Chapter 16
"Good morning, mommy!"
"Good morning!" Hinalikan ni Sasahh si Ryke sa ulo bago umupo sa tabi nito para mag-agahan.
"How's your sleep, mommy?"
"I slept well."
"Very good." Napangiti si Sasahh. Napakalambing na bata talaga ni Ryke at nakakatuwa ang kadaldalan nito. Napakaganda nang pagpapalaki ni Samantha sa bata at masasayang lang iyon kapag nanatili ito rito sa bahay na ito.
"Nasaan si Wilson?" Tanong niya nang mapansing wala si Wilson sa pwesto nito.
"Umalis na, Ate Sam."
"Ang aga naman yatang umalis?" Alas siyete y medya palang.
"Maaga ngang umalis. Humigop nga lang ng kape," sagot ni Elisse.
Sasahh reaches for erving spoon and started putting fried rice on her plate.
"How about senator?"
"Maaga ring umalis. Luluwas ng Manila." Mabuti naman.
"Nag-aaway ba kayo ni kuya?" Nag-angat si Sasahh ng tingin kay Elisse.
"Bakit mo naitanong?" Ibinalik niya ang kutsara sa bandehado at kumuha naman ng daing. She prefers Filipino breakfast than American. Ito ang na-miss niya sa pananatili niya sa US. Meron namang daing sa Filipino store pero bukod sa napakamahal ay hindi ganito kasarap.
"Kasi parang wala siya sa mood." Galit nga sa kanya. Pero masmaiigi na 'yon kaysa naman mabuko siya. Ang tanga-tanga niya naman kasi. Tama bang mag- reminisce ng past intimacy nila ni Wilson.
"Hindi lang kami nagkaintindihan. Nagtampo lang." Tumango si Elisse saka isinubo ang hiwa ng tocino na nakatusok sa tinidor nito.
"Kuya is such a good man. May respeto siya sa amin ni mama. Mahal na mahal niya kami kaya siguradong magiging mabuti siyang asawa." Bahagya lang ngumiti si Sasahh sa kwento ni Elisse saka nagsimulang kumain. Hindi niya alam kung ano ang gusto ipahiwatig ni Elisse sa sinabi nito.
"Mahal na mahal niya si Ryke," patuloy pa nito.
"I know that."
"Malaki ang chance para mag-work ang relasyon niyo." Nòon natigil si Sasahh sa pagkain at tinitigan si Elisse. Kahit katiting ay walang tsansa ang relasyon nila ni Wilson. Hindi siya si Samantha at hindi niya maaaring mahalin si Wilson dahil isa itong dela fuente. Dugo ng taong pumatay sa kanyang mga magulang ang nanalaytay rito.
Nagkibit si Sasahh at iniliko ang usapan. "Ikaw, bakit ka nga pala nandito? Nasaan ang asawa mo?"
Napansin agad ni Sasahh ang pag-iba ng ekspresyon ni Elisse. Bigla ay para itong nabalisa. May takot sa mga mata. Mukhang may problema. Tila hindi ito komportableng pag-usapan ang buhay nito kaya naman binago na lang niyang muli ang usapan.
"Ryke, gusto mo pasyal tayo. Mag-picnic tayo."
"Yesss! I want! I want!" Bumungisngis si Sasahh sa naging reaksiyon ni Ryke. Tuwang-tuwa ito. Nagba-bounce pa sa kinauupuan habang nasa itaas ang mga kamay.
"Pero ubusin mo muna ang breakfast mo."
"Yes, mommy! Nana, A!" Ibinuka ni Ryke ang bibig para magpasubo sa yaya.
Tuwang-tuwa ang bata. Ryke loves picnic. Noong nasa America pa sila, minsan siyang isinama ni Samantha sa picnic ng mag-ina. Gusto niyang bumawi sa bata sa stress na idinulot niya rito. Gusto niyang masaya lang ito.
TUWANG-TUWA si Ryke habang tinuturuan magbisikleta ni Adan. Determinado ang batang matuto. Si Adan naman, makikita ang pagmamahal sa bata. Napakadali talagang makuha ang loob ni Ryke kaya sigurado siyang hindi ito mahihirapan mag-adjust kapag na kay Adan na ito.
"Alam ba ito ni kuya?" Mula sa mag-ama ay ibinaling ni Sasahh ang tingin kay Elisse na nakaupo sa katapat niya sa picnic table.
Ayaw niya sanang isama si Elisse dahil nga makikipagkita siya kay Adan pero request ni Ryke na isama ito kaya wala siyang nagawa. Si Yaya Myrna naman ay hindi na niya pinasama dahil medyo masama raw ang pakiramdam. Tumakas lang din sila sa mga bodyguard. Hindi pinapalabas si Elisse ng bahay ng walang kasamang bodyguard. Siguro bata palang ay ganoon na kahigpit dito ang pamilya. Ganoon naman talaga kapag anak politician.
"Hindi niya alam. Huwag mo na muna sanang sabihin. Sasabihin ko rin naman ito."
"Okay." Tumango lang ito.
Bumaling si Elisse sa kung nasaan si Adan at Ryke.
"Mukhang mabait si Adan. Mahal mo pa ba siya?"
"Hindi na. Si Ryke na lang ang dahilan kung bakit ako nakikipagkita sa kanya."
Ibinalik ni Elisse ang tingin sa Sasahh at ngumiti.
"Gusto kita para kay kuya. Sana subukan mo siyang mahalin." Isang tipid na ngiti lang ang sagot niya kay Elisse.
"Parang mas gwapo si Adan kay Kuya 'no?" Muli nitong ibinalik ang tingin sa lalaki na para bang sinisigurado kung tama ang komento.
"Para sa 'kin mas gwapo ang kuya mo."
"Really?" Bahagya pang namilog ang matang bumaling sa kanya si Elisse.
"Yes."
"Sabi nila kapag type mo ang isang tao siya ang pinakagwapo sa paningin mo kahit kinukumpara mo siya sa mas gwapo sa kanya."
"Hmmn," Sasahh nodded her head, "ibig sabihin type mo si Adan kasi mas gwapo siya sa paningin mo kaysa sa kuya mo. Eh, mas gwapo si Wilson nang 'di hamak."
Biglang pinamulahan si Elisse sa sinabi ni Sasahh.
"Type mo?" Tukso pa niya.
Mabilis na umiling si Elisse. "Hindi, ah. May asawa na ako... Oh, wait, I'm going to buy sorbetes." Mabilis na tumayo si Elisse mula si kinauupuan. Nakangiting sinundan ni Sasahh ng tingin si Elisse na patakbong tinungo ang kinaroroonan ng sorbetero. Halatang umiiwas lang ma-hot seat. Matanda lang siya ng isang taon kay Elisse. Elisse is 25 habang siya naman ay 26. Elisse looks so innocent.
Ibinalik ni Sasahh ang tingin sa mag-ama na mukhang enjoy na enjoy sa pagbibisikleta. Habang pinagmamasdan ang dalawa at iba pang batang nasa parke ay nakaramdam ng matinding kalungkutan si Sasahh. Naalala niyang bigla ang kanyang mga kapatid. Gustuhin man niyang ipasyal ang mga ito at makasama ay hindi niya magawa. Gusto na niyang matapos ang lahat ng ito at makasama ang kanyang pamilya.
Isang malakas na tili mula sa isang boses ng babae ang gumambala sa malalim na iniisip ni Sasahh. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng boses ay nakita niyang si Elisse ang sumisigaw, humihingi ng saklolo dahil pilit itong isinasama ng isang lalaki. Mabilis na tumayo si Sasahh at tumakbo para tulungan si Elisse.
"Hoy! Bitawan mo si Elisse!" Tumigil sa pilit na pagkaladkad ang lalaki at bumaling kay Sasahh. Noon ito nakilala ni Sasahh. Si Winston Abaya, ang asawa ni Elisse. Nakita na niya ito sa isa sa mga larawang ibinigay sa kanya ni Mitchell para pag-aralan ang pamilya dela Fuente. Noong kasal nila ni Wilson ay hindi ito kasama ni Elisse.
"Huwag kang mangialam dito kung ayaw mong pati ikaw saktan ko!" Muli nitong kinaladkad si Elisse pero muli ring natigil nang may tumutok ng baril dito. Naging alerto rin ang mga kasamang bodyguard nito. Binunot ang mga baril at itinutok kay Adan na siyang tumutok ng baril kay Winston.
"Bitawan mo siya!"
Ngumisi si Winston at pinasadahan ng masamang titig si Adan mula ulo hanggang paa.
"Ito na ba ang ipinagpalit mo sa 'kin, Elisse?" Dumaing si Elisse nang higpitan nito ang hawak sa braso. Kitang-kita sa mukha ni Elisse na nasasaktan ito. Nanginginig pa ito sa matinding takot. May dugo ang sulok ng labi nito.
"Kayo na ang bahala sa isang 'yan," utos ni Winston sa mga tauhan nito.
"No! Please, Winston, tama na! Palayain mo na ako! Ayoko nang sumama sa 'yo!"
"Akin ka lang, Elisse! Akin ka lang!" Itinutok ni Adan ang baril sa itaas at nagpaputok. Natigil si Winston sa pagpilit na pagkaladkad kay Elisse at muling bumaling kay Adan.
"Ang susunod na balang sasayangin ko, sisiguraduhin kong sa ulo mo na tatama." Tumiim ang mukha ni Winston pero walang takot na bumakas dahil sa sinabi ni Adan.
"Huwag mo akong takutin!"
"Hindi kita tinatakot! Madali ka lang naman patayin kung tutuusin. Nangingidnap ka at defense ang gagawin ko. Maraming testigo. May nakita rin akong romurondang pulis dito kaya siguradong ilang minuto lang nandito na ang mga pulis dahil sa warning shot ko."
Hindi nga nagkamali si Adan dahil mobile na paparating. Huminto iyon sa malapit sa kanila at tatlong pulis ang bumaba mula sa sasakyan. Nakahanda ang mga baril na sabay-sabay na lumapit sa kanila ang tatlong pulis. Unti-unting binitawan ni Winston si Elisse at hinarap si Adan na may matinding galit sa mga mata. Hindi natinag sa pagdating ng mga pulis.
"Ano ang nangyari rito?" Tanong ng isa sa tatalong pulis.
"He tried to kidnap her." Si Sasahh ang sumagot habang ibinaba naman ni Adan ang kamay kung saan hawak ang baril.
"She's my wife!"
"Asawa na ayaw sumama sa 'yo. It's still kidnapping," si Adan.
"Mr. Abaya, kayo po pala." Bigla ang pag-alangan ng pulis na mangialam.
"Let me remind you, officer, before you hesitate to arrest him. Anak siya ng Congressman, at kapatid ng mayor at apo ng senator ang pinagtangkaan niya. So, piliin mo ang kakampihan mo!" Pinangdilatan na ni Sasahh ang pulis. Bulok talaga ang sistema ng hustiya sa Pilipinas. Kung nagkataon na ordinaryong mamamayan lang ang ginawan nito ng masama siguradong wala na. Papalagpasin na lang ang ginawa.
"And oh, by the way, I'm the wife of mayor of this town!"
"Huwag na po! Hayaan niyo na!" Mabilis na hinawakan ni Elisse sa braso si Sasahh at hinilang palayo.
"Elisse!"
"Ate Sam, please. Malaking gulo lang kapag nagreklamo tayo. Maeeskandalo ang pamilya namin. Malalagot ako kay lolo! Ayaw ko rin malaman ito ni mama at papa. Wala silang alam sa nangyayari sa akin."
Hindi biro ang nakikita niyang takot ni Elisse. Hindi niya alam kung kanino ba ito natatakot. Sa asawa nito o kay senator. Walang nagawa pa si Samantha kung 'di hayaan na lang ang nangyari. Nagpasya na lang silang umuwi.
"Sa susunod na lang ulit, Adan," paalam niya sa lalaki habang nasa labas sila ng nakaparadang sasakyan.
"Maraming salamat, Samantha, sa paglalapit sa amin ng anak ko. Pero sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong ibigay sa akin si Ryke." Hindi umimik si Sasahh. Ito ang tama. Maiintindihan din nito ang lahat sa oras na malaman na nito ang totoong pagkatao niya, na wala na talaga si Samantha.
"Mukhang mahal mo na si Wilson, ah?" That estatemate makes her eyebrows furrowed.
"Mukhang proud na proud ka kasi nang sabihin mong asawa ka ng mayor ng bayan na ito." Oh! Hindi mapigilan ni Sasahh ang mangiti.
"Wala lang 'yon. Sige na, Adan, mauna na kami."
"Bye, Tito Adan!" Medyo may lungkot na paalam ni Ryke habang nakaupo sa may pinto ng sasakyan. Ayaw pa nitong umuwi.
"Bye, Ryke. We will see you again. At magba-bike ulit tayo." Hinalikan ni Adan ang bata sa noo.
"Be good boy, okay?" Tumingin ito kay Elisse na katabi ni Ryke.
"You okay, Elisse?" Nag-aalalang tanong ni Adan sa babae.
Bahagyang ngumiti si Elisse saka tumango.
"BAKIT LUMABAS kayong walang kasamang bodyguard?!" Halos bulyawan ni Wilson si Sasahh. Kanina pa ito nagbubunganga. Kanina pa rin ito nakauwi. Sinabi ng bodyguard na umalis sila kaya napauwi nang wala sa oras. Nalaman din tuloy nitong nag-picnic sila kasama si Adan. Binida ba naman ni Ryke na tinuruan itong magbisikleta ni Adan at iniligtas si Elisse. Superhero ang tawag ni Ryke kay Adan kaya ito, naging dragon si Wilson.
"Sorry. Hindi ko naman kasi alam na may tangka pala kay Elisse." Kung alam niya lang di hindi niya sana isinama si Elisse.
"Kahit na! Nagpunta kayo ng parke para makipagkita ka sa lalaking 'yon!" Ayon! Ang pakikipagkita nila kay Adan ang mukhang ikinagagalit nito. Tumayo si Sasahh mula sa pagkakaupo sa kama at galit na hinarap si Wilson.
"Mabuti nga at nandoon si Adan. Nailigtas niya si Elisse. Dapat nga magpasalamat ka pa sa tao."
"When hell freezes over!"
"E 'di huwag, pero huwag mo akong binubulyawan!" Bulyaw na rin niya kay Wilson.
"Bakit ka nakipagkita kay Adan?" Humina ang boses ngunit naroon parin ang galit.
"Tatay siya ni Ryke. Dapat silang magkita. Dapat silang magkasama. Hindi mo ba nakikita, Wilson? Ang gulo-gulo ng pamilyang ito and Ryke deserves to have a peaceful life. Don't be selfish!"
Nilagpasan niya si Wilson pero pinigil siya nito. Hinawakan siya nito sa braso.
"Don't do this to me, Samantha. I'm begging you!" Naramdaman ni Sasahh ang lungkot at pagmamakaawa sa boses nito. Tuluyang natabunan ang galit.
Humakbang si Wilson patungo sa harapan ni Sasahh.
"Naging masama ba akong ama kay Ryke?" Piniling iwasan ni Sasahh ang mga mata ni Wilson. The sadness in his eyes make her heart ache at ang lubhanh ikinagulat ni Sasahh ay nang lumuhod si Wilson sa harapan niya at yumakap sa kanyang mga hita habang nakalapat ang kabing pisngi nito sa hita niya.
"Tell me what do you want me to do para lang manatili si Ryke sa 'kin. Gagawin ko ang lahat. Lahat lahat."
"Wilson," tangi niyang naiusal.
"I carry a tremendous amount of responsibility on my shoulder. I acquiesced in my grandfather's authority and I quietly did as I was told kahit hindi ko gusto. But Ryke is the greatest obligation he gave to me that I'm willingly taking care of for the rest of my life. Hindi na lang siya isang obligasyon para sa 'kin ngayon. He's my son, I love him. He's the little sunshine that makes my day. A joy that always filling my heart. Siya ang nagbibigay pag-asa sa 'kin, Samantha. Huwag mo naman ilayo ang tanging taong nagpapasaya sa 'kin."
Wilson formed each word like a sharp sword, because it's slicing her heart into million pieces. Nararamdaman niya ang sakit at bigat na nararamdaman ni Wilson sa mga salita nito. Ngayon lang din niya nakita si Wilson na napaka-vulnerable. Masuyo niyang hinaplos ang likod ng ulo ni Wilson at hindi namalayan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata.
UMUPO si Elisse sa katabing chase lounge na nauupuan ni Sasahh sa gilid ng pool. Habang naka-recline si Sasahh ay nakaupo naman si Elisse nang patagilid, paharap kay Sasahh.
"I accidentally overheard you and kuya. May balak kang ibigay si Ryke kay Adan?" Bumuntong-hininga si Sasahh habang pinanatili ang tingin sa kawalan.
"He's not safe here. Magulo ang pamilyang ito, Elisse."
"Kuya can protect Ryke. I can protect him, too."
Her gaze averted to Elisse. "Do you? How? How can Wilson protect Ryke kung sunod-sunuran siya sa lolo mo?"
Muli niyang ibinalik ang tingin sa malayo at muli ay nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. Pero inaamin niyang naaawa siya kay Wilson. Mahal na mahal na nito si Ryke. Kahit gaano kapagod sa trabaho, kahit gaano kairita kapag nag-aaway ito ni Senator, nawawalang lahat ng iyon dahil kay Ryke. Lalo na kapag maraming tinatanong si Ryke ng kung ano-anong bagay na madalas ay hindi na alam ni Wilson alam kung paanong ipapaliwanag sa bata at pupugugin na lang ng halik ang bata.
"Bakit ba kasi nagiging sunod-sunuran kayo, Elisse? Ang pagpapakasal mo, ginusto mo ba 'yon?"
Umiling si Elisse. "Si lolo ang may gusto."
"Hindi ka kumontra? Hindi ka man lang ba ipinagtanggol ng kuya mo? Ng papa at mama mo?" Hindi makapaniwala si Sasahh. Paano't kayang-kayang manipulahin ang mga ito ng isang matandang hukluban lang. Dahil ba sa mamanahin ng mga ito sa matandang iyon?
"Kumontra si kuya nung una, pero nang sabihin kung gusto ko rin naman si Winston hinayaan na niya ako."
"Do you love him?"
Elisse shook her head. "I don't love him, pero kinailangan kong magpakasal para protektahan ang sekretong maaaring sumira sa pamilya namin."
Kumunot ang noo ni Sasahh. Tumuwid siya ng pagkakaupo. Bigla siyang na-curious sa sekretong sinasabi ni Elisse.
"Ano'ng sekreto, Elisse?"
Hindi umimik si Elisse. Nanatili lang itong nakatitig kay Sasahh. Binabalanse ang sitwasyon kung dapat bang sabihin kay Sasahh, kung dapat ba siya nitong pagkatiwalaan.
"You can trust me, Elisse."
"Promise me na hindi malalaman ni kuya."
She nodded. "I promise."
"Nalaman ni lolo ang sekreto ni mama at sinabi naman iyon sa 'kin ni lolo para gamitin pang blackmail. Tinakot ako ni lolo na sasabihin ang sekreto ni mama kay papa at kuya kapag hindi ako sumunod sa gusto niya. At kapag nangyari iyon, siguradong magagalit si papa at kuya kay mama. Masisira ang pamilya namin..." Elisse paused for a second to take a deep breath before continuing again.
"Hindi totoong dela Fuente si kuya, Ate Sam."
Suminghap si Sasahh sa narinig.
"Anak siya ni mama sa ibang lalaki. Sa isang costumer daw sa pinagtatrabahuhang club ni mama dati. Bago ikinasal si papa at mama buntis na siya at ipinaako kay papa. Ayaw kong maniwala nung una pero sabi ni lolo, ako raw mismo ang magpa-DNA test kay kuya at papa, so I did..."
"At negative ang resulta?" Siya ang tumapos sa pangungusap ni Elisse nang magsimula itong maging emosyonal.
Tumango si Elisse. "Ayaw kong malaman ni papa at kuya ang totoo. Mahal na mahal nila ang isa't isa at masisira ang relasyon nila bilang mag-ama kapag lumabas ang katotohanan."
Wala ng nasabi pa si Sasahh. Hindi siya makapaniwala sa nalaman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top