chapter 26
Not sure if hindi vague tong chapter na 'to sa mga naunang chapters since revised na ito. Hindi ko kasi mahanap yung old manuscript. Medyo nabago kasi ang nasa book-- yung ibang scene sa last few chapters.
-----
"HINDI ko na matandaan kung kailan huling napuno ang hapagkainan na ito," Senyora Celestia remarked, her voice lace with happiness. Kasaluyakan silang nasa hapagkainan at salo-salong naghahapunan. Nasa kabisera ng mesa si Senyor Domenico nakaupo, katabi ang esposa sa kabilang bahagi at katabi naman nito si Charles. Habang si Lyca at Alford ay magkatabi naman sa kabilang bahagi, along with Monica and Fenix and Fenix's yaya.
"Sana, Alford, apo, madalas mo naman kaming bisitahin rito. At sana dagdagan niyo na ang apo ko," si Senyora uli.
"Hayaan niyo lola. After nine months may apo na ulit kayo."
"Oh, that's great!" Senyora clamped her hands together happily. Ang alam niya ay apat palang ang apo ni Senyora at pulos babae. Mga anak ng dalawang nakababatang kapatid ni Alford. Si Charles naman ay nag-iisang anak lang din. Kapatid ng ama nito ang nanay ni Alford.
"How about you, Charles? Kailan mo kami bibigyan ng apo."
"Wala pa sa isip ko 'yan." Tugon nito habang patuloy sa pagkain.
"Charles, may lakad ka ba at nagmamadali kang kumain."
"Wala naman. Hindi ko lang gusto ang mga kaharap ko." Tumingin ito sa abuelo.
"Except the two of you," tukoy nito sa lolo't lola at kapagkuwa'y tumingin kay Lyca.
"At swempre ikaw," anito sabay kindat sa kanya na ikinatiim naman ng bagang ni Alford.
"I think I would have to change my last will and testament. Bakit sa halip na mapunta sa unang lalaking apo ang malaking porsyento ng aking ari-arian, ay sa unang apo sa tuhod na lang. Sounds great, right?" Kunot-noong nag-angat si Charles nang tingin sa abuelo.
"What do you mean, grandpa?" Charles asked, his expression harsh.
"My first great grandson will be my heir. So, Fenix will inherit the greatest percentage of properties, and the remaing percentage will be divided equally para sa iba ko pang mga apo."
"What!?" Charles's voice rose in shock.
"Nagbibiro ka ba?"
"You love this land, Charles, pero nawawalan ka na ng puso. How could you be a good leader kung ganyan ka. Good leaders must be good role model, knowledgeable in their fields, and worthy of respect. Matalino ka at magaling pero napakamainitin ng ulo mo. Hindi ko hahayaan na ikaw ang mamahala sa hacienda kung ganyan ka."
Natahimik ang lahat ng nasa hapag-kainan. Nasa mukha naman ni Charles ang galit.
"Pero sige, let's make it fair. Kapag nabigyan mo ako ng apo, lalaki man 'yan o babae walang mababago sa last will ko, pero kung mamatay akong wala ka pa ring anak, pasensiyahan na lang tayo dahil ang cabina mo lang at ang batis ang mapupunta sa 'yo."
Inabot ni Charles ang tubig at uminom saka walang paalam na tumayo.
"Domenico, ano ba naman? Ginalit mo na naman ang bugnutin mong apo."
"I just wanted to back the old Charles. Siguro kung magkakaroon siya ng sariling pamilya ay baka bumalik ang masayahing ugali niya. Nagkaganyan lang naman 'yan pagkatapos umalis ni Monica at mamatay nina Alessandro at Jericka."Ang tinutukoy ni Senyor ay ang mga magulang ni Charles.
"Grandpa, ipaubaya niyo na po kay Charles ang asyenda. Hindi po kailangan ni Fenix 'yon. Maybe, he wants to be a lawyer somebody," binalingan ni Alford si Fenix na katabi nito.
"You want to be a layer like papa, Fenix?" umiling si Fenix.
"I want to ride a horse like Uncle Charles."
"Oh, see. Mukhang Mas nanaig ang pagiging Costa niya. He wants to be a rancher like me." Nagyuko ng ulo si Monica. Guilt flickered in her face. Isa ito sa dahilan ni Monica kung bakit ayaw nitong tumira dito sa mansiyon. Dahil kay Charles at sa pamilya ni Alford na niloko nito. Ayon kay Alford ang gusto ni Monica sana ay magrenta na lang ng pansamantalang tutuluyan nito pero hindi pumayag si Alford at maging ang mag-asawang Costa nang malaman ng mga ito na may sakit si Monica. Kailangan ni Monica ng mag-aalaga rito.
LYCA looked utterly gorgeous in the royal blue silky satin dress. It clung to her curvaceous body perfectly and flared out in a gentle bell around her legs. There was nothing that she could not wear. Every dress seemed to fit wonderfully around her frame. Her hair is pulled back into a bun and thick strands fall loose, framing her gorgeous face.
"Napakaganda mo, Lyca." Mula sa salamin ay nilingon niya si Monica na nakaupo sa wheelchair. She flashed her sweet smile.
"Thank you, Monica." Pinaandar ni Monica ang wheelchair palapit sa kanya. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan.
"Si Fenix. Siya lang ang tamang nangyari sa buhay ko. Alam kong wala akong kahit na katiting na karapatan para makiusap dahil sa napakalaking kasalanang nagawa ko. Pero makikiusap ako sa 'yo, Lyca. Alagaan mo ang anak ko." Yumuko si Lyca para magtapat ang kanilang mukha.
"Hindi mo kailangan makiusap, Monica. I will take care and love Fenix like my own. Pangako 'yan." Monica sighed of relief.
"Maraming salamat sa pagtanggap kay Fenix. Kung sana'y nanatili na lang ako sa tabi ni Charles noon hindi siguro naging ganito ang kapalaran ko. Sinaktan ko si Charles ng sobra. Nasira ko ang magandang samahan ni Alford at Charles." Inabot niya ang pisngi ni Monica. Kita niya ang matinding pagsisisi nito.
"Napatawad ka na ni Charles." Kinausap ni Alford si Charles at sinabi ni Alford ang kalagayan ni Monica. Nagbago ang pakikitungo ni Charles kay Monica. Madalas na nitong kausapin si Monica at minsan ay inilalabas ng mansiyon habang tulak ang wheelchair. Tingin niya ay mahal pa rin ni Charles si Monica hanggang ngayon.
"Sana makahanap siya ng babaeng magmamahal sa kanya."
"He will. Someday I know he will find a right woman for him."
"Sige na, lumabas ka na at baka naiinip na si Alford. Happy birthday!"
"Thank you!" Nagyakap ang dalawa. Habang tumatagal ay pahina nang pahina si Monica. Ayaw talaga nitong mag-stay sa ospital noon pero ngayon ay napapayag na sa pagngungumbinsi ni Charles. Lumalaban ito para mas makasama pa si Fenix at si Charles. Nararamdan niyang may pagtingin pa rin si Monica kay Charles.
Itinulak niya palabas ng silid ang wheelchair kung saan nakaupo si Monica. Sinalubong naman sila ng personal nurse nito at kinuha mula sa kanya ang wheelchair.
"Enjoy your date with Alford." Marahan siyang tumango. Bumaba siya ng hagdan at tuwang-tuwa siyang sinalubong ni Mira.
"Nasa labas na ang karwahe mo, Cinderella. Ang ganda-ganda mo talaga!"
"Thank you, Mira!" She said through soft laugh.
Halos isang buwan na sila rito. Si Alford ay bumabalik ng Maynila kapag may mga aasikasuhing importanteng bagay at naiiwan siya rito. Hindi niya maiwan ang mag-ina rito, lalo na si Fenix. Hindi na ito gaanong maalagaan pa ni Monica dahil mabilis na itong mapagod, lalo na kapag sinusumpong ng sakit. Sinamahan siya ni Mira sa pinto at isang singhap ang kumawala mula sa kanyang bibig nang makita ang isang karwahe sa labas. May karwahe nga. At hindi bastang simpleng karwahe lang kundi napakagandang karwahe. Inayusan iyon na tila isang prinsesa ang sasakay. At mas namangha siya sa dalawang lalaking nakatayo sa magkabilang bahagi ng pinto ng carriage. The tall, dark and handsome and a cute little boy who dressed up like a coachman, none other than Charles and Fenix.
Humiyaw si Fenix ng 'Mama Lyca' at tumakbo palapit sa kanya. Hinawakan siya sa kamay saka hinila patungo sa karwahe. Yumuko si Charles bilang pagalang at inilahad ang kamay sa kanya para alalayan siyang umakyat sa karwahe. Nakangiti niyang inabot iyon at sumakay. Anong nakainin ng lalaking ito at napapayag sa ganitong ka-ek-ek-an.
"C'mon, little couchman." Binuhat ni Charles ang bata at pinaupo sa unahan saka naman ito sumakay. Nilingon siya ni Charles.
"Ready, beautiful?"
"Ready, Mama Lyca?" segunda naman ni Fenix na marahan niyang ikinatawa.
"I'm ready," she responded with a warm smile. Charles pulled on the reins and shouted. Nagsimulang tumakbo ang kabayo.
It's her 21st birthday. Hindi niya alam kung ano ang plano ni Alford. Ayaw niya naman magkaroon ng malaking handaan kaya sabi ni Alford mag-date na lang sila. Hindi niya alam na may pakarwahe ang loko. Hindi niya rin alam kung saan sila magde-date pero ang alam niya dito lang sa loob ng asyenda. Magpapa-set-up daw ito ng isang candle light dinner.
"Mabuti pumayag kang maging driver. With costume pa, ah." Uniform ang suot ni Charles at Fenix. It was deep red na patungo na sa burgundy at may sombrero.
"Pinakiusapan lang ako ni grandma," tipid nitong tugon.
"Kabaduyan talaga ng asawa mo. Pasalamat siya at birthday mo kaya pumayag ako." Marahan siyang tumawa. Mabait naman itong si Charles. Masungit sa iba pero sa kanya mabait naman.
Ilang sandali lang ay may natanaw siyang mga ilaw sa horse running field kung saan napapaikutan ng barrier. Kapag tinuturuan siyang mangabayo ni Alford ay dito sila pumupunta. Malawak ang field. Pero ang pinagtatakhan niya parang hindi naman ito simpleng candle light dinner lang. Ang engrande ng ayos ng pinakagitnang field. Pumasok ang karwahe sa nakabukas na tarangkahan at huminto sa mismong tapat ng ginawang aisle. Bumaba si Charles at Fenix. Inilahad ni Charles ang kamay at inalayayan siyang bumaba.
Kinuha niya ang kamay ni Fenix at naglakad ang dalawa sa aisle. White and purple ang mga lighting and the venue was filled with a lot of flowers. It was a majestic setting. Sa magkabilang bahagi ng aisle ay may mga bilog na mesa at may mga bisitang hindi niya kilala, but some of them sure siyang mga tauhan sa asyenda dahil nakilala na niya ang mga ito. Kumaway siya mga ito, maging si Fenix ay panay rin ang kaway. And there... oh, God! Her parents are here, and her sister and the tsikiting. Malapad ang kanyang ngiting nagmadali sa paglalakad hanggang sa lumitaw si Alford sa dulo ng aisle, clad in a burgundy Armani sports coat paired with a dark jeans, plain white V-neck shirt and black leather shoes. Aw! Ang guwapo-guwapo talaga ng asawa niya. Bagay na bagay talaga sila!
Nang makalapit ay agad siyang yumakap kay Alford.
"Akala ko ba simple dinner lang. God, paano mong nagawa ang lahat ng itong hindi ko alam?" Marahang natawa si Alford. Pinakawalan niya ito mula sa mahigpit na pagkakayakap.
"Magaling ako, eh. Happy birthday." Ginawaran siya nito ng pinong halik sa labi.
"Thank you so much!"
ITO na yata ang pinakamasayang kaarawan ni Lyca. Nandito rin si Dock, ang pinsan niyang si Tres at Wilson. Sa isang hotel pala muna nag-stay ang mga ito kasama ang pamilya niya. Kaninang umaga pa raw ang mga ito nandito sa Sta. Barbara. Si Mira naman ay sumunod. Napakagaling umarte ng babaeng iyon. Tatlong linggo na rin pala itong pinagplanuhan ni Alford katuwang ang Wedding Dream— the one of the best event organizer in the country. It was a semi-formal event.
Hindi naman nagpunta ang parents ni Alford dahil nasa ospital raw ang papa nito. Mabuti na rin iyon dahil sa sitwasyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mama ni Alford ang existence ni Fenix. Pinakiusapan ni Alford ang lola't lolo nitong huwag munang ipapaalam sa mama niya ang tungkol kay Fenix. Ito na lang ang magsasabi kapag kasama na nila si Fenix na bumalik ng Maynila. Hindi man sang-ayon ang matanda ay hindi na rin nagreklamo pa. This is so hard! Siya ang nasasaktan ng sobra para sa mama ni Alford, pero mas matinding gulo ang mangyayari kapag nalaman nito ang totoo.
Lying isn't a great thing to do. You lie, you'll eventually hurt someone. It disintegrates our trust. But there are situations where you needed to lie. Whatever your reasons for lying and hiding the truth, just hold on to what you believe will lessen the pain. Sometimes lying is the only way to protect the ones you love. Some people lie to protect someone from hurting. Alam na rin ng pamilya niya ang tungkol kay Fenix bago pa man ang mga ito nagpunta rito. Ipinagtapat iyon ni Alford pero hindi sinabi ang buong katotohanan. Natanggap naman mommy at daddy niya pero binalaan si Alford na huwag susubukang mag-uwi pa ng isa pang anak, lalo na kung bunga iyon ng pagtataksil kay Lyca dahil babawiin siya ng mga ito. Siya, si Alford, Monica at Alfred lang ang nakakaalam ng sekreto at nangakong ibabaon ang sekretong ito hanggang kamatayan nila.
Marahan niyang hinaplos ang ulo ni Fenix na kanina pa kumakain ng ice cream. Mula kanina ay dito na ito sa gelato station tumambay. Her son is so cute, and she loves him so much.
"Mrs. Guevarra, it's about time to make a wish," imporma sa kanya ng event organizer, Si Red Montero-Esquivel.
Sumunod siya rito at tinungo kung saan naroroon ang three layered fondant cake. Bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansin ang lemon tree bonsai sa isang stand sa tabi ng cake. May mga bunga iyon at ang talagang nakaagaw ng kanyang pansin ay ang mga note card na nakasabit sa duwendeng puno. Kinuha niya ang isa at binasa ang nakasulat. "Hi, Ma'am, this is a reminder that my heart still beats for your daughter" -Aford.
"I've been waiting for you for six years. Ang tagal kong hinintay na maging akin ka." Nilingon niya si Alford na ngayon ay nasa likuran na niya, hawak ang isang mikropono.
"What?"
"Six years na akong in love sa 'yo."
"What?" ulit niya sa naunang sinabi na marahang ikinatawa ni Alford.
"Since the first day I laid my eyes on you, I knew the long search for the right one was done. I've felt something that I didn't felt from any woman I've been with. I couldn't believe that a fifteen-year old brat who had a bad habit of rolling her eyes at me, can make me feel giddy like a schoolboy watching his first crush as she bats her eyelashes; that she'd placed a seal on my heart na hindi nagawa ng iba. So I told myself that you only belong to me; that you'll be the only woman I'll ever want to be with, and someday a mother to our little boys and girls."
"Alford!" Marahang bulalas ni Lyca. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaki ito? She knew Alford since she was fifteen, and he loves to tease her, kaya naman lagi niya itong tinatarayan. Pero may bagay siyang naalala sa tuwing magkikita sila. Binabati siya nito ng "Hi, my future." O 'di kaya'y sasabihin nitong "Hihintayin ko ang paghinog mo" And she rolled her eyes in a 360 degree rotation for the response. God, naiirita siya tuwing sinabi nito ang ganoon. Kinikilabutan siya! She was fifteen and Alford was twenty-four that time.
"Alford, magtigil ka nga! Mag-asawa na tayo binubola mo pa ako, eh! Ang daming taong nakatingin at nakakarinig."
"I'm telling the truth! Kahit tanungin mo ang mommy mo. May usapan na kaya kami."
"S-si, mommy? Anong usapan?"
"It was Tres' birthday party. Nilapitan ko ang mommy mo. I took her hand and kissed the back of it as a sign of respect for my future mother-in-law. Then I told her that I really like you, but I wasn't sure if I'm in love with you, yet my heart skipped a beat whenever you're there. Ang sabi ko sa mommy mo if my feelings towards you wouldn't change when you get in the right age for marriage, pakakasalan kita."
"And?" she asked, stunned.
"Your mom guffawed, but she had agreed eventually. Pero sabi niya i-enjoy ko muna ang pagiging binata ko habang wala ka pa sa tamang edad. Since then, I had been sending your mother pastries every month with note "Hi, ma'am, this is a reminder that my heart still beats for your daughter" Sa loob ng mahigit limang taon ginawa ko 'yon. Walang palya."
Her mouth and eyes agape with astonishment. Namimilog ang matang tumingin sa hawak na card, nilingon ang dwarf tree at tumingin sa kanyang ina na nakatayo kasama ang ama at kanyang kapatid, kasama ang lola't lola ni Alford. Tumango ang kanyang ina bilang patotoo sa sinasabi ni Alford. Naalala niya minsan na may nagpapadala nga ng isang dosenang cupcakes, cakes at kung anu-ano pang sweets noon sa mommy niya. Naiinis pa ang daddy niya noon at tinanong ang mommy niya kung sino ang panay padala ng mga pastries dito.
Her mom answered with giggle, "one of my favorite persons." That really annoyed her father.
God, si Alford ang taong iyon at inipon talaga ng mommy niya ang lahat ng note card. Pero bakit hindi ito sinabi sa kanya ng kanyang mommy? Kaya naman pala kung ipagtulakan siya ng mommy niya kay Alford ay para siyang tutang ipinamimigay lang, dahil boto ito kay Alford. Sino ba naman ang hindi hahanga sa ginawang iyon ni Alford. He was so brave and sweet. Sa mommy talaga niya ito nagtapat ng nararamdaman para sa kanya at hindi sa kanya. At hindi siya makapaniwala. Aware naman siyang may gusto sa kanya si Alford pero hindi niya akalain na iba ang tingin nito sa kanya kumpara sa ibang babae.
Her attention went back to Alford when he suddenly got down on one knee before her, a red velvet box with the diamond ring in his hand. Her heart started pounding inside her chest, her eyes misted over as she's holding her breath.
"Sinubukan kong ibaling ang atensiyon ko sa iba't ibang babae dahil baka nagkakamali lang ako sa nararamdamn ko, at baka sakaling makalimutan ko ang nararamdaman ko para sa 'yo dahil alam kong wala ka namang gusto sa 'kin, but I still can't help it but stalk you and send your mother a reminder that I still like you. Sinabi ko sa sarili kong magbabago ako maging akin ka lang. That I would only commit in a serious relationship kung ikaw ang babae."
"I know you didn't love me and our situation was not ideal, but I love you so damn much and I can't give you up that easily. I know that forcing you to marry me is a very selfish act, but that's the only way to make you mine, so I grabbed the chance no matter what the consequences were. I love everything about you and I'm willing to risk everything just to be with you in every second of your life; to keep you as mine forever no matter how hard it is. Will you stay with me forever? Marry me again, giliw ko!"
Lyca didn't hold her tears anymore. Hot tears are streaming down her cheeks as his words flew over her like a soft caress. She finds appealing for a man to propose on one knee. She had been dreaming about a marriage proposal from a man she'd wanted to be with for the rest of her life. Kaya galit na galit siya nang sirain ni Alford ang pangarap niyang iyon, at hindi niya inaasahan na matutupad pa iyon ngayon. Masaya na naman siya, at hindi na iyon importante pero kakaiba pa rin pala kapag ipinaranas talaga iyon ng lalaking pinakamamahal mo.
"Even though there's nothing left to save this relationship that we have, you still cared and loved me. No matter how difficult I am to deal with or even our damn situation." Lyca stated and nodded.
"Yes. I'm gonna marry you again." Parang batang humagulhol si Lyca. Tumayo si Alford at mahigpit na nagyakap ang dalawa.
"Nakakainis ka!" Marahang natawa si Alford at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
"I love you so much!" Madamdaming bulong Alford.
"I love you more! Thank you for loving me despite all my shortcomings and quirks. Thank you for pursuing me no matter how hard it was. Thank you for waiting the right time no matter how long it takes. God, Alford! Mahal na mahal kita. No doubt. I'm so in love with you right now!" She said through sobbing. Alford just groaned, squeezing her body in his arms.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top