Chapter 28

On repeat: All You Wanted-Michelle Branch

***

Pagtigil ng sasakyan sa tapat ng bahay nina Trish ay nauna siyang bumaba sa van.

Tinulungan niya ang yaya ng mga bata na ibaba ang stroller.

Sumunod si Mariel at ang Eric.

Dala naman ng mga ito ang iba pang gamit.

"Ready ka na, tol?" Tanong ni Eric kay Trish habang nakatayo sila sa harap ng gate at naghihintay na buksan ito.

"Medyo. Kinakabahan pa din ako pero no choice. Nandito na tayo eh."

"Ako nga din kinakabahan kasi baka galit pa din sa akin si Charlie. Pero okay lang. Kaya ko namang harapin kung ano ang sasabihin niya."

"Kaya natin ito, Kuya." Nginitian niya ang kapatid.

Nahalata niya sa mga mata nito ang pangamba.

Pareho sila ng nararamdaman dahil mula ng umalis siya ay hindi niya na nakausap ang mga magulang.

Nang bumukas ang gate ay excited na pinapasok sila ni Yaya.

Sa sobrang tuwa niya ay niyakap niya si Trish.

Ang sabi pa ay malimit siyang hanapin ng mommy niya.

"Siguradong matutuwa iyon dahil nandito ka."

Sinadya ni Trish na magpahuli.

Nasa likuran siya ni Eric at Mariel kasama ang yaya ni Maya at Nico.

Mabigat ang mga paa niya habang humahakbang papasok sa bahay.

Hindi niya din makaila na nakadama siya ng lungkot at pananabik ng makita ang dati nilang bahay.

Pero dahil sa sitwasyon ay napilitan siyang umalis.

Bago nila marating ang pinto ay bumukas na ito.

"Enrico nandito na ang mga anak mo." Masayang sabi ng mommy niya.

Nagmano si Eric at Mariel pati na din ang mga bata.

"Mommy," Atubiling bati ni Trish.

"Anak," Bigla itong yumakap sa kanya sabay umiyak.

"Akala ko eh titikisin mo kami." Naluluhang sabi ng mommy niya ng bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.

Hindi siya makapagsalita dahil umiiyak din siya.

"Elvira, nasaan ka..." Bumukas ang pinto at lumabas ang daddy ni Trish.

Natigilan ito ng makitang nag-iiyakan ang mag-ina sa labas ng bahay.

"Tama na iyan." Mahinahong sabi niya sa asawa at anak, "baka kung ano ang isipin ng mga kapitbahay? Pumasok na kayo at hinihintay na kayo ni Charlie." Inakbayan niya si Trish.

Nag-angat siya ng tingin at nakitang nakangiti ang daddy niya.

Ang takot na naramdaman niya kanina ay nawala.

Siguro tama nga ang Kuya Eric niya.

Baka nga hindi na galit ang parents niya.

Pagpasok nila ay nakaupo sa wheelchair si Charlie at nanonood ng basketball sa TV.

Naiiyak na nilapitan siya ni Trish sabay niyakap.

Nawala na ang boy-next-door appeal ng kapatid niya.

Ang dating makinis na mukha na kinaiinggitan di lang ng mga lalake kundi lalo na ng mga babae ay may mga linya dala ng hirap ng buhay.

Pumayat din si Charlie.

Pero ang hindi nabawasan sa kapatid ay ang kakulitan nito.

Nang makabawi na sa iyakan ay tinanong nito agad si Trish kung totoo ang sinabi ng mommy at daddy niya.

"Ano iyon?" Nakasimangot na tanong niya.

"Alam mo na iyon. Kaya nga kina Kuya Eric ka nakatira di ba?"

Napalingon ang mommy nila na nasa kusina at tinutulungan si yaya na maghanda ng lamesa.

"Tigilan mo ang kapatid mo, Charlie. Baka mamaya eh magwalk-out iyan pag napikon."

"Ibig sabihin ba niyan, Mommy, eh babalik na si Trish dito?"

"Kung gusto niya."

"Iyon naman pala, Tol. Nasa iyo ang desisyon." Kinindatan siya ng kapatid.

Nakatingin kay Trish si Eric at Mariel.

"Puwedeng iba na lang ang pag-usapan natin." Pag-iwas na sagot niya.

"Bakit, anak? Ayaw mo na bang bumalik dito?" Tanong ng mommy niya.

"Hindi naman po sa ganoon, Mommy."

"Eh anong problema?" Daddy niya naman ang nagtanong.

"Alam niyo naman po ang nangyari the last time di ba? Hindi ba natin pag-uusapan iyon? Kasi mula po ng umalis ako hanggang ngayon eh ganoon pa din po ako. Wala pa ring nagbabago sa akin."

"Anak," Binitawan ng mommy niya ang hawak na plato.

Lumapit ito sa sala kung saan sila lahat nakapuwesto.

"Tulad ng sinabi ko sa Kuya Eric mo, alam namin na nagkamali kami sa ginawa namin. Bilang magulang ay naiintindihan ko ang takot na naramdaman ng magulang ni Marky. Pero hindi namin sinaalang-alang ang damdamin mo. Hindi ka din namin dapat pinaalis dahil sa hindi nagustuhan ang sinabi mo. Nang mawala ka ay naisip namin si Charlie. Ayaw namin na tuluyang lumayo ang loob ninyo dahil sa hindi namin inuuwa ang sitwasyon ninyo."

"Pero hindi niyo man lang ako hinanap?" Bakas ang pagtatampo sa boses ni Trish.

"Sinabi sa amin ni Eric kung nasaan ka. Dahil kasama mo siya ay alam namin na ligtas ka."

"Sigurado na po ba kayo na hindi magiging isyu sa inyo ang pagiging bisexual ko?"

"Anak, pinag-aaralan din namin ng daddy mo ang lahat. Pero sana makita mo na sumusubok kami. Mahal namin kayong lahat at hindi mo maialis sa amin ang mag-alala. Ang gusto lang naman namin ay makitang maayos ang kalagayan ninyo." Naluluhang paliwanag ng mommy nila.

"Sorry din po, Mommy, kasi ako agad nagsabi sa inyo ni Daddy. Noong time na iyon po kasi eh naguguluhan din po ako."

"Dahil ba sa may mahal ka?" Walang habas na tanong ni Charlie.

"Kuya naman." Hinataw niya sa braso ang kapatid.

"Ganyan ka din dati noong naging kayo ni Marky." Sabi ni Eric. "Hinataw mo din ang braso ko. So, ibig sabihin niyan eh may mahal ka nga."

"It doesn't matter." Lumungkot ang itsura ni Trish.

"Anong it doesn't matter?" Naguguluhang tanong ng daddy niya.

"Sino ba iyan at pinapasakitan ka? Lagot sakin iyan."

"Daddy, ang babae po di sinasaktan." Sabi ni Trish.

"Babae ba?"

Tumango si Trish.

"Ilang beses ko na po kasi siyang nireject eh. Hindi ko po siya masisisi kung mawalan na siya ng interes sa akin."

"Si Angie ba iyan, tol?" Siniko ni Mariel si Eric sa bandang tiyan.

Nakita ni Trish ang ginawa ng manugang.

"Alam niyo?"

"Halata naman kasi na may something sa inyong dalawa." Si Mariel ang sumagot.

"Sinabi ko kay Eric pero ayaw niyang maniwala. Pero babae din ako. Alam ko ang itsura ng brokenhearted. Noong last time kasi na nasa bahay siya eh daig pa ang nalugi. Parang pasan niya ang daigdig."

"Kung gusto mo siya, bakit di ikaw ang gumawa ng paraan?" Mungkahi ni Charlie.

Napatingin sa kanya ang lahat.

"Hindi mo malalaman kung tatanggapin ka pa ni Angie kung hindi mo siya tatanungin."

"Eh paano nga kung ayaw niya na sa akin?"

"Ganoon talaga ang kalakaran, anak." Sabi ng daddy niya na nakaakbay sa mommy niya.

"Pero tama si Charlie. Kung hindi mo kakausapin si Angie, kung sino man siya, eh hindi masasagot ang tanong mo."

Tiningnan ni Trish ang buong pamilya niya.

Mula sa parents niya hanggang sa mga kapatid at kay Mariel ay kita ang encouragement sa mga mukha ng mga ito.

Kahit madalang na silang mag-usap ni Angie lalo na ngayon na nag-iingat sila na huwag mapag-usapan ng mga tsismoso at tsismosa ay nabuhayan siya ng pag-asa.

Bago natapos ang gabi ng reunion ng family nila ay may nabuong desisyon sa isip niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top