Chapter 23
Menalwaysontop(Charles) Ito na! Huwag mo kaming iwan ni Lyca. Haha!
Hello, Jean Barlaan(#PrettyMaldita)! Sa susunod ikaw na ang kontrabida. Haha!
Milkie, my labs, Happy happy birthyday! Wishing you happiness always! I'm so thankful I found a friend like you! I love you!
HABANG magkaharap na nakaupo sa patio sa may hardin ay mataman niyang tinitigan si Monica. Nagyuko ito at bahagyang inayos ang buhok. Dahan-dahan siyang humugot ng isang malalim na buntong-hininga. She's proud of herself for being calm. Ano ang nangyari sa kanya at nagagawa niyang maging kalmado sa ganitong sitwasyon? She used to be a warfreak kapag medyo naaagrabyado siya. Niyaya niya ang babae rito para makapag-usap habang nasa kusina si Fenix at Alford na kumakain ng pancake.
"Bakit ngayon lang? Bakit ngayon mo lang sinabi kay Alford ang tungkol sa bata?" Tanong niya pagkaraan ng matagal na sandaling katahimikan.
"Hindi ko gustong manggulo, Lyca. My son needs a father."
"After four years ngayon mo lang 'yan naisip! Sana noon pa, Monica. Dahil ginusto mo man o hindi nakakagulo ka na sa amin. At bakit dito? Bakit dito kayo tutuloy? Ano ang plano mo?"
"Aalis din naman ako, eh."
"Kailan?" Ayaw niyang magpaka-ipokreta, but she wanted this woman disappear and leave them alone.
"Hindi ko pa alam. Maybe next month, after two months or more. . . Only God knows."
Anong klaseng sagot iyon? Lyca smirked.
"Do you have plan to steal my husband from me?" Naghahamon niya itong tinitigan.
"Wala," she said softly. And she hates her for being mahinhin. Parang siya pa tuloy ang nang-aapi rito. What the heck!?
"Siguraduhin mo lang! I'm not a good person to have as an enemy. You wouldn't like me when I'm angry," she spoke in the calmest tone as she could manage, but giving her a dangerous look. Monica pursed her lips and swallowed hard. Mukha naman itong natakot sa banta niya.
Iniwan niya ng titig ang babae nang marinig ang boses ni Fenix. Tumakbo ang bata kay Monica at ipinakita rito ang laruang eroplano, at kapagkuwa'y sa kanya naman tumakbo at sa kanya naman iyon ibinida.
"Look, Mama Lyca, wowa and wowo gave this to me."
"Wow! Ang ganda." Marahan siyang natawa nang umupo ito sa hita niya. Mana talaga kay Alford. Feeling close sa lahat kahit hindi kilala. Hindi mahiyain and she finds it cute. Pero sa ugaling iyon ni Alford siya nabubuwiset noon. Saksakan ng kapal ng mukha, eh. Marahan niyang hinaplos ang ulo ng bata. Nakakalma ang nagngingitngit niyang kalooban sa lambing ng batang ito.
Nang mag-angat siya ng mukha kay Monica ay napansin niya ang lungkot nito habang nakatitig sa sariling anak. Nagsisisi kaya ito na ngayon lang nito ipinaalam kay Alford ang tungkol sa bata? Kung noon nito ginawa ang bagay na iyon 'di sana may buo itong pamilya. Pero huli na, kanya na si Alford at nasa kanya ang lahat na karapatan para ilaban ang asawa niya dahil siya ang legal na asawa. Kung sasabihin ni Alford na mahal pa nito si Monica, hindi siya magdadalawang isip na iwan ito. Pero gusto niyang paniwalaan ang sinabi ni Alford na mahal siya nito at gusto nitong magsama sila habang buhay kahit na may doubt siya ay panghahawakan niya iyon.
"Is she your wife?" mula kay Monica ay bumaling siya sa nagmamay-ari ng boses. Isang matandang babae ang naroroon kasama ang isang lalaking matanda at si Alford. Ngumiti siya sa matanda. Ito marahil ang lola at lolo ni Alford.
"Yes, lola, she's Lyca." Kinuha ni Alford si Fenix. Tumayo siya at bumati sa dalawang matanda.
"Oh, I'm glad to finally meet you, hija." Binigyan siya nito ng mahigpit na yakap at kapagkuwa'y ang esposo nitong si Señor Domenico.
"Sana magtagal ka rito. Magugustuhan mo rito." Tipid siya ngumiti sa matanda. Gusto niya pero kakayanin ba niya ang ganitong set up. Ayaw niyang magtagal dito na kasama ang ex ni Alford. Ang gusto niya ay bumalik na sa Maynila kasama si Alford. Nagpalipat-lipat ang mata ng matanda sa kanya, kay Monica at Alford.
"Maaari ba tayong mag-usap sandali, hija?"
Naglakad si Lyca at Senyora Celestia sa hardin. Ang ganda pala rito. Different varieties of flowers and plants that come in all shapes and sizes, from dwarf shrubs to taller trees were growing all over the garden. The types of flowers that will wake you up in full bloom with vibrant colors. Ang ganda ng landscaping. May wishing well at wooden peddler na puno ng makukulay na bulaklak. Kumakagat na ang dilim. Bukas na ang mga ilaw rito.
"I'm not tolerating my grandson. Alam kung mahirap ang sitwasyon mo. Kung ako man ang nasa kalagayan mo ay hindi ko rin alam kung paanong tatanggapin ang ganito. Pero kawawa naman si Fenix. He needs a family. Sana tanggapin mo ang bata. Si Alford ang dapat na mag-alaga sa kanya kapag wala na si Monica." Her eyes snapped toward Senyora Celestia.
"Kapag wala na? Ano po ang ibig niyong sabihin?" tumigil sa paghakbang ang senyora at tumingin sakanya.
"Hindi mo pa ba alam?"
"Ang alin po?"
"Monica is seriously ill. She's dying." Ikinagulat niya ang sinabi ni Senyora.
"S-si Monica? May sakit?"
"She was diagnosed with colorectal cancer, at ngayon ay nasa stage four na. Tinaningan na ng doktor ang buhay niya. At gusto ni Monica na kung babawian man siya ng buhay ay gusto niyang dito sa Sta. Barbara kung saan siya ipinanganak at lumaki."
Senyora Celestia's statement shocked her. She was speechless and completely stunned, unable to take in this sudden news. It hardly registered with her state of mind. Ilang Segundo o minuto marahil siyang nakatulala at nakatingin sa matanda hanggang sa hawakan siya nito sa balikat. She blinked her eyes rapidly, trying to pull herself together after hearing a shocking news.
So iyong pagiging maputla at mukhang pagiging weak ni Monica ay dahil sa sakit niya. Napansin niya ang tila mahina nitong katawan. Naitatago lang ang putla ng labi dahil sa liptint na inilalagay. Nakaramdam siya bigla ng matinding awa para sa mag-ina. She looked up, and suddenly a jab of sadness which brought a sharp intake of breath. God, ano kaya ang nararamdaman ni Monica sa mga oras na ito? Thinking na sa bawat takbo ng oras ay nababawasan ang buhay nito, nababawasan ang mga panahon na maaari nitong makasama si Fenix. Kung siya ngang wala sa kalagayan ni Monica ay nasasaktan na, what more ang sakit na nararamdaman ng babae.
Matapos makapag-usap ay bumalik si Lyca at Senyora Celestia sa mansiyon. Nakangiti silang sinalubong ni Alford. Each time she saw this man acting as if nothing ever happened she feels like killing him. How could this man be totally sensitive? Hindi ba nito alam na nasasaktan siya sa mga oras na ito. Ni hindi niya nakitaan ng guilt sa mukha nito. Parang normal lang ang mga nangyayari at iyon ang ikinaiinis niya ng sobra.
Inirapan niya ito saka nilagpasan pero pinigil siya nito. Hinawakan siya sa braso saka pinihit paharap.
"Alford, tigilan mo ako at baka masapak na talaga kita! Napaka-insensitive mo! Babalik na ako ng Manila bukas."
"Are you sure?" hindi! Damn! Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit siya nagkakaganito? Obvious naman na hindi talaga siya pinapahalagahan ni Alford pero bakit ayaw niya itong iwan dito kasama si Monica? Dapat ba talaga niyang paniwalaan ang sinabi nitong mahal siya nito.
"Gusto mo ba akong umalis?" Buong suyo siyang niyakap ni Alford.
"Hindi ko gusto, Lyca. Gusto ko nandito ka lang."
"May sakit pala si Monica? Kung walang sakit si Monica magiging ganito pa rin ba ang sitwasyon natin? Hahayaan mo bang magkasama kami sa iisang bubong?"
"Nagseselos ka ba kay Monica?" tanong nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Itinulak niya si Alford. Ang manhid!
"Hindi. Nakakabastos lang kasi ang ganito. Nakakawalang respeto!" bago niya tinalikuran si Alford ay narinig niya itong marahas na bumuntong-hininga.
"SASAHH, Monica is dying. Naaawa ako, pero nagseselos rin ako. At naiinis ako kay Alford. He's not taking this issue seriously. Parang normal lang sa kanya ang lahat." Kanina pa sila magkausap ni Sasahh through Skype. Nasa New York na ito ngayon.
"Then sabihin mo kay Alford ang nararamdaman mo."
"No! Ayoko nga!" Ayaw niyang aminin kay Alford ang selos na nararamdaman niya. Para kasing too much na! Eh, ang insensitive pa naman ng gagu! Paano kung pagtawanan lang siya? Noong una alam niya at nararamdaman niyang mahal na siya ni Alford. Iyong pain na nakita niya sa mukha ni Alford nang halikan siya ni Tyler, sapat para masabi niyang may nararamdaman na sa kanya si Alford na pagmamahal. Pero paano kung hindi na ngayon dahil nandito na si Monica? Paano kung bumalik na ang nararamdaman nito para kay Monica? Kung mahal siya ni Alford, 'di sana kahit paano alam nitong nasasaktan siya; sana may makikita siyang pagsisisi sa mukha nito.
"Alam mo kasi, Lyca, puwedeng kaya ganyan si Alford dahil hindi naman regrettable ang mga nangyayari ngayon. Baka mahal ka naman talaga niya pero masaya siya kasi may anak siya. Eh, ikaw naman kasi, ang tanda na ng tao pero ayaw mo pa rin bigyan ng anak."
Tanging ang pagbuntong-hininga na lang ang nagawa ni Lyca. Ilang sandali pa silang nag-usap ni Sasahh bago ito nagpaalam. Maghahanap daw ito ng doctor para tumingin sa pagbubuntis ng nanay nito. Inilapag niya ang cell phone sa night stand at lumabas ng veranda. Napakaganda ng lugar na ito lalo sa umaga. Puno ng bulaklak ang paligid. Sa baba ng vereandang kanyang kinatatayuan ay isang malaking swimming pool. Napakasarap ng sariwang hangin at nanonoot sa kanyang ilong ang bango ng mga bulaklak.
As she turned back inside something caught her eyes. A crease formed on her forehead as she saw two people settled into a lounge chair, cuddling and snuggling intimately. None other than her husband and the ex. Nice! Kumuyom ang kamay niya at parang lalabas ang puso niya sa lakas ng tibok niyo sa sobrang sama ng loob.
"YOU ARE torturing your wife, daks!" usal ni Monica habang magkatabi silang nakahiga sa lounge chair. Monica called him 'Daks' ever since dahil may malaki raw siyang alaga.
"Torturing my wife? In what way?"
"For not telling her the truth. God, Alford, if looks could kill, patay na ako kanina pa. Baka hindi ko na abutin ang taning ng doktor sa 'kin. The way she looked at me scared the hell out of me." Alford chuckled.
"And I like it evey time she looks at you like she's ready to eat you alive. Pakiramdam ko kasi may nararamdaman na para sa 'kin si Lyca but she's still denying it. Isa lang naman ang gusto kong marinig sa kanya pero hindi niya magawang sabihin."
"Because she's protecting herself from a pussy-lover man."
Alford snorted. "I'm a change man."
"Don't force her. Hindi maganda ang kinalalabasan kapag hinog sa pilit."
"Are we talking about fruits here?" Marahang natawa si Monica.
"Bahala ka. Baka sa halip na umamin, ay tuluyan kang iwan dahil sa ginagawa mo." Tila pagal itong bumuntong-hininga at itinuon ang mata sa kalangitang namumutiktik sa bituin.
Noong bata pa sila ni Monica madalas silang mag-star gazing tuwing bakasyon kasama ang pinsan niyang si Charles. Silang tatlo ang matalik na magkakaibigan. Nagkakasama sila nito tuwing buwan ng disyembre at tuwing summer. Sa Sta. Barbara siya ipinanganak pero nang mag-aral ay lumipat sila ng Maynila kung saan ang lugar ng kanyang ama. Minsan ay dumadalaw naman sa kanya si Monica sa Manila. May pagkakataon ngang tumira ito sa kanila ng isang buwan lalo na nang mamatay ang mga magulang nito. Five years ago ay umalis si Monica at nagtungo ng Singapore para doon magtrabaho at ngayon na lang ulit sila nagkita.
"I like Lyca. Akala ko ba isa siyang brat at immature. Mas mukha ka pang immature sa kanya, eh." Sinundot ni Alford ang tagiliran ni Monica gamit ang daliri at marahan itong natawa.
"I know she's mad at me pero sa tuwing lalapit sa kanya si Fenix, parang natutunaw ang lahat ng galit niya. She will be a good mother of Fenix. Mahalin mo ang. . . anak ko, ah." Gumaralgal ang boses ni Monica nang biglang kumawala ang hikbi mula sa bibig nito . Tumagilid siya ng higa.
"Natatakot pa rin ako, Alford! Natatakot pa rin akong mamatay!" Tuluyan itong umiyak. Pinaunan niya si Monica sa kanyang braso at masuyong niyakap. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin dahil kahit siya ay natatakot din. Hindi niya matanggap na may sakit si Monica at malapit nang bawian ng buhay.
"Alagaan mo si Fenix. Alagaan mo ang anak ko, Alford. Please, love him like your own."
UMALIS NG mansiyon si Lyca. Gamit ang quad bike ay nilibot niya ang buong hacienda. Pumasok siya sa gubat hanggang sa mapadpad siya sa napakalinis na batis. Mukhang wala namang tao kaya lumusong siya na ang tanging suot ay itim na panties. Half-naked. Napakalamig ng tubig. Napakatahimik ng lugar na ito. Alford left the mansion with Monica. Nagpaalam sa kanya si Alford na pupunta ng ospital. Tinanong naman siya nito kung gusto niyang sumama pero tumanggi na siya.
Gusto niyang intindihin ito dahil may sakit si Monica at ulilang lubos na. Si Alford na lang ang tanging puwedeng asahan nito. Pamilya ang turing ng pamilya Costa kay Monica. Pero nasasaktan siya. She's jealous of her husband's dying ex girlfriend. Halos hindi siya makatulog nang makita niya kung paanong magyakapan ang dalawa kagabi.
At ito na naman! Lalong nadadagdagan ang inis niya. Ilang oras ba dapat abutin ang pagpapatingin sa doktor. Kaninang umaga pa umalis ang dalawa pero alas tres na ng hapon wala pa rin ang mga ito. Wala pa naman siya sa martyr category 'di ba? Maunawain lang siya. Oh, God! Kailan pa siya naging maunawain? Ang pagkakatanda niya ay isa siyang spoiled brat; self-centered. She's a kind of person who's excessively concerned with her own needs.
"Shit!" Halos mapatalon siya sa gulat nang may sumipol mula sa kanyang likuran. Agad niyang pinagkrus ang braso para itago ang latad niyang dibdib saka lumingon. She takes a sharp gasp as she saw a tall, dark and handsome man stood on the huge rock with a wolfish grin. His eyes, those deep-set eyes that were the same color as his dark hair, were half lidded with lust, feasting on her sleek bare back. Nililipad ang wavy at hanggang balikat na buhok nito. Apat na butones ang nakabukas sa suot nitong asul na polo dahilan para lumantad ang medyo balbon nitong dibdib, pinaresan ng kupas at hapit na maong na pantalon at isang brown low leather horse riding boots, at may hawak itong latigo.
"Who are you?" sa kabila ng kaba ay nagawa pa niyang magtaray.
"Hindi ako naniniwala sa diwata hanggang sa makita kita. Totoo pala." Namamanghang sabi nito habang pababa-taas ang tingin sa katawan niya.
"Tinatanong kita kung sino ka. Stop talking with nonsense!"
Ngumisi ito. "Ako lang ang may karapatang magtanong sa sarili kong lupain." Napakayabang! Mukhang nakalabas na siya sa lupain ng Costa. Parang hindi pa naman ito gaanong kalayo.
"Alright. Malay ko naman na lupain mo na ito. Akala ko lupain pa ng pamilya ng asawa ko. Pakiabot na lang ang damit ko." Nalukot ang noo nito.
"Saang lupain ka ng galing?"
"Sa Hacienda Costa! Iabot mo na ang damit ko!"
"Hacienda Costa? Sino ang asawa mo?"
"Hays!" Naasar niyang inikutan ito ng mata.
"Alford Guevarra. Now, give me my clothes!" Tumaas ang mukha nito at bahagyang tumiim ang bagang.
Niyuko nito ang damit niyang nasa bato kung saan ito nakatayo. Naaapakan pa nito ang pantalon niya. Umuklo ang lalaki at pinulot ang itim niyang bra. Hawak nito sa strap. Isang manyak na ngisi ang gumitaw sa labi nito habang nakatitig sa kanyang bra na nakabitin sa harap ng mukha nito.
"Huge cups."
"Give that to me!" Nauubusan na siya ng pasensiya rito. Tumingin ito sa kanya. Nakapaskil pa rin ang nakakairitang ngisi. He squatted on his heels.
"I'm the king of this land and no one tells me what to do. Lumapit ka rito at ikaw ang kumuha ng damit mo." Shit! Makaahon lang siya rito kakalmutin talaga niya ang mukha ng dyablo na 'to.
"Tumalikod ko." Muli lang itong ngumisi. Marahang umiling.
"No one tells me what to do. Tatalikod ako kung gusto ko, pero hindi ko gustong tumalikod kaya ikaw ang mamili. Lalapit ka o mananatili ka riyan."
"Buwesit!" Walang nagawa si Lyca kung 'di ang lumapit paatras.
Hinablot niya mula sa kamay nito ang kanyang bra. Inilubog ang dibdib sa tubig saka nagsuot ng bra. Ang T-shirt na puti ang kanyang sunod na isinuot bago umahon sa tubig. Sumipol ang lalaki habang nakatingin sa lantad niyang mga hita. Hinablot niya ang pantalon at nagmadaling isuot iyon. Ramdam niyang nag-iinit ang kanyang mukha sa pagkapahiya at matinding galit sa lalaking ito. Hindi niya alam kung paanong iaanggulo ang sarili. Kung tatalikod siya ay lalantad ang pang-upo niya sa manyak at kung haharap ay harapan ng kaselanan naman niya ang mamanyakin ng mata nito kaya tumagilid na lang siya.
"Ano ang pangalan mo?"
Hindi niya ito pinansin sa halip ay mas minadali niya ang pagsuot ng pantalon. Naisuot na niya ang isang paa. At dahil nakaangat ang isa niyang paa habang isinusuot sa pantalon at sa pagmamadali ay nawalan siya ng balanse. Ang humiyaw na lang ang siyang nagawa niya nang matumba siya at mahulog muli sa tubig. Naramdaman niyang tumama ang hita niya sa matalim na bato nang dumaudos siya pababa.
"Miss!" Tarantang hinubad ng lalaki ang polo at tumalon sa tubig at inahon siya.
"Oh, God! Oh, God!" She screamed hysterically when she saw the fresh huge scratches on her right leg.
"Miss, kumalma ka!"
"Mommy!!!!!!" Isang nakakabinging hiyaw ang umalingawngaw sa kagubatan na gumambala sa mga ibon na namamahinga sa mga puno ang pinakawalan ni Lyca. Tuluyang umiyak si Lyca.
"Shit! Namumutla ka!" Bata palang siya takot na siya sa sugat. Maliit man o malaki. Natatakot siyang makakita ng dugo. Parang lalong lumala ang takot na 'yon nang mamatay si Oreo at makita itong duguan. Inalis ng lalaki ang pantalon niya. Pinatayo nito si Lyca na iyak nang iyak. Ipinulupot nito ang polong hinubad sa lantad na lower body ni Lyca.
"Ihahatid na kita."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top