Chapter 18

A sudden burst of anger boiled up within her as she saw Wilson and Queenie chatting at the pool area while she's in Samantha's room terrace.

Wilson is relaxing on a chase lounge, while Queenie paraded her body whilst clad in a skimpy, white string bikini as she stood in front of him, posing as though she was in a photoshoot.

Kanina palang pagdating nila ni Wilson sa mansiyon ng Swift sa Antipolo ay panay na ang pa-cute ng babaeng ito sa asawa niya at ngayon kulang na lang ay maghubad sa harapan ni Wilson.

Alam niyang type ni Queenie si Wilson noon pa man. Nang maaksidente sila ni Samantha alam niyang hinayang na hinayang ito dahil sa pag-aakala nitong nabuhay si Samantha. Iminungkahi pa nito kay Robert na ito na lang ang ipalit kay Samantha para ipakasal kay Wilson. At isa iyon sa maraming dahilan ni Sasahh kaya nagpakasal siya kay Wilson. Hindi niya gugustuhin kailan man na makuha nito ang kapritso at mas lalong hindi niya gustong mapunta rito si Wilson. Kung nagkataon ang swerte ng gagang ito dahil ito ang makikinabang sa katawan ni Wilson.

Nagsalubong ang kilay ni Sasahh nang ipatong ni Queenie ang isang paa sa dulo ng chase lounge na nauupuan ni Wilson. The sight she had seen caused her grip tightening around the stainless steel bar railing. She drew in a quick breath before spinning around and pushing through the door.

Mabibilis na hakbang ang ginawa niya hanggang sa marating ang kinaroroonan ng dalawa.

Nakaupo na ngayon si Queenie sa dulo ng chase lounge, naka-cross ang mga hita habang ang dalawang kamay ay nakatukod sa upuan. Nakaharap kay Wilson.

"What is your height, Queenie?"

"I'm 5 ft. and 6 inches tall with a perfect vital stats of 36-24-36. D-cup. The most appealing breast size to men." Bahagyang umawang ang bibig ni Sasahh nang ipinitin nito ang dibdib ng mga braso kaya halos pumutok na ang dibdib nito. Mula sa mukha ay bumaba ang mga mata ni Wilson sa dibdib ni Queenie.

"Bigger is not always better, but firmer definitely is." He returned his gaze to her face.

"My wife's breasts are more appealing to me. I like flat." That makes Sasahh smile. Sumimangot naman si Queenie.

"Parehas lang kayo ng height ni Samantha but she looks taller than you."

"Baka pati height niya inayos. Pero wala naman akong pakialam dun." Kinuha ni Queenie ang kamay ni Wilson at hinila ito.

"Halika, samahan mo na lang akong mag-swimming."

Noon na lumapit si Sasahh.

"Hindi mo talaga alam kung sino at hindi dapat nilalandi ano?" Bumaling ang dalawa kay Sasahh.

"Pareparehas talaga kayong magkakapatid. Kung sino ang may nagmamay-ari na, 'yon naman ang gustong-gusto niyong sakmalin." She put a hand on her hip. Khayleen has still a thing for Alford and Princess is still obsessed with Dock.

"Tantanan mo ang asawa ko. Bitiwan mo siya dahil kung hindi babalian talaga kita, Queenie!"

Bumitaw si Queenie mula sa pagkakahawak kay Wilson saka tumayo. One of her newly waxed eyebrows raised.

"I'm just being friendly here. Masyadong marumi ang isip mo. I just accompany your husband."

"Hindi niya kailangan ang pagkakawang gawa mo! Umalis ka kundi bubunutin ko lahat ng buhok mo!" Inismiran siya ni Queenie. Na-sense agad niyang babanggain siya nito kaya naihanda niya ang sarili kaya pagbangga nito sa kanya, sa halip na siya ang tumumba ito ang tumimbuwang.

Galit itong tumitig sa kanya na tinaasan lang niya ng kilay.

"Arg!" Galit itong tumayo at nagmartsa papasok ng mansiyon. Bumuntong-hininga si Sasahh para kalmahin ang sarili. Nang kanyang ibaling ang atensiyon kay Wilson nahuli niya itong may malapad na ngiti. Siyang-siya ang walangya!

"What's funny?"

He shrugged. "You. Selosa ka pala."

"Of course not! Hindi ko lang gustong pinapahawakan ang bagay na pag-aari ko."

"Selosa ka nga!" Mas lalong pinunit ng malapad na ngiti ang labi nito. Inilahad ni Wilson ang isang kamay sa kanya. Inabot naman iyon ni Sasahh. He made her straddle him. He framed her face with his hands, staring at her deeply before he left her a gentle kiss on the lips. Then he wrapped his arms around her. Inihilig ni Sasahh ang gilid ng ulo sa dibdib ng asawa.

Masuyong sinuklay ni Wilson ang buhok ni Sasahh habang hinahalikan nito iyon.

"I love you," he whispered against her hair and that made her heart kicked in.

"What?" usal niya pero hindi magawang mag-angat ng mukha. Isang mahigpit na yakap lang ang isinagot ni Wilson sa kanya. Is he falling in love with her? Pero si Samantha siya sa paningin nito. At siya bilang Sasahh ay hindi maaaring mahulog kay Wilson. Napakakumplikado ng kanilang sitwasyon.

NASISIYAHAN si Sasahh habang pinapanood si Robert sa siwang ng pinto ng opisina nito. Paroo't parito habang may kausap sa telepono. Galit na galit ito dahil sa pagkakasakute ng NBI sa dalawang delivery truck ng ng Rodriguez Food Corp., sa mismong port na naglalaman ng mga epektos.

"Take down that fuckng video! Now!" Na-curious bigla si Sasahh sa narinig. At parang mas dumoble ang galit ni Robert.

"Isa lang ang posibleng may gawa nito! Ang anak ni Matias! Siguradong may alam ito. Posibleng nasabi sa kanya ni Matias ang lahat. Gawan niyo ito ng paraan. Patahimikin mo si Tyler Rodriguez! I want him dead! Gusto kong tungkol sa pagkamatay niya ang bubungad na balita sa 'kin bukas!"

Nahigit ni Sasahh ang paghinga. Pinandigan siya ng balahibo sa narinig. Parang replay ang lahat nang marinig niyang ipag-utos din nitong ipapatay ang kanyang ama.

Hindi maaari! Wala siyang nagawa sa pagkamatay ng kanyang mga magulang noon. Hindi siya papayag na pati si Tyler ay ipapatay nito sa bagay na wala naman itong kinalaman. Siya ang may gawa niyon. Siya ang may gawa niyon at hindi ang kapatid niya.

Humigpit ang hawak niya sa cellphone na nasa kamay at tinitigan iyon. Kailangan niyang protektahan si Tyler at si Mitchell lang ang makakatulong sa kanya. Lumayo siya sa opisina ni Robert. Tinungo niya ang pool area sa kung saan walang makakarinig sa kanya. Hindi siya maaaring bumalik sa silid ni Samantha dahil nandoon si Wilson, nagpapahinga na.

Nang masigurong walang ibang tao sa paligid ay tinawagan niya si Mitchell na agad naman nitong sinagot. Nanginginig ang mga kamay niya habang hawak ang cellphone sa tainga.

"Mitchell, I need your help!"

"Sasahh? May problema ba?" Naramdaman ni Sasahh ang pagkataranta sa boses ni Mitchell. Mukhang patulog na rin ito. She heard the sound of crisp bedsheets in the background.

"Si Tyler ang pinagbibintangan ni Robert na may gawa ng pagkakahuli sa mga tauhan nitong may dala ng droga. Please, help him. Magpadala ka ng NBI o pulis na poprotekta sa kanya bago pa mauna ang mga tauhan ni Robert." Nagsimulang nag-init ang kanyang mata at kapagkuwa'y sunod-sunod na pumatak ang mga luha. Nangangatog ang kanyang tuhod sa matinding takot.

"Oh, God, Mitchell! Hindi ko na kakayanin pa kung pati sa isa sa mga kapatid ay mapapahamak! Please, do something! I'm begging you!"

Nanghihinang napaupo si Sasahh sa chase lounge. Hindi niya ito inaasahan. Hindi niya inaasahang si Tyler ang pagbibintangan ni Robert.

"Calm down, Sasahh. Pupuntahan namin ang kapatid mo. Ako na ang bahala. Walang masamang mangyayari sa kanya."

"Thank you, Mitchell! Tatanawin kong malaking utang na loob ito sa 'yo."

"Babalitaan na lang kita." Nagpaalam si Mitchell. Pinilit niyang sinubukang kalmahin ang sarili. Ilang sandali siyang nanatili sa pool area. Uupo, tatayo at pabalik-balik na maglalakad. Her hands are sweating sa matinding nerbiyos.

Bumalik si Sasahh sa loob nang muling tumawag si Mitchell para ipaalam na tumungo na ito sa bahay ni Tyler. Napag-alaman niyang may video na kumakalat sa social media ng tungkol sa anumalyang nangyayari sa loob ng Rodriguez Food Corp., Ipinakita sa naturang video ang actual footage nang paglalagay ng droga sa loob ng produkto ng Rodriguez Food Manufacturer. Ibinunyag rin sa video na si Robert Swift na ang totoong may-ari ng naturang kompanya at pinapatay nito ang totoong may-ari na si Matias Rodriguez at asawa nito; ang kanyang mga magulang.

Kung sino man ang may gawa niyon dapat niya itong pasalamatan dahil pinapadali nito ang kanyang paghihiganti. Pero sino ang taong nasa likod ng Video? Ang kapatid niyang si Tyler ang pinaghihinalaan ni Robert. Posible kayang si Tyler ang may gawa niyon?

Naalala niya, minsang dalawin niya si Tyler ay binanggit nitong pinatay ang magulang niya. Ngayon lang siya nagka-hint na tila may alam nga si Tyler. Posible kayang may alam si Tyler.

Natigil si Sasahh sa kalagitnaan ng pasilyo pabalik sa silid ni Samantha nang makita si Robert na nagmamadaling lumabas mula sa opisina nito. Makikita sa mukha nito ang matinding galit.

She immediately switched into an actress mode.

"Papa, may problema ba?" Huminto ito. Makailangang beses na bumuntong-hininga.

"Naharang ng NBI ang mga epektus na dapat ilalabas patungong Tsina."

"Oh, I'm sorry to hear that!" She bet, she will be winning a best actress award for her acting.

"What can I do to help?"

Umiling ito. "I can fix this." Nilagpasan siya nito pero muling tumigil.

"May ipapagawa ako sa 'yo."

"Anything, papa."

"May gusto akong ipahanap sa 'yo."

"Who?"

"Ang dating abogado ni papa. Si Atty. Diosdado Bautista." Humigpit ang hawak niya sa cellphone.

Ganyan nga, Robert! Pagkatiwalaan mo ako.

"Puro palpak ang tauhan ko! Kailangan siyang mahanap dahil siya lang ang nakakaalam kung sino ang tunay na anak ni papa. Hawak din niya ang last will and testament ng matanda."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Sasahh.

"Hahanapin ko siya papa."

"Then kill him!" Matigas nitong sabi.

"Kaya mo?"

Bahagyang tumango si Sasahh. "Pumatay na ako, kaya kakayanin ko." Sa kabila ng galit at frustration ay nakitaan ni Sasahh ng katuwaan ang mukha nito. Sinundan niya ng tingin ang papalayong si Robert.

Pumihit siya para sana bumalik ng silid nang pamansin niyang bukas ang opisina ni Robert. Humakbang siya palapit doon, hinawakan ang doorknob at marahan iyong itinulak pabukas. Bukas ang ilaw. Humigpit ang hawak niya sa doorknob nang makitang hindi nakasabit ang painting sa dingding sa kung saan naroon ang vault. Medyo nakaangat rin ang vault. Hindi marahil naisara ni Robert dahil sa frustration dahil sa dami ng kapalpakan.

Pumasok siya at agad na iginala ang tingin sa loob ng opisina. She noticed the security camera at corner. Humakbang si Sasahh palapit sa vault at tinitigan iyon.

"Pinapadali mo talaga ang pagpapabagsak ko sa 'yo, Robert!" Nagkakatiwala na sa kanya si Robert dahil nagawa niya nang maayos ang lahat ng iniuutos nito sakanya. Ilan doon ang pakikipag-transact sa ilang mga druglord ng bansa.

Sinulyapan niya ang painting na nakasandal sa dingding sa baba. Kinuha iyon at ibinalik sa kung saan ito nakasabit. Hindi niya isinara ang vault. Hinayaan niyang nakabukas iyon. Hindi siya maaaring gumawa ng kahit ano sa ngayon. Hahayaan niyang isipin ni Robert na kakampi talaga siya. Na mapagkakatiwalaan siya.

Bumalik siya ng silid. Hindi man lang namalayan ni Wilson ang pagpasok niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama habang seryosong nakatitig sa isang naka--frame na larawan nila ni Samantha. Kuha iyon noong magkasama sila sa isang fashion show sa New York.

Umupo si Sasahh sa tabi ni Wilson. Kumurap si Wilson mula sa pagkakatitig sa larawan at bumaling kay Sasahh. Tinitigan siya nito sa mga mata at muling tumingin sa larawan.

"Do you miss her?" She asked. He returned his gaze to her.

"Si Sassah?" she added.

He nods. "Sobra!"

"She's already dead." She stood up, walking over to the night stand and placed the cell phone on it.

"Better to forget her."

"SASAHH, handa na ang NBI para sa operasyon bukas. This will be the first step para mapabagsak natin si Robert Swift... hello? Sasahh, you are still there? Sasahh?"

The eyes!

The attitude!

The actions!

The Spanish curses!

The concern she has for Rodriguez siblings.

Those hints are swirling in his head. He couldn't take his mind off it. Nakakabaliw! Para siyang masisiraan ng bait.

Nagmulat si Wilson ng mata nang batuhin siya ni Alford at tamaan sa mukha ng basang bagay. Dumikit pa iyon sa gilid ng kanyang ilong. Nakakunot noong kinuha iyon. Wilson's frown deepened into a scowl. Ibinato niyang pabalik ang nginuyang ubas kay Alford.

Napakababoy talaga kahit kailan ng taratando! Hindi na nagbago!

Ibinato naman sa kanya ni Dock ang lata ng beer na kanyang nasalo ng isang kamay.

"Ano ba ang problema? Nagyaya kang lumabas tapos ganyan ka," si Dock.

"Dude, kung may problema ka better to share it now. Cinderella ako ngayon. Hanggang alas dose lang ako," si Falcon na dinutdot pa ang orasang pambisig ng daliri.

"Same here," sabay na sabi ni Alford at Dock. Inilapag niya sa mesa ang beer. Kasalukyang silang nasa VIP room ng The Rock bar.

Itinukod niya ang mga siko sa kanyang tuhod at pinagsalikop ang mga kamay at idinikit iyon sa bibig. Mataman niyang tinitigan ang mga kaibigan nang matagal na sandali bago sabihin ang kanina pang bumubulabog sa kanyang isipan.

"I think Sasahh is alive." Natigilan ang tatlo. Hindi na natuloy ni Dock ang tangkang pag-inom ng beer, ang tangkang pagkain ni Tres ng ubas at ang pagsalo ni Alford ng pistachio nut na itinapon sa hangin kaya tumama iyon mata nito.

Napamaang ang tatlo. Si Alford ang unang nakabawi sa pagkabigla at humalakhak.

"Tang-ina! Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa 'yo. Akala ko ba nagiging okay na kayo ni Samantha." Muling dumapot ng pistachio si Alford at itinuloy ang pagkain niyon.

"Seryoso ako, mga dude. Sasahh is alive!"

"Eh, sino ang inilibing natin?" It was Alford again.

Inihilamos ni Wilson ang dalawang palad sa mukha. "I know this is ridiculous. You might  think that I'm out of my wits. But I think Samantha is Sasahh."

"What!?" Sabay-sabag na bulalas ng tatlo.

"Tumawag si Mitchell, ang kaibigan niyang doktor, at ako ang sumagot ng cell phone niya. Ilang ulit niyang binanggit ang pangalang Sasahh. Imposibleng nagkamali 'di ba?"

"So, sinasabi mo na si Samantha ang inilibing at hindi si Sasahh?" Si Tres ang nagtanong.

"Exactly! At hindi malayong mangyaring napagkamali silang dalawa dahil parehas na nasira ang mukha ng dalawa."

"Eh, bakit kailangan niyang magpanggap?" si Dock na ngayon ay confused na rin.

"Maybe she is in danger," ani Alford na mukhang umiral na ang pagiging abogado nito. Seryoso na ekspresyon nito.

"Iyan din ang iniisip ko." Isinandal ni Wilson ang likod at tumitig sa kisame. Alam niyang masama ang matuwa sa posibleng buhay si Sasahh at si Samantha nga ang namatay pero hindi niya maiwasang asaming buhay nga si Sasahh.

Malakas ang kutob niyang si Sasahh nga ang kasama niya araw-araw. May mga hints na nagpapatunay na si Sasahh iyon. At ang puso niya, nakikila ng puso niya si Sasahh. Iyong bigla na lang siyang nakaramdam ng kakaiba para rito na kahit kailan ay hindi niya naramdaman kay Samantha noon.

"I have an idea para masiguro nating tama ang hinala mo." Muling nag-angat ng likod si  Wilson at tumitig kay Alford.

"DNA test. Ipa-DNA natin si Ryke at Samantha. Kung magiging negatibo ang resulta then it was Sasahh." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top