Chapter 17

NANG mag-angat ng tingin ang sekretarya ni Wilson at nang makilala si Sasahh ay agad itong napatayo mula sa kinauupuan. Kagalakan ang bumakas sa mukha nito.

"Mrs. Dela Fuente, kayo po pala. Magandang umaga..." Sinilip nito ang relong pambisig.

"Magandang tanghali ho," pagtatama nito sa unang sinabi.

"Magandang tanghali rin sa 'yo, Dani Girl. Nandiyan si mayor?" Daniella ang pangalan nito at dahil trending ngayon si Dani girl ng seryeng Kadenang Ginto ay iyon ang itinatawag niya sa sekretarya ni Wilson na madalas niyang makita sa tuwing pupunta ng mansiyon. Nasa edad trenta ito at mukhang paborito rin ang pula katulad ni Dani Girl, madalas niya itong makitang nakapula.

"Opo... pero..." Ang kagalakan nito ay napalitan ng pag-aaala. Tumaas ang kilay ni Sasahh nang may ma-sense na kakaiba.

"Why?"

"Nandiyan ho kasi 'yong enemy mo."

Her eyebrows furrowed. "Enemy?"

"Si Yelena po. Pero siguradong tungkol lang sa trabaho niya ang sadya. Pero syempre dahil malindi 'yon baka akit-akitin na naman si Mayor. Pero tiyak na hindi iyon papatulan ni mayor."

"I got this, Dani Girl! And oh by the way, sabi ko sa 'yo huwag mo na akong po-puin." Nakakatanda masyado. Mas matanda pa ito sa kanya, eh. Iniwan niya ang sekretarya at derederetsong pumasok ng opisina ni Wilson.

Nagkagulatan ang tatlo sa pagpasok ni Sasahh. Totoong nagulat siya at hindi inaasahan ang mapapasukan. Yelena is sitting on the armrest of Wilson's swivel at nilalaro ng mga daliri nito ang tainga ni Wilson.

Agad namang nakabawi si Sasahh sa pagkabigla at agad na kinolekta ang composure at confidence.

"Am I disturbing the love birds?"

Mabilis na tumayo si Wilson. "It's not what you think, Samantha," Wilson tried to explain himself in calm manner.

"Out!" Utos ni Sasahh kay Yelena at humakbang palapit sa desk. Si Yelena naman ay taas noong tumayo mula sa pagkakaupo sa armrest. Umarko pa ang perpektong hugis nitong kilay na halos kakulay ng Auburn nitong buhok.

Aba't ginaya pa ang kulay ng buhok niya!

"Huwag mo akong tinataasan ng kilay, Yelena, at baka ihampas ko sa pagmumukha mo itong bitbit ko!" Nag-iinit talaga ang ulo niya sa haliparot na ito.

"Yelena," mahinang tawag ni Wilson sa pangalan ng babae pero may autoridad. Yelena rolled her eyes before passing her.

"Hindo bagay sa 'yo ang buhok mo." Umismid lang ito at tumuloy sa pinto. Sinundan pa ito ni Sasahh ng tingin hanggang sa makalabas.

Inilapag niya sa desk ang dalang lutong pagkain para kay Wilson.

"What did you come here for?" He appeared  calm and didn't give a flying fuck about what she thinks or feels about his infidelity.

"Ganito pala ang nangyayari sa opisina mo. Gaano niyo kadalas gawin?" Iyon ang kanyang sinabi sa halip na sagutin ang tanong nito.

"Nothing happened, Samantha." He sat down on his swivel.

"Dahil dumating ako kaya hindi natuloy ang dapat mangyari." Pinagtagis ni Sasahh ang mga ngipin at bigla ay nag-init ang kanyang mata. Shit! Ano ba itong nararamdaman niya? Bakit siya nasasaktan? Bakit siya nagseselos? Hindi dapat!

"Pumunta lang ako para dalhan ka ng pagkain. Mauna na ako!" Tumalikod si Sasahh at tuloy-tuloy na tinungo ang pinto. Wilson sprang from his swivel and followed closely behind her and caught a hold of her wrist just as she reached the door. Pinihit siya nitong paharap.

Nag-iwas siya ng tingin dito. Mula sa braso ay lumipat ang dalawang kamay nito sa dulo ng kanyang magkabilang balikat.

"Sam, nothing happened, believe me. And nothing will happen kahit hindi ka dumating. Umupo siya sa tabi ko at sakto naman ang pagdating mo."

And this time, naramdaman niya ang worries sa boses nito at mukhang sincere naman sa sinasabi. Hays! Bakit naniniwala siya agad? Kung sabagay, mas katiwa-tiwala naman ang asawa niya kumpara sa babaeng iyon.

"Talaga?" Mataray pa rin ang ekspresyon niya.

"Parang nabaliktad yata, ah? I'm the one who should be mad here. Bakit ako ang nag-a-apoligize sa bagay na hindi ko naman talaga ginawa?" Bagamat tila nanunumbat ay wala naman siyang makitang galit sa mukha nito.

"Kaya nga ako nandito para magsorry!" Humalikip si Sasahh.

"Pinagluto pa kita tapos maaabutan ko lang kayo ni Yelena na naglalampungan. And look at this." Itinuro niya ang gilid ng labi na natalsikan ng kumukulong sabaw ng pochero.

"Natalsikan ng kumukulong sabaw." Kung pagpiprito hindi niya talaga gagawin dahil alam niyang mapapaso siya kaya naman kompyansang kompansiya  siya habang nagluluto dahil pachero lang naman iyon. Kaso pagsilip niya sa kaserola para sana langhapin ang amoy ng niluluto ay tumalsik iyon.

Inabot iyon ni Wilson at masuyong hinaplos ng hinlalaki bago inilapit ang bibig para gawaran ng pinong halik.

"Kiss ko na lang para hindi na masakit." Mariing itinikom ni Sasahh ang labi, kinagat ang loob ng mga pisngi para pigilin ang mapangiti. Hindi niya inaasahan ang gesture na iyon mula kay Wilson at mas lalong hindi na naman niya inaasahan ang tila kulog sa lakas ng tibok ng puso niya.

Tumikhim si Sasahh. "Bata lang?" aniya saka tinalikuran si Wilson pero may pinipigil na ngiti. Muling tinungo ang desk at doon pinakawalan ang ngiti na tila pupunitin ang kanyang labi sa lawak.

"Kainin mo na 'to." Ipinaikot ni Wilson ang mga bisig sa katawan ni Sasahh mula sa likuran, isinubsob nito ang gilid ng mukha sa gilid ng kanyang ulo at bumulong.

"Ikaw na lang kaya ang kainin ko?" Bumungisngi si Sasahh. She loves that pero syempre ayaw niya namang babuyin ang mayor's office at maging isa sa mga babaeng-- ugh! Ayaw niyang isipin.

She mildly elbowed his stomach before slipping out from his hug.

"Ayoko nga! Isasama mo pa ako sa mga babaeng ginagawan mo dito ng kabastusan!" She frowned. Thinking Yelena is one of them infuriating her and hurt at the same time.

"Ginagawan ng ano?"

"You know what I mean. How many bitches did you molest here? Was Yelena one of those?"

Wilson responded by guffawing. He laughs in ways that can trigger more of the feel good hormones kaya pati si Sasahh ay napatawa na rin kahit wala namang nakakatawa, kahit hindi niya gustong matawa.

"I didn't do anything dissolute in my office, but it would be the first if you will allow me to molest you."

Itinuro niya ang dalang pagkain. "Kain na. Nalilipasan ka na naman, eh."

Muling tumawa si Wilson and Sasahh couldn't help but smile. He grabs the pack lunch before taking her hand and leads her to the recieving area where a set of sofas arranged nicely.

Magkatabing umupo si Wilson at Sasahh sa mahabang sofa. Pinagtulungan ng dalawang ayusin ang pagkain sa center table.

"Wow! Did you really cook this?" Hindi naman kataka-takang hindi ito makapaniwala na siya ang nagluto dahil hindi man lang siya humakawak ng kaldero o magtungo man lang ng kusina para magluto simula nang magpakasal sila nito. Hindi siya marunong magluto.

"I can't cook pero pinag-aralan ko ang paborito mo para naman magmukha naman akong totoong maybahay. Elisse told me it's your favorite." Nagsimula nga itong kumain. He nodded his head while humming after taking his first bite.

"Masarap nga. Kalasa ng pochero ni mama. Parang hindi ikaw ang nagluto."

"Elisse guided me while cooking it kaya masarap 'yan."

"Kaso parang may kulang," anito habang ang mata ay nakatuon sa pagkain.

"Kulang?"

"Mukhang mas masarap kong may kiss for dessert." Sasahh frowned but her lips twisted into a smile. Nanatili ang mata ni Wilson sa pagkain pero may pinipigil na ngiti sa labi.

Inabot ni Sasahh ang pisngi ni Wilson at pinihit iyong paharap sa kanya.

"Ang aret mo, ano?" She said before leaning all the way in and planted a tender kiss on his lips.

"Okay na?" She asked after pulling her lips away from his. Wilson responded by smiling  from ear to ear bago nilantakan nang mabilis ang pagkain na akala mo ay naghahabol sa oras. Sinubuan pa siya nito. Malaking subo kaya punong-puno ang bibig niya.

"Labas tayo pagkatapos nito. Kulang ang kiss lang. I would like to taste more of you, I can't wait."

Natawa si Sasahh. Tinakpan niya ang bibig dahil may laman iyon. Hindi niya mapigilan.

"Napakalibog mo!" Masaya siyang hindi na ito galit sa kanya. Mabuti at mabilis suyuin. Mabuti na rin palang naabutan niya si Yelena rito at least nakatulong para kausapin siya agad ni Wilson.

"LOLO SENATOR, weak na po tuhod mo?" Napakasarap sa pandinig na binasag ni Ryke ang nakakabinging katahimikan sa hapagkainan habang naghahapunan sila.

"Hindi," tipid na sagot ng matanda habang nakasalubong ang kilay. Napakasungit talaga!

"Why do you have a walking stick?"

"Matanda na kasi si Senyor, baby, kaya kailangan niya ng stick," bulong ni Poleng na siyang nagpapakain kay Ryke dahil nilalagnat si Nana Myrna.

"Are you going to die, Lolo Senator?" Natigil sa pagkain ang lahat sa sinabi ni Ryke.

"Susmaryosep! Patay agad? Nagtutungkod palang. Magwe-wheelchair muna tapos mararatay bago mamatay."

"Ate Poleng, as you get older and older and older, you will likely get heart disease and cancer and Alzheimer and hypertension and soon you will die."

"Masamang damo si Señor kaya di pa siya made-dead-o."

"What's is damo?"

"It's a ahm... a noun, a plant, an... a...  an herbivorous animal's food. It's covering the ground, sometimes sinisinghot."

"Poleng!" Saway ni Elisse sa katulong.

"You mean grass?"

"Yes! Pakagaling talaga ni Ryke. Sasali tayo sa Pinoy henyo."

Natigil si Poleng sa malakas na kalansing nang bitawan ni Senator ang kutsara at tinidor. Nagpunas ito ng bibig gamit ang linen napkin pagkatapos uminom ng tubig.

"Malayo pa ako sa kamatayan, Ryke. Tama si Poleng, masamang damo ako."

"You aren't grass, lolo, but you are a good lolo."  Natigilan ang matanda sa sinabi ni Ryke.

"Kapag may cancer ka na I will take care of you." Napahawak si Sasahh sa noo. Gusto niyang matawa sa kadaldalan ni Ryke. Maging si Wilson ay kapansin-pansin ang pinipigil na tawa pero si Poleng at Elisse ay hindi naitago ang pagtawa ngunit pigil.

Si senator naman ay bahagyang naningkit ang mga mata habang matamang nakatitig sa bata. Nakakatakot pa rin ang anyo.

"Talaga?" Tanong nito pagkaraan ng ilang sandaling pananahimik.

"Opo! Ako magtutulak ng wheelchair mo."

"Hindi mo gagawin 'yan. You will be disobedient, too someday. At kapag wala na akong lakas, iiwan mo rin ako!"

"No! I promise I won't leave you, Lolo Senator! I will take care of you." Kumibot lang ang sulok ng labi ng matanda. Kinuha nito ang tungkod na nakasandal sa mesa at tumayo. 

MAGKAHAWAK kamay na bumalik si Wilson at Sasahh sa silid matapos puntahan si Ryke sa silid nito bago matulog. Nang makapasok sa silid ay napatawa si Sasahh nang hilain siya ni Wilson pabalik habang nakasandal ito sa nakapinid na pinto.

"Maglilinis lang ako ng katawan." Ipinaikot nito ang mga bisig sa kanyang katawan, isinubsob ang mukha sa kanyang leeg at para siyang pabangong inamoy-amoy.

"You smell clean and fresh, hindi mo na kailangan maglinis ng katawan." 

"I feel sticky." Pag-uwi niya kanina ng bahay nang pumunta siya ng opisina ni Wilson ay nakatulog siya. Nagising siya nang maghahapunan na pala at nandito na rin si Wilson. Napagod siya sa pinaggagawa nila ni Wilson. Hindi talaga pumayag ang malibog niyang asawang hindi maka-iskor. Nagpunta sila sa isang hotel at doon inangkin nang ilang ulit ang isa't isa.

Inilapat niya ang dalawang kamay sa dibdib ni Wilson saka kumawala mula sa pagkakayakap nito.

"Alam kong gusto mo na naman. Magtigil ka! Pakiramdam ko namamaga pa itong ano ko tas gusto mo na maman."

Marahang natawa si Wilson.  "Baka lang makalusot."

Tumalon ito sa kama. "Bilisan mo, ah?"

Nakangiti siyang tumango at tinungo ang banyo. Hinubad niya ang kanyang suot na T-shirt hindi pa man nakakapasok. Sumipol si Wilson na malapad niyang ikinangiti.

Hindi na siya nagbasa ng buhok. Tinatamad na siyang magtuyo pa. Gusto na agad niyang mahiga pagkatapos maglinis ng katawan. Patapos na siya nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang nakilala ang caller dahil sa assign ringtone niyon. It was Mitchell. Tinapos niya ang paglilinis ng katawan at nagtapis lang ng tuwalya. Nang lumabas ng silid ay nakita niya si Wilson na nakaupo sa gilid ng kama at tila napakalalim ng iniisip habang nakatitig sa kanyang cellphone.

"May tumawag sa 'kin?" Noon ito kumurap. Mukhang hindi man  lang namalayan ang kanyang paglabas ng banyo.

"Hmm... namatay rin." Bahagyang napakunot-noo si Sasahh nang mapuna ang kakaibang kilos ni Wilson. Nagbihis siya ng manipis na pantulog bago kinuha ang cellphone mula sa sidetable nang muli iyong tumunog. Sinulyapan niya muna si Wilson at nginitian.

"I'll take this first," paalam niya kay wilson at lumabas ng beranda. Isinarado niya ang glassdoor.

"Mitchell?"

"Sasahh, everything is ready. NBI will be conducting raid operation tomorrow. Siguradong wala silang kawala rito."

Isang ngisi ang gumuhit sa labi ni Sasahh. "Sa oras na madiin si Martin Lee, ito mismo ang maglalaglag kay Robert. I can't wait to taste victory. I can't wait to see them rot in jail!" Sasahh took a slow and deep breathe to return her body to a calm state when mixed-emotions started swirling inside her.

Nang pumihit siya at makita si Wilson na nakaupo sa gilid ng kama habang matamang nakatingin sa kanya ay unti-unting kumalma ang nakatiim niyang mga bagang. Bahagya siyang ngumiti rito.

"Luluwas ako bukas. Gusto kong makita ang magiging reaksiyon ni Robert kapag nabalitaan niya ang nangyari. Mayroon din akong kailangan kunin sa bahay niya. This is the time."

"Hindi na rin ako makapaghintay na matapos 'to, Sasahh."

Matapos ang pakikipag-usap kay Mitchell ay muling pumasok ng silid si Sasahh. Kinalma niya ang sarili at pilit munang iwinaksi ang napag-usapan nila ni Mitchell. Inilapag niya ang cellphone sa kung saan niya iyon kinuha.

"Let's sleep?" Tumango lang si Wilson habang nakatitig pa rin sa kanya. Ang dibdib nito ay baba-taas sa malalalim na paghinga.

"You okay?" tanong niya nang hindi na makatiis pa sa nakikitang biglang anyo ni Wilson. He looks serious and in a deep thought. Parang may bumabagabag dito.

Isang tango lang ang sagot nito pero nanatiling seryoso ang mukha.

Nahiga silang magkaharap. Wilson's confused eyes still fixated on her, roving all over her face contemplatively. He couldn't tear his eyes away as though she has the most aesthetically pleasing face. Sabagay, maganda siya, maganda si Samantha.

Inabot ni Wilson ang mukha ni Sasahh at marahang pinadaanan ng daliri ang kanyang pisngi, ang kanyang ilong at kapagkuwa'y ang labi. He returned his attention to her eyes, gazing at her so deeply   with an expression of perplexity. Biglang nailang si Sasahh kaya iniwas niya agad ang kanyang mata. Ang paraan nang pagtitig ni Wilson ay kakaiba, pakiramdam niya mabubunyag ang mga sekreto niya sa ginagawa nito.

"Luluwas ako bukas. May kailangan akong asikasuhin," aniya habang ang mata ay naktuon sa kisame.

"I'll go with you," he speaks in a whisper. She could still feel his eyes on her. Ngumiti si Sasahh bago ibinaling ang tingin kay Wilson. Tama nga siya, nakatitig parin ito sa kanya.

"Hindi mo ako kailangan samahan."

"I want to go with you."

"Okay," tangi na lang niyang nasabi habang sinalubong ang mga titig nito.

"Can I hug you?" request nito.

"Sure." She sidled up to him, a brilliant smile splitting her lips as he pulled her closer to him and gives her a warm, tight hug.

There are many times she felt she was as a butterfly who yearns for the cocoon, wants to be safe, but no one comfort her, no one assured her for her safety. Hanggang sa ito ngayon siya, nasisiyahan at nakakaramdam ng seguridad sa yakap ng isang lalaking kung tutuusin ay dapat niyang ituring na kaaway. She wants to be wrapped around his strong arms just like before. She loves the feeling of her head resting on his arm as she flattened  her palm against his chest, enjoying the strong beat of his heart beneath her palm. It feels like heaven!

Ipinikit ni Sasahh ang mga mata nang maramdaman ang mumunting halik na iginawad ni Wilson sa kanyang ulo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top