhang ayaw pumayag ni Nadia na idamay si Wilson sa gulong ito kaya kahit hindi gusto ay napilitang ilantad ang sarili sa taong gustong pumatay rito. Nasa La Carlota ngayon si Wilson, bumalik ito dalawang araw matapos ang fashion show dahil may mga kailangan itong gawin sa bayan. Ayos na naman sila pero hindi talaga niya pinatikim kahit nangungulit. Isang buwan? Kaya niyang panindigan iyon.

Tahimik siyang nakatayo sa sulok ng opisina ni Robert habang nakamasid sa nagpupuyos sa galit na lalaki habang si Charlotta ay tahimik na nakaupo sa visitor's chair na nasa harapan ng desk. She looks very disappointed. Sino nga ba naman ang hindi. Eh, ang akala nitong mayamang asawa ay hindi naman pala. Oh, mayaman naman ito. He owns clandestine drug laboratory. Kaso nga lang mawawala rito ang ipinagmamalaking bangko. Ang source ng yaman nila na siyang alam ng lahat.

"May alam ka ba sa mga nangyayaring ito, Samantha?" Baling sa kanya ni Robert. Lalong sumiklab ang galit sa mga mata nito.

Umiling si Sasahh. "Wala po, papa."

Mabagal na humakbang si Robert palapit kay Sasahh. Tinitigan siya nito sa mga mata na kanya namang sinalubong. Tiniyak niyang hindi ito makakakita ng anumang hint na maaaring maglagay sa kanya sa kapahamakan.

"Siguraduhin mo, Samantha. Alam mong ayaw na ayaw ako nang tinatraydor. Alam mo kung ano ang ginagawa ko sa mga traydor."

"Yes, papa." Her voice was calm and normal. Hindi nagpapaapekto sa talim ng titig nito at sa pagbabanta nito.

"Ano po ang plano niyo ngayon? Ibibigay niyo ho ba ang mana sa kanya?"

"Hindi. Kasi sila mismo ang magbibigay niyon sa 'kin."

Tumaas nang bahagya ang kilay ni Sasahh. "How?"

"Tiyak na sa gagawin ko. Sila mismo ang magmamakaawa para ibigay sa akin ang yaman ni Don Augustine kapalit ng taong mahalaga sa kanila."

Tumaas ang sulok ng labi nito. Nang-uuyam na ngisi ang gumitaw sa mga labi nito bago tumalikod at naglakad sa may desk. Curious siya sa kung sino ang tinutukoy nito. Kailangan niyang malaman kung sino ang taong mahalaga sa dela Fuente ang gagamitin nito.

"Dudurugin ko sila sa pamamagitan ng taong ito. Tiyak na pati si Tyler Rodriguez ay lalabas sa lunggang pinagtataguan niya. Saka ko siya patatahimikin."

Her curiosity was piqued more by his statement. Sumunod siya kay Robert. "Sino ang tinutukoy niyo?"

"You'll find out, Samantha! Soon you'll find out!" Kung anong kaba ang umahon sa dibdib ni Sasahh sa mga sinasabi ni Robert. Sino ang taong tinutukoy  nito na maaaring maging kahinaan ng Dela Fuente na may kaugnayan kay Tyler. Wala siyang kilala maliban... sa kanya.

Napaatras si Sasahh nang binundol nang matinding takot ang kanyang dibdib. She's important to Wilson. Ginagawa ni Wilson ang lahat para tulungan siya dahil mahal siya nito kahit ang ikapahamak pa nito. So, posibleng siya ang tinutukoy nito.

"Bakit, Samantha? You look scared." Imposible! Maingat siya. Imposibleng makilala siya nito. Hindi kaya nakahalata ito sa pag-uusap nila sa event? Dahil sa peklat sa likod ni Samantha na hindi nito nakita sa kanya o dahil sa mga mata niya. O di naman ay dahil sa pagkabigla niya nang makaharap si Samara.

Umiling si Sasahh. "I have to go, papa!" Kapag hindi siya nito pinayagang umalis. Tiyak na may alam na nga ito sa totoo niyang pagkatao.

Bahagyang kumunot ang noo si Sasahh nang tumango lang si Robert. Pinapahintulutan siya nitong umalis.

Dahan-dahan ang pagtalikod niya sa lalaki habang may matinding takot sa dibdib. Mabilis niyang tinungo ang pinto at para siyang hinahabol ng kung ano sa bilis ng kanyang mga hakbang. Malapit na siya may pinto nang marinig ang boses ni Queenie.

"Hey step-sis? In a hurry?"

Ang takot na nararamdaman ay nahaluan ng matinding iritasyon. Hinarap niya ang babaeng nasa likuran na niya. May nakakairitang ngisi sa labi.

"How's your husband? Do you have any idea what was happening behind your back during Samara's Fashion show?"

"Yes. And I'm so grateful for your bitchy and cheap behavior. Napakalaking tulong sa akin. At dahil marunong akong tumanaw ng utang na loob. I'll give you something that will surely you won't forget "

Queenie cocked an eyebrow at her as she threw her arms across her chest. "And what is it?"

"Here!" With that, she threw a forceful punch on her right eye. Tumimbuwang ang babae sa sahig. Nagsisigaw ito habang sapo ang kanang mata.

Iniwan niya ang babae na parang bakang nagngangawa. Nang marating ang kanyang sasakyan na ipinarada lang niya sa labas ng mansiyon. Pinaharurot niya iyon palayo at nang makalayo ay saka inihinto ang sasakyan. Nanginginig ang kanyang kalamnan. Ang kanyang mga kamay, ang mga tuhod. Ang buong katawan.

Inabot niya ang bag na nasa passenger seat at kinuha mula roon ang cellphone. Tinawagan niya si Mitchell.

"Hey, babe, miss me?" Kahit hindi niya nakikita sigurado siyang nakangiti ang kaibigan. Ramdam niya sa boses nito.

"Are you too busy to bother?"

"You know that you and mama are the only one who can bother me in my frantic activity. May dalaw ka ba ngayon? Do you need some comfort food?

Bahagyang napatawa si Sasahh. Sa kabila ng kabang nararamdaman ay medyo nakaramdam ng saya ang puso dahil kay Mitchell. This man is precious. Kahit anong oras niyang kailanganin laging nandiyan para sa kanya.

"Kailangan ko sanang pumunta ng Tagaytay. I need to talk to Tyler. Sasabihin ko na ang totoo sa kanya, Mitchell. Robert is still hunting him at may mga binabalak ito."

"Okay. Sasamahan kita."

"Nasa Antipolo ako ngayon. Pabalik na ako ng city."

HABANG pabalik ng Manila ay nakatanggap siya ng tawag mula sa mama ni Wilson na alam na ang totoo niyang pagkatao. Hiniling nito na kung maaari niyang makausap si Attorney Diosdado. Agad silang lumipad ni Mitchell patungong Tagaytay gamit ang Jet Ranger nito. Hawak siya ni Mitchell sa siko habang mabibilis ang ginawang hakbang patungo sa vacation house hanggang sa makapanhik ng second level ng bahay.

Nagulat si Tyler sa biglang pagpasok ni Sasahh ng silid kung saan ito naka-detain. Pero ang pagkabigla ay agad na napalitan ng galit.

"Kung gayon tama ang hinala ko! Si Robert ang nagpadukot sa akin. At hindi lang pala si Robert ang kriminal kundi pati ikaw, Samantha!"

"Mag-usap tayo, Tyler." Nilagpasan niya ito para tunguhin ang sofa na nasa paanan ng kama pero bigla na lang hinablot ni Tyler ang kanyang braso. Napangiwi siya nang halos baliin nito ang braso niya.

"Tyler, bitiwan mo siya!" To the rescue naman si Mitchell pero hindi nagpatinag si Tyler na mukhang handa talagang saktan si Sasahh.

Tyler was the most gentleman she'd known. Harmless and full of hope. Kahit yata insekto ay hindi nito kayang pumatay pero ibang-iba ang Tyler na nakikita niya ngayon. He looks miserable. Parang handang manakit o pumatay. He looks hopeless now.

Inabot niya ang kamay nitong mahigpit na nakapaikot sa kanyang braso. "Let's talk, please!" Unti-unti ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya.

Tinungo ni Sasahh ang sofa at naupo roon. Nakikiusap ang sulyap na ibinigay niya kay Tyler. Lumapit ito pero nanatiling nakatayo. Si Mitchell naman ay lumabas muna para makapag-usap sila.

"Ano ang balak niyo sa 'kin ng tatay mo? Papatayin niyo rin ako katulad ng pagpatay niyo sa mga magulang ko!"

"Alam mong si Robert ang pumatay kina daddy at mommy?"

Ang galit sa mukha ni Tyler ay nahaluan ng kalituhan. Tumayo si Sasahh.

"Tyler, alam mong si Robert ang pumatay sa mga magulang natin?"

"Ano ang pinagsasabi mo?"

Humakbang siya palapit sa kapatid. "Tyler, ako 'to. Ako 'to, si Sasahh. Kapatid mo."

Nagsalubong ang mga kilay ni Tyler. "Pinaglalaruan mo ba ako, Samantha!?"

Tinanggal ni Sasahh ang suot na contact lens, reaveling her hazel eyes-- mga matang katulad ng kay Tyler.

Inabot niya ang kamay ni Tyler. "Ako 'to, Tyler. I'm alive."

Umiling si Tyler. "Pinaglalaruan mo ako, Samantha!"

"Tyler, it's me. It's Sasahh. Please, believe me!" Alam niyang napakahirap paniwalaan ng kanyang mga sinasabi kaya hindi niya masisisi si Tyler. She needs to make him believe.

"Okay, ask me anything... or something na tanging ako lang... si Sasahh lang ang makakasagot."

Tila nagdadalawang isip itong patulan ang pinapagawa niya but eventually ay pumatol din.

"Okay. I'm scared with one thing."

Malapad na ngumiti si Sasahh. That's easy!

"Sa pusa. You have an ailurophobia or fear of cats. I know you were trying to over come that fear for Lyca because she loves cats. Remember noong binili mo si Fudgee para ibigay kay Lyca dahil namatay si Oreo. Hindi mo magawang hawakan but you tried  kasi gusto mo magpa-impress kay Lyca. Pero hinimatay ka bigla."

Pinisil ni Tyler ang kamay niya. Walang nakakaalam na kahit sino maliban sa kanilang mag-anak sa nakakahiyang phobia ni Tyler sa pusa.

"Sasahh?" Bigla na lang nag-unahan ang mga luha mula sa mga mata ni Tyler.

"Yes, Tyler! It's me!" Nagyakap ang magkapatid habang kapwa lumuluha.

"Paanong nangyari? Bakit kailangan mong magpanggap?"

"Ipapaliwanag ko ang lahat."

Naupong magkatabi ang magkapatid at isinalaysay nga ni Sasahh ang buong pangyayari na lalong ikinagalit ni Tyler kay Robert. Inamin din sa kanya ni Tyler na ito pala ang naglabas ng viral video sa kung saan isinasangkot si Robert sa nagaganap na anumalya sa loob ng Rodriguez Food Corp. Alam nito ang tungkol sa bagay na iyon. Kinumpirma ng kanyang kapatid na sangkot ang kanyang ama sa ilegal na gawain ni Robert. Yet, not totally involved.

Pinahintulutan lang daw ng kanilang ama na gamitin ang kanilang kumpanya para sa shipment ng droga at kapalit niyon ay ang pagpapahiram ng malaking halaga kay Matias para gamitin sa noon ay papaluging kompanya.

Nang makabangon sa crisis ay sinubukan ng kanilang ama na tapusin na ang ugnayan kay Robert na hindi nagustuhan ni Robert.

"Sasahh, I saw how those men killed dad and mom. Wala akong nagawa. Habang nag-aagaw buhay pinigilan ako ni dad na lapitan sila. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano nilang binaril si dad sa ulo. Tapos bigla na lang may humampas sa ulo ko. Nawalan ako ng malay at nagising akong nasa loob ng saskyan ko. Malayo sa bahay. I thought it was a nightmare and I'd hope it was... pero pagdating ko sa bahay..."

Hindi na natapos ni Tyler ang sasabihin. Matinding sakit ang gumuhit sa mga mata nito bago napahaguhol. Kinabig ni Sasahh si Tyler at mahigpit na niyakap. Kung sino man ang naglayo kay Tyler sa bahay na iyon dapat niyang pasalamatan. Iniligtas nito ang kapatid niya.

Hindi niya binitawan ang kapatid hanggang sa muli itong nakalma.

"May mga binabalak si Robert. Kanina lang nakausap ko siya. May sinasabi siyang hindi ko maintindihan. May hawak daw siyang isang taong tiyak na dudurog sa mga dela Fuente at kayang magpalabas sa tinataguan mo. Naisip ko na baka ako pero bakit hinayaan pa niya akong makaalis kung alam na niya kung sino ako. Wala na naman akong iba pang kilala na maaaring kumonekta sa pamilya natin at kina Wilson."

"I know someone."

"Talaga? Sino naman?"

Hindi nagsalita si Tyler. Nakatitig lang ito sa kanya. Parang nag-aalangang magsabi ng nalalaman.

"Tyler?"

Humugot ito ng isang malalim na hininga. "Ang anak mo."

Kumunot ang noo ni Sasahh. Ano ang pinagsasabi nito? Hindi niya maintindihan pero ang tibok ng puso niya ay biglang bumilis.

"Alam mong imposible. Namatay ang naging anak namin ni Wilson."

Umiling si Tyler. "Buhay siya, Sasahh. Buhay ang anak mo."

"Tyler, ano ba!" Tumayo si Sasahh.

"Alam mong hindi magandang biro 'yan! Alam mong hindi magandang pag-usapan ng ganyan ang anak ko, Tyler! Alam mo kung ano ang pinagdaanan ko sa pagkatamatay niya!"

Paanong buhay ang anak niya? Hawak-hawak niya sa kanyang bisig ang walang buhay na katawan ng anak niya habang iyak siya nang iyak. Hindi niya matanggap. She was expecting to have a baby boy, a healthy baby boy according to her doctor pero hindi nangyari dahil namatay ang bata dahil sa komplikasyon. Narinig pa niya ang malakas na iyak ng anak niya nang iluwal niya ito bago siya nakatulog, pero pagising niya isang masamang balita ang natanggap niya. Her son was dead.

"Ang anak ni Samantha... siya ang anak mo, Sasahh."

Puno ng luha ang matang nakatitig lang si Sasahh sa kapatid. Paanong mangyayari ang pinagsasabi nito? Negatibo ang resulta ng DNA test nila ni Ryke kaya nga nalaman ni Wilson ang totoo niyang pagkatao. At paanong mapupunta kay Samantha ang anak niya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top