Chapter 10

"THIS is so nice." Sasahh is posing in front of a full-length mirror, loving the expensive coat she was wearing. It was a multi-coloured single-breasted printed coat.

"It was custom-made. It's Charlotta's creation. Ginawa raw talaga para sa 'kin." Sasahh turned to her Friend, Samantha, who's sitting on a white, fluffy round couch comfortably while eating Chocopologie Chocolate Truffle by Fritz Knipschildt. One of the most expensive chocolate ever and sell for $2,600. Bigay lang iyan ng isa sa mga tagahanga ni Samantha.

She slid the coat off her shoulders and placed it over the back of other couch.

"In all fairness to your mom, she's a good disigner at mukhang spoiled ka."

"She's not my mother," Samantha corrected her with her eyes rolled upward.

"You don't like her, do you?" She made herself comfortable on the couch, the same couch where Samantha was nestled.

"Wala naman akong pakialam sa kung sino ang gusto ni papa na makasama. But Charlotta is... Uhg! She's a slut!" Umusog ito mula sa pagkakaupo hanggang sa lumapat ang paa nito sa sahig.

"Alam ko naman ang reputasyon ng babaeng 'yon pero hindi ko akalain na ganoon siya kalala nang mismong dalawang mata ko ang makakita ng pangloloko niya kay Papa. I saw her with Nyke del Fierro in my father's resthouse. They are both naked while soaking in the bathtub."

"Oh, what's wrong with that? Mas nakakagulat naman yata kung naka-gown at suit sila 'di ba?"

"Gaga!" Hinampas siya ni Samantha sa braso na sinuklian niya ng bungisngis.

"Pero bakit hindi mo isumbong sa papa mo ang kakatihan ng stepmom mo."

"Sinubukan ko pero kasi binantaan niya ako at tama siya, hindi ako paniniwalaan ni papa. I'm not that important to my father." Bigla ang paglamlam ng mata ng kaibigan.

"Hmp! Huwag mo akong dramahan. Hindi mo naman siguro ako in-invite mag-sleep over dito sainyo para magdramahan tayo." Inilapag ni Samantha ang chocolate na kinakain sa mesitang nasa tabi ng couch, kumuha ng tissue at pinunasan ang kamay.

"Actually..." Samantha paused, grabbing the bottle of distilled water from the table and twisted the cap open.

"We want to have a heart to heart talk." Nagsalin ito ng tubig sa baso saka uminom. Matapos mailapag ang baso ay humarap ito sa kanya. Inilahad ang kamay nito sa harapan niya, sadyang ipinakita ang singsing na may malaking dyamante. An engagement ring.

"Nice ring. Tuloy na tuloy na talaga ang kasal niyo ni Wilson." Nag-iwas si Sasahh ng tingin. Bigla ay nanikip ang dibdib niya sa isipang ikakasal na nga si Wilson at Samantha. Pero hindi dapat niya nararamdaman ang ganito. Katrayduran ang pagseselos sa kaibigan sa fiancé nito. Naging traydor na nga siya nang hindi niya maawat ang sariling makipagtalik kay Wilson sa araw mismo ng engagement party ng dalawa. Nalasing siya at nawala sa sarili. Nagising siyang hubo't hubad katabi si Wilson sa kama nito. Pinagsisisihan niya iyon. She was invited by Samantha's father, ayaw man niya ay wala siyang nagawa kundi ang dumalo sa engagement ng dalawa noong nakaraang lingo lang.

Niyuko niya ang kamay nang hawakan iyon ni Samantha. Kunot-noo niyang binalingan ang kaibigan nang isuot nito sa kanya ang engagement ring.

"Mas bagay sa 'yo. And you deserve it. Siguradong sa 'yo gustong isuot 'yan ni Wilson."

"Samantha!" Sasahh was shocked at Samantha's statement. Walang alam si Samantha sa kung ano man ang namagitan sa kanila noon ni Wilson.

Nakilala niya si Samantha nang kapwa sila mapiling maging cover sa isang sikat na fashion magazine sa New York more than a year ago. Nagkagaan sila ng loob dahil sa pagiging pareho nilang Filipino at mabait si Samantha.

And when she found out that Samantha is the same woman who was betrothed to Wilson, mas minabuti niyang hindi na lang sabihin dito na kilala niya ang lalaking hindi miminsang may namagitan sa kanila. Nalaman niya ang tungkol sa dalawa nang eleksiyon at sabihin sa publiko ang tungkol sa anak ni Samantha. Pinalabas ng mga pamilya nina Samantha at Wilson na anak ni Wilson si Ryke.

"Ano bang sinasabi mo?"

"Alam kong magkakilala kayo. At alam ko rin na ikaw ang mahal niya. Ikaw raw ang gusto niyang pakasalan."

"No! I mean... Yes, magkakilala nga kami, and I'm sorry if I didn't tell you. Kung ano man ang namagitan sa amin it's nothing."

Samantha smiled sweetly. "You don't have to explain, Sash. I'm happy that he is in love you. Totoo. Masayang-masaya ako."

"But—"

"I decided to leave. Lalayo kami ni Ryke. Malayong-malayo na hindi kami mahahanap ni papa. Nakapag-usap na kami ni Wilson. Sa susunod na buwan, sa kaarawan ko, magbabakasyon kami ni Ryke at hindi na babalik." Pinisil ni Samantha ang kamay ni Sasahh.

"You deserve to be happy, Sash. Kaya naman pala hindi ka nagbo-boyfriend dahil may mahal ka na pala," tukso ni Samantha.

Ang tanging nagawa ni Sasahh ay ang tipid na ngumiti. Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero may bahagi sa kanya na nasisiyahan sa isipang hindi matutuloy ang kasal ni Samantha at Wilson.

"Don't worry about me. I don't love Wilson. We don't love each other."

"Pero paano si Ryke? Ang alam ng bata si Wilson ang daddy niya. He's too young para maintindihan ang mga ganitong bagay."

"Maiintindihan din niya balang araw. Saka kailangan ko rin siyang mailayo. Kailangan namin lumayo bago pa mangyari ang kinatatakutan ko."

"What do you mean?"

"Iba ang pakiramdam ko kay Charlotta lately. Hindi ko alam, hindi ko ma-pinpoint but I have this weird feeling about her. Simula nang sabihin ni papa sa 'kin na ako ang magmamana at mamamahala ng lahat ng kanyang negosyo balang araw, nag-iba si Charlotta. I often caught her shot me a murderous glare. Narinig ko siya minsan na may kausap sa phone. She was instructing someone na iligpit sa lalong madaling panahon. Ano ba ang ibig sabihin niyon?"

"What are you trying to say, that is your stepmom wants to kill you?"

"What do you think?"

Nagkibit si Sasahh. "Maybe you are just being paranoid. Malandi lang siya katulad ng mga anak niya pero hindi naman siguro mamamatay tao. That's too much!"

"Hays! I don't know what to think anymore." Muli nitong isinandal ang likod sa couch.

"Ang anak ko ang inaalala ko."

"Sam, stop yourself from overthinking. Baka naman may bagay lang na ipinapaligpit ang madrasta mo at hindi ang buhay mo." Tumayo si Sasahh at tinungo ang malaking kama at humiga roon.

Nagpaalam naman muna si Samantha na lalabas lang. Titingnan raw nito kung dumating na si Queenie, ang stepsister, dahil nangialam na naman raw ito sa gamit ni Samantha at nawawala ang isa sa mga paborito niyang alahas.

Itinaas ni Sasahh ang kamay at tinitigan ang singsing na nasa daliri. Dapat ba siyang matuwa na hindi matuloy ang kasal ni Samantha at Wilson? Wala rin naman mangyayari sa gusto ni Wilson na maging in a relationship sila. Unless kung susuwayin niya ang gusto ng kanyang ama.

Ayaw na ayaw ng kanyang daddy na ma-involve siya kay Wilson. Binalaan na siya nito noon pa man nang malaman nitong lumalabas sila ni Wilson bago siya nagpunta ng New York. Magugulo lang daw ang buhay niya kapag nagkaroon siya ng kaugnayan sa pamilya dela Fuente.

NAGPASYA SI Sasahh na lumabas at puntahan si Samantha nang lumipas na ang ilang sandali ay hindi pa nakabalik ng silid ang kaibigan.

Nasa dulo na siya ng pasilyo ng malaking bahay nang maulinigan ang galit na boses ng isang lalaki mula sa isang silid na nadaanan niya na nagpatigil sa kanya mula sa paglalakad.

"I want Matias Rodriguez dead tomorrow morning. Do you understand? I want him dead!"

Her heart rate quickened upon hearing the furious voice mentioned her father's name. She was not sure if it is his father that he was talking about, but her instinct told her he was. Hindi maayos na naisara ang pinto kaya nagkaroon iyon ng maliit na siwang kaya rinig na rinig niya ang boses mula sa loob.

"Ano ang akala ng lalaking 'yan! Masisindak niya ako! Ngayon matitikman niya ang galit ko!"

"Are you sure you will kill him?" Mula naman iyon sa ibang tao. Boses din iyon ng isang lalaki.

"I was left with no choice but to kill him. Malaki ang mawawala sa atin kapag hindi natin napatahimik si Matias. At kailangan mapasatin ang Rodriguez Food Corporation. Ito na lang ang hawak nating negosyo na hindi pinaghihinalaan."

Sukat sa narinig ay namanhid ang buong katawan ni Sasahh. Kung gayon ay ang kanyang ama nga ang tinutukoy ng mga taong nasa loob na ang isa ay sigurado siyang ang ama ni Samantha.

Balak nilang ipapatay si daddy? Pero bakit? Ano ang kaugnayan ng daddy niya sa mga Swift?

Napapitlag si Sasahh sa biglang pagbukas ng pinto at iluwa mula roon ang dalawang lalaki, si Robert Swift at Senator Wilson Rudolph dela Fuente, na katulad niya ay nagulat din nang makita siya.

"K-kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Robert, unti-unting nagsalubong ang mga kilay na mukhang hindi nagugustuhan ang presensiya ni Sasahh.

"At ano ang ginagawa mo sa pamamahay ko?" Pangatlong beses palang niyang nakakaharap ang lalaki. Una, nang hindi sinasadyang magkita sila nito sa isang restaurant at imbetahan siya sa engagement party nina Wilson at Samantha. Pangalawa, sa mismong pagtitipon at ngayon nga. Kanina pagdating nila ni Samantha dito ay wala pa si Robert. At sa suot nitong business attire ay mukhang kakarating lang nito.

"Who is she?" tanong ng matandang senador.

He swallowed thickly and tried to keep her voice steady. "I— I'm Sasahh—"

Pinutol ni Robert ang pagpapakilala ni Sasahh.

"Sasahh Rodriguez. A daughter of Matias Rodriguez. Now I will ask you again. What are you doing here and how long have you been here?"

Pinagsalikop niya ang nanginginig na kamay. Niyuko naman iyon ni Robert at naningkit ang mata. Mukhang napansin ang nerbiyos na nararamdaman niya. Hindi na nakasagot si Sasahh nang dumating si Samantha.

"Papa, Senator, good evening," pormal nitong bati sa dalawa.

"I'm sorry for making you wait," pabulong na sabi ni Samantha kay Sasahh na hindi naman napagtuonan ng pansin dahil ang buong isip ay nasa narinig na usapan ng dalawa.

"Papa, senator, this is Sasahh, kaibigan ko. Nakilala mo na po siya 'di ba? She's sleeping over here tonight."

"Enjoy your stay here then?" Mahina ang boses pero ramdam na ramdam ni Sasahh ang panganib sa tono nito.

"Mauna na po kami." Hinawakan siya ni Samantha sa braso at wala sa sariling nagpatianod sa kaibigan.

"She heard everything." Umabot pa sa kanyang pandinig ang sinabing iyon ng lolo ni Wilson bago pa sila makapasok ng silid ni Samantha.

"Sash, what's wrong? Are you okay? You look anxious," puna ni Samantha nang makapasok sila ng silid.

Sassah was pacing back and forth. Gulong-gulo siya. Hindi alam kung ano ang gagawin.

"I need to get home," usal niya habang patuloy sa pagparoo't parito, pinisipil ang nanginginig pa rin na kamay.

"But why? May nangyari ba?"

"Kailangan kong makauwi. Si dad!"

"What happened to your dad!" Nilapitan ni Samantha si Sasahh at hinawakan sa magkabilang balikat. Nag-aalala sa isipang may nangyaring masama sa ama ng kaibigan.

"God, you look as pale as ghost." Hinagilap ni Sasahh ang kanyang bag nang maisip na tawagan ang ama.

Nagmadali niyang kinuha ang cell phone mula sa shoulder bag na nakapatong sa kama. Agad na tinawagan ang numero ng ama pero hindi nito iyon sinasagot kaya mas lalo siyang nilukob ng kaba.

Hinablot niya ang bag.

"Pahiram muna ng sasakyan mo. Kailangan kong makauwi."

"Pero ang lakas ng ulan."

"Your key?" Tumiim ang kanyang mukha. Nakakaramdam siya ng matinding takot at galit sa mga oras na ito.

"Okay. Ihahatid na kita." Tinungo ni Samantha ang night stand at kinuha mula roon ang nakapatong na susi ng sasakyan.

"Magpalit ka kaya muna ng damit." Hinablot ni Sasahh ang susi ng sasakyan mula sa kamay ni Samantha, binalewala ang suhesyon nito at tuloy-tuloy na lumabas ng silid. Hawak ang bag sa kaliwang kamay at ang cell phone ay nasa kanan. Sinubukang tawagan ang kapatid na si Tyler pero hindi rin nito sinasagot.

"Sash, wait!" tawag ni Samantha habang nakasunod sa kanya, bitbit ang duffel bag ni Sasahh na naglalaman ng ilang personal nitong gamit na hindi na pinagkaabalahang bitbitin pa.

Lakad-takbo ang ginawa ni Samantha para habulin si Sasahh habang nagkukumahog sa pagsuot ng coat para ipatong sa manipis nitong pantulog. Inutusan din nito ang katulong na buksan ang gate. Nang marating ang garahe ay inabot ni Samantha kay Sasahh ang isa pang coat.

"Wear this. Masyadong malamig." Kinuha at isinuot naman ni Sasahh ang coat na kanina ay isinusukat niya sa silid bago sumakay ng driver seat.

"Tyler, pick up your phone!" Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mata dala ng matinding takot. Ni hindi na ni Sasahh maipasok ang susi sa susian dahil sa panginginig ng kamay hanggang sa mahulog iyon. Kinapa niya ang susi, nalaglag ang kanyang bag na nakapatong sa kanyang hita.

"Sash, ako na lang kaya ang mag-drive. Natataranta ka," ani Samantha habang pinupulot ang bag ni Sasahh. Hindi niya pinansin ang kaibigan. Ipinasok niya ang susi sa susian at binuhay ang makina. She sped out of the garage and merged onto the street as she tried to call Tyler.

"Sash, let me call Tyler for you. Just focus on driving." Hindi na nagreklamo pa si Sasahh nang kunin ni Samantha ang cell phone na nakalapat sa kanyang tainga at ito na ang sumubok na tawagan si Tyler.

Halos hindi niya makita ang daan sa lakas ng buhos ng ulan. Madilim na madilim ang makahoy na daan ng Antipolo pero walang takot niyang binilisan ang takbo ng sasakyan. Ang kanyang ama. Ito ang nasa isip niya. Kapag nahuli siya maaaring hindi na niya abutan ng buhay ang kanyang ama.

"Ano ba ang kasalanan ng daddy ko sa ama mo para ipapatay niya!" Sasahh muttered angrily as her eyes keep on the road.

"What?" Matalim ang matang bumaling siya kay Samantha.

"I heard your father and Senator dela fuente talking about my father! They want my father dead!" she shouted.

"Jesus!" Nahihintakutan na usal ni Samantha, mula sa tainga kung saan hawak ang cell phone ay tila nawalan nang lakas ang kamay nitong dumausdos.

"Gaano mo ba kakilala ang tatay mo, Samantha? Kaya ba talaga niyang pumatay?"

Marahan ang ginawang pagtango ni Samantha. "He's an evil. He will kill whoever he wants to kill without hesitation." Sa sinabing iyon ni Samantha ay lalo siyang nahintakutan dahilan para gumewang ang sasakyan. Nang makabawi ay binilisan niyang lalo ang sasakyan.

"I will call the police. Hihingi ako ng tulong para mapuntahan ang papa mo." Inapakan ni Sasahh ang brake nang malapit na sila sa kurbang daan pero ayaw gumana niyon.

"Damn!" She hit the brake repeatedly but it didn't work even the emergency brake.

"What's wrong, Sash?"

"Wala tayong brake."

"What!?" Sindak na bulalas ni Samantha at hindi na naituloy pa ang ginagawang pagtawag. Umahon ang matinding takot kay Sasahh habang papalapit sa kurbang daan. Sa bilis nang takbo nila siguradong mawawalan ng kontrol ang sasakyan.

"Oh, my god, Sasahh!" Tili ni Samantha nang makita ang liwanag na nagmumula sa isang sasakyan mula sa kurbadang daan. Papasalubong sa kanila. Nanigas si Sasahh nang lukubin siya nang matinding takot nang tuloy-tuloy ang mabilis na takbo ng sasakyan. Paniguradong mawawalan ng kontrol ang sasakyan kapag nasa kurbada na. Kapag ibinangga niya ang sasakyan sa gilid delikado dahil maari silang mahulog sa matarik na bangin.

Isang malakas na tili ang kapwa pinakawalan ni Samantha at Sasahh nang makasalubong ang isang ten wheeler truck sa kurbada. Tuluyang nawalan ng kontrol ang sasakyan at bumangga iyon sa railing at dirediretso sa matarik na bangin. Lalong bumilis ang takbo ng sasakyan dahil pababa iyon sa bangin hanggang sa bumangga iyon sa malaking puno.

Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay tumilapon si Sasahh palabas ng sasakyan sa nabasag na windshield. Ang wala ng malay na katawan ng dalaga ay nagpagulong-gulong pababa sa bangin, bawat hampas ng mukha at katawan sa mga matutulis na halaman at sa mga nakausling ugat ng puno ay nag-iiwan ng malalalim na sugat sa kanyang balat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top