Chapter 16
"KUYA TRES?" Humalik siya sa pinsan na naghihintay sa sala at komportableng naupo sa tabi nito. Paharap siyang umupo sa pinsan, nakalapat ang isang hita sa couch at ipinatong ang throw pillow sa ibabaw ng hita.
"Wala si Alford. My hearing siya ngayon."
"Ikaw ang pinunta ko."
"Bakit?" Dinuro ni Falcon ng hintuturo ang noo ni Lyca at itinulak ang ulo niya.
"Anong kalokohan na naman ang ginawa mo?"
"Kalokohan? Nagpapakabait na nga ako, eh."
"Ano ang ginawa mo kahapon?" Bahagya siyang ngumiwi. Alam na niya ang tinutukoy nito.
"Nagsumbong siya?"
"Hindi siya nagsumbong. Nagkuwento lang. Sinaktan mo ang tao, Lyca."
"Tingin mo nasaktan siya o natapakan ko lang ang pagkalalaki niya?"
"Both. Lyca, he tried to be a good husband. Ni hindi na nga magawang tumingin sa ibang babae simula ng ikasal kayo kaya sana naman pahalagahan mo naman. Bigyan mo ng chance 'yong tao."
Hindi umimik si Lyca. Nakikita naman niya ang effort ni Alford para lang maging komportable siya buhay. Para magwork ang marriage nila.
"Mahal mo ba si Tyler?"
"Hindi ko alam," aniya. Hindi na niya talaga alam. Basta ang gusto lang niya ngayon ay ang tuluyan silang magkaayos ni Alford at wala ng iba. Hindi na nga siya pumasok sa workshop para iwas gulo.
"Umaasa ka pa rin bang ma-anulled ang kasal niyo?"
Muli ay hindi niya masagot ang tanong ng pinsan. Umaasa siya at iyon ang plano niya. . . Noon. Pero ngayon ay hindi na niya alam. Visualizing her life without Alford is like an abandoned village. Walang buhay. Boring. It would be senseless and meaningless. The reasons for her to smile and be irritated will be scanty kapag nawala ito sa buhay niya.
Sino na ang gigising sa kanya sa umaga? Sino na ang yayakap sa kanya sa gabi? Paano siyang makakatulog nang mabilis kung wala nang hahagod sa buhok niya? Sino ang mangungulit at magpapansin sa kanya kapag seryoso siya sa panonood ng Kdrama.
Alford hates Kdrama and she loves it so much. Kapag nanonood siya niyon ay mangungulit na ito; e-istorbohin siya na isa sa kinaiinisan niya at nabubugbog niya talaga si Alford. Pero ang loko tuwang-tuwa pa kapag sinasaktan niya, eh. Pero ang bangayan ay mauuwi sa lambingan at mainit na pagtatalik. Oh, God! How can she live without her hubby?
Marahang natawa si Tres at ginulo ang buhok niya.
"Hindi mo na kailangan sagutin. I already know the answer.
"Galit siya sa 'kin."
"Who wouldn't be? He had booked a reservation in a fine dining restaurant last night to celebrate his 30th birthday with his brat wife pero hindi natuloy dahil ang asawa niya ay nakipaghalikan sa ibang lalaki."
"Birthday? Birthday niya?" gulat niyang tanong.
"See. Hindi mo rin alam ang birthday ng asawa mo. Oh, God, Lyca. Kahit kung ako man magagalit ako. Come to think of it. Alford used to celebrate his birthday with us. . . In a pub's private room full of scanty dressed servers and hot half naked women who's performing dirty dance. But now, he opted to make it simple. He opted to spend his birthday with you in a fine dining restaurant. . . Just two of you. It was supposed to be a happy day for him but you spoiled it."
"Oh, God!" Natampal niya ang sariling noo ng palad. Kapagkuwa'y hinampas niya ng kamay ang braso ng pinsan.
"Kasalanan mo 'to!"
"Oh, eh, bakit ako? Paano kong naging kasalanan?"
"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" Malakas na humalakhak si Falcon at pinisil ang pisngi ni Lyca.
"Brat! Don't pass the buck on me, it's all your fault."
What had she done? Birthday ng sarili niyang asawa pero hindi niya alam. Tapos nakita pa siya nitong hinalikan ni Tyler. Nagising din siya kaninang umaga na wala na si Alford. Galit pa rin talaga sa kanya.
Umayos siya nang pagkakaupo at humarap kay Nanay Carmen na naglapag ng snack sa center table.
"Nanay Carmen, bakit po hindi niyo man lang sinabi sa 'kin na birthday ni Alford kahapon?"
"Hindi mo ba alam? Pero nag-date nga kayo kagabi 'di ba? Ang sabi ni Alford gusto niyang ikaw lang muna ang makasama sa kaarawan niya."
Hays! Ito ang panget sa malaki ang bahay at hindi na sila nagkakakitaan. Hindi na rin siya lumabas ng silid kagabi pag-alis ni Alford. Palabas-labas lang siya para sumilip sa labas kung dumating na si Alford.
"Kuya Tres!" Hinampas niya ng malakas ang hita ng pinsan na ikinangiwi nito.
"I need your help! Gusto kong bumawi."
HE WAS completely distracted at the random thoughts running through his mind, weaving, playing off one another. He was being rough and cold to Lyca last night. He was fucking an asshole for making her feel like a sex object. Kahit kailan ay hindi iyon ang gusto niyang iparamdam kay Lyca. Anger had clouded his mind at nakainom pa siya kaya marahil naging ganoon ang asta niya.
Kung tutuusin wala naman talaga siyang karapatan magalit. Unang-una palang naging matapat si Lyca na si Tyler ang mahal nito at hindi siya. Ayaw nitong magpakasal sa kanya pero pinilit nila ito.
Mahal ni Lyca si Tyler at sigurado siyang kung papipiliin niya si Lyca ay hindi ito magdadalawang isip na piliin si Tyler. Patunay na lang nang sabihin nito kay Sasahh that he can handle the pain. Ano ba ang ibig sabihin niyon? Obviously, may balak pa ring makipaghiwalay sa kanya si Lyca para kay Tyler.
Naistorbo ang malalim niyang pag-iisip sa biglang pagbukas ng pinto ng kanyang opisina at tuloy-tuloy na pumasok ang kanyang abuelo.
"What do you think you're doing, Alford?" Pagalit nitong tanong habang naglalakad patungo sa desk niya.
"Nagkalat ka sa courtroom!" Gusto niyang magmura. He's fucking sick about everything in his life.
"I was feeling uninspired, sir, kaya naging ganoon." Walang gana niyang tugon. Umupo ang matanda sa visitor's chair.
"Feeling uninspired? Alford, this is a real battle and not a moot court competition. Nagmukha kang tanga sa korte kanina!"
"Sabi ko naman kasi sa inyo na hindi ko maipapanalo ang kaso ng rapist na 'yon. Mapilit kayo."
"You had performed great last hearing, Alford, so don't fool me! Nananadya ka!"
Hinawakan niya ang kaso ng anak ni Congressman Atanante dahil na rin sa banta. Kung siya lang ay hinding-hindi siya matitinag sa pananakot pero natatakot siya para kay Lyca. Maayos naman ang unang hearing. Pero kanina. . . Lutang siya at aware siyang nagmukha siyang katawa-tawa sa courtroom. Si Lyca at ang problema nila ang nasa isip niya habang nasa korte.
Pero mas magaan ang pakiramdam niya sa naging resulta ng hearing kanina kaysa sa una. . . Seeing an innocent woman who's abused by the conniving soulless creature crying and begging for him to stop bombarding her with questions was frustrating. He had an urge to stop bombarding the victim and comfort her instead.
And seeing the triumphant devilish grin on the abuser's face made him want to fucking beat the shit out of him.
"Your words and behavior will affect your reputation, your client’s reputation, and the reputation of our firm."
"I've had enough of your advice, sir, so just get off my case. I've got this!"
FEELING exhausted! He climbed out the car lazily. Habang naglalakad patungo sa pinto ay narinig niya ang pagsigaw ng isang katulong na nasa may pinto.
"Nandito na siya!"
Agad siyang sinalubong ni Nanay Carmen pagpasok palang niya ng pinto at kinuha mula sa kamay niya ang attaché case.
"Ano ba naman 'yang itsura mo." Puna ng matanda at inayos ang kanyang kurbata matapos iabot ang
attaché case sa isang katulong.
"'Nay Carmen nasa bahay na po ako. Huhubarin ko rin 'to."
"Ay hindi! Magpunta ka muna sa hardin at may naghihintay sa 'yo roon."
"Naghihintay?"
"Basta pumunta ka na lang." Pinagtulukan siya ni Nanay Carmen patungong hardin. Nagtataka man ay sumunod na lang siya.
Pagbungad palang niya ng pinto na kumukunekta sa hardin at kabahayan ay isang malamyos na tugtog mula sa isang instrumento ang kanyang narinig.
Lumabas siya at sinundan kung saan nanggagaling ang tugtog. Sa paglagpas niya ng halamang halos kasing taas niya ay natigil siya sa paghakbang. Namangha sa nakikitang ayos ng hardin.
May dalawang lalaking nakasuot ng coat habang tumutugtog ng violin. The garden filled with white star lights. Nagmumula iyon sa LED lazer light. It creates a shimmering pattern of light moving all over the garden. Parang nagliliparang alitaptap dahil maging ang punong naroroon ay puno ng lazer lights.
The garden was setting in a sensual and romantic ambiance. Red Silk sheet and a white faux fur rug were on the ground, filled with cozy cushions, food and wine. String lights, paper lanterns and candles were everywhere.
At ang nagpaperkto ng magandang hardin ay ang babaeng nakaupo sa white faux fur rug-- his wife. She's wearing a red tube dress that hit her knee. A warm yet nervous smile on her beautiful face.
Lyca stood up and he looked over her slowly. She looked amazingly beautiful from the top of her head to the point of her black heels. She had been always the hottest and gorgeous woman he'd ever seen. Bigla ang pagkabog ng dibdib niya dahil sa nakikita? Kabog ng dibdib na ngayon lang niya naramdaman. He had always been relaxed all the time; in all high pressure situations, pero bakit ngayon nate-tense siya?
He slowly walked towards her while looking at her quizzingly.
"What's this all about?" Tanong niya nang makalapit siya.
"I know I'm the worst wife ever. I didn't know your birthday and I did terrible thing on your special day. I'm so sorry! I know it was not easy to forgive but please, can you just give me another chance?" Her eyes looked trouble as she searched his face, and it melted his heart.
"'Yong sa amin ni Tyler--" hindi na niya pinatapos pa si Lyca sa sasabihin nito. Kinabig niya ito at hinalikan sa labi. Hindi niya na gusto pang makarinig ng ano pang bagay tungkol sa Tyler na 'yon.
Ilang sandaling naglapat ang labi nila.
"I'm sorry," bulong niya sa labi Lyca. Mahigpit niyang hawak ang gilid ng leeg nito, nakapulupot ang braso sa maliit na baywang ni Lyca habang ang kanilang mga noo ay magkalapat.
"Sorry if I was being rough and cold last night. Hindi ko sinasadya, Lyca. I'm so sorry!"
"I deserve it."
"No! You dont deserve it. You deserve nothing but gentleness, comfort. . . And love." Tumitig nang matagal si Lyca sa mga mata niya bago ngumiti.
"It's okay. I love rough though," anito at sinabayan nang marahang tawa.
"Hindi ka na galit sa 'kin?" Pinaikot ni Lyca ang mga braso sa leeg ni Alford habang nakatingala sa kanya.
"How can I stay mad at you? Eh, baliw na baliw nga ako sa 'yo 'di ba? Sarili ko lang ang pahihirapan ko." Malapad itong ngumiti at tuluyang nawala ang pag-aalala sa mukha.
"But promise me. Hindi ka na makikipagkita sa Tyler na 'yon, at hindi mo na siya babanggitin." Sunod-sunod ang ginawa nitong pagtango.
"I promise! Hindi na nga ako pumasok kanina sa workshop."
"Talaga? Hindi ka pumasok?" Marahang tumango si Lyca.
"No more Tyler. Pangako!" Ang bigat na nararamdaman kanina ay biglang naglaho. A sense of undeniable happiness and glorious relief filled his heart.
Sapat na marinig niya mula kay Lyca ang pangakong iyon para mapanatag siya.
He looked around.
"Is this for me?" Tukoy niya sa ginawang effort ni Lyca garden.
"Yeah. Nagustuhan mo?" Kusang gumalaw ang katawan nila sa saliw ng musika habang nakatingin sa mata ng isa't isa.
"Sobra! Sino ang nag-ayos nito?"
"Me! Kuya Tres helped me out to make it happen."
"Si Tres?"
"Pinuntahan niya ako kaninang umaga. Then, pinagsabihan. Nalaman ko mula sa kanya na birthday mo nga at humingi ako ng tulong para gawin ito. Tumulong din sina Dock at Wilson."
"Oh, they are the best." Maaasahan talaga ang mga kumag.
"Yeah, they are." Yumakap si Lyca sa kanya. Inihilig nito ang gilid ng ulo sa dibdib niya.
"Happy birthday! I'm so sorry kung sinira ko ang araw mo." Hinalikan niya ito sa ulo.
"Bawing-bawi naman. I am in a state of total euphoria right now." Muli siyang tiningala ni Lyca.
"Really?" She's happy too. Kitang-kita iyon sa mga mata nito. Hindi iyon madadaya.
"Yes. You are making me happy. Thank you!" Sinapo ni Lyca ang magkabila niyang pisngi, tumingkayad at hinalikan siya sa labi. That made his stomach flutter. For Christ's sake! He felt like a fucking schoolboy who got his first kiss from his ultimate crush.
Napangiwi siya ng wala sa loob.
Nakangiting inilayo ni Lyca ang labi mula sa kanya pero ang ngiting iyon ay nawala nang may tila mapansin ito sa mukha ni Alford.
"You don't like my kiss. Nakasimangot ka."
"Ha?" Nag-iwas ito ng tingin at lumungkot ang mukha. Agad niyang ikinulong ang mukha ng asawa at hinuli ang mata.
"Hindi sa ganoon. Hindi gan'on 'yon."
"Eh, ano?"
"I just got weird feelings in my stomach when you kissed me."
"Weird feelings?" Napakamot siya sa ulo at muling ngumiwi.
"Um. . . Kilig yata ang tawag d'on." Umawang ang labi ni Lyca at kapagkuwa'y malakas na tumawa. Hinampas siya ni Lyca sa tiyan.
"God! Hindi lang halik ang nagawa natin tapos ngayon ka pa talaga kikiligin. Niloloko mo ako, eh! Halika ka na nga, kumain na lang tayo." Hinila siya ni Lyca at naupo sila blanket.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Lyca habang nakangiti. At ito na naman ang weird feeling. . . Umaatake na naman. Pati mukha niya pakiramdam niya nag-iinit. Fuck it! Nag-ba-blush ba siya?
"K-kumakain ako. Huwag mo akong titigan. Nakakailang." Fuck! Why was he stuttering all of a sudden?
Lyca lunged towards him at hinalikan siya nito sa labi.
No tongue. Not wet. She's just pressing her soft lips on his. It could have been a brush of air across his mouth, light and delicate, and all the delicate sweetness of her assaulted him, and he wallowed in it. May kakaiba talaga sa halik ni Lyca ngayon na ang hirap ipaliwanag.
Matamis na ngumiti si Lyca. Inabot ang pisngi niya at marahang hinaplos.
"I promise that I'll be a good wife from now on," she said softly. Her eyes glowed.
-----
Gusto ko sanang stop muna ito para tapusin ang Heredera 3. Sayang kasi ang oportunidad. Hinihingi na sana sakin ng PHR ang book 3 ng Heredera kaso waley pa. Kaso baka bitayin niyo kapag binitin ko kayo. 😂 Try ko na lang pagsabayin.
---
Paano naman kasi magagalit ng matagal si Atty sa giliw niya kung ganito kaganda. 😍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top