Chapter 26
On repeat: Let Go-Safety Suit
***
"Anak, sigurado ka ba sa gusto mong gawin?" Naghahapunan si Angie at ang kanyang ama.
Wala siyang pasok kaya pagkatapos niyang linisin ang bahay ay nagpunta naman siya sa palengke para mamili ng mga sangkap para sa menudo.
Pagdating na Papa niya ay nakahanda na ang lamesa.
Bumili din si Angie ng Coke at nilagyan niya ng yelo ang baso nilang mag-ama.
"Opo, Pa. May nakausap po akong isang manager sa ibang store. Tinanong niya po ako kung nag-apply daw ako papuntang Canada. Open pa daw kasi ang temporary foreign worker program doon at baka gusto kong subukan."
"Aba eh magandang oportunidad iyan."
"Binigay niya din po sa akin ang website ng agency kung saan siya nag-apply. Wala naman pong mawawala kung susubukan ko di ba?"
"Wala naman anak." Sumeryoso ang itsura ng kanyang ama at parang malalim ang iniisip.
"May problema po ba, Pa?"
"Ha?" Hindi ito natuloy sa pagsubo ng kanin na may sarsa ng menudo.
"Bakit mo naman naitanong?"
"Para po kasing may gusto kayong idugtong sa sinabi niyo kanina?"
"Anak, natutuwa ako sa plano mo. Medyo nalulungkot din kasi iiwan mo ako."
"Pa, kapag nakuha ko ang permanent residency eh puwede ko po kayong kunin. Eh di magkakasama pa din naman tayo."
"Kung sakaling matuloy ka sa balak mo, maiiwan natin ang nanay mo."
Binitawan ni Angie ang hawak na kutsara.
Nang magdesisyon siya na tingnan ang oportunidad sa abroad, hindi niya naisip ang bagay na ito.
Oo nga at wala na ang kanyang ina pero kahit papaano ay nalungkot din siya sa sinabi ng kanyang Papa.
"Puwede naman po nating ipakiusap sa mga kakilala natin na bantayan ang puntod ni Mama. Maiintindihan naman po siguro niya na kung bakit ko ito ginagawa."
"Bakit nga ba bigla kang nagdesisyon na mag-abroad anak? Dati naman eh wala kang nababanggit tungkol dito."
Huminga ng malalim si Angie.
Sasabihin ba niya sa ama ang nangyayari sa trabaho?
Ayaw niya itong mag-alala.
"Ang dami ko na pong nabalitaan na mga katulad kong manager na nangibang-bansa. Hindi ko lang po binibigyang pansin dati kasi okay naman tayo dito. Pero tumatanda na din po ako, Pa, bukod sa nandito ang oportunidad. Sayang naman po kung palalampasin ko di ba?"
"Kunsabagay. Kailangang makipagsapalaran kung may gusto kang marating sa buhay mo. Pero huwag ka sanang magagalit sa itatanong ko sa iyo ha?"
"Ano po iyon?"
"May kinalaman ba ang nangyayari sa inyo ni Trish kaya mo gustong umalis?"
Natigilan sa pagsandok ng kanin si Angie.
"Bakit niyo naman po naitanong iyan?"
"Kasi noong birthday mo, nagwalk-out siya. Tapos hindi mo na siya nababanggit at hindi na din siya dumadalaw dito. May nangyari sa inyong dalawa?"
"Wala naman po, Pa. Nagkausap na nga kami ni Trish. Okay naman po kami."
Half-truth lang iyon.
After ng nangyari sa kanila ng huli siyang pumunta sa bahay nina Trish ay hindi na sila masyadong nagkakausap.
Bukod sa umiiwas sila sa mga tsismoso at tsismosa, medyo masakit pa din ang puso niya.
Hindi talaga magtagpo ang damdamin nila.
Ayaw niya din namang ipagpilitan ang sarili niya dito.
Naisip niya na kung siya din naman siguro ang nasa kalagayan ni Trish at may nangungulit sa kanya ay hindi din siya matutuwa.
Ang isa pang dahilan ay ang pagbabago ng pagsasama nila ni Sir Mario.
Iyon ang isa pang gumugulo sa isip niya.
Malamig ang pakikitungo nito sa kanya.
Civil naman ang store manager kapag nasa store sila pero ramdam ni Angie may pader sa kanilang dalawa.
Kaya naman ng banggitin ng manager ang tungkol sa opportunity sa Canada ay pinag-isipan niya kung baka panahon na para tumingin siya sa ibang oportunidad.
Oo at maiiwan niya ang ama pero tulad ng sinabi niya dito, kung susuwertehin siya ay madadala niya ito sa abroad.
"Kung sigurado ka sa desisyon mo at kung sa tingin mo ay makabubuti ito sa'yo, walang problema sa akin, anak." Nakangiting sabi ng Papa niya.
"Thank you po. Naniniwala naman po ako na kung ito din ang kaloob ng Diyos eh makakaalis po ako."
Nang mga sumunod na araw ay hindi nag-aksaya ng panahon si Angie.
Pagkatapos ng shift niya ay diretso siya sa mall.
Inasikaso niya ang mga requirements at pagkatapos ay pumunta siya sa computer shop para i-submit ang electronic copy ng mga dokumento.
May kakaibang enerhiya siyang naramdaman.
Kahit mahaba ang proseso at alam niya na sumusugal siya sa ginagawa ay determinado siya sa gustong mangyari.
Pagkatapos niyang i-submit ang requirements ay may natitira pa siyang kalahating oras sa computer rental kaya ginamit niya ito sa pagreresearch.
Nagresearch siya sa website ng Canadian immigration para magkaroon siya ng ideya kung gaano katagal ang pagpoproseso ng mga papeles niya.
Gusto niya ding magkaroon ng maraming impormasyon tungkol sa foreign worker program kaya nagbasa din siya tungkol dito.
Five minutes bago mag-expire ang oras ay naglog-out na si Angie at naghanda ng umuwi.
Paglabas niya ng computer shop ay mayroon siyang nakasalubong.
Isang tao na matagal niya na ding hindi nakikita.
"Angie." Nakangiting bati sa kanya ni EJ.
Mag-isa lang din ito.
"Uy. Kumusta na?"
"Heto. Okay naman. Ikaw lang?" Tumingin si Ej sa likuran niya na parang may hinahanap.
"Oo. Ako lang. Ikaw? Saan ang dyowa mo?"
Tumawa si EJ.
"Wala. Single ako."
"Ikaw? Single. Hindi ako naniniwala." Sinabayan siya nitong maglakad papunta sa may escalator.
Balak niya din kasing mag-grocery.
"Totoo. After mo, pahinga muna ang puso ko."
"Hindi ako naniniwala. Baka lagnatin ka sa sinasabi mo?"
"I'm not kidding. Totoo pala iyong kasabihan na you don't know what you got till it's gone."
Ngumiwi lang si Angie pero kahit alam niyang hindi mabubuhay ng walang girlfriend si EJ eh kita sa mga mata nito na hindi siya nagsisinungaling.
"Eh ikaw? Bakit solo flight ka?" Naunang sumakay si EJ sa escalator at tumayo si Angie sa likuran niya.
"Single din ako eh."
"Ba't di na lang tayo ulit? Single ka din naman pala eh." Hinarap siya ni EJ.
"Hay naku. Tama na iyong minsan eh naging tayo. Huwag na nating ulitin."
"Ganoon ba ako kasama?"
"Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo?"
"Hindi na. Gusto kong magsorry sa lahat ng pagpapasaway na ginawa ko sa'yo dati. You didn't deserve it."
"No woman deserves to be treated like that. Tao kami hindi laruan."
"I know that. Kaya nga when you broke up with me, nag-isip ako. I treated you so bad when we were together. I took you for granted and I was wrong to do that."
"Ikaw ba talaga si EJ? Baka impostor ka ha?"
"Ange, kilala mo naman ako. I'm not a bad person."
"Hindi ka nga bad person pero kung paulit-ulit mong ginagawa ang mga kalokohan mo, what does that make you?"
Bumaba na si EJ at hinintay na makababa siya sa escalator.
"Kaya nga single ako eh. It's been months. Ang hirap. I feel as if I'm going through withdrawal."
"Hindi naman talaga madaling magbago eh. Pero kung gusto mo talaga, gagawin mo lahat di ba?"
Tumango si EJ.
"Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
"May inaasikaso lang."
Sinulyapan ni EJ ang purse niya.
"Naga-apply ka?"
"Ba't mo naman naitanong?"
"May requirements folder ka eh."
Tiningnan niya ang dating nobyo.
Kahit maraming atraso ito sa kanya, mapagkakatiwalaan niya ito ng mga sikreto.
"May isa akong kaopisina. Iyong sister niya, manager din sa fast food. Kakaalis lang niya last week papuntang Canada." Sabi ni EJ.
"Gaano katagal siyang nagprocess ng papeles?"
"Mga isang taon din. Pero worth it naman daw eventually dahil first world country ang pupuntahan niya. Nag-apply ka din ba?"
Tumango si Angie.
"That's good. Sayang ang opportunity di ba?"
"Kaya nga eh."
Tumigil si EJ sa tapat ng furniture store.
"Good luck sa plano mo. I will pray na makaalis ka."
"Do you really mean that?"
"Oo naman. Kahit naman naging sakit ako ng ulo, I only want the best for you, Ange."
"Thank you."
"Siya. Mauuna na ako. Hindi ka pa ba uuwi?"
"Hindi pa. Dadaan pa ako sa grocery."
"Okay. Mag-ingat ka."
"Ikaw din."
Ngumiti si EJ at iniwan na siya.
Habang naglalakad papasok sa grocery ay ang gaan ng pakiramdam ni Angie.
Hindi niya inakala na makikita ulit ang ex-boyfriend.
Pero ang mas ikinagulat niya ay ang naging usapan nila.
They were both mature.
Pinag-usapan nila ang naging issue sa kanila ng hindi siya nakaramdam ng bitterness.
Pakiramdam ni Angie ay lumuwag ang space sa puso at isip niya.
Inisip niya na good omen ang naging pag-uusap nila ni EJ.
Siguro ay tanda na ito ng mas marami pang magagandang bagay na mangyayari sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top