Chapter 27
On Repeat: Someone New-Eskobar feat. Heather Nova
***
Dalawang buwan ng nakatira si Trish sa bahay ni Eric at Mariel.
Sanay na siya sa bago niyang tirahan at routine.
Kapag wala siyang pasok ay tumutulong siya sa pagbabantay sa dalawa niyang pamangkin.
May nag-aalaga sa dalawang bata pero alam ni Trish na kahit mabait ang manugang niya ay kailangan niyang makisama.
Ayaw niya na may masabi itong hindi maganda.
Baka mamaya ay paalisin siya at masira ang maganda nilang pagsasama.
Magkasundo pa naman sila ni Mariel at tinuturing niya na itong kaibigan.
Pag-uwi niya isang hapon ay naabutan niya ang mag-asawa sa kusina.
May red wine sa table at may nakasalang na roast chicken sa oven.
Nakatalikod ang Kuya niya at marahang hinahalo ang nilulutong gravy.
Nakasuot ito ng itim na apron at nakapamewang pa.
Si Mariel naman ay naghahanda na ng mga plato at utensils.
Tumingin ang dalawa ng mapansin na nasa bahay na siya.
"Anong celebration?" Hinila niya ang isang upuan at pasalampak na umupo.
Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Ikaw na ang magsabi."
Tumingin si Eric sa kapatid at ngumiti.
"Masusundan na si Nico." May pagmamalaking sabi nito.
"Talaga?" Excited na tugon ni Trish.
"Congrats!" Tumayo si Trish at nilapitan si Mariel para halikan sa pisngi.
"Ilang months na?"
"Tatlo. Di muna namin sinabi kasi dalawang beses na akong nakunan. Baka kasi maudlot na naman ito kung uunahan namin." Sagot ni Mariel.
"Wow. Nakakatuwa naman. Excited kayo for sure." Umupo na ulit si Trish at pumitas ng pulang ubas sabay sinubo.
"Excited naman. Pero ang sabi ko sa kuya mo, after nito ay magpapatali na ako. Tama na ang tatlo. Quota na."
"Okay na din naman ako sa dalawa pero binigyan pa kami ng isang blessing kaya lalong mas okay." Masayang sabi ni Eric.
"Alam na nina Mommy at Daddy?"
Nagkatinginan ulit ang mag-asawa.
Si Eric ang sumagot.
"Oo. Alam na nila. Pupunta nga kami doon sa Sabado. Sama ka." Pinatay niya ang apoy sa kalan at inabot ang pot holder na nakasabit sa gilid ng kitchen counter.
"Huwag na. Baka masira pa ang happy mood kapag nandoon ako."
"Tol, hinahanap ka ng ni Mommy noong tumawag ako. Tinatanong niya kung kumusta ka na daw?"
"Anong sabi mo?"
"Ano pa eh di okay ka. Sabi ko di ka naman pasaway. Ang bait mo nga eh."
Umikot ang mga mata ni Trish.
"Kumusta na sina Mommy?"
"Hayun. Dinala niya si Daddy sa doktor kasi sumasakit ang batok. High blood kaya niresetahan ng gamot. Ang hilig kasi kumain ng lechon kawali. Di ba favorite niya yung balat tsaka ang taba?"
"Eh si Mommy? Okay naman siya?"
"Oo. Ayos naman si Mommy. Maliban sa rayuma niya eh wala naman daw siyang problema."
"Okay naman pala sila eh. Di ko na kailangang sumama."
"Tol," Sinalin ni Eric ang gravy sa clear bowl.
"Mas gusto mo bang dumalaw kung hindi sila okay?"
"Kinosensiya mo ba ako?"
"Hindi naman. Kaya lang parang okay naman na sina Mommy at Daddy sa'yo. Di ka naman siguro hahanapin ng mga iyon kung galit sila sa'yo di ba?"
"Baka mamaya sermonan lang ako ng mga iyon masira lang ang mood ko. Ayokong mag-away kami."
Nilingon ni Eric ang asawa na tahimik lang na nakikinig.
"May isa pa nga akong gustong sabihin sa'yo."
"Ano iyon?"
"Nasa bahay si Charlie."
Nanlaki ang mga mata ni Trish.
"Anong ginagawa ni Kuya sa bahay?"
"Naaksidente siya sa work. Si Mommy pala ang emergency contact niya. Tumawag ang ospital at pinuntahan siya ni Mommy."
"Kaya ba nahigh blood si Daddy?"
"Unrelated ang high blood niya sa pagbalik ni Charlie. Ewan ko pero parang okay naman na sila. Kaya siguro gusto ka din nilang makita."
"Ano iyon? May nangyaring himala kaya all of a sudden okay na sina Mommy? Di ako naniniwala."
"Siguro naisip nila na kung hindi nila bubuksan ang isip nila eh lalong lalayo ang loob ninyo ni Charlie."
"Ewan ko, Kuya. Parang duda ako."
"Alam mo nagulat din ako. Di naman ako nagbabanggit ng tungkol sa'yo kasi tulad mo, ayoko din na may masabi sila na hindi maganda. Nasasaktan din ako kasi kapatid kita. Pero bigyan mo sila ng chance. They are trying." Pakiusap nito sa kanya.
"Natatakot lang ako, Kuya. The last time I saw them was very traumatizing for me."
"Aminado naman si Mommy na mali ang ginawa nila na makipag-areglo sa parents ni Marky. Naipit din kasi sila tsaka natakot dahil sa ginawa nito."
"But it still doesn't give them a reason to arrange my marriage."
"Kaya nga I want you to come with us on Saturday para makausap mo sila. Isa pa, ayaw mo bang makita si Charlie?"
"Siyempre gusto ko."
"Kung ganoon eh di let's all go together?"
"Pag-iisipan ko. Ano bang nangyari kay Kuya Charlie?" Iniba niya ang usapan.
"May kinukuha daw sa stockroom. Di niya napansin na hindi maayos ang pagkakapatong ng isang box. Nabagsakan siya sa likod. Kinailangan niyang maoperahan kasi matinding damage na nangyari. Buti na nga lang at naagapan dahil kung hindi baka pati paglakad niya eh naapektuhan. Iyon din ang isang reason kung bakit pupunta tayo sa Sabado. Para kumustahin si Charlie." May sundot sa konsensiyang sinabi ni Eric.
"Buti at sumama si Charlie kina Mommy."
"Nagkaiyakan nga daw noong dumating sila sa ospital. Di naman kasi puwedeng pumirma ang mga barkada niya kung sakaling may mangyari sa kanya habang inooperahan."
Bumuntong-hininga si Trish.
"Bakit ganoon ano? Minsan kailangan pang may mangyaring sakuna o krisis bago magbago ang isip ng isang tao?"
"Di naman ganito ang gustong mangyari nina Mommy. Nagkataon lang, tol."
"Sige, Kuya." Tumayo na si Trish, "magbibihis muna ako."
"Kakain na din tayo kaya bumalik ka agad."
Tumango si Trish at iniwan na silang mag-asawa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top