Chapter 4
On repeat: Let Me Go- Hailee Steinfeld
First time magclosing ni Trish at nanibago siya sa pagpapalit ng schedule.
Dahil isang buwan siyang opening, alas-singko pa lang ng umaga ay gising na siya.
Pinilit niyang matulog ulit pero dilat na dilat na ang mga mata niya kaya bumangon na lang siya at nag-almusal kesa hintayin na dalawin ulit ng antok.
Pagdating niya sa store, mabigat ang pakiramdam niya.
Hindi pa man nagsisimula ang shift niya pero pagod na siya.
Nakaidlip kasi siya bandang alas-diyes.
Pero imbes na marefresh, nanlulumo siya ng gumising.
Si Mam Angie at Sir Justin ang kasama niya sa shift.
Hanggang alas-nuwebe lang si Sir Justin.
Silang dalawa ni Mam Angie ang magsasara ng tindahan.
Nang malaman ni Alyana na closing siya, sinabi nito na hindi sila nakakauwi on time.
Nasa crew room silang dalawa at patapos na ang break niya ng dumating ito.
"Malimit lampas alas-dose na kami lumalabas ng store."
"Bakit naman?"
"Iyong ibang closing kasi, ang bagal kumilos. Iyong iba naman, puro daldalan ang ginagawa. Parang mga ayaw magsiuwi."
Masaya sana kung kasama ni Trish si Alyana kaso day off nito.
Buti na lang at nawarningan na siya kung ano ang nangyayari sa gabi.
At least alam niya kung ano ang dapat asahan.
Mas madaming tao sa hapon kumpara sa opening shift.
Mas maingay at mas nakakastress kasi sobrang dami ng orders pati na din ng customers.
Pagpatak ng alas-kuwatro, tuloy-tuloy na ang peak period hanggang alas-otso ng gabi.
Hindi siya nagkaroon ng chance na magbasa ng manual dahil tumulong siya sa floor.
Dahil trained na siya sa lahat ng station, pumupunta siya sa station na may bottlenecks.
Halos isang oras din siya sa French Fries station dahil trainee lang ang kasama niya.
Ang haba ng mga resibo na nakasabit sa holder.
Hindi kasi dumating ang trainer nito kaya ang pobreng crew, nangangapa sa gagawin.
Dahil nakikita niya na nagi-struggle ito, nagsabi siya kay Mam Angie na tutulong siya sa French Fries station.
Nang makita niya ang patong-patong na resibo ng pending orders, pinayagan siya.
Bakas sa mukha ng crew na kinakabahan ito.
Pero part ng pagiging manager ang pagmomotivate sa mga empleyado.
Para kumalma, kinausap niya ang trainee na Jessa ang pangalan.
Sinabi niya dito na nandoon siya para tumulong.
"Kaya natin 'to, okay?"
"Kalma ka lang."
Nahihiyang tumango si Jessa.
Ninenerbiyos pati ang ngiti ng crew.
Siya ang naglalagay ng frozen potatoes sa basket at nagluluto.
Sa combined effort nila, nakabawi naman sila.
Mabuti na lang at mabilis mag-scoop ng fries si Jessa kaya nailalabas din agad ang mga pending orders.
If only she can say the same thing about the fryers.
Timed ang cooking at dahil sa tuloy-tuloy na production, minsan ay naglo-low heat ang equipment.
Kailangan niyang hintaying bumalik sa standard temperature bago maglagay ng basket ng frozen potatoes.
Bago siya i-relieved ni Sir Justin, pawis na pawis na siya.
Hindi lang mukha niya ang oily kundi pati na din ang braso at mga kamay.
Nangangalay na din siya dahil sa ilang beses na pagloload ng basket na puno ng frozen potatoes.
Bago siya nag-apply bilang management trainee, hindi niya alam ang level ng effort na required ng trabahong pinasok niya.
Dahil ngayon may idea na siya kung ano ang nangyayari behind-the-scenes, narealize niya na it wasn't what she expected.
Pagod ang katawan at isip niya.
Most of the time, nasa floor sila.
Wala masyadong time na allotted to do the administrative portion of their jobs.
Sinabihan siya ni Sir Mario tungkol dito.
"This is the reality, Mam Trish." Nasa office silang dalawa at katatapos lang i-check ni Sir Mario ang exams niya sa soda station.
"Noong nasa management course ka, they present to you the ideal aspect of the job. Pero once na nasa store ka na, doon mo makikita ang tunay na nangyayari. Kung hindi ka didiskarte, hindi mo magagawa ang mga reports mo. Ang directive kasi ng corporate office, visible dapat lagi ang mga managers sa floor. Kapag naabutan nila na walang manager, humanda ka na."
"Paano iyong mga slack stores?"
"Torture kapag doon ka na-assign. Gusto nilang mameet ang targets pero ayaw namang magbigay ng budget."
Hindi sinagot ni Sir Mario ang tanong niya pero may idea siya kung gaano kahirap ang buhay sa mga tindahan na hindi masyadong mabenta.
Nang gabing iyon, maga-ala-una na sila nakalabas ng store.
Nakalingat kasi si Jessa at hindi napansin na umaapaw na ang oil sa filtering machine.
Nasigawan tuloy siya ni Mam Angie.
Kahit inis ang mga kasamahan, tulong-tulong sila na nilinis ang langis na bumaha sa sahig.
May kumuha ng yelo sa malaking ice machine at binuhos sa langis para tumigas.
Mas madali daw kasing linisin kapag ganoon ang ginawa bukod sa hindi aagos ang langis sa ibang station.
Habang nagmamop, narinig niyang sumisinghot si Jessa.
Nilapitan niya ito at kinausap.
Pero kahit anong sabihin niya dito para kumalma, lalo lang itong umiyak.
Mas napahiya kasi dahil nasermonan ni Mam Angie sa harap ng mga kasamahan niya.
Kahit naiinis din siya sa nangyari, hindi naman ginusto ni Jessa ang nangyari.
Pagod na din ito at napi-pressure kasi mag-isa lang.
Hindi nakatulong ang pagbubunganga sa kanya ni Mam Angie pero ayaw niya namang makialam.
Sinabihan na din siya dito ni Alyana.
Kapag naging dragon daw si Mam Angie, mas maigi na umiwas.
Baka kasi sila daw ang mabugahan ng apoy.
Ang sabi ni Jessa, ayaw niya na daw bumalik sa store.
Magreresign na daw siya.
Kinausap siya ni Trish.
Sinabihan na pag-isipan ang gagawin niya.
"Walang trabaho na madali." Paalala niya sa crew.
Nang matapos niya ang reports pati ang pagtsi-check ng counter at dining stations, halos hindi na siya makalakad papunta sa kotse.
Nang makapasok, sumandal siya sa driver's seat.
Naisip niya na tama nga siguro ang mommy niya.
Dapat nagnurse na lang siya.
Pero hindi iyon ang gusto niya.
At saka takot talaga siya sa dugo.
Bumuntong-hininga siya bago pinaandar ang sasakyan.
Parang hindi niya na kayang magdrive.
Pero hindi siya makakauwi kaya kailangan humugot siya ng lakas.
Binuksan niya ang purse na nasa passenger seat at kumuha ng KitKat.
Ayon sa orasan sa dashboard, kinse minutos na lang ay ala-una na.
Pinaandar niya ang makina at dahan-dahang nagreverse.
Nang mapatingin sa rearview mirror, nakita niya na kalalabas lang ni Mam Angie.
May kasama itong dalawang crew.
Hininaan ni Trish ang volume ng music.
Binaba niya ang bintana at nang mapatapat si Mam Angie at ang mga kasama, tinawag niya ito.
"Mam, hatid ko na kayo." Anyaya niya.
Napatingin si Mam Angie sa dalawang crew na kumaway kay Trish.
"Huwag na, Mam. Ihahatid naman nila ako sa terminal."
"I insist. Umaga na, Mam. Baka matagalan kayo maghintay ng sasakyan lalo na at late na."
"Oo nga po, Mam Angie." Sabi ni Leo, ang stockman nila.
"Mas safe pa kayo kung isasabay kayo ni Mam Trish." Dagdag pa nito.
Saglit itong nag-isip.
"Hindi ba nakakahiya sa iyo, Mam? Baka malayo ang uuwian mo?"
"Okay lang. Wala namang traffic."
Ang hindi niya sinabi dito ay kung nagmamaneho siya at the speed of more than a hundred ten kilometers per hour without the traffic, nasa bahay na siya in twenty minutes.
Nagpaalam na si Mam Angie sa mga crew.
Umikot ito at binuksan ang passenger door.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top