chapter 5
Yung surname ni Alford dapat pala Gamboa ano?😂 nag-edit na lang tuloy ako sa sinful affair. Haha! Sign of aging mga bes!😂
---
She already met Alford's parents and they seemed kind. Pero ang tatay ni Alford ay mukhang strict and serious as hell. Ganoon siguro kapag lawyer. . . Oh no no! Alford is also a lawyer pero hindi naman ito mukhang strict. He actually seemed lunatic for Christ's sake! Isa sa hindi niya gusto sa lalaking ito. Mas type niya ang medyo mysterious type. . . Yung good boy, yung madaling pasunurin.
"Stop staring at me, baby." Alford said who's sitting across the table.
"Okay, Tay, sorry." Humalaklak si Alford, and it sounds cool in her ears. Masarap sa tainga ang tawa nito.
Kasalukuyan silang nasa patio at nakaupo sa patio chair.
"Halika nga dito, anak, kandong ka kay tatay."
"Ewww! Kadiri ka talaga!" Kinagat niya ang loob ng kanyang pisngi para pigilang matawa. She admits that he has a great sense of humor. He's really funny. He is spontaneous and will pull almost any stunt for a laugh. He never fails to bring a smile to anyone's face.
"Hindi ka ba nangdidiri? Mukha lang tayong mag-ama tapos gusto mo makasal tayo."
"Mag-ama? 10-year gap lang tayo. Sampung na taon ako ng ipanganak ka at kahit pagja-jakol hindi ko pa alam kaya paano akong magiging ama sa gan'ong edad."
"Ang bastos-bastos mo talaga!" Kumuha si Lyca ng isang perasong ubas mula sa bowl at binato si Alford pero sinalo naman nito ng bibig at ngingisi-ngising nginuya iyon.
Mukhang wala na talaga siyang pag-asang makawala sa lalaking ito. Napagkasunduan ng mga magulang nila ni Alford na kahit civil wedding lang muna at gusto ni Alford na ikasal na sila agad. Kahit gusto niyang humindi kanina ay hindi siya makasingit sa usapan ng mga ito dahil pinipigil siya ni Alford. Nandiyan ng hahalikan siya sa pisngi at mahigpit na yayakapin kapag magsasalita na siya.
Kapag kaharap nito ang parents niya mukha itong kagalang-galang. Iyong tipong kahit sinong magulang ay mai-in-love rito at gugustuhing maging manugang. Alam niyang hindi siya mahal ni Alford. Gusto siya nito pero hindi pagmamahal ang nararamdaman nito para sa kanya. Masyado lang niyang nasapol ang ego nito kaya siya ginagantihan. Kung ano ang plano nito ay hindi niya alam.
Pero kailangan niyang malaman ang totoong dahilan nito sa pagpapakasal sa kanya. At kailangan niyang maipakita sa kanyang mommy kung ano talaga ang totoong pakay sa kanya ng lalaking ito. Kinuha niya ang cell phone na nasa mesa, isinet niya ang recorder saka tumayo.
Matamis siyang ngumiti kay Alford. Ipinatong niya ang dulo ng daliri sa salaming mesa at dahan-dahang humakbang palapit kay Alford habang humahaplos ang isang daliri sa mesa.
"Ano ang totoong dahilan sa pagpapakasal mo sa 'kin?" Umupo siya sa hita nito at maharot na hinaplos ang pisngi ni Alford. Bahagya niyang iniawang ang labi at inilapit sa bibig nito. Binigyan lang ng maliit na espasyo. Ang kamay na may hawak ng cell phone ay ipinatong niya sa balikat nito.
"What is your real reason why would you like to marry me? Para gantihan ako sa ginawa ko?" Pabulong niyang tanong.
"I only have one true reason why I chose to take the plunge and tie the knot. Because I found the one. . . And that is you. . . I love you, Lyca." Napipilan si Lyca at inilayo ang mukha rito. Seryosong nakatingin sa mata niya si Alford.
"From the moment I laid eyes on you, I knew that you meant to be mine forever. Mahal na mahal kita, Lyca, at gagawin ko ang lahat para sa 'yo." Lumalim ang gitla sa noo ni Lyca sa sinabi ni Alford.
"Handa akong languyin ang dagat, akyatin ang bundok at sungkitin ang bituin para sa 'yo. Ganoon kita kamahal, giliw ko." Ano ang pinagsasabi ng lalaking ito?
Hinablot ni Alford mula sa kamay niya ang cell phone at tiningnan iyon. Ngumisi ito at tinapos ang recording.
"Okay na ba 'yong na-record mo? Siguradong lalo akong magugustuhan ng parents mo."
Umawang ang labi niya sa pagkabigla. Alam nito ang balak niyang gawin. Damn! Akala niya totoo. Hinablot niya ang cell phone mula sa kamay nito at pinukpok niya ito sa gilid ng noo.
"Ouch!" Sinapo ni Alford ang nasaktang noo. Alam niyang nasaktan ito, sa lakas ba naman tunog.
"Buwiset ka!" Ang tangka niyang pagtayo ay natigil nang pigilan siya ni Alford.
"Maldita ka talagang bata ka. Kapag nasa puder na kita, puputulin ko 'yang sungay mo."
"Good luck! I will make you taste hell. Dahil titiyakin kong magiging demonyeta ako kapag nasa puder mo na ako."
Tinapik niya ang pisngi ni Alford.
"Matira ang matibay, future hubby." She stood up and walked away. Sumipol si Alford at bakit pakiramdam niya sa pang-upo niya ito nakatitig.
"I'll make you taste heaven everyday, giliw ko." She raised her right hand and gave him a phallic gesture by showing her middle finger without looking at him. Isang malakas na halakhak ang pumainlanlan sa buong patio.
NILINGON ni Lyca ang ina at amang nakaupo sa unahan ng mga nakahilerang upuan, at ipinakita ang pinakamalungkot na mukhang puwede niyang magawa dahil baka sakaling maawa ito sa kanya at itigil na ang kalokohang ito, pero nginitian lang siya ng ina.
Araw ng paghuhukom! Ito ang maaari niyang itawag sa araw ng kasal nila Alford. Wala na talaga siyang nagawa pa. Isang wedding garden na idinaos sa mismong hardin ng kanilang mansiyon. At mismong ang lolo ni Alford na si Judge Romulo Guevarra ang siyang nag officiate ng kanilang kasal.
She's wearing a very simple yet classy white wedding dress, and Alford, clad in a dove gray tuxedo, looked extraordinarily handsome. His hair had been recently cut and trimmed to perfection, along with his trimmed beard.
Mga close relatives lang nila ang naroroon. Siya ang may gusto ng ganito. Ayaw niyang may makaalam ng pagpapakasal niya kay Alford. Her Best friend, Sasah was also there.
Hindi nga nagre-register sa utak niya ang mga sinasabi ni Judge Romulo. Ang iniisip niya ay kung paano makaaalis dito. Sana may dumating na kabalyero at itakas siya. Pero mukhang wala na talagang pag-asa.
"Stop thinking about escaping because that is very impossible, giliw ko," Alford said in a low voice.
"Giliw ko! Yucks!"
"Do you, Alford Guevarra, take, Lyca Veliganio to be your partner for life. Do you promise to walk by her side forever, and to love, help, and encourage her in all she does? Do you promise to take time to talk with her, to listen to her, and to care for her? Will you share her laughter, and her tears, as her partner, lover, and best friend? Do you take her as your lawfully wedded wife for now and forevermore?"
"Yes, I do," Alford responded as quick as a wink.
"Oh, Hell!" Her reaction generated laugher from the guests. Lalo ang dalawang kaibigan ni Alford na nangibabaw ang tawa. Nakaupo ang mga ito sa right side.
Naroroon din ang pinsan niyang si Tres, na akala mo ay namatayan. Nagtawanan ang lahat maliban kay Tres. Iniwan kasi ng asawa. Humingi siya ng tulong sa pinsan pero wala siyang napala.
"You slept with him kaya dapat lang kayong makasal." Iyon ang sagot ng kanyang pinsan niya.
"Do you, Lyca Veliganio, take Alford Guevarra to be your partner for life. Do you promise to walk by his side forever, and to love, help, and encourage him in all he does? Do you promise to take time to talk with him, to listen to him, and to care for him? Will you share his laughter, and his tears, as his partner, lover, and best friend? Do you take him as your lawfully wedded husband for now and forevermore?"
Pinisil ni Alford ang baywang niya na parang binabalaan siya.
"Would you really consider my answer? Because my answer will be no." Muling nagtawanan ang mga kaibigan ni Alford.
"Fuck it! This is ridiculous!" Palatak ni Dock habang tumatawa.
"After Tres forcing MM into marriage, ngayon si Alford naman. Who's next?" Natatawang ani ni Wilson.
"I'll never fucking do that for fuck's sake," si Dock.
"Shut your fucking mouth!" Angil ni Alford sa dalawang kaibigan.
Hindi na inulit ni Judge Romulo ang tanong.
"Okay, and now, seal your promises with these rings, the symbol of your life shared together. . . Lyca, please, repeat after me."
Lyca grabbed the ring from the table and she lipped it on her finger.
"Isuot muna para matapos na 'to." His face split into a shit-eating grin.
"She can't wait for the honeymoon. Nagmamadali masyado ang asawa ko." Nagtawanan ang lahat. Inikutan niya ito ng mata.
Kinuha na lang din ni Alford ang singsing at isinuot.
"By the power vested in me, I now pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride." Naiiling na patuloy ni Judge Romulo.
Alford faced her with a goofy grin plastered on his face. And she swears to hell, she wanted to knock the annoying grin off in his face.
She didn't complain when Alford cupped her face, she smiled at him sweetly instead.
"Oh, your smile is creepy. What's on your mind?"
"Kung gusto mo akong halikan, do it now, at kung hindi then, fuck off!"
Alford let out a heavy sigh before lowering his head to hers. Pero hindi siya nito hinalikan.
"Fuck it! Why I'm afraid to press my lips on you?" He murmured.
"Just kiss me." Gusto niyang matawa nang ilapat ni Alford ang bibig nito sa labi niya. Ramdam niya ang pag-aalangan nito.
She raised her arms to curl around his neck and kissed him deeply, causing him to groan. Ipinasok niya ang dila sa bibig ni Alford at nilaro ang dila nito. Alford's solid arms wrapped around her waist. They are literally making out in front of the guests.
When Alford was about to suck her tongue, she immediately pulled it back. Hinabol ni Alford ang dila niya ng dila nito hanggang sa makapasok ang dila nito sa kanyang bibig. Gotcha!
Pinaikot-ikot ni Lyca ang dila sa dila ni Alford bago iyon mariing kinagat. Umungol si Alford at pumisil ang kamay nito sa baywang niya.
"Damn! Why did you bite my tongue?!" Palatak ni Alford habang sapo ang bibig.
"Sorry! Nakakagigil, eh," she giggled. Muling nagtawanan ang lahat. Lumapit sa kanila ang kanyang ina.
"Lyca, sobra ka na!" Saway sa kanya ng kanyang mommy.
"Hijo, pagpasensiyahan mo na ang batang ito."
"It's okay, tita. I will punish her later." Alford smirked at her.
PAGKATAPOS ng kasal ay isinama na siya ni Alford sa bahay nito. Matapos niyang mag-shower ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng banyo ng silid ni Alford at sumilip.
Nasa kama si Atty. Alford Guevarra, na ngayon ay asawa na niya. He was sitting on the bed as his back leaning against the back board of the bed.
Suot ang isang reading glass habang nasa ibabaw ng tiyan nito ang laptop. He shows off his incredible physique wearing nothing but a pair of Emporio Armani briefs in the black and white image.
Okay! Inaamin niyang siya na yata ang pinaka-masuwerteng babae dahil ang lalaking kinahuhumalingan ng kababaehan ay asawa na niya ngayon. Ano kaya ang sasabihin ng mga babaeng humaling na humaling rito kapag nalaman ng mga itong pag-aari na niya ang hottest lawyer ng Pilipinas.
Nag-angat ng tingin sa kanya si Alford at ngumiti.
"Ano pa ang ginagawa mo riyan? Come here!" Tinapik ni Alford ang espasyo sa tabi nito. Lumabas siya.
"Wala ka naman sigurong binabalak gawing kalokohan?" Anito.
"Judgemental ka!" Inikutan niya ito ng mata. Humalakahak si Alford.
"Eh, kapag natahimik ka siguradong may sapi ka na naman. Halika ka, let's make our first night memorable."
"Kung sa tingin mo makaka-iskor ka nagkakamali ka." Tinungo niya ang vanity table ay umupo roon.
"You mean no sexy time?" Nakataas ang isang kilay nito.
"Exactly!" Inirapan niya ito. Alford groan in disappointment.
"But first night is ought to be special for the couple, giliw ko."
"We're not a couple." Isinaksak niya ang blow dryer at sinimulang tuyuin ang buhok.
Mula sa peripheral vision ay nakita niya kung paanong tumitig sa kanya si Alford. Akala siguro nito dahil kasal na sila ay magagawa na nito kahit anong gusto nito sa kanya. No way! Isinusumpa niyang ito mismo ang magsusuli sa kanya sa magulang niya.
Pero sana lang huwag siyang akitin ng lalaking ito. Dahil minsan ay hindi niya makontrol ang reaksiyon ng katawan niya kapag nagsimulang humaplos ang palad nito sa kanyang katawan.
Nang matapos niyang tuyuin ang buhok ay humiga siya tabi nito. Hindi siya sanay na nakapajamas. Paano ba ito? She wanted to sleep in her skimpy undies. She forcefully moved around the bed, trying to get comfortable.
"What's wrong?" Tanong ni Alford nang mapuna nito ang pagkabalisa niya. Inabot nito ang buhok niya at sinuklay ng daliri.
"Nothing. Hindi lang ako sanay na may katabi. Sa guest room na lang ako."
Alford bent over and left her a soft kiss on the lips.
"Husband and wife should sleep together." He said, and kissed her on her forehead bago nito muling ibinalik ang atensiyon sa laptop, pero ang daliri ay nagpatuloy sa pagsuklay sa buhok niya. Gumitaw ang ngiti sa labi niya. Nagugustuhan niya ang ginagawa nitong pagsuklay sa buhok niya.
Sumilip siya sa screen ng laptop. About law ang binabasa nito. Parang ang sakit sa ulo.
"Gusto mo ituloy natin ang bakasyon mo? Asia cruise for our honeymoon."
"Hindi puwede. Pasukan na next week."
"Pasukan?"
"Mag-aaral ulit ako. Um. . . I will be attending photography workshop."
"Photography? Is it your passion?"
"Feeling ko passion ko 'to, eh. So, I give it a try."
"Okay. Then, I'll support you. Bata ka pa nga." He laughed softly.
She graduated in Business Administration major in Marketing. She wanted to work in their family business. Gusto niyang makatulong naman. Sa ngayon kasi siya lang ang aasahan ng pamilya niya. Ang Kuya Jufred niya ay mukhang walang interes sa negosyo ng pamilya nila. Painting ang kinahuhumalingan ng kapatid niya. Ang Ate niya naman ay pagdesinyo ng sapatos ang hilig at hindi ang pagpapatakbo ng buomg kompanya.
Their family own one of the biggest supplier of athletics and casual footwear for some major global brands. Hindi naman siya pinipilit ng daddy niya na magtrabaho sa kompanya nila. Siguro hindi rin ganoon kalaki ang tiwala sa kanya. Ang kapatid niya kasing Jufred ang pinipilit nitong i-train.
"I haven't photographer's toolkit yet. Ibili mo ako. Wala akong pera."
Marahang natawa si Alford.
Pina-disconnect na ng mommy niya ang credit card niya kasi si Alford na raw ang bahala sa kanya. Wala rin siyang access sa sarili niyang bank account. Ang parents pa rin niya ang may access doon. Nangako ang mga ito na ibibigay na iyon sa kanya once na grumuadate na siya pero hanggang ngayon hindi pa rin.
"I will, baby. Bukas na bukas din."
"Giliw ko na lang. Nasasagwaan ako sa baby."
"Okay." Malapad pa rin ang ngiti nito. Sinarado ni Alford ang laptop . Inalis ang salamin at ipinatong sa nightstand. Tumayo ito at inilapag naman ang laptop sa ibabaw ng mesita. Binuksan nito ang lampshade at pinatay ang main switch.
Nanglaki ang mata ni Lyca nang hubarin nito ang briefs at itapon sa paanan ng kama. Humiga ito sa tabi niya at isiniksik ang sarili sa kanya.
"Ano ba ang ginagawa mo? Bakit ka nakahubad?" Naiilang siya. Nararamdaman niya ang matigas na bagay na tumutusok sa tagiliran niya. Kahit na nakadamit siya ramdam niya ang init niyon.
"I used to sleep in my birthday suit." Oh, so may common din pala sila ni Alford-- ang matulog ng walang saplot.
"Sexy time," Alford murmured against her neck, teasing her skin with his lips.
"N-n!" Tinalikuran niya ito.
"Damot!" Usal nito at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Ugh! Ayaw niya pero ang katawan niya biglang uminit. Nararamdaman niyang nagtutubig ang pagkababae niya.
Paano siyang makakatulog nito. Pajamas weren't comfortable for Christ's sake.
Alford tried to seduce her but she didn't give in hanggang sa sumuko ito at nakatulog na. Pero siya, dinalat na dilat pa rin. Hindi talaga siya makatulog sa ganitong suot.
Marahan niyang itinulak si Alford palayo sa kanya saka nagpasyang hubarin ang pajamas at itinira lang ang panties.
It feels good and more comfortable now. Alford stirred in his peaceful sleep. Not a moment later, he wrapped his arm around her body again, pulled her to him. Natigil siya sa paghinga nang maglapat ang hubad na katawan nila ng asawa. The warmth of his body soothing her.
Napangiti siya at marahang hinaplos ang mukha ni Alford. Aw! Mukhang baby ang asawa niya kapag tulog. Parang ang bait-bait.
Yumakap na lang din siya rito at ipinikit ang mata. Parang mas masarap sa pakiramdam na nakadikit ang katawan niya sa mainit na katawan nito. The warmth from his body enveloped her mind in a thin casing of security, calming her senses.
It seemed as if their bodies had been formed to fit together. It's so comfortable in his solid arms. It felt peaceful and infinitely comforting. Sharing bed with Alford was cozier than sleeping alone in her queen-sized bed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top