Chapter 14
"Ano ba talaga ang nangyayari, Alford?" Tanong ni Lyca kay Alford habang nakatayo sa pinto at nakatingin sa labas ng bahay. Their house guarded with some heavily-armed men. Suot ang isang puting polo at itim na slacks na karaniwang suot ng mga bodyguards.
"Ayaw ko lang maulit ang nangyari." It's been four days nang mabaril si Oreo at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ng alaga niya.
"Papasok ako ngayon. Medyo naiinip ako rito. Lalo akong nalulungkot, eh." Nasa mukha ni Alford ang tila pag-aalangan na payagan siya pero sa bandang huli ay ngumiti na rin ito.
"Okay. Pero pasasamahan kita sa mga bodyguards. May hearing kasi ako ngayon, eh."
"It's okay. Hindi mo ako kailangan samahan. May actual shoot kami ngayon. Sa La Mesa EcoPark ang location."
"Sige, kapag maagang natapos ang hearing susunod ako. Susunduin kita." Inabot ni Alford ang pisngi niya at masuyong hinaplos.
"Huwag ka ng malungkot." Pilit siyang ngumiti. Alford is doing everything to make her happy; to make her feel better after losing Oreo.
KAHIT paano ay nalibang si Lyca sa pagkuha ng mga larawan. Kakatapos lang ng activity nila kaya naisipan ni Lyca na mahiga sa blanket na inilatag ni Tyler sa ground na nalalatagan ng Carabao grass habang nilalaro ang pusa na ibinigay ni Tyler. Isang Sphynx. Kamukhang-kamukha ni Oreo. Nabalitaan daw kasi nito mula kay Sasahh ang nangyari kay Oreo kaya naisipan nitong bigyan siya ng bago. Two weeks na lang din at tapos na ang photography workshop.
Humiga sa tabi niya si Tyler. Ang ibang kasama nila ay abala pa sa pagkuha ng mga larawan.
"Nagustuhan mo ba si Fudge?" Ibinaling niya ang tingin kay Tyler.
"Fudge?"
"Hmm. Fudge cookie?" Ibinalik niya ang tingin sa pusa at hinaplos iyon.
"Fudge. . ." She uttered and smiled.
"Hello, Fudge, I'll be your new mommy," she chucked it on its head.
"And I'll be your daddy." Tyler propped up on his elbow, facing her with a broad smile. Ang munting ngiti sa labi ni Lyca ay naglaho at bigla siyang nakaramdam ng pagkaasiwa lalo nang titigan siya ni Tyler
Pilit siyang ngumiti at itinuon ang atensiyon sa pusa.
"Salamat pala dito. I really appreciate," aniya habang patuloy sa paghaplos sa ulo ng pusa. Natigil siya sa paghaplos nang maramdaman niya ang kamay ni Tyler na humaplos sa buhok niya.
"I like you, Lyca." Her gaze averted to him. His penetrating gaze bored into her eyes, and that made her feel uncomfortable.
"I know you like me too since then. Narinig ko kayo minsan ni Sasahh na nag-uusap sa kwarto niya." Bahagyang umawang ang labi niya sa natuklasan.
"And I know that photography is really not your passion. Excuse mo lang 'to para makasama ako 'di ba?" Bahagya siyang ngumiwi. She could feel her face heating up from blushing. She felt embarrassed.
Marahang natawa si Tyler sa naging reaksiyon ni Lyca. Hinaplos nito ang pisngi niya habang nakayuko sa kanya.
"Don't feel embarrassed. It's actually cute. Thank you for admiring me, Lyca. I really appreciated it. Gusto rin naman kita dati pa, but I've chosen not to court you because I've been in painful relationship before. Ayaw kong makipagrelasyon na hindi pa ako nakaka-get over sa past ko. Ayaw kitang masaktan at ayaw kong masira ang friendship niyo ng kapatid ko."
Pagkatapos ngang matapos ang relasyon ni Tyler at ng ex girlfriend nito ay hindi na ito nagka-girlfriend pa. Humaplos ang daliri ni Tyler patungo sa kanyang baba. Masuyong humaplos ang thumb-finger nito sa kanyang baba habang nakatitig ito sa mata niya.
"I've been thinking about you a lot these past few days. I've noticed that being with you, I smile more often, my heartbeat is different from the usual, whenever you're around."
"Tyler." She could feel her heart tightened upon hearing his confession.
"I think I'm in love with you, Lyca." Nang haplusin ni Tyler ang labi niya ay mariin niyang ipinikit ang mata.
Kung noon niya siguro narinig ang mga katagang ito mula kay Tyler ay baka naglulundag na siya sa tuwa. Pero ngayon gusto niyang maiyak. Nahulog na ang loob sa kanya ni Tyler. Masasaktan niya lang ito dahil hindi na niya matatanggap ang pagmamahal nito.
Si Alford na ang asawa niya at nakapagdesisyon na siyang panindigan ang pagiging asawa ni Alford.
"Tyler--" sa pagmulat niya ng mata ay naputol naman ang sasabihin niya nang lumapat ang labi ni Tyler sa labi niya. Namilog ang mata ni Lyca at literal na nanigas.
It took several seconds for it to register in her mind; bago siya nahimasmasan at nagawang itulak ang binata at agad siyang bumangon.
"I'm sorry," hinging paumanhin ni Tyler na parang kahit ito ay nabigla rin sa sariling nagawa. Kinuha nito ang isa niyang kamay.
"Lyca, I love you," he declared.
"Tyler, kasi. . ." Natigil siya sa pagsasalita nang may maramdamang presenya ng ibang tao. Nang ibaling niya ang tingin sa kaliwang bahagi ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang makita si Alford.
"A-alford," nauutal niyang bigkas sa salita. Nakaramdam ng matinding kaba sa nakikitang ekpresyon ng mukha nito. His expression was harsh, and he was trying to hide his anger.
Bahagyang bumuka ang bibig ni Alford, umalon ang dibdib nang dahan-dahan nitong ilabas ang tila napakabigat na hininga mula sa bibig at iniiwas ang tingin mula sa kanila.
Pinagtagis nito ang bagang, tumikhim bago ibinalik ang tingin sa kanila.
"P-pi. . ." He paused, struggling to get the sentences out.
"Pinapasundo ka ni Tres. Pero kung hindi mo gustong sumama, sasabihin ko na lang sa kanya." His voice was harsh, but his expression was all hurt. He took a step back before turning his back on them.
"Alford!" He called out his name, causing him to stop in his tracks, but he didn't look back.
"S-sasama ako." Her voice trembled, her knees were trembling violently beneath her skirt at ang tibok ng puso niya ang lakas lakas at parang anumang oras ay sasabog iyon.
Naglakad palayo si Alford at tinungo nito ang sasakyan. Nagmamadali naman siyang tumayo at kinuna ang camera bag na nasa blanket, habang ang pusa ay nasa kaliwang kamay.
"Lyca?"
"I'm sorry, Tyler, but I have to go." Malalaking hakbang ang ginawa niya patungo sa nakaparadang sasakyan ni Alford. Sinalubong siya ng isa sa limang bodyguards na kasama niya at kinuha ang gamit mula sa kanya.
"Sasabay na ako sa asawa ko," imporma niya lalaki na mabilis namang sumagot ng "yes, ma'am".
Patakbo siyang umikot sa passenger side at lumulan. Ipinatong niya ang pusa sa kanyang hita. She glanced at Alford hesitantly, and her breath hitched when she saw Alford stared at the cat intently, and the clenched jaw muscles pressed through the skin on his face. His hands gripping the steering wheel so tight that his knuckles were white.
Nang mag-angat ito ng tingin at magtama ang mata nila ay kapansin-pansin ang paggalawan ng buto nito sa panga saka itinuon ang tingin sa unahan at pinausad ang sasakyan. Isinandal niya ang likod sa sandalan at pinakawalan ang hiningang kanina pa pala pinipigil. His expression and silence had scared the shit out of her.
HINDI alam ni Lyca kung paanong kakausapin si Alford; kung paano niya itong i-a-approach. Mula EcoPark hanggang sa pag-uwi ay hindi ito umimik. Kahit isang salita ay wala siyang narinig mula rito, and it bothered the hell out of her. It's frustrating!
Her eyes snapped open and averted to Alford's phone as it began to ring and dance across the nightstand. It hadn't stopped vibrating and ringing. Itinuon niya ang mata sa pinto ng banyo kung nasaan si Alford. Nagpasya siyang kunin ang cell phone nang hindi ito tumigil sa pagring.
Numero lang ang naroroon. Sinagot niya ang tawag.
"Hello?"
"Good evening! I'm a representative of Lemuria Gourmet Restaurant. May I speak to Mr. Alford Guevarra?" Boses iyon ng isang babae.
"This is his wife. What can I do for you?"
"We've contacted him to ask if he's still up for the reservation that he'd booked?"
"Oh, wait, here's my husband." Aniya nang lumabas si Alford ng banyo na tanging tuwalyang puti ang nakapaikot sa ibabang parte ng katawan nito. Kakatapos lang nitong maligo.
Agad siyang nag-iwas ng tingin nang magtama ang mata nila. She's guilty as sin!
"Ahm, from Lemuria Gourmet Restaurant," she said, holding out her hand toward him, avoiding his gaze.
Inabot ni Alford ang cell phone at kinausap ang nasa kabilang linya.
"Just cancel it. Thank you!" Initsa ni Alford ang cell phone sa nightstand at halos napakislot siya mula sa kinauupuan nang gumawa ng ingay ang pagbagsak ng cell phone. Nang pumasok si Alford sa walk-in closet ay dumapa si Lyca, isinubsob ang mukha sa unan at doon sumigaw sa sobrang frustration.
"Ang tanga-tanga mo kasi, eh!" Paulit-ulit niyang pinatalbog ang mukha sa malambot na unan pero natigil din nang marinig ang pagbukas ng pinto ng walk-in closet. Mula sa pagkakasubsob ay pasimple niyang ipinaling ang ulo sa direksiyon kung saan naroon si Alford.
Bihis na bihis ito. Mukhang may lakad. Tinungo nito ang tokador, nagsuklay ng buhok at nagwisik ng pabango. Nagtagpo ang mata nila nang tumingin ito sa gawi niya, pero agad din nitong pinutol ang pagkakakonekta ng kanilang mata. Gusto niyang tanungin kung saan ito pupunta pero hindi niya magawa.
Walang nagawa si Lyca kundi ang sundan ng tingin si Alford na lumabas ng silid at hindi man lang nagpaalam sa kanya.
HINDI mawala sa isip ni Alford ang nakitang tagpo sa pagitan ni Lyca at Tyler. They look like a couple who are deeply in love with each other.
Lyca was lying on the picnic blanket while Tyler propped up on his elbow next to her, glancing down at Lyca lovingly. Mula sa pagbaba niya ng sasakyan ay nakita niya kung paanong haplusin ni Tyler ang mukha ni Lyca, at kung paanong hinayaan ni Lyca na halikan ito ni Tyler.
Nanginginig ang kalamnan niya sa mga oras na iyon. Gusto niyang sugurin si Tyler at bugbugin. At ang pusa. . . Sigurado siyang bigay iyon ni Tyler.
Lyca is really in love with Tyler! The fact that he doesn't want to accept. Mukhang wala na talagang pag-asang magwork ang marriage nila.
In love ang asawa niya sa ibang lalaki. Ano ang laban niya? He could see how Lyca tried to give their marriage a whirl. Pero hindi naman kasi natuturuan ang puso.
"Attorney Alford Guevara! Is that really you?" Si Wilson na nakaupo sa harapan niya.
Kasalukuyan silang nasa penthouse ni Tres. Sa halip na nasa isang fine restaurant at kasamang magdinner ang asawa ay dito na lang siya nagpunta. He'd booked a table for two tonight in a fine dining restaurant, but his perfect plan was ruined.
"Kailan ka pa nagpaapekto sa babae?"
"She's my wife," diin niya. Sinabi niya sa mga kaibigan ang problemang kinakaharap.
"Sana sinapak mo na lang ang Tyler na 'yon. You have the right to do so. Ikaw ang asawa," si Dock.
"I can but I've chosen not to. My fucking ego was wounded already at kapag ginawa ko 'yon, ano? Kakampihan ni Lyca si Tyler? Alam mo naman kung paanong magsalita ang babaeng 'yon. Kaya kong mapahiya kahit sa harap ng pamilya at kaibigan niya pero sa harap ng lalaking 'yon. . . I think that was too much."
He grabbed his beer and drank the cool, bitter liquid. Umaasa na baka sakaling makatulong para makalma ang kanina pa niyang nagngingitngit na kalooban. Nang maubos ang laman ay inilapag niya ang bote sa center table at muling nagbukas ng isa.
"Isipin niyo, ah! Umalis ako ng bahay pero hindi man lang nagtanong kung saan ako pupunta. This is my worst birthday ever for fuck's sake."
Kaarawan niya ngayon at ang nakagawiang pagcelebrate kasama ang mga kaibigan sa isang VIP room full of horny, uninhibited naked woman ay tinapos na niya. This time, he wanted to spend his birthday with his own wife. Siya at si Lyca lang!
Hindi rin alam ni Lyca na kaarawan niya. Nang batiin siya kaninang umaga ng mga katulong ay tulog pa ito.
"'Yan naman ang gusto mo 'di ba? Hindi mo gusto ang clingy na babae. Ang cool nga ni Lyca, eh, walang pakialam sa 'yo," ani Wilson at sinundan ng tawa. Pinukol niya ito ng masamang titig.
"Gusto mo sa 'yo ko ibunton ang galit ko, ah, pare?"
Natatawang itinaas ni Wilson ang dalawang kamay. "Sorry, pare! I don't know but seeing you fucked-up is making me laugh. It's entertaining." Binato ni Tres si Wilson ng kung ano. Katabi niya itong nakaupo sa mahabang sofa habang si Wilson at Dock ay nasa pang-isahang couches sa harapan nila.
"Tumahimik ka nga! Palibhasa wala ka ng pag-asang makanahap ng babaeng mamahalin mo. Your future was already made by your manipulative parents."
Wilson snorted. "Bakit si Mhelanie, how are you sure na babalikan ka pa n'on?" Bigla ang pagdilim ng mukha ni Tres.
"Gagu ka, ah!"
"Hep hep! Tumigil na kayo at mamaya magkainitan pa kayo." Awat ni Dock.
"Pero may point itong si Wilson, Alford dude. Seeing you miserable is entertaining." Malakas na tumawa si Wilson at ang sarap talagang bigwasan ng hayup.
"Sanay na sanay kaming ikaw ang nagpapaiyak sa babae. But look at you now. You seem to be in pain. Ngayon alam mo na ang pakiramdam nang ginago ng karelasyon."
Nagtagis ang mga ngipin niya sa sinabi ni Dock. Fuck it! Ito na talaga ang karma niya. And he admitted that the feeling he gets at this moment was unbearable. Hindi niya gusto ang ganitong klaseng pakiramdam, at nakakaramdam siya ng takot sa maaari pa niyang maramdaman kung magpatuloy ang pakikipagkita ni Lyca kay Tyler.
Isinandal niya ang ulo sa ibabaw ng sandalan at itinuon ang mata sa kisame. Mariin niyang ipinikit ang mata nang biglang mag-init iyon. Did tears well-up in his eyes?
"Tang-ina!" Palatak niya at ikiniling ang ulo pagkatapos iangat ang sarili mula sa sandalan.
Napansin niyang matamang nakatitig sa kanya ang tatlo at wala na ang nang-iinis na ekspresyon ni Wilson. Nasa mukha ng mga ito ang simpatya.
Tinapik ni Tres ang tuhod niya.
"Okay lang 'yan, dude. Don't give up on her," ani Tres.
Hindi siya umimik. Dinala na lang niya sa bibig ang bote ng beer at ininom ang malamig na likido. Baka sakaling makatulong para makabawas ng problema niyang nagkakapatong-patong na.
"Happy 30th birthday!" Wilson said in a happy tone, trying to lighten the mood a bit. He raised the bottle in a toast, and they clinked their bottles.
"For my worst birthday ever," he said before downing the beer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top