Chapter 24

MASAYA ang mga kaganapan sa inihandang children party para kay Aashirya at. Masayang-masaya ang kambal pero higit ang saya ni Sasahh at ramdam iyon ni Wilson. Her cheeks flushed when she laughs, her eyes sparkling and every movement radiating happiness. Seeing her happy makes me him happier.

Si Sasahh ang higit na excited sa party na ito. Kahapon palang sinimulan nang i-set up ang venue na dito lang din sa malawak na lupain ng asyenda Costa. They hired catering service and let them do all the task for this event. Ilang araw ang paghahandang ginawa pero perpekto ang kinalabasan. Madagascar ang theme na siyang gusto ng kambal. So they are all dressing up as Madagascar characters.

The twins are very cute in their girl version Alex the Lion costume. It was brown tutu dress with fur trimmed sleeves and attached furry lion mane hood. Si Ryke ayaw pumayag na hindi Alex ang costume dahil favorite character nito. Cute na cute naman ito sa costume. Ang triplets ni Alford ay Mort, Maurice at Gloria si Violet na pinagtatawanan ni Ryke dahil malaki ang tiyan kaya pikon na pikon na naman si Violet. Pero bilib siya sa tapang ng batang ito. Hindi kayang paiyakan pero parang uusok ang ilong sa inis.

Maraming bata ang dumalo. Mga anak ng kaibigan nila. Sina Tres at Dock ay dumating din bandang alas onse kanina kasama ang mga tsikiting. Penguins lahat ang costume ng anak ni Tres pati na rin ang mag-asawa. Sina Dock ay Marty lahat. Si Fenix, ang panganay na anak ni Alford ay kasama ng Lola nitong si Deanna. At marami sa batang bisita ay mga bata rito sa asyenda kaya parang fiesta sa dami at higit na naging masaya.

Siya ay lion din ang costume like the kids habang si Sasahh ay sexy ito sa Gia costume nito. Ang jaguar na love interest ni Alex. Si Alford ay King Julian habang si Lyca ay mas piniling maging si Captain Chantel Dubois,
The main antagonist of Madagascar 3. Mitchell was there, too. Vitaly ang custome nito.

Lumapit si Violet sa mesang kinauupuan nila na may maasim na ekspresyon sa mukha.

"Hey, my little Gloria. What's for that sourfaced," lambing ni Alford sa anak.

"Why we all wearing different costume? Sina Ninong Tres, penguin silang lahat, si Ninong Dock, Marty at sina Ninong Wilson lion. Then why on Earth we have different costumes? Sabi ni Ryke ampon lang kami kasi hindi magkakaanak ng animals si King Julian at Captain Chantel." Mukhang iiyak na si Violet pero nagpipigil. Kumikibot lang ang labi nito. Nagkamot ng ulo si Alford saka hinawakan si Violet sa magkabilang balikat.

"Violet sweetie, these are just costumes and not real. Huwag mong pansinin si Ryke." Lumapit si Lyca at kinuha ang bata. Ito na lang daw ang kakausap.

Naiinis na humarap kay Wilson si Alford. Tumaas nang bahagya ang kilay ni Wilson nang mapansin ang matiim na pagtitig sa kanya ni Alford.

"Hindi ka naman siguro napipikon sa anak ko niyan? Saka sweet and very gentleman siya kay Lavender ang Lilac. Hindi lang talaga sila magkasundo ni Violet because of Violet's strong personality."

"Do you believe in this phrase, the more you hate the more you love?"

Malakas na humalakhak si Wilson. Hindi makapaniwala sa itinatakbo ng usapan nila ni Alford.

"Are we still talking about Ryke and Violet here?"

"I'm fucking serious! I'm worried here, fucker! Don't you see?"

"Seriously? Ryke is only 4 and Violet is 3 and you are here talking about this nonsense."

"This isn't nonsense. Paano kung matulad sila amin ni Lyca. I know it's too early to be worried about it pero mas mabuti nang masolusyunan agad!"

Natigil sa pagtawa si Wilson sa nakikitang kaseryosohan sa mukha ni Alford. Hindi lang ito seryoso kundi seryosong-seryoso. May takot at matinding pag-aalala rin siyang nababanaag sa mga mata nito at galit na rin.

"Look, dude! We are friends, right? Bestfriends?"

Wilson nodded lazily.

"Matatapos ang pagkakaibigan natin sa oras na may gawing kalokohan ang anak mo sa anak ko. I'm not kidding, dude. You know I can kill for my girls. Kaya kung ako sa 'yo, i-briefing mo na si Ryke ngayon palang."

"Bakit ako? Bakit si Ryke? Tang-ina mo, para kang tanga!"

"He's the first boy in our circle that might be hitting home run with one of my girls. I can feel it that he will be ruining our friendship.
Ganyan na ganyan kami ni Lyca, eh. Parang aso't pusa, tapos-- fuck!" Hindi nito magawang tapusin ang sinasabi. Mukhang hindi gusto ang nasa isip.

"Ang advance mong mag-isip ano? Home run agad-agad. Hindi lalaking ganun si Ryke, I promise that!"

"Better."

Napailing si Wilson at napaisip na rin. Kahit paano ay naiintindihan niya naman si Alford. Sa mga anak nilang apat na magkakaibigan, si Ryke lang ang lalaki na hindi kadugo ng triplets. Ang anak ni Tres at Dock ay pinsan ng mga ito. Pero si Ryke lang ba ang lalaki sa mundo?

"Pero kung sakali man, maswerte ka nga  kung mangyayari 'yon. I'll be your balae."

"Gago!" Malakas na humalakhak si Wilson sa nakitang disgusto sa mukha ni Alford.


Ryker "Ryke"

"THANK YOU, Wilson for doing this! Ang saya ng mga kapatid ko."

"You are welcome! You are welcome! You are welcome!" Paulit-ulit na sabi ni Wilson dahil sa walang katapusang pagpapasalamat ni Sasahh.

This party was Wilson's idea. And he was very happy that these small things makes Sasahh happy. Ipinaikot ni Sasahh ang mga braso sa katawan ni Wilson at mahigpit siyang niyakap. Hinalikan niya ang buhok nito at bumulong.

"Seeing you happy is enough to keep me satisfied for the rest of my life." Mas humigpit ang yakap ni Sasahh sa katawan ni Wilson. Tiningala siya nito, may ngiti sa labi. Ginawaran niya ito ng halik sa labi.

"Alam mo bang may kanina pa akong naiisip."

"What was that?" Humaplos ang isang kamay ni Wilson sa likod ni Sasahh pababa sa pang-upo nito at mariin iyong pinisil na ikinasinghap ni Sasahh.

"I was thinking to fuck while wearing these costumes." Hinampas siya nito sa dibdib at malakas na tumawa.

"Hindi ba kayo naiinitan? Ang kapal na ng costume niyo nagyayakapan pa kayo." Napatawang kumalas mula sa pagkakayakap si Sasahh at bumaling kay Mitchell na karga si Aashirya habang nakaipit sa isang braso at baywang ang isang malaking walking doll. Binili iyon ni Mitchell at sinabi sa kambal na galing iyon kay Tyler.

Medyo mainit nga ang costume niya pero ang kay Sasahh ay mas komportable dahil manipis lang iyon. Isang hapit na bodysuit iyon.

"Kailangan ko nang bumalik ng Manila. Kailangan ako sa ospital ngayon."

"Mitchell, please, don't leave. Dito ka muna, please! Sabi mo gagawa tayo ng video for Kuya Tyler." Agad na yumakap si Aashirya sa leeg ni Mitchell.

"Babalik na lang ako, Aash." Lumungkot ang mukha ng bata.

"Aash, tayo na lang ang gagawa ng video for Kuya Tyler and ipapadala na lang natin sa kanya."

"When will I see my kuya, Ate Sam? I miss my kuya."

"Soon, baby. Huwag ka nang malungkot. It's your birthday. Dapat happy ka. Look at Ashera?" Itinuro ni Sasahh ang kinaroroonan ng kakambal ni Aashirya na masayang nakikipaglaro sa mga bata.

"Hindi siya nalulungkot." Bumuntong-hininga lang ito.

MULA sa banyo ay nalabasan ni Wilson si Sasahh na nakahiga sa kama, hawak ang cellphone. Kakatapos lang makipag-usap sa kung sino man ang tumawag. She looks tired but happy.

"Napagod ka?" Yumuko si Wilson at ginawaran ng halik si Sasahh sa labi.

"Nakakapagod ang buong maghapon pero masaya. Masaya ang mga kapatid ko." Bumangon ito mula sa pagkakahiga. Inilagay ang cellphone sa bedside table.

"Sino ang tumawag sa 'yo?" usisa niya habang nagpupunas ng basang buhok gamit ang maliit na puting twalya habang ang mas malaking twalya ay nakatapis sa baywang.

"Handler ni Samantha. May fashion show raw na gaganapan 3 days from now and I am included. Biglaan."

Isinuot ni Wilson ang itim na boxer short at gray sa sando at isinabit lang sa sandalan ng silyang nasa harapan ng dresser ang dalawang twalyang ginamit. 

"Can I go to that event? Gusto kitang panoorin."

Malapad na ngumiti si Sasahh at parang na-excite ito sa sinabi niya. "Of course!"

Isang beses lang niya itong napanood na rumampa sa catwalk. Sa New York fashion week noon, hindi nito inaasahan na naroon siya. Nang makita siya nitong nakaupo sa unahan, sa mismong dulo ng catwalk ay bumakas ang matinding gulat sa magandang mukha nito. But she still managed to keep her poise, despite her shock at his sudden appearance.

"I should to go to Manila tomorrow for the rehearsal."

"Samahan kita?"

"Hindi ka pa ba niyan hahanapin sa kapitolyo. Okay lang naman ako."

May council meeting nga palang kailangan niyang daluhan bukas. Hindi siya maaaring wala roon. Marami siyang proyektong gustong i-discuss at isa lang sa mga iyon ang housing project at pangarap niyang ospital para sa mga mamamayan ng La Carlota. 3 years are not enough to accomplish those projects.

"Siya nga pala, may sasabihin ka sa 'kin 'di ba?"

"Oh, about that. Alam na namin kung sino ang tagapagmana ni Augustine Guzman."

"That's great! Nakausap niyo na ba siya?"

"Nakausap na siya ng abogado ni Don Augustine noon pa, pero hindi raw nito gustong kunin ang pamana ni Don Augustine."

"Really? That was huge wealth. Late Don Augustine owned one of largest bank in the Philippines with almost 1000 branches sa loob at labas ng bansa. Tatanggihan lang niya nang basta."

Securus Bank became largest bank in the Philippines by total assets before slipping it behind other banks on 5th rank after Don Augustine Guzman died. Hindi ganoon kagaling si Robert when it comes legal business pero mahusay sa ilegal na negosyo.

"Alam niya kasi ang kaakibat na panganib kapag tinanggap niya 'yon... ahm.. kaya ikaw sana ang gusto kong kumausap sa kanya. You might change her mind."

So, it's a lady.

"Ako? Sure. I'll try best to convince her. Sino ba siya? Saan ko siya maaaring makita?"

Saglit na hindi nagsalita si Sasahh. Nakatitig lang ito kay Wilson ng ilang sandali pero nang lumabas sa bibig nito ang sagot sa kanyang tanong ay siya naman ang  natigilan.

"Your mother."

"What?" Tangi niyang nasabi matapos matameme ng ilang sandali.

"Your mother, Wilson. Siya si Natalia Guzman, ang nag-iisang anak at tagapagmana ni Don Augustine Guzman."

Hindi nakapagsalita si Wilson. Did he hear Sasahh correctly? Pero dalawang beses nitong sinabi. His brain processes things very slowly. Paanong nangyari? Posible ba?

KINABUKASAN din ay bumalik si Wilson sa La Carlota kasama si Ryke, si Sasahh ay nagtungo ng Manila pero pagkatapos ng council meeting ay dumeretso rin siya agad sa Manila para puntahan ang kanyang mama at makausap tungkol sa sinabi sa kanya ni Sasahh. Iniwan niya muna si Ryke sa mansiyon.

Magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan ang mga nalaman. Wala siyang masyadong alam sa naging buhay ng kanyang mama. Ang alam niya lang, kinse anyos ito nang maulila. Namatay ang mama nito dahil sa hypertension matapos mapatay ang asawa nitong pulis. Hindi napaglabanan ang emosyon sa pagkawala ng asawa. Wala rin siyang larawan na nakita ng mga magulang nito.

Mula noon, naging mag-isa ang kanyang mama sa buhay. Hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na nagtatrabaho ito sa isang club. Alam iyon sa buong La Carlota at natural lang iyon dahil asawa ito ng isang pulitiko. Kinakalkal ang lahat ng impormasyon na maaaring makasira sa isang tumatakbo sa eleksiyon.

Gulat at matinding takot ang bumaha sa mukha ni Nadia nang sabihin ni Wilson ang lahat ng sinabi sa kanya ni Sasahh.

"Utang na loob, Eli! Magkunwari kang walang alam. Kalimutan mo ang mga nalaman mo. Maniwala ka sa 'kin, iyon ang makakabuti."

Balisang-balisa ang kanyang mama. Sa mga ikinikilos palang nito ay masasabi na niya ang matindi nitong takot. Ganoon ba talaga kasama si Robert Swift para mataranta ng ganito ang kanyang mama?

"Mama, ako ang gagawa. Ako ang kukuha ng mana mo."

"No! Hindi mo gagawin 'yan! Ipapahamak mo lang ang sarili mo. Ang pamilyang ito. Eli, maniwala ka. Kilala ko si Robert. Kaya niyang pumatay kahit kapamilya pa para sa pera. Katulad ng ginawa niya sa papa."

"I know that, 'Ma. Nakita ko na rin kung paano siyang pumatay. Malupit. Walang awa. Sa harapan ko mismo ay ginawa niya 'yon."

"Ano?!" Nanggilalas ito sa kanyag sinabi.

Hindi niya sinasabi sa kanyang mama o kahit sa kanyang papa na pilit siyang in-involve ng kanyang Lolo at Robert sa ilegal nitong gawain. Ngayon, ay kailangan na niyang sabihin sa kanyang mama para makumbinsi ito.

"Noon pa man, ipinapakita na samin ni Samantha ang lahat ng ilegal na gawain ni Senator at Robert. Kung ano ang nangyayari sa mga taong nagta-traydor sa kanila. Pumapatay sila sa mismong harapan namin. And just recently, they want us to kill those traitors."

Natutop ni Nadia ang bibig. "Bakit hindi mo ito sinasabi sa amin? Bakit kailangan mong sumunod? Eli, nagiging sunod-sunuran kami ng papa mo sa lahat ng gusto ng lolo mo para protektahan kayo ni Elisse. Pero wala sa usapan namin na isama ka sa ilegal niyang gawain!"

Nag-hsyteria na ang kanyang ina. Tumayo ito mula sa kinauupan at nagpalakad-lakad sa kanyang harapan.

"At matitigil lang ito kung pababagsakin natin si Robert at si Senator. Pera ang pumuprotekta sa kanila, lalo na kay Robert kaya kahit anong ibensiya pa ang lumabas nalulusutan nila."

Ang viral video sa kung saan iniuugnay ang Rodriguez Food Corp, sa huge shipments ng droga, at pag-uugnay kay Robert sa drug syndicate ay walang nangyayari. Hanggang ngayon ay nakabinbin ang kaso na iyon at kapag nagtagal-tagal ay mababasura rin.

"Kailangan nating pilayan si Robert para mas makakilos tayo. Kapag nakuha natin ang lahat ng ari-arian ni Don Augustine, mas may laban tayo, mama."

Hindi sila ganoong kayaman kung ikukumpara kay Robert. Si Senator, maraming salapi, sigurado siya roon, pero sila ng kanyang papa ay hindi kasing yaman ng mga ito.

Insurance company ang kanilang negosyo na naitayo lang nila sa tulong din ni Don Augustine Guzman. Magaling sa negosyo ang matanda. Dating druglord pero iniwan ang masamang gawain at piniling magtayo ng negosyo. Don Augustine helped his father to start his own company. Kung tutuusin ay isa sa may-ari ng kanilang insurance company si Don Augustine dahil isa ito sa may pinakamalaking shares. Pero nang mamatay ito, kinausap sila ng abogado nito at nakasaad sa iniwan testamento ng don na inililipat sa pangalan niya ang lahat ng shares nito ng naturang kompanya. Ayon sa abogado ay gusto lang ni Don Augustine na silang mag-ama ang mag may-ari ng kumpanya dahil ang kanyang papa naman ang totoong naghirap para palaguin iyon.

Ikinagulat nila ng kanyang papa ang bagay na iyon dahil ang inaasahan nila ay maiiwan iyon kay Robert. Ayos lang din naman kay Robert ang nangyari. Wala silang narinig napagkontra mula rito. Pero kung kokontra ito ay willing naman siyang ibalik iyon.

Pero ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Don Augustine Guzman is his grandfather.

"Hindi maaaring malaman ni Robert ang tungkol sa bagay na ito, Eli. Makinig ka sa 'kin. Kalimutan mo na ang yaman na 'yan, hindi natin iyon kailangan."

"Mama!" This time Wilson's tone was pleading. He's desperate to convince her mother. Kalayaan at katahimikan ng buhay  ng pamilya ni Sasahh ang nakasalalay rito.

Sasabihin niya rito ang tungkol kay Sasahh. Baka sakaling makumbinsi niya ito kapag nalaman nito ang tungkol sa nangyari kay Sasahh. Inabot ni Wilson ang kamay ng ina at mahigpit iyong hinawakan. Sinimulan nga niyang ipinaliwanag ang lahat kung bakit niya ito ginagawa.

Shock na napaupo si Nadia sa tabi ni Wilson. Hindi mapaniwalaan ang mga nalaman.

"I need to protect her. 'Ma, gusto kong makasama si Sasahh. Gusto ko siyang pakasalan bilang Sasahh Rodriguez at hindi Samantha Swift. I want to build my own family with her. Iyon ang pangarap ko noon pa man na hindi nangyari dahil naduwag ako. I chose all the hard paths in my life because I thought that was right decision I could make. I thought it was the only way to protect this family, but I still regret it. I've lost the chance to be with the woman I love. And this is my second chance. I don't wanna waste it..." Kinuha niyang muli amg isang kamay ng ina at dinala iyon sa kanyang pisngi. 

"I love you, 'Ma. But please forgive me if I'll be disobedient son this time."

He's willing to take the risks. Kakalabanin niya si Robert Swift at Senator. Walang mangyayari kung magiging duwag siya. Kung masisiwalat man ang totoo niyang pagkatao, tatanggapin niya. And if his father really loves her mother. He can forgive her and he will stay with her despite her lies. Her mother is such a good wife to his father. He is a good son to his father. Sana makita iyon ng kanyang ama. Sana manaig ang pagmamahal nito sa kanila para matanggap pa rin sila.

He needs to choose, and he had chosen Sasahh. He chose to be with her.  He has to be valorous and do the right thing.

---
Share ko lang. Pwede kayong makakuha ng coins by watching ads. Ayan 18 na naipon ko
Araw-araw kayo manoond. 2 ads ang max daily. Pero need siyang gamitin kasi ma-expire siya within 3 months.

Tas basa na rin kayo ng Wonted Heat kapag may coins na kayo.🤣

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top