Chapter 11

EVERY part of her body is weak. She wanted to open her eyes but she couldn't. She was completely dissociated from her body. She was lying immobile and the strong smell of iodoform made her dizzy.

What happened?

She tried to recall the past event. Ang huling natatandaan niya ay magkasama sila ni Samantha sa isang sasakyan. She was driving fast, desperate to get home to save his father's life until.... her skull started to throb painfully, heart pounding so fast as the flashback of the horrific accident became vivid.

"Do you think will she survive?" It was a voice from a woman. Nasa boses ng babae ang matinding pag-aalala. Takot.

"I don't know but I hope not." It was a voice from another woman, and her response made her confuse. It seems like this woman doesn't want her to recover from her situation; she doesn't want her to survive.

"The crash was horrible. I don't think she will survive from the terrible injuries she got."

"Poor Samantha!" Ang kagalakan sa boses ng unang babae ay hindi maipagkakaila. Ang pag-aalala at takot na nahimigan niya kanina ay wala na.

Sino ba ang mga ito? Si Samantha ang pinag-uusapan ng mga ito at hindi siya.

"Masasayang ang lahat ng pinaghirapan ko kung mabubuhay pa ang babaeng ito. She should die!" Kung anong kilabot ang gumapang sa buo niyang sistema sa narinig. May dalang panganib ang boses ng babae.

Sino ba ang mga ito?

"Paano kung pa-imbestigahan ni Tito Robert ang nangyari at malamang sinadya ang aksidente? Mom, ako ang natatakot para sa 'yo."

"Stop being paranoid, Queenie. My plan will be panning out. Hindi nila malalaman ang ginawa kong pagsira sa brake ng sasakyan ni Samantha."

Oh, God! Kung gayon ay hindi talaga aksidente ang nangyari sa kanila ni Samantha. Sadyang pinagtangkaan ang buhay ni Samantha at nadamay siya. At ang takot na nahimigan niya sa isang babae ay takot para sa kanilang sarili kung mabubuhay si Samantha.

"Ladies?" Boses ng isang lalaki matapos niyang marinig ang pagbukas ng pinto.

"Sweetheart," malungkot na tawag ng babae sa lalaking kakapasok lang.

"How is she?"

"She's still unconscious."

"It's been two weeks pero hindi pa rin siya nagkakamalay." Naramdam niya ang paghawak nito sa kamay niya.

"Don't worry, Robert. Magiging okay rin si Samantha."

"I hope so." Robert? Robert Swift. Her heart started racing so fast as the panic started attacking her. Being around this criminal made her feel unsafe.

Two weeks? Two weeks siyang unconscious? Akala nito siya si Samantha? How come? Paanong nangyaring mapagkamali siyang si Samantha.

Noon ni Sasahh napansin na tila balot na balot ang kanyang mukha. Mata, bibig at ilong lamang ang tanging nararamdaman niyang walang balot.

"Boss?" Sasahh heard another voice from a man.

"Charlotta, mag-uusap lang kami."

"Okay. Let's go, Queenie." Pinakiramdaman ni Sasahh ang nangyayari sa paligid.

"Si Sasahh Rodriguez, nagkamalay na," the man announced.

"Damn it! Hindi ito maaari! Problema ang dala ng babaeng 'yon kapag tuluyan 'yang nagising! Alam mo na ang gagawin."

"Sige, boss. Tutuluyan ko na."

"Do it now! Huwag mong hahayaang may makausap pa siyang iba."

"Kailangan ko lang kumuha ng tyempo. Lagi ho kasing nakabantay ang mamanugangin mo."

"That fukcker! Sa halip na si Samantha ang dalawin laging nakabantay sa babaeng 'yon!" Robert sneered.

"'Di bale, matitigil na ang kahibangan niya sa babaeng iyon sa oras na mawala na ito nang tuluyan. Isunod mo na siya mga magulang niya."

"Oho!"

Sinubukan niyang umungol. Gusto niyang sumigaw at itanong kung ano ang ginawa nito sa mga magulang niya pero walang boses na kayang lumabas. Gusto niyang alisin ang oxygen mask na nakatakip sa bibig niya paro hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.

What happened to her parents. Nagtagumpay ba si Robert sa binalak nito sa kanyang ama. Hindi maaari! Hindi maaari!

SA BUONG magdamag ay ang pakiramdaman lang  ang kanyang paligid ang  tanging nagawa ni Samantha. Sinusubukan niyang igalaw ang ilang parte ng kanyang katawan na napagtagumpayan naman niya. It took 24 hours or maybe 48 hours, she wasn't sure, before she's finally able to open her eyes. Nagkukunwari lang siyang tulog kapag may tao. Hindi pa niya alam ang gagawin. Kailangan niyang mapuntahan si Samantha. Nanganganib ang buhay nito sa kamay ng sariling ama.

Mukhang nasa maayos na kalagayan pa naman si Samantha. May nurse na laging kumakausap sa kanya sa tuwing papasok sa silid kahit na alam nitong wala siyang malay. Mukhang kilala siya nito. Sinasabi nito ang lagay ni Samantha na inaakalang siya. Samantha is going well, pero hindi pa raw nakakapagsalita. Pero hindi alam kung hanggang kailan ito magiging ligtas. Kinakailangan niyang makagawa ng paraan pero paano? Ni hindi niya maigalaw ang mga hita niya para makaalis sa silid na ito.

Naging alerto si Sasahh nang maramdaman ang pagbukas ng pinto.

"Good morning, Samantha! Nurse Jane is here again." Ang nurse. Iba ang boses nito ngayon kumpara sa mga unang araw na narinig niyang kinausap siya nito. Basag ang boses. Galing sa pag-iyak o may sakit. Kahit pilit na pinapasigla ang boses ay kapansin-pansin pa rin iyon.

"May masamang balita," patuloy nito na nagsimulang magturok ng gamot sa kanyang swero.

"Si Sasahh, wala na... wala na siya." Pumiyok ang boses nito, indikasyon ng pagiging emosyonal. Si Sasahh naman ay biglang nanikip ang dibdib sa narinig.
Her eyes sting, and hot tears suddenly escape from her close eyes. Pinaninikip ang kanyang lalamunan nang pagpipigil niya sa kanyang hikbi.

"Akala ko maayos na ang lagay niya. Nagising na siya pero biglang nagkakomplikasyon sa puso." Lalong binalot ng lungkot ang boses ng nurse.

It was supposed to be her. Ang sariling ama ni Samantha ang may gawa niyon. Robert Swift killed her own daughter without his knowledge. Hindi niya nagawang mailigtas ang kaibigan niya. Kasalanan niya. Kasalanan niya

"Umiiyak ka?" turan ng nurse. Naramdaman niyang pinunasan nito ang gilid ng kanyang mata.

"Nakakalungkot. Napakabait ng pamilya Rodriguez. Alam mo bang ang pamilyang Rodriguez ang nagpaaral sa 'kin? Isa ako sa mga scholar nila. Sila ang dahilan kung bakit isa na akong nurse. Naging personal nurse rin ako ng lola ni Sasahh, kaya nakasama ko siya noon. Napakabait niya."

Biglang nabuhayan si Sasahh sa narinig. Naaalala na niya. Naging kaibigan pa niya ang nurse ng kanyang lola noon. Nasa kolehiyo siya ng mga panahong iyon. Hilig pa nga ng nurse na iyon ang kausapin ang kanyang lola nang mga sandaling hindi na nagmumulat pa ng mata. Nagkaroon siya ng pag-asa. Maaari siyang humingi ng tulong kay Jane.

Nagpasya si Sasahh na magmulat para kumpirmahin kung ito nga ba talaga ang nurse ng kanyang lola. Tuluyang kumawala ang hikbi sa kanyang lalamunan at lalong naluha nang makitang si Jane nga iyon. Mula sa pag-aayos ng mga gamot na nasa medical tray ay bumaling ito sa kanya. Bumaha ang gulat sa mukha ng nurse nang makita ang pagmulat ni Sasahh.

"Gising na kayo. Sandali at tatawagin ko lang si dok." Umungol siya bilang protesta. Bahagya niya ring iniiling ang ulo. Inabot niya ang oxygen mask na nakatakip sa bibig at ilong, pilit niya iyong inalis. Tinulungan siya ng nurse.

"J-jane..." Mahina niyang usal.

"Naririnig mo nga ako kahit coma ka? Natatandaan mo ang pangalan ko."

Umiling si Sasahh.  "Jane, please... May sasabihin... ako."

Inilapit ni Jane ang sarili kay Sasahh para mas marinig ito  "Ano, ho, 'yon?"

"Ako 'to... ako ito, Jane. Si Sasahh." Unti-unti ay nalukot ang noo ng babae sa sinabi ni Sasahh.

"Ano po?"

"A-ako 'to, si Sasahh."

"Ho?" Tanging sambit ng nurse, na mukhang hindi pinaniniwalaan ang sinasabi niya.

"Jane, ako, 'to si Sasahh and I need your help."

"Mabuti pa tatawagin ko si dok."

"No!" Sasahh grabbed Jane's hand as she shook her head.

"Look at my eyes. Look at my eyes, Jane." Ginawa naman ng babae ang inutos niya. Pinakatitigan nito ang kanyang mga mata at unti-unti ay bahagyang umawang ang mga labi nito nang mapagmasdan ang bibihirang kulay na mga mata ni Sasahh. Noon pa man, ay manghang-mangha na si Jane sa mga mata niya. Minsan pa itong bumili ng contact lens na katulad ng kulay ng kanyang mata.

"Ibig mo po bang sabihin, 'yong kaluluwa ni Sasahh sumanib sa katawan mo?"

"Oh, no!" Sasahh groaned.

"This is me. Sassah. Hindi ko alam kung paanong napagkamali niyong ako si Samantha."

"Dahil sa wedding ring at suot mong coat. Sirang-sira ang mukha niyo. Mas lalo ang kay Sasahh... ibig kong sabihin kay Samantha. Nasira ang mga mata niya. Si Mrs. Smith ang nagkumpirmang ikaw si Samantha. Diyos ko! Salamat naman sa diyos at buhay ka. Kailangan nilang malaman ito. Lalo ang kapatid mo. Nasa silid siya ngayon kung nasaan si Samantha. Siguradong hindi niya kakayanin ang mga nangyari matapos mamatay ng magulang mo."

"What? No! Tell me, it's not true!" Marahas niyang iniling ang ulo habang napuno ng luha ang mga mata. Alam niyang posibleng nangyari ang kinatatakutan niya lalo't sa narinig niyang sinabi ni Robert pero umasa siyang hindi. Umaasa siyang buhay ang kanyang mga magulang.

"No!!"

"Huminahon ka! Makakasama sa 'yo!"

"Mga hayup sila! Mga hayup sila!" Tuluyang humagulhol si Sasahh na pilit namang kinalma ng nurse.

"Ano ang nangyayari?" Isang doktor na lalaki ang pumasok at agad na nilapitan si Sasahh.

"Samantha, huminahon ka." Nag-utos ang doktor sa nurse ng gamot pangpakalma pero agad na pinigil ni Sasahh ang doktor.

"Please, no! I'm fine. Gusto kong makita si Samantha. Please, bring me there. Please!"

Nagtatanong ang nga titig na ibinigay ng doktor sa nurse.

"Siya po si Sasahh Rodriguez, dok. Nagsasabi po siya ng totoo. Kilala ko po siya ng personal. Mukhang nagkamali ng pagkakilanlan."

Tumitig ang doktor kay Sasahh na may gulat sa mukha.

"Your family should know about this, pati na rin ni Mr. Swift."

"No! Please, no! He will kill me if he'll find out that I'm still alive. Siya ang pumatay sa mga magulang ko. Siya rin ang pumatay kay Samantha sa pag-aakalang ako siya. Masama siya! Oh, please, doctor! Please, help me!"

Nagkatinginan ang doktor at nurse. Hindi malaman kung paniniwalaan ba ang sinasabi ng babae dahil maaaring nagha- hallucinate lang ito dahil sa dami ng gamot na itinuturok dito.

Ealang nagawa si Sasahh kundi ang sabihin sa doktor ang lahat-lahat nang nalalaman niya at mukhang naniniwala naman sa kanya ang doktor. Pinakiusapan niya itong wala sanang makaalam sa tunay niyang pagkatao. Magpapanggap muna siya bilang Samantha habang hindi pa alam ang gagawin.

Pinagbigyan si Sasahh ng doktor sa mga ipinakiusap niya. Nangako itong walang makakaalam. Hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan nga niya ang doktor pero bahala na. Magtitiwala siya. Maniniwala siya.

Dinala siya ni Jane sa silid ni Samantha tulad ng nais niya. Tulak-tulak nito ang wheelchair na kanyang nalululanan. Itinigil ni Jane ang pagtulak sa wheelchair nang marating nila ang nakabukas na pinto ng silid. Si Tyler ang unang nakita ni Sasahh na iyak nang iyak at sa gilid ng hospital bed kung saan nakahiga ang walang buhay na katawan ni Samantha ay si Wilson. Nakaupo ito, hawak-hawak ang kamay ni Samantha at iyak din nang iyak.

Parang dinudurog ang puso niya sa nakikita niya. Nasasaktan ang mga taong mahal niya. At ang inosenteng si Samantha, walang buhay nang dahil sa kanya. Hindi namalayan ni Sasahh na wala ng kontrol na umaagos ang masaganang luha sa kanyang pisngi.

Hinila ni Jane patabi ang wheelchair na nakaharang sa pinto nang dumating sina Lyca kasama ang asawa nitong si Alford. Iyak nang iyak ang kaibigan niya.

"Oh, no! Sasahh! Please wake up! Please!" Humahagulhol na yumakap sa walang buhay na katawan si Lyca.

"Lyca!" Gusto niyang lapitan ang mga ito at ipaalam na buhay siya, pero bago pa man niya magawa ay hinila na palayo ang wheelchair.

"Sandali! Gusto silang makausap!"

"Kung totoo ang lahat ng sinabi mo kanina, ikakapahamak mo kapag ginawa mo 'yan." Noon niya nalamang hindi na si Nurse Jane ang tumutulak sa kanyang wheelchair kundi si Dr. Mitchell Salarzon.

"They killed Samantha. His own father killed her. At siguradong papatayin ka rin niya sa oras na malaman nitong ikaw si Sasahh at hindi si Samantha. Let me help you!"

Tinulungan siya ni Dr. Mitchell. Ang unang hakbang ay ang pag-provide nito ng contact lens para takpan ang natural na kulay ng kanyang mga mata nang sa gayon ay makaharap niya si Robert at iba pa.

Napagpasyahan ni Sasahh na panindigan ang pagiging Samantha. Kung magsusumbong siya, walang kasiguruhan kong may maniniwala sa kanya. Malalaking tao ang babanggain niya at siguradong kayang baluktutin ang batas. Kung nagawa nitong ipapatay ang kanyang mga magulang, ano pa siya, at baka madamay pa ang kanyang mga kapatid.

Pinadala siya ni Robert Swift sa Amerika para sa operasyon ng kanyang mukha. Si Dr. Mitchell ang nagrekomenda ng magaling na cosmetic surgeon para maibalik ang itsura ng kanyang mukha. Ginamit niya ang matinding galit na nararamdaman para makaya ang lahat. Para labanan ang matinding lungkot at pangungulila sa kanyang pamilya.

Nagpasya rin siyang magpakasal kay Wilson para mas mapalapit sa pamilya dela Fuente at Swift para mas mapadali ang mga plano niya.

Habang nasa Amerika siya, inaaral niya ang kilos ni Samantha na aminado siyang hindi niya ginagawa dito. Hindi niya kayang magpakaanghel sa harap ng mga demonyo. Ang boses nito, o mas tamang sabihing ang accent nito ang minaster niya dahil alam niyang kung hindi niya iibahin ang kanyang boses siguradong makikilala siya. Napatuyan niya iyon ng iparinig niya ang boses kay Lyca.

"JESUS!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Lyca pagkatapos isalaysay ni Sasahh ang buong pangyayari. Kung paano siyang napagkamaling si Samantha.

"It's hard. Pero kinailangan kong magpakatatag para mabalikan si Robert Swift at Senator dela Fuente!"

Inabot ni Lyca ang kamay ni Sasahh na nakapatong sa hita nito habang mariing nakakuyom.

"Sabihin natin ito kay Alford, at kay Wilson. Matutulungan ka nila."

"Oh, no!" Tumayo si Sasahh mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.

"Iyan ang hindi ko gagawin! Ito ang dahilan kaya minabuti kong hindi ipaalam sa 'yo. Lyca, please!" Muli siyang umupo sa kama. Ginagap ang mga kamay ni Lyca.

"Lyca, please! Mangako kang hindi ito malalaman ni Alford. I have a concrete plan, and I'll stick with it. Ako ang magpapabagsak kay Robert Swift at Senator dela Fuente."

Walang maitutulong si Wilson sa kanya dahil duwag ang lalaking iyon. Sunod-sunuran. Alam nito ang gawain ng pamilya pero nananahimik lang.

"Ako ang natatakot para sa 'yo."

"Mas gugustuhin kong mamatay na lumalaban kaysa ang habang buhay na magtago. Babawiin ko ang lahat ng kinuha nila sa pamilya ko. Pagbabayarin ko si Robert Swift at Senator dela Fuente sa pagpatay nila sa mga magulang ko."

Nilinga ni Sasahh ang kambal, ang kanyang mga kapatid na mahimbing na natutulog. Kapwa babae ang mga ito. Sumama siya kay Lyca sa bahay ampunan kung saan inilagak ni Tyler ang mga kapatid at pagkatapos ay inuwi nila ang dalawa sa bahay nina Lyca. Inabot niya ang ulo ng isa sa mga kambal at masuyong hinaplos ang buhok. Naaawa siya sa mga ito. Napakabata pa pero pinagdadaanan na ang ganitong bagay.

"Malayong-malayo ang nararanasan nila ngayon sa magandang buhay na naranasan namin ni Tyler. At dahil 'yon sa mga walang pusong si Robert at Senator dela Fuente." Parang sasabog ang dibdib niya sa matinding galit na nararamdaman.

Ibinalik niya ang tingin kay Lyca. Muli niyang ginagap ang mga kamay nito.

"Lyca, ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid ko, please. Matapos lang ang lahat ng ito, babalikan ko sila."

"Of course! Aalagaan ko sila, pangako 'yan."

"Salamat! Pati na rin sana si Tyler. Naaawa na ako sa kanya. He looks miserable."

"Huwag mo na silang alalahanin. Ang intindihin mo ang sarili mo. Mag-iingat ka, Sasahh. Delikado ang ginagawa mo."

"I will." Kinabig siya ni Lyca at mahigpit na niyakap.

"I've missed you so much! Akala ko talaga wala ka na!" Gumanti ng yakap si Sasahh.

"Miss na miss rin kita."

"Mangako ka na magiging okay ang lahat. Magba-bonding ulit tayo. Tapos sabay ulit tayong mago-onlineshop ng mga cute vibrator." Marahang natawa si Sasahh sa sinabi ni Lyca. Gawain nila iyon noong nasa kolehiyo sila. Madalas pa niyang gamitin ang credit card ni Tyler sa pagbili ng sex toys nila ni Lyca. Nang mag-Amerika naman siya, lagi niya itong pinapadalhan ng mga sex toys.

Those were the days. She'd missed those moments. Sana bumalik na lang sila sa nakaraan kung saan masaya sila.

HABANG nakatingin si Sasahh sa mga pangalang nakaukit sa lapida ay mas lalo siyang kinakain ng matinding galit. Mas lalong tumitindi ang kanyang pagnanais na maipaghiganti ang mga taong may kagagawan kung bakit nasa hukay na ang mga taong mahal niya sa buhay.

"Kaunting-kaunti na lang, Dad, Mom. Mabibigyan ko rin kayo ng hustisya." Humakbang si Sasahh palapit sa puntod kung saan nakaukit ang kanyang sariling pangalan. Umupo siya sa harapan niyon, inabot ang makinis na kulay itim na lapida at masuyo iyong hinaplos. Hindi ininda ang unti-unting paglakas ulan na kanina ay ambon palamang.

"Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo, Sam. Ang sarili mong ama at si Charlotta. Pagbabayaran nila ang lahat ng ito."

Si Samantha ang naging kabayaran sa kasamaan ng sarili nitong ama. Si Ryke ang higit na kawawa sa mga nangyayari ngayon. Mabuting ama si Wilson kay Ryke pero alam niyang hindi nito mapo-protektahan si Ryke. Duwag si Wilson. Walang sariling paninindigan. He doesn't deserve to be a father.

Natigil ang pagpatak ng ulan sa kanya nang may magpayong sa kanya. Tumayo si Sasahh habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa lapida. Naramdaman niya ang kamay na pumataong sa kanyang balikat at bahagyang pumisil.

"Let's go?" Binalingan niya si Mitchell na siyang may hawak ng payong. Bahagya siyang ngumiti sa kaibigang doktor at hinayaan itong igiya siya patungong sasakyan.

Ipinikit niya nang mariin ang mga mata paglulan niya ng sasakyan nang makaramdam ng pananakit ng ulo.

"Are you okay?" Tanong ni Mitchell na katabi niyang nakaupo sa likuran ng sasakyan habang minamaneho ng driver nito.

"Ang sakit-sakit pa rin, Mitchell! Hindi ko pa rin matanggap ang mga nangyari sa magulang ko, at sa nararanasan ng mga kapatid ko." Kinabig siya ni Mitchell at masuyong ipinaikot ang mga bisig kay Sasahh. Hinayaan niyang yakapin siya ng kaibigang doktor. She needs it. She needs a comforting hug.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top