Chapter 21
"IKAW, Poleng, ah? Kung ano-ano ang itinuturo mo kay Ryke!" Kastigo ni Sasahh kay Poleng na busy sa panonood ng YouTube sa Smartphone nito habang nakasandal sa katawan ng malaking puno. Nakaupo sila picnic mat na nakalatag sa bermuda grass sa ilalim ng puno ng Oak. Si Ryke naman ay busy sa paglalaro ng de remote nitong nitong toy car.
"Ano na namang kalokohang itinuro mo Poleng?" Si Elisse na kumakain ng chips.
"Sinabi ba naman sa bata kung paano gumawa ng baby. Ayon, kinukulit kami ng kuya mo na gumawa ng baby at manonood daw siya." Humalahak si Elisse. Hindi na niya sinabi pa na nakita sila ni Ryke na may ginagawang milagro. Nakakahiya masyado.
"Eh, tanong po kasi nang tanong. Sabi gusto raw niya ng kalaro, sabi ko mag-request ng kapatid sainyo para may kalaro siya. Tapos kung ano-ano na ang itinanong. Paano raw gumawa ng baby? Sabi ko naman kailangan mag-kiss at magyakap ang mag-asawa, sabi naman niya, nakikita niya kayong nagki-kiss at hug pero wala pa ring baby. Ayon, nasabi kong kailangan walang damit. Jusko! Nakakakurta minsan ng utak si Ryke. Ang daming tanong. Hindi ko na alam minsan kung ano ang isasagot."
Totoo ang sinasabi ni Poleng. Kahit siya minsan ay nauubusan ng isasagot. Minsan tinanong pa siya kung paano malalaman kung lalaki o babae ang isang hayop nang may makita itong pusang gala. Ipinaliwanang naman niya nang maayos. Ang lalaki ay may penis at ang babae ay may vagina katulad din ng sa tao.
"Saka ayos na po 'yon, señorita. Sex education po 'yon para hindi ka agad maging lola."
"Puro ka talaga kalokahan, Poleng. Apat na taon palang si Ryke." Pinaikot ni Elisse ang mga mata.
"Eh, ikaw, Poleng, wala ka bang balak magpatanin ng binhi? Tumatanda ka na, ah? Pakunat na 'yang matris mo."
"Payag ka ba, Señorita, kung si Señorito Alkalde ang magtatanim sa 'kin?"
Malakas na humalakhak si Elisse.
"No way! Hindi mabubuhay ang binhi niya sa 'yo? His seeds only suit me. Kumbaga sa lupa, matabang lupa ang mayroon ako at sa akin lang maaaring mabuhay ni mayor."
Umingos si Poleng, dumapot ng cookies at kumagat.
"Siguro noong ipinagbubuntis kayo ng mga nanay niyo nagbuhos ng biyaya ang Diyos. Ang suswerte niyo. Magaganda, mayaman, tapos ang gugwapo pa ng asawa. Pero si Señorita Elisse, malasmalas sa asawa."
Napatawa si Elisse. "Hindi lang kamo malasmalas. Sobrang malas!" Hindi naman ito mukhang nalulungkot o apektado sa nangyayari sa buhay. Elisse looks happier this past few days kaysa sa mga unang araw nito sa mansiyon.
"Pero baka si Sir Adan talaga ang nakatakda para sa 'yo." Ang pagkakangiti ni Elisse ay biglang naglaho. Pinamulahan ito.
"Adan?" Curious na tanong ni Sasahh.
"Sabi ni Ryke naghalikan daw kayo ni Sir Adan." Ang kaunting pamumula sa mukha ni Elisse ay lumala. Pati puno ng tainga nito ay namumula na ngayon.
"Really?"
"No!" Mabilis na tugon ni Elisse.
"It was an accident! Magbebeso lang dapat siya kaso lumingon ako kaya sa labi lumapat ang labi niya. But it's nothing. Napakatsismosa mo talaga, Poleng!"
"Si Ryke ang tsimoso, hindi ako. Mga galawan señorita."
"Poleng, stop!" Hinampas ni Elisse si Poleng sa braso. Hiyang-hiya ito.
"Malesyoso ka!"
"Pero sandali. Kailan kayo nagkita ni Adan? Bakit hindi ko alam 'to?" Biglang na-tense si Elisse sa tanong ni Sasahh na iyon.
"Sorry, Ate Sam. Ayaw kasi ni kuya na magkita si Adan at Ryke. Maawa naman ako kay Adan, he deserves to see Ryke. Kaya palihim kaming nakipagkita."
"That's okay. Pero huwag mo lang ipapalaam sa kuya mo, magagalit 'yon."
Hindi talaga gusto ni Wilson na nagkikita si Ryke at Adan. Parang nakakaramdam si Wilson ng insecurity lalo kapag binibida ni Ryke kung gaano itong nag-e-enjoy kasama si Adan. Nararamdaman niya rin ang takot ni Wilson na baka mawala si Ryke. Naguguluhan na nga siya kung dapat pa ba niyang ibigay si Ryke kay Adan. Naaawa siya kay Wilson.
"Speaking. Kuya is here." Inginuso ni Elisse ang kinaroroonan ni Wilson.
Tumayo si Sasahh nang makita si Wilson hindi kalayuan sa kinaroroonan nila. Nakatayo lang ito habang nakamasid sa kanila. Nakangiti niya itong sinalubong. Napatawa si Sasahh nang bigla siyang yakapan ni Wilson nang buong higpit. Napakasarap na yakap!
"Mag-usap tayo." Hindi niya maipaliwanag pero may kakaiba sa boses ni Wilson. Nang titigin niya ito sa mukha napansin niya ang pamumula ng mga mata nito.
Wilson wants them to talk privately, kaya sa kwarto sila nagpunta.
"May problema ba?" Sasahh hunkered down on the edge of the bed and Wilson crouched down before her, gazing at her with seriousness.
"Wilson," she muttered, her bewildered gaze followed the tears that suddenly slid down his cheeks.
"Wilson?" His gaze landed questioningly on his eyes.
"I know it's you. You're alive!" Sasahh's eyes widened and her spine stiffened up.
"Sasahh!" Mas lalong umagos ang luha mula sa mga mata ni Wilson. Sari-saring emosyon ang mababanaag sa mga mata nito. While Sasahh on the other hand was caught off guard she doesn't know how to react.
She was sitting there with her spine upright. Her wide eyes welled up with tears.
"W-what are you..." she can't even finish her sentence as the lump started to form in her throat.
"I know it's you Sasahh. Bakit kailangan mong magpanggap?" Mahigpit na hinawakan ni Wilson ang nanlalamig na mga kamay ni Sasahh.
She tried to relax all the muscles in her body and she shook her head. "I don't know what you are talking about." She denied but the expression on her face revealing the truth.
Tumayo si Sasahh. Tinalikuran niya si Wilson saka pinahid ang luhang bumagsak mula sa kanyang mga mata.
"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa. Why do you need to pretend?"
"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Wilson. Patay na si Sasahh. Matagal na!"
"Then can you explain this to me?" Dahan-dahan siyang pumihit paharap kay Wilson para makita ang tinutukoy nito. Isang papel ang hawak nito. Ang laman marahil ng dala nitong folder.
May pagtataka niyang kinuha iyon at sinuri. Nahigit niya ang kanyang paghinga. Huling-huli na siya. The DNA is a proof that she was an impostor. There is no way she can deny it. Huling-huli na siya.
"Sinagot ko ang tawag ni Mitchell sa 'yo at rinig na rinig ko na tinawag ka niyang Sasahh. Paulit-ulit. Doon ako nagkahinala na maaaring ikaw nga 'yan. Na buhay ka. Noon binabaliwala ko lang ang mga pagkakatulad ng ugali niyo kasi akala ko nangungulila lang ako sa pagkawala mo. Kaya pinagawa ko 'yan para masiguro ang hinala ko." Mahigpit na kumuyom ang kamay ni Sasahh. Nalukot ang papel na hawak.
"You are not Samantha. Bakit kailangan mong itago? Sasahh, please, enlighten me--"
"Dahil papatayin nila ako kapag nalaman nilang buhay ako!" Tuluyang nagbreak down si Sasahh. Sumabog nang tuluyan ang kanyang emosyon. Ang emosyon na kahit anong galit niya kapag kaharap ang mga taong kinasusuklaman ay hindi niya mailabas.
"Sino?" Ikinulong ni Wilson ng palad ang kanyang mukha.
"Sabihin mo sa 'kin kung sino?"
"Ang lolo mo at si Robert. Pinatay ni Robert si Samantha. He mistook his daughter for me kaya ang sariling anak niya ang napatay niya. Lumabas sa autopsy na lihim na pinagawa ni Mitchell na pinatay nga si Samantha."
Bumakas sa mukha ni Wilson ang matinding gulat.
"Pero bakit niya gagawin 'yon? Bakit ka niya gustong patayin." Naguguluhang isinuklay ni Wilson ang mga daliri sa buhok. Natutuliro.
"Dahil may alam akong ginawa nila." Muling umupo si Sasahh sa gilid ng kama. Si Wilson ay nanatiling nakatayo sa harapan ni Sasahh, naghihintay na tapusin ang sinasabi.
"They killed my parents!" Muling bumulalas nang iyak si Sasahh. Hanggang ngayon ay hindi niya parin matanggap ang naging kapalaran ng mga magulang dahil sa kahayupan ni Robert.
"Bago ang aksidente, narinig ko si Senator at Robert. Pinapapatay nila si dad. I tried to save him pero naaksidente naman kami ni Samantha... Up until now, wala pa rin akong ibedensiya na siya nga ang nagpapatay kay mommy at daddy. Gusto ko silang pagbayarin sa ginawa nila at hindi ako titigil hanggat hindi nangyayari 'yon kahit buhay ko pa ang kapalit!" Umupo si Wilson sa tabi si Sasahh. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? Bakit itinago mo? Sasahh, I can protect you! I can help you."
"You can't! How could you do that if you are not strong enough to stand up for yourself. Sunod-sunuran ka sa lolo mo, Wilson. No one can help me but myself. Tatapusin ko 'to. Gusto kong makulong ang mga taong pumatay sa mga magulang ko. Ang sumira sa buhay naming magkakapatid."
Kinabig ni Wilson si Sasahh at mahigpit na niyakap.
"Hindi mo kailangang gawing mag-isa. Nandito ako. Tutulungan kita. Pangako 'yan! Kung kinakailangan kung kalabanin si Senator gagawin ko." Gulat na inilayo ni Sasahh ang sarili mula kay Wilson at tumitig sa mukha. Naroon ang sinsiridad.
"Bakit mo gagawin?" Buong buhay nito naging sunod-sunuran lang at sa isang iglap, handang kalabanin ang taong makapangyarihan para lang sa kanya.
"Simply because I love you. I can't deal losing you again. I would have done anything. I would have given up anything just to keep you."
"Then why not? Bakit ngayon lang? Kung kaya mo naman palang kalabanin ang lolo mo, bakit ngayon lang? Bakit si Samantha pa ang pinagawa mo nang paraan para hindi matuloy ang kasal niyo? Bakit hinayaan mo pang may magbuwis ng buhay?" Hindi niya maiwasang maghinanakit. Kung noon pa sana natigil ang kasamaan ng mga hayop na 'yon, baka buhay pa ang mga magulang niya.
"Naduwag ako noon. I thought I could be with you without sacrificing my mother's happiness. Pero hindi pala maaaring makuha ang lahat... But now I'm ready, I will fight for you even it will cause my mother pain."
She looked up at him, a confused look in her eyes. "What do you mean?"
"Kung ako lang, hinding-hindi ako magpapadikta kahit na kanino. Pero may alam si Senator na sekreto ni Mama at iyon ang ginagamit niya para pasunurin ako."
Parang alam na ni Sasahh ang tinutukoy ni Wilson. May alam na ba ito sa totoo nitong pagkatao. Ginagamit ba ni Senator ang bagay na iyon para pasunurin ang magkapatid?
"Ano'ng sekreto?"
"I'm not dela Fuente. Nabuntis si Mama noon ng isa sa mga customer nito sa club at ipinaako kay papa. Nalaman iyon ni Senator, at ngayon ginagamit niyang panakot sa 'kin. Mahal na mahal ni mama si Papa at ganoon din si papa. Hindi ko alam kung ano ang maaaring magawa ni papa kapag nalaman niya ang totoo. Kung ako lang, kaya kung tanggapin ang maaaring maging trato sa 'kin ni papa pagkatapos, pero paano ang mama ko? Hindi niya kakakayaning mawala si papa."
Now, she understands. Buong akala niya duwag ito, but he's selfless! Parehas sila ni Elisse. Kayang isakripisyo ang sariling kaligayahan maprotektahan lang ang pamilya, lalo na ang pagsasama ng mga magulang nito.
"Senator is a such wise man. He's evil! Ginamit din niya rin kay Elisse ang sekreto mo para pumayag si Elisse na makasal kahit hindi niya gusto. Iyon pala alam mo na ang totoo mong pagkatao!"
"What? Alam mo? Alam ni Elisse?"
She nodded. "Elisse told me!"
Nagtagis ang mga bagang ni Wilson. Mariin pa nitong ipinikit ang mga mata.
"Paano kung alam din pala ng papa mo ang totoo, Wilson? Na sadyang tuso lang talaga ang lolo mo at pinaikot kayong lahat para makuha ang gusto." Natigilan si Wilson. Halatang napaisip sa sinabi ni Sasahh.
"Sana nga!" Kapagkuwa'y sabi nito.
"Mas magiging madali ang lahat." Lumambot bigla ang ekspresyon ni Wilson nang tumitig ito sa mga mata ni Sasahh. Parang bigla ay tinangay ng hangin ang galit at lungkot na nararamdaman nito.
"You're wearing contact lens, right?"
Tumango si Sasahh. "Can I see your eyes?" Parang bigla ay gumaan ang pakiramdam niya sa masuyong pakiusap nito. Wilson loves her eyes. Gustong-gusto nitong tumititig sa mga mata niya. Siya raw ang may pinakamagandang matang nakita nito.
Pinagbigyan ni Sasahh ang pakiusap ni Wilson. Inalis niya ang contact lens. Lumantad ang totoong kulay na mga mata niya. The multi-colored eyes, with a shade of green, blue, and a burst of gold radiating outwards from around the pupil.
Namamamanghang ikinulong ni Wilson ang mukha ni Sasahh sa mga palad nito at tinitigan siya sa mga mata.
"Your eyes are undoubtedly the most mysterious, rare and beautiful eye colors out there." Buong paghanga siya nitong pinakatitigan at bigla na lang ang pagpatak ng luha nito sa mga mata.
Nanikip ang dibdib ni Sasahh sa hindi maipaliwanag na emosyon. Inabot niya ang pisngi ni Wilson at pinahid ang luhang dumaloy roon.
"I can't believe this! Tell me I'm not dreaming. If I am, hindi ko na gustong magising." Garalgal ang boses nito.
Sasahh shook her head. "Y-you are not dreaming." Her voice cracked with emotion, and tears blurred her vision.
"H-hindi talaga ko makapaniwala!" Kinagat ni Sasahh ang pang-ibabang labi para pigilan ang paghikbi dahil sa pagluha ni Wilson. Nadadala siya pagiging emosyonal nito.
Hinalikan siya nito sa labi bago mahigpit na niyakap.
"Pangako, wala nang makakapaghiwalay sa atin. Mahal na mahal kita, Sasahh. Sobrang mahal na mahal!"
"Mahal din kita." Muling bumitaw si Wilson mula sa pagkakayakap kay Sasahh at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Nagulat sa naging tugon niya. Noon, isang halakhak lang ang sagot niya sa tuwing sasabihin nitong mahal siya nito.
"Ano ang sabi mo? Mahal mo rin ako?"
Tumango siya. "Noon pa man mahal na kita. Noong una hindi. Hindi ko type ang mga tulad mo pero kasi ang kulit mo... ang persistent mo, ang sweet mo kapag magkasama tayo, hindi ka tumitingin sa ibang babae kapag nasa mall tayo until I started falling in love with you... pero hindi pwede dahil hindi ka gusto ni papa para sa 'kin. Isa ka raw dela Fuente."
Noong una, hindi niya maintindihan kung ano ang isyu ng papa niya sa dela Fuente hanggang sa mangyari ang trehedya at malaman niya kung anong klase ang buhay meron ang mga dela Fuente. Noon niya naunawaan.
"Kapag natapos itong lahat. Magpapakasal tayo. Papakasalan kita bilang Sasahh Rodriguez.
"Talaga? Gagawin mo 'yon?"
"Noon ko pa gustong-gustong gawin 'di ba? Sabi ko pa sa 'yo aanakan kita ng isang dosena."
"Pero sabi ko baog ka. Kasi ilang beses na nating ginawa hindi naman ako nabuntis."
"At sabi ko naman. Kasi ayaw mong mag-I love you, too, kaya ayaw lumusot ni baby sa mga obstacles." Lumuluhang natawa ang dalawa.
"I love you!" Nagkapanabay nilang usal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top