Chapter 22

NAGTUNGO SI Wilson at Sasahh sa Sta. Barbara, sa Hacienda Costa para puntahan ang mga kapatid nito na magdiriwang ng 5th birthday bukas. Masayang-masaya si Sasahh na makasama ang mga kapatid. Ngayong alam na niya ang totoo, mas magkakaroon ng oras si Sasahh para makasama ang mga kapatid nito. Siya mismo ang magbibigay niyon sa mahal niya.

He's still can't believe that this is happening. Nakakasama niya ulit si Sasahh. Buhay ito. At mas masaya dahil ngayon ay tanggap na siya nito. Mahal siya nito. Hindi katulad noon na lagi siyang ipinagtatabuyan. Sinasabing hindi siya nito mahal pero iba naman ang nararamdaman niya sa tuwing magsisiping sila.

Habang nakaupo sa ranch picnic wooden table, may ngiti sa labing nakamasid si Wilson sa mga bata na aliw na aliw sa pagsakay sa buriko kasama si Ryke, ang kapatid ni Sasahh at ang mga anak ni Alford at Lyca. Inaalalayan ito ng ilan sa mga hostelero ng asyenda.

"Look at us now, dude. Once upon a time, we've been ogling scantily clad babes while enjoying whiskey on the rocks. But now, we are looking after toddlers while enjoying this..." Tinitigan ni Alford ang hawak na makulay na popsicle.

"This colorful popsicle." Dinilaan nito iyon mula ilalim hanggang sa dulo.

"Mukhang nagsisisi ka, ah? Want to go with me later? Pupunta ako ng club," ani Charles na kasama nila. Pinsan ni Alford na siyang namamahala ng buong asyenda.

"Never mind. Wala akong sinasabing nagsisisi ako. Kahit kailan, hinding-hindi ko pagsisisihan ang buhay na pinili ko. Lyca and that sea urchins are the sole source of happiness. Ikaw, tigilan mo na ang pagpunta ng club. Kaya ka nagkakatulo."

"Gagu!" Humalakhak si Charles.

"I only went to high-end clubs where only serves top-shelf geishas and top-shelf liquor. Clean and classy."

Ang nangingiting si Wilson ay natigilan nang mabalingan si Sasahh at Mitchell na seryosong nag-uusap. Pati sa bakasyon nila ay nang-iistorbo ang doktor na ito. Dapat ay nag-e-enjoy si Sasahh kasama ang mga kapatid pero ito, seryosong nakikipag-usap kay Mitchell. Sumunod ang lalaki sa kanila ngayon lang sakay ng chopper nito.

Tumingin si Mitchell sa direksiyon nila na sinundan naman ni Sasahh. Kapansin-pansin ang pagbuntong-hininga ng lalaki bago ibinalik ang tingin kay Sasahh.

Nagsalubong ang mga kilay ni Wilson nang makita ang paghawak ni Mitchell sa braso ni Sasahh habang matamang nakatitig sa mga mata. Hindi na nakatiis pa si Wilson, tumayo siya para lapitan ang dalawa.

"Hey, hey, hey!" Pigil ni Alford kay Wilson nang mapansin na rin ang pagkayamot ng kaibigan.

"Lalapitan ko lang. Ipapaalam ko lang sa lalaking ito kung hanggang saan lang dapat ang limitasyon niya."

Inayos ni Wilson ang pagkakasuot ng abuhing T-shirt kahit maayos naman iyon. Pero ang paglapit niya ay hindi na natuloy nang makitang naglakad na ang dalawa patungo sa kanilang kinaroroonan.

Agad na ipinaikot ni Wilson ang braso sa baywang ni Sasahh hustong makalapit ito.

"Aalis na ba siya?"

"Oo, pero sasama muna ako sa kanya."

"What? No way! Oras niyo 'to ng mga kapatid mo at oras natin ng anak natin!" Agad na nag-init ang ulo niya.

"Wilson, importante lang talaga 'to. Babalik ako bukas nang umaga rin. May kailangan lang akong puntahan."

"I'll go with you then."

"Hindi na!"

"Akala ko ba kasama na ako sa plano? Why are you canceling me out?"

"Of course not. Kung sasama ka kasi sa 'kin ngayon, paano si Ryke?"

Tumingin siya sa direksiyon na kinaroroonan ni Ryke. Alam na niya ang inaalala ni Sasahh. Wala silang kasamang yaya. Walang titingin sa bata. Nang may maisip ay agad na inilipat ang tingin kay Alford.

"Oh? Huwag mo akong tititigan nang ganyan. Yung triplets ko, sampung bata ang katumbas ng bawat isa. Isama mo pa ang pilya ring kambal na kapatid ni Sasahh. Mabuti kung nandito si Lyca."

Nasa Manila pa si Lyca at bukas din ang dating dito. Tumingin si Wilson kay Charles na prenteng nakaupo habang sumisipsip ng chocolate drink na Chuckie.

"Okay lang naman sa 'kin, pre, kaya nga lang may lakad ako mamaya. I can't cancel my appointment. Pero kung okay sa 'yo, isasama ko siya sa club."

"Mabait naman ang anak ko." Nakasimangot niyang tanggol kay Ryke.

"Ninong Alford! Ninong Alford!" Patakbong lumapit si Ryke habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ni Alford.

"Tingnan mo at nakikininong pa. Ni hindi nga ako nakakain ng handa niya sa binyag." Napatawa sila sa sinabi ni Alford.

Inilabas ni Alford ang mga paa na nasa ilalim ng mesa. Pumihit ito paharap kay Ryke. Sinuklay ni Ryke ng mga daliri ang buhok at pinahid ang pawis na tumulo sa gilid ng mukha. "Ninong Alford, can I see the triplets' vagina?"

"Goddammit! You little fucker!" Nagtatagis ang bagang ni Alford at ang mukha nito ay tila naging makopa sa pula. Nahulog rin ang popsicle na hawak nito nang mabali ang stick niyon sa paghigpit ng hawak ni Alford. Baling stick na lang ang natira sa hawak nito.

Agad na nahawakan ni Wilson ang magkabilang balikat ni Ryke at kinabig ito palayo kay Alford na mukhang handang manakit ng bata.

"Violet didn't allow me to see their vagina. I just want to see it."

"Hoy!" Dinuro ni Alford ang bata.

"You want me to gouge your eyeballs out! You little fucker!" Nanglaki ang mata ng bata at umiling. Mukhang natakot kay Alford.

Dumating naman si Violet, ang isa sa triplets ni Alford na nakabusangot.

"Papa, Ryke is so annoying! He insisted that our ponies are female," sumbong ni Violet.

"Because I can't see their penis."

Napakamot sa noo si Alford nang napagtantong mali ang nasa isip. Mukhang ang tinutukoy  na triplets ni Ryke ay ang mga buriko.

"Vagina, penis, triplets, pony. Kaninong vagina ba ang gustong makita ng batang ito?"

"Sinisilip niya ang penis ng pony namin. Naiinis na sila. He's annoying, papa." Sumbong pa ni Violet.

"Oh, Christ! Akala ko makakasakal ako ng bata." Mahinang ungol ni Alford nang malinawan.

"They are female! I haven't seen their penis!" Giit ni Ryke.

"Argh!" Itinulak ni Violet si Ryke sa dibdib.

"Ouch!" Ryke splayed his small hand over his chest. He looked up at Wilson.

"She poked my heart, daddy!" Sumbong nito na may malungkot na ekspresyon pero muling bumalasik ang mukha nang magsalita si Violet.

"They have penis! Just small penis because they are little ponies!" Gigil na si Violet. Nakakuyom pa ang mga palad nito.

"Liar! I'm a little man but I have big penis! Look at my penis!" Sigaw ni Ryke sabay hila ng waistband ng jogger pants nito para ipakita ang nakatago roon.

"Ryke, halika ka kay mommy!" Namagitan na si Sasahh.

"Kids, kalma lang. Susuriin natin ang ponies if they are female or male. Okay?" Hinawakan ni Sasahh sa magkabilang balikat si Ryke habang nakaupo ito sa harapan ng bata.

"Ryke, hindi dapat nakikipag-away sa girls. Dapat gentleman ka. At hindi lahat ng bagay, dapat inuusisa."

Lumabi ang bata. "Makulit kasi siya, eh. Ayaw niyang ipakita sa 'kin ang vagina ng pony niya." Masama ang titig ang ipinukol nito kay Violet.

"Ibibili ako ng horse ng Lolo Senator ko, hindi kita papasakayin. Sina Lavender and Lilac lang. Panget!" Hiyaw nito sa huling salita. Agad naman sanang uundayan ng suntok ni Violet si Ryke pero agad nang binuhat ni Sasahh si Ryke.

"Papalitan muna kita ng damit. Pawis ka na."

Napatawa na lang si Wilson, si Mitchell at Charles habang si Alford ay hindi na maipinta ang mukha. Parang problemadong-problemado ang gagu!

PINISIL ni Wilson ang katawan ni Sasahh habang mahigpit na nakayakap. Parang ayaw siyang paalisin.

"Wilson, I won't have gone in forever. Bukas nandito na ako." Hinaplos niya ang likod nito. Bumuntong-hininga si Wilson bago siya pinakawalan.

"Kailangan ko lang puntahan si Atty. Diosdado. Mahalaga lang talaga 'to. Bukas pagmulat mo ng mga mata mo, nasa tabi mo na ako. Pangako!"

Her promise didn't make him smile. Wilson becomes very clingy after having learned about her real identity. Dati rati kapag aalis siya, he was allowing her without bombarded her with questions. Tatanungin lang siya kung kelan ang balik dahil kay Ryke. Pero ngayon, daig pa ang guwardiya sibil. He is throwing at her so many questions that it is nearly impossible for her to deal with them all at once.

Hindi naman niya ikinaiirita ang bagay na iyon. Natutuwa pa nga siya. Ramdam na niya ang pag-aalaga, pag-aalala at pagmamahal nito sakanya at na-a-appreciate niya iyon.

"Babalik agad ako, I promise!"

Nahanap na ng NBI agent na inupahan ni Mitchell si Attorney Diosdado. Gusto ni Mitchell na si Sasahh mismo ang makarinig sa sasabihin ng abogado. Nasa summer house ito ngayon sa Tagaytay na pag-aari ni Mitchell. Doon din dinala ni Mitchell si Tyler na ayon kay Mitchell ay nagwawala na raw. Gusto nang umalis.

Hinalikan siya ni Wilson sa labi habang masuyong humahaplos ang hinlalaki sa gilid ng kanyang mukha.

"Take care. I love you!"

"I love you more!" Tumingin si Wilson kay Mitchell na nasa likuran ni Sasahh.

"Ingatan mo ang asawa ko. Papakasalan ko pa 'to!" Marahang natawa si Sasahh at nilingon si Mitchell.

"Did you hear that, Doctor?"

Bumuntong-hininga lang si Mitchell at tumalikod na. Kanina pa ito wala sa mood. Pinapunta niya rito si Mitchell at ipinagtapat niya sa kaibigan na alam na ni Wilson ang totoo. Napilitan din siyang sabihin ang totoong relasyon  nila ni Wilson noon pero mukhang hindi nagugustuhan ni Mitchell ang nangyayari. Nag-aalala siguro ito para sa kaligtasan niya.

"Are you okay, Mitchell?" Hindi na nakatiis pa si Sasahh na magtanong nang nasa himpapawid na sila. Rinig niya ang ingay ng helicopter pero para siyang nabibingi sa katahimikan ni Mitchell.

Kumurap ito at bahagya siyang tiningnan sa gilid ng mata nito. Bahagya lang itong ngumiti. Hindi na lang si Sasahh nagtanong pa. Inirespeto na lang ang gustong katahimikan nito. Mukhang ayaw magbukas ng conversation.

Ilang sandali lang ay narating nila ang Tagaytay highlands. Hindi maiwasang mamangha ni Sasahh nang matanaw ang isang napakalaking bahay na siyang tinatahak ng kinalululanang helicopter. The breathtaking house stands tall on the top of a hill, and showcases the luxurious tropical-inspired look.

"Is that yours, Mitchell?"

"Yeah," tipid nitong tugon na nasa labas ng bintana parin ang mata.

Nang makalapag ang helicopter ay inalalayan siya ni Mitchell sa pagbaba. May ilang armadong kalalakihan ang nakakalat sa labas.

"Ang gamda rito, Mitchell!" Lumanghap si Sasahh nang sariwang hangin. Napakalamig! Tanaw na tanaw mula sa kanyang kinatatayuan ang Taal Volcano. The outdoor area, she assumed that was designed by a great  landscape artist.

"This property is a dreamy escape."

"I was actually planning to bring you here. Let's go." Hinawakan ni Mitchell ang likod ni Sasahh at giniya patungong entrance ng bahay na nababantayan ng dalawang armadong kalalakihan.

Kung gaano kaganda ang labas ng mansiyon ay ganoon din kaganda ang loob. Malawak ang loob. It was an open layout. Tanaw ng mata ang bawat area ng bahay. The living area has a top-notch entertainment system, inviting black sectional sofa, comfy light gray armchairs and plush pillows arranged perfectly.

Huge glass windows will offer you an unobstructed view of the nature.

"Let's go upstair." Sumunod siya kay Mitchell nang igiya siya nito patungong ikalawang palapag.

Nahinto si Sasahh sa paghakbang nang marating ang ikalawang palapag ng mansiyon nang may marining na sumisigaw.

"Palabasin niyo ako!" Agad niyang nabosesan ang kanyang kapatid.

"Tyler." Hinawakan ni Mitchell ang braso niya.

"He can't see you. One step at a time, babe. Si Attorney muna ang unahin natin." Tumango na lang si Sasahh at walang nagawa kundi ang sumunod kay Mitchell na tinungo ang isang silid na nagu-gwardiyahan ng isang armadong lalaki. Binuksan nito ang pinto para sa kanila.

Attorney Diosdado bolted up from his seat upon seeing them. May gulat sa mukha ang sesenta anyos na abogado nang makita si Sasahh.

"Sinasabi ko na nga ba! Mga tauhan kayo ni Robert!"

"Calm down, Atty. Diosdado. Have a seat and let's talk." Umupo si Sasahh sa isang silyang nasa tapat ng bilog na mesita.

"Ano pa ba ang kailangan niyo sa 'kin? Nananahimik na ako. Wala naman na akong balak sabihin pa sa anak ni Don Augustine ang habilin ng ama niya. Nasainyo na ang kayamanan ng matanda. Sampung taon na akong nagtatago. Bakit ayaw niyo akong tantanan? Hindi ko man lang makasama ng maayos ang pamilya ko. Pagod na pagod na ako!" Tila nahahapo itong naupo sa isa pang silyang katapat ng kinauupuan ni Sasahh.

"I'm so sorry to hear that, Attorney. Pero matatapos lang ang paghihirap mo kung makukulong si Robert Swift."

"Na imposibleng mangyari sa lakas ng kapit niya sa gobyerno."

"Hindi lahat ng nasa gobyerno hawak niya. Naniniwala akong kaya natin siyang ipakulong kung magtutulungan tayo." Muli ay gulat ang maaanig sa mukha ng lalaki. Sarkastiko itong ngumisi kapagkuwan.

"Bakit mo naman gagawin iyon. Bakit mo ipapakulong ang sarili mong ama? Nasubaybayan ko ang paglaki mo, Samantha. Sunod-sunuran ka rin sa ama mo."

"Si Samantha 'yon, hindi ako." Nasa mukha nito ngayon ang kalituhan.

"Siguro naman alam mong naaksidente si Samantha at Sasassh Rodriguez isang taon na ang nakakalipas." Nasa balita iyon kaya imposibleng hindi nito malaman. Bilang nagtatago sa kaaway dapat updated ito sa buhay ng taong gusto ritong pumatay. Tumango ang lalaki.

"I was the who survived from that car accident.  Ako si Sasahh Rodriguez at hindi si Samantha." His brows pulled together, his lips turned down in confusion.

"Malaki ang atraso sa 'kin ni Robert Swift. Kinuha niya ang lahat-lahat sa amin. Sinubukan niya akong ipapatay pero si Samantha ang napatay niya sa pag-aakalang ako siya. Pinatay niya rin ang mga magulang  ko para maangkin ang kompanya namin at ngayon ang kapatid ko naman ang gusto niyang ipapatay."

Nanatiling walang imik si Attorney. Nakatingin lang ito sa kanya. Mukhang naguguluhan. He is trying to process the information she disclosed. Bigla itong tumayo. Natutuliro. Hinaplos ang sariling bibig at muli siyang tinitigan.

"Sa paanong paraan ako makakatulong?" Napatuwid ng upo si Sasahh. Nabuhayan sa positibong sagot ng abogado. Naroon parin ang kalituhan at pag-aalinlangan pero sigurado siyang mapapapayag niya ito.

"Kailangan kong malaman kung sino ang totoong tagapagmana ni Don Augustine Guzman. Kapag nabawi niya ang lahat ng kayaman mula kay Robert. Mapipilayan siya at mas madali natin siyang mapapagbagsak."

Muling umupo ang abogado. Umiling ito.

"Wala siyang interes sa iniwan sa kanya ng kanyang ama lalo't kung ikakapahamak lang iyon ng pamilya niya. Sinubukan ko siyang kausapin noon pero tinanggihan lang niya."

"So alam na niya?" Tumango ito.

"Nahanap ko siya bago namatay ang matanda."

"Kung gayon bakit ipinapahanap ka pa ni Robert kung wala naman palang interes ang tagapagmana?"

"Dahil mapupunta sa charity ang lahat na pag-aari ni Don Augustine sa oras na hindi iyon mapunta sa tagapagmana o sa anak ng tagapagmana. Kay Robert dapat mapupunta iyon sa oras na hindi ko talaga makita si Natalia pero nalaman ni Don Augustine ang ginagawang paglason ni Robert sa kanya kaya pinabago nito ang testamento. Walang makukuha si Robert kahit isang kusing."

"Saan ko maaaring matagpuan ang anak niya?"

Matagal na sandali siyang tinitigan ni Atty. Diosdado. "Nangako ako sa kanyang walang makakaalam. Lalo na kay Don Augustine. Naipaalam ko pa sa kanya kung saan naroon ang anak niya bago siya binawian ng buhay."

"At habang buhay kang magtatago. Nahanap ka na ng mga tauhan ni Robert. Kung hindi lang dumating ang mga tauhan namin, sa tingin mo nasaan na ngayon?"

Nag-isip ito.Tumingin si Sasahh kay Mitchell na tahimik lang na nakatayo habang nakamasid sa kanila. Kung medyo nahuli lang nang kaunti ang mga tauhan ni Mitchell siguradong natangay na ito ng nga tauhan ni Robert. Natagpuan ito sa isang maliit na baranggay sa Davao.

"Si Natalia. Natalia Guzman. Nagtrabo siya sa isang club noon, hanggang sa ibahay ng isang pulitiko. Pero iba na ang pangalang ginagamit niya. Simula nang tangayin ito ng ina para ilayo kay Don Augustine, pinalitan ni Doña Norah ang pangalan niya at isinunod sa pangalawang asawa nito."

"Kailangan ko siyang makausap. Sabihin mo kung saan ko siya makikita."

"Si Nadia Dela Fuente. Ang ina ng asawa mo." Marahas na napasinghap si Sasahh sa idineklara ni Atty. Diosdado.

"Ang mama ni Wilson? Sigurado ho ba kayo sa bagay na 'yan?"

Tumango ito. "Nasa isang safe deposit box ang orihinal na kopya ng testamento pati na rin ang video ng statement ni Don Augustine kung kanino niya ipinamamana ang lahat ng kanyang ari-arian. Pati ang video na palihim na nakuhanan ng Don nang pag-amin ni Robert sa paglason nito sa matanda ay naroon."

Isinandal ni Sasahh ang likod sa silya. Inabot niya ang kamay ni Mitchell at mariing pinisil iyon. Kailangan malaman ni Wilson ang lahat. Kung hindi ang mama nito, maaaring si Wilson o Elisse ang kumuha ng mana dahil anak ito ni Nadia.

--
Sa nagre-request po nang pasilip sa past ni Wilson at Sasahh; yung before accident. Actually meron po ito, may dalawang prologue ito. Yung scene sa Down and Dirty na biglang nawala si Sasahh at Wilson nasa prologue pero sa book ko na yun isasama para sa bonus chapter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top