Chapter 7

On repeat: Metro (Re-recorded)-Berlin


Dahil tapos na ang training niya sa bawat station, ang next round naman ng training ay ang paggawa ng mga reports.

Kitchen ang lifeblood ng bawat tindahan kaya dito siya mag-uumpisa.

As usual, ang trainer niya ay si Mam Angie.

Siya ang dakilang shadow ng kitchen manager.

Pero hindi tulad ng nag-umpisa siya na iniiwasan niyang lumapit dito, ngayong medyo nakikilala niya na ito, nagkikuwentuhan na silang dalawa.

Pagdating niya ng hapong iyon, ang sumalubong sa kanya ay si Mam Angie at ang napakaraming folders.

May folder para sa quality checks, inventory, orders, performance reviews ng mga kitchen crew, memoramdum, updates pati na din sa equipment maintenance.

Color-coded ang mga ito.

Binuksan ni Mam Angie ang drawer at pinakita sa kanya ang iba't-ibang klase ng thermometers na ginagamit.

Iba ang para sa pagkain at iba din ang para sa mga equipments.

Merong bilog ang hugis na may patusok na probe.

Ang para sa griddle ay mabigat, may cover na plastic pero heatproof at flat ang dulo.

May wire na tinutusok sa isang parihabang temperature reader.

Sa dami ng ginagawa nila at sa sobrang busy ng store, milagro na nagagawa ito lahat ni Mam Angie.

Nang magtanong siya kung paano niya ito ginagawa, sinabi nito na malaking tulong sa trabaho niya ang grupo ng core crew kung saan si Alyana ang leader.

"Maasahan ko siya na gawin ng tama ang trabaho. May respeto din sa kanya ang mga crew kaya sumusunod sa kanya kapag inuutusan niya." Kita sa mukha ni Mam Angie ang pride habang nagsasalita.

Part ng trabaho nila ang magdelegate.

Pero hindi basta-basta inuutos ang isang trabaho.

Kailangang i-train ng mabuti ang crew bukod sa dapat ay may taglay na leadership qualities din ang mga ito.

"Importante ang tiwala sa trabaho natin." Paalala nito sa kanya.

"Pero hindi ito basta-basta binibigay. They have to earn your respect at magagawa nila iyon kung nakikita natin na maganda ang performance nila sa trabaho."

Nakatayo silang dalawa noon sa tapat ng walk-in freezer.

Bitbit niya ang dalawang makapal na thermal jacket at hawak naman ni Mam Angie ang rectangular handheld thermometer at ang wire na may clip sa dulo.

Everyday, kinukuhanan nila ng reading ang cold storages.

Hindi sapat ang reading sa built-in thermometers.

Kailangang manual na kuhanan nila ng temperature ang walk-in freezer at walk-in chiller.

"Magjacket ka muna bago tayo pumasok." Kinuha ni Mam Angie ang isang jacket at sinuot niya din ito.

"Ready?" Tanong nito ng pareho na silang nakajacket.

"Ready." Excited na sagot niya.

Una siyang pinapasok ni Mam Angie.

Pagpasok niya, gusto niya na lumabas ulit.

Nanuot sa manipis na blouse at slacks niya ang lamig tapos parang bigla siyang nabingi.

Dinig na dinig ang tunog ng air vent sa loob.

Nilakasan ni Mam Angie ang boses niya habang pinapakita sa kanya kung saan dapat isabit ang clip.

Umilaw ang thermometer ng pindutin niya at nakita niya ang mabilis na pagbaba ng temperature.

"Zero degrees Fahrenheit to -40 ang standard temperature ng walk-in freezer."

Tumango lang si Trish.

Gusto niya ng lumabas pero hindi pa umaabot sa reading ang thermometer kaya ngatog niyang pinagmasdan ang square screen.

Nang pumatak na sa tamang reading, hindi niya na hinintay na sabihan siya ni Mam Angie na lumabas.

Nauna na siya.

"Oh my God." Kinuskos niya ang mga palad.

"Sobrang lamig."

"Wala pa iyan, Mam. Imagine mo na lang kapag nagi-inventory ako. Mas matagal ako sa loob."

"Hindi ka ba nilalamig?"

"Siyempre naman. Pero sanay na ako."

Dahil hindi na siya takot kay Mam Angie, mas lalo niyang na-appreciate ang katrabaho.

Bukod sa marami itong alam, hindi niya ito kinakitaan ng pagmamayabang.

Nalaman niya na eighteen years old ito ng magtrabaho bilang crew.

Sa ibang tindahan ito nagtrabaho.

Naging regular siya bago dumating ang six months ng kontrata niya.

"Ayoko sanang magmanager dati."

"Bakit naman?"

"Gusto ko sanang mag-masteral kaso hindi natuloy."

"Anong nangyari?"

"Nagretire ng maaga si Papa. Kinausap niya ako at sinabi na kung gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral, ako na ang bahala sa tuition ko."

"Bakit hindi mo tinuloy?"

"Hindi na kaya financially. Hindi naman kasi malaki ang pensiyon ni Papa. Si Mama naman, walang trabaho. Dahil may opportunity, nagdecide ako na sunggaban na. Sayang naman kasi."

"Happy ka ba sa ginagawa mo?"

"Minsan."

"Minsan?"

"Wala namang tao na happy all the time di ba?"

Tumango siya.

"Sabi nga nila, it's a choice. Kung gusto mong maging masaya, iyon ang gawin mo. Kung gusto mong maging miserable, choice mo din iyon. Ang mahirap eh iyong hindi ka pumipili kundi lagi ka na lang naghihimutok na walang magandang nangyayari sa buhay mo."

Pagbalik nila sa kitchen, tinuro naman sa kanya ni Mam Angie ang mga produkto na kinukuhaan ng temperature.

Naka-itemized per station ang bawat products.

Ang tip ni Mam Angie, gumamit ng at least three thermometers para puwede niyang kuhanan ng temperature ang iba't-ibang products ng sabay-sabay.

"Dapat marunong kang dumiskarte, Mam." Payo nito.

"Sa dami ng ginagawa natin, hindi tayo puwedeng mag-aksaya ng panahon."

Habang nakikinig kay Mam Angie, hindi lang tungkol sa operations ang natutunan niya.

May mga life lessons din siya na napupulot.

Mabuti na lang at hindi na siya masyadong ilag dito.

Hindi katulad ni Mam Mica na wala ng ginawa kundi magkuwento tungkol sa mga gimik niya o di kaya ni Sir Roger na wala ng bukambibig kundi ang mga babae na nakasama niya, mature mag-isip si Mam Angie.

Oo nga at prangka ito lalo na kung meron siyang nakaligtaang gawin pero napansin niya na mula ng mag-usap sila tungkol sa pagiging strikta nito, bihira na nitong singhalan ang mga crew.

Nilalapitan niya ang mga ito at kinakausap.

Iyong mga sobrang pasaway, dinadala niya sa office.

Napansin din ni Trish na hindi na ito masyadong haggard.

Kahit si Alyana, nagcomment tungkol sa pagbabago ni Mam Angie.

"Parang may kakaiba kay Mam Angie." Pasimpleng sabi nito habang binubuhusan ng gravy ang tatlong cups ng rice.

"Anong iba?" Sumubo siya ng baon na chicken afritada.

"Hindi na masyadong mainitin ang ulo niya."

"May dahilan ba para mag-init ang ulo ni Mam?"

"Dati kasi, kahit walang dahilan, parang siya ang gumagawa ng paraan para mangunsumi."

"Grabe ka naman."

"Totoo, Mam. Bigla na lang kaming magugulat kasi maririnig na lang namin siya na sumisigaw."

"Ayaw mo ba na hindi bad trip si Mam?"

"Nakakapanibago lang kasi. Baka hindi na siya masyadong kinukunsumi ng tatay niya o di kaya ni EJ."

"That's good di ba? At least happy tayong lahat kasi happy din si Mam"

Tumango lang si Alyana.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top