BUMALIKWAS si Lyca nang maalipungatan siya. Agad na tiningnan ang kaliwang bahagi ng kama. Plantsado ang sapin at walang bakas na tinulugan iyon. Hindi umuwi si Alford. Muli ay parang tila may sumipisil sa puso niya. She was completely overwhelmed by extreme sadness. Madaling araw na siyang nakatulog. She could feel her eyelids swelling dahil sa halos magdamag na pag-iyak.
Bumukas ang pinto ng walk-in closet at lumabas mula roon si Nanay Carmen dala ang kanyang maliit na suitcase.
"Gising ka na pala, Lyca. Ano pa ang dadalhin mo?" Her brows crumpled, running her hands through her face.
"Bakit po? Ano po 'yan?"
"Pinapaayos sa 'kin ni Alford ang mga gamit mo. Ano pa ang dadalhin mo bukod sa damit mo para mailagay ko na rito?"
"Bakit daw po? Saan daw kami pupunta? Umuwi na ba siya? Anong oras siya umuwi?" She bombarded the old woman with queries.
"Umaga na siyang umuwi. Wala namang sinabi kung saan kayo pupunta. Basta pinaayos lang ang gamit mo."
Noon bumukas ang pinto. Parang nagsomersault ang puso niya nang magtama ang mata nila ni Alford. Sa itsura nito, masasabi niyang wala itong tulog. Mukhang puyat din. Napuyat saan? Kay Monica? Agad siyang nag-iwas ng tingin nang tila mas piniga pa ang puso niya sa isipang magkasama si Alford at Monica buong magdamag. At ayaw na niyang isipin kung ano ang ginawa ng mga ito sa mga oras na magkasama ang dalawa. Lalo lang siyang nasasaktan.
"Get dressed." Muli niyang ibinalik ang tingin kay Alford nang magsalita ito.
"S-saan tayo pupunta?"
"Sa bahay ka muna ng parents mo pansamantala."
"What!?" She exclaimed in shock. Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Ngayon isusuli na siya nito.
"Dahil ba ito sa nangyari kahapon? Alford, I've already explained myself pero ayaw mo lang makinig."
"Whatever happened yesterday has nothing to do with it--"
"Oh, c'mon, Alford! Alam kong iyon ang dahilan. So, Is this your way to solve the problem? Sino ngayon ang immature sa atin? Sa halip na pag-usapan ang problema isusuli mo ako?" Her voice escalating, clearly exasperated.
"Nanay Carmen, lumabas po muna kayo." Nagpalipat-lipat ang tingin ng matanda sa kanilang dalawa.
"Kung ano man ang problema niyo, pag-usapan niyo," anang Nanay Carmen bago sila nito iniwan. Marahas niyang hinablot ang comforter na nakatakip sa katawan niya saka tumayo.
"Pupunta lang ako sa Sta. Barbara. Hindi kita pwedeng iwan dito."
"Bakit hindi mo na lang ako isama?"
"Kung pwede lang, but I can't."
"You can't kasi nga galit ka sa 'kin." Nagbuga ito ng marahas na hininga.
"Please, Lyca, stop arguing. Sumunod ka na lang muna."
Punong-puno ng pait siyang ngumisi saka itinaas ang dalawang kamag sa ere.
"Okay!"
Tinungo niya ang walk-in closet saka kinuha sa sulok ang malaking suitcase. She placed it on the thickly padded square bench in the middle of the room. She grabbed a handful of her clothes from the closet and shoved them in suitcase.
Bakit niya ipipilit ang sarili niya sa taong ayaw sa kanya. In the first place ito naman ang gusto niya. Ang isuli siya ni Alford. Dapat masaya siya.
Hindi niya kilala kung sino si Monica pero siguradong ito ang dahilan ng lahat ng ito. Ayon kay Alford ay first love nito ang babae. Ibig sabihin dating karelasyon. Baka nagkabalikan na.
"Lyca, what are you doing? Isang linggo lang akong mawawala." Hindi niya ito pinansin. Tuloy-tuloy siya sa paglagay ng gamit sa suitcase.
"Lyca, please!"
"Shut up!" Asik niya at sinabayan ng marahas na lingon kay Alford na nakatayo sa may pinto.
"Huwag ka ng magsalita at huwag ka ng mag dahilan. Ako na mismo ang aalis kung iyan ang gusto mo. And thank you! Ito rin naman kasi talaga ang gusto ko noon pa man!" Buong pagpipigil niyang huwag pakawalan ang luhang kanina pa nagbabadya dala ng galit, sakit at kung ano-ano pang emosyong lumulukob sa kanya.
HALOS lahat ng gamit niya dinala niya. Pababalikan na lang niya ang iba. Gusto ni Alford na ihatid siya pero hindi niya pinahintulutan. Binubulyawan niya ang nagtangkang lumapit sakanya, kaya sinabi ni Alford sa mga bodyguards at driver na pabayaan na lang siya. Siya ang nag-drive pero batid niyang nakasunod sa kanya si Alford.
Pagdating ng bahay ay sa kuwarto siya dumeretso. Her mother inquired her but she refused to answer her mother. Baka masumbatan pa niya ito. Kung hindi kasi sa nanay niyang nagpilit na ipakasal siya kay Alford ay wala sana siya sa ganitong sitwasyon. Hindi sana komplikado ang buhay niya ngayon.
Habang nakahiga sa kama ay bumukas ang pinto pero hindi niya ginawang lingunin kung sino man ang taong pumasok. Ayaw niyang makipag-usap muna sa kahit na sino. Bawat mabagal na hakbang ng intruder ay parang nabibingi siya. Parang naging sensitibo ang pandinig niya. Her eyes snapped to Alford's direction nang nasa kabilang bahagi na ito ng kama kung saan siya nakaharap.
"Let's talk." Nagtalukbong siya.
"I don't want to talk to you! Leave!" Matigas niyang tanggi.
"Please, Lyca!" Marahas niyang inalis ang pagkakatalukbong.
"Huwag mo akong ma-please-please! Kagabi gusto kitang makausap pero ano ang ginawa mo? Nilayasan mo ako at mas pinili mong puntahan ang Monica na 'yon. Bumalik ka sa kanya kung gusto mo and I hope she will die!" Tumiim ang mukha ni Alford.
"Dahil galit ka magsasalita ka na ng ganyan sa tao! God, Lyca! Death is a very sensitive topic. Kung si Oreo nga iniyakan mo tapos sasabihin mo 'yan sa tao. " Aba't ipinagtatanggol pa ng hinayupak na 'to. Lalong tumindi ang nararamdaman niyang galit.
"Umalis ka na at huwag mo na akong babalikan!"
Matagal na tinitigan ni Alford si Lyca Nananantiya ito. Parehas silang masama ang loob. Magsasalpukan at magsasalpukan sila nito.
"Hindi tayo magkakaintindihan, Lyca. Both of us are apoplectic with rage. We both need a break for a while."
"Na hindi naman sana mangyayari kung marunong kang makinig. Ikaw ang nagpapalala!"
"Kaya nga sabi ko mag-usap tayo ngayon 'di ba?"
"For what? Isinuli mo na ako 'di ba?"
"Hindi kita isinusuli--"
"Whatever! Umalis ka na!" Alford shook his head, raising both hands in the air.
"If that's what you want! Fine!" Iniwan siya ni Alford.
Dumapa siya at bumulalas ng iyak. She never knew this kind of pain existed. Nagkaroon na siya ng ilang boyfriend pero hindi naman niya iniyakan ang naging break up nila ng mga ito. Pero ngayon ang sakit-sakit. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa mga oras na ito. She felt as if her heart had broken into a million pieces. Buong buhay niya hindi siya umiyak ng ganito at mas lalong hindi nasaktan ng ganito. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam! She hates this kind of emotion.
"Lyca?" Boses iyon ni Alford at kapagkuwa'y may humawak sa balikat niyang nanginginig sa sobrang pag-iyak. Pinaharap siya nito at pinaupo. Umupo ito sa gilid ng kama.
"W-why are you. . . still here?" tanong niya sa pagitan ng pag-iyak. Kinabig siya ni Alford at mahigpit na niyakap.
"Tahan na! Paano akong aalis kung ganito ka? I hate seeing you cry!"
"I-ikaw ang. . . nagpapaiyak sa 'kin!" Hinagod ni Alford ang likod niya.
"Okay, I'm sorry! I'm sorry!" His soft voice soothed her and she relaxed slightly. His fingers stroked her hair from the crown of her head down over her shoulder. Matagal silang nasa ganoong ayos na walang nagsasalita hanggang sa tumahan na siya. It was strangely wonderful in his solid arms. She just felt that a lot of tension between him and her relieved.
Gusto niyang ganoon lang ang posisyon nila. Ayaw niyang umalis si Alford. Nag-ingay ang cell phone nito. Hinugot iyon ni Alford saka sinagot ang tawag.
"Yes? Inihatid ko lang si Lyca. Papunta na." Humigpit ang yakap niya sa asawa. Bakit ba tuwing may tatawag dito parang senyales iyon na maghihiwalay na sila ni Alford.
"Pupunta lang ako ng Sta. Barbara, sa probinsiya ni Mama pero babalik din ako agad. May kailangan lang akong asikasuhing mahalagang bagay. Hindi kita pwedeng iwan sa bahay. And please, Lyca, huwag matigas ang ulo mo. Huwag na huwag mong tatakasan ang mga bodyguards mo."
"Bakit hindi mo na lang ako isama? Alford, may problema tayo pero ngayon ka pa talaga aalis?"
"Pag-usapan natin ang problema natin pagbalik ko. Mahalaga lang talaga itong lakad ko." Gaano kahalaga para unahin nito iyon kaysa ang ayusin ang problema nilang mag-asawa. Gusto niyang magtanong pero hindi na lang niya isinatig.
FIVE DAYS na silang hindi nagkikita ni Alford. Nagkakausap sa phone pero hindi madalas. Kasalukuyan siyang nasa salas kausap si Deanna, ang mama ni Alford. Dinalaw niya ito. Kataka-taka rin na hindi nito alam na nagpunta si Alford ng Sta. Barbara. May hacienda ang mga lola't lola ni Alford sa mother side sa Sta. Barbara.
"Bakit walang sinabi sa 'kin si mama na nasa Sta. Barbara ang batang iyon. Bakit hindi ka isinama? Matagal na kayong pinapupunta ni mama at papa. Gusto ka nilang makilala." Nang kasal nila ni Alford ay hindi nakapunta ang lolo't lola ni Alford dahil may sakit raw ang lolo nito.
"Siguro po tungkol sa kaso ang ipinunta niya. Kaya siguro hindi na ako isinama dahil alam niyang mang-iistorbo lang ako," pagbibiro niya.
"Napakahirap talaga ng trabaho nilang mag-ama. Kung ako lang hindi ko gustong mag-abogado si Alford noon pero iyon ang gusto niya. Gusto ng batang iyon ay makatulong sa mga taong nangangailangan. He's the kind of lawyer who provides free legal help to people who cannot afford to hire a lawyer. Galit na galit 'yon sa mga kriminal. Kung hindi lang dahil sa naging banta sa buhay mo hindi niya tatanggapin ang kaso ng anak ni Congressman Atanante. He broke his own rules dahil sa 'yo."
"Ho? Dahil sa 'kin? Bakit po dahil sa 'kin?"
"Hindi ba niya sinabi sa 'yo?" umiling siya.
"Ayaw kasing tanggapin ni Alford ang kaso ng anak ni Congressman Atanante. Dapat ay si Alfred ang hahawak niyon pero mayroon din siyang hawak na kaso kaya ipinasa kay Alford. But Alford refused. Defending evildoer is against his principle. Kaso ay nakatanggap siya ng death treat. Namatay ang pusa mo 'di ba? Kagagawan iyon ng kampo ni Congressman at nagbanta na ang susunod na bala ay sa 'yo na mapupunta."
Her mouth agape in shock and horror, hand splayed across her chest. Kaya pala ganoon kahigpit sa kanya si Alford matapos mabaril si Oreo. Pero bakit hindi sa kanya sinabi iyon ni Alford? He should have let her know about this matter.
"Dapat sinasabi sa 'yo ni Alford ang mga ganitong bagay para aware ka. Ang batang 'yon talaga." Ginagawa ni Alford ang isang bagay na hindi nito gusto para protektahan siya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa bagay na iyon.
"Ma, sundan ko po kaya si Alford sa Sta. Barbara? Isasama ko na lang ang mga bodyguards."
Matamis na ngumiti sa kanya ang ginang.
"Mahal mo na ba ang anak ko?" Nahihiya siyang nagyuko.
"Siguro po. Basta gusto ko po lagi ko siyang kasama. Inip na inip na nga ako. Gusto ko na siyang makita."
Natutop ng ginang ang sariling bibig at nasa mukha nito ang matinding kasiyahan. Batid naman kasi nito na wala talaga siyang pagmamahal kay Alford. Lagi niyang binabara ang mga suhesyon nito noong pinaplano palang ang kasal nila. Nais nito ay engrandeng kasalan pero ayaw niya. Ginagap ni Deanna ang dalawa niyang palad at mahigpit na hinawakan.
"Natutuwa ako. Alam kong darating ang araw na mamahalin mo rin siya. Alford loves you so much, hija. I know that he is womanizer pero alam kung nagbago na siya simula nang ikasal kayo. Ang magkaanak ang gusto niya ngayon pero hindi ka pa raw handa sa bagay na iyon."
"Hayaan niyo po, ma. Soonest po!" Sa tuwa ng ginang sa sagot niya ay mahigpit siya nitong niyakap.
Gumanti ng yakap si Lyca. She's so lucky to have a wonderful mother in law. Hindi kompleto ang kasiyahan at hindi matatawag na perpekto ang pagsasama ng mag-asawa kung hindi kasundo ang in laws. The mother-in-law/daughter-in-law issue can cause a great deal of friction and stress between the couple gaano man nila kamahal ang isa't isa. Iba pa rin ang sayang makukuha kapag kasundo mo ang lahat.
ANG NAABUTAN ni Lyca nang marating niya ang Hacienda Costa ay mga kasambahay lang. Hapon na sila nang makarating. Inabot rin ng anim na oras ang byahe. Ayon sa katulong ay nagtungo si Senyora Celesia at Senor Domenico sa banana plantation. Si Alford naman raw ay lumabas din kasama si Fenix. Hindi niya alam kung sino ang Fenix na tinutukoy. Marahil ay pinsan ni Alford o tauhan sa hacienda. Ang pagkakaalam niya ay may mga kamag-anak si Alford na dito naninirahan. Ang dalawa namang kapatid ni Alford ay pawang nasa ibang bansa raw.
Warm welcome naman ang ibinigay sa kaniya ng mga katulong. Dinala ng mga ito ang gamit niya sa silid ni Alford. Inilibot siya sa buong mansiyon pati na rin sa silid ni Alford. Matapos siyang i-tour at makaramdam ng pagod ay ipinaghanda siya ng meryenda. Nasa salas siya at nakikipagkuwentuhan kay Mira, ang pinakamadaldal na kasambahay sa lahat, habang ang kasama niyang bodyguards ay nasa kusina, nagmemeryenda.
"Alam mo napakabait mo po, Ma'am Lyca. Kung sa 'kin, hindi ko papayagan magpuntang mag-isa ang asawa ko rito. Magkamatayan na!" Marahan siyang natawa sa sinabi ni Mira.
"Bakit naman? Bakit naman hindi ko papayagan ang asawa kong magpunta rito?"
"Hay!" Eksaherada nitong inalagay ang kamay sa dibdib.
"Hindi ka ba nagagalit na makasama niya ang ex niya rito?" Ang tangka niyang pag-inom ng juice ay natigil sa sinabi ni Mira. Bigla ay parang tinambol ang dibdib niya sa lakas ng tibok ng puso niya.
"Ex? Anong ex?"
"Ex. Ex-girlpren. Dating jowa. Akala ko nga 'yong Monica na 'yon ang asawa niya kasi 'yon ang kasamang umuwi rito. Magkababata si Sinorito Alford at Monica, nang mamatay ang mga magulang ni Monica ay nagpunta raw ng Singapore at-- ay patay!" Natigil ang katulong sa pagsasalita nang makita ang pagpatak ng luha mula sa mata ni Lyca.
"Ang daldal ko. Pasensiya na po. Akala ko kasi alam mo ang tungkol sa kanila." Inilapag ni Lyca ang baso. Nanginginig ang mga kamay niya. Si Monica ang kasama ni Alford na nagpunta rito? Parang hindi siya makahinga. Naninikip ang dibdib niya dahil sa mga natuklasan.
"Ayan na yata sila," ani Mira nang may marinig na mga boses. Nagtatawanan. Pinunas niya ang luha at hinayon ng mata ang pinto kung saan nanggagaling ang mga boses.
Si Alford, may kargang batang lalaki at may kasamang magandang babae. Nagtatawanan habang patungo sa kinaroroonan niya. Hindi siya nito mapapansin dahil abala sa pakikipagtawanan sa batang karga habang nilalaro ng bata ang robot na laruan.
Natigilan si Alford nang sa wakas ay makita si Lyca. Gulat ang bumalatay sa mukha nito.
"L-lyca," usal nito. Lumapit si Alford habang nakatingin sa kanya. Sinusuri siya. Parang hindi mapaniwalang nasa harapan siya nito. Tumayo siya.
"W-what are you doing here?" ibinaba nito ang bata. Agad namang nilapitan ng babae ang bata. Tingin niya ay tatlo o apat na taong gulang. Ang babae naman ay tila ibinabad sa suka sa putla ng balat.
"Fenix, let's go upstairs. Sa room muna tayo ni mommy."
"No! Magpi-play pa kami ni papa ng robot." Yumakap ang bata sa hita ni Alford. Sa pagkakataon na iyon ay parang hinugot ang puso niya mula sa kanyang rib cage at dinurog. Niyuko ni Alford ang bata.
"Fenix, sama ka muna kay mommy. Susunod si papa, okay?" mabilis na tumalikod si Lyca at mariing ipinikit ang mata. Her hand clenched against her chest. She can almost sense a shaft of pain rocketing through her heart. Her heart knocking frantically against her rib cage. May anak si Alford!
Don't you dare breakdown, Lyca! You will embarrass yourself.
Gusto niyang bumuka na lang ang lupa at lamunin siya. O kung masamang panaginip man ito ay sana magising na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top